You are on page 1of 24

8

Filipino
Unang Markahan – Modyul 8:
Mga Hakbang sa Pananaliksik tungo sa
Pagpapahalaga sa Katutubong Kultura
(Panitikan sa Panahon ng Katutubo,
Espanyol at Hapon)

LU_Q1_Filipino8_Module8
AIRs i - LM
LU_Q1_Filipino8_Module8
FILIPINO 8 (Panitikan Sa Panahon Ng Katutubo, Espanyol At Hapon)
Unang Markahan - Modyul 8: Mga Hakbang sa Pananaliksik tungo sa Pagpapahalaga sa
Katutubong Kultura
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul


Mga Manunulat: Aizha O. Quiñola at Estefania S. Dela Rosa
Mga Tagasuri: Josephine D. Halog, Macrina O. Cruz , Larry O. Barbasina
at Jomari B. Banut
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Jaime Z. Romero Jr.

Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_Q1_Filipino8_Module8
8

Filipino
Unang Markahan – Modyul 8:
Mga Hakbang sa Pananaliksik tungo
sa Pagpapahalaga sa Katutubong
Kultura
(Panitikan sa Panahon ng Katutubo,
Espanyol at Hapon)
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Sapulin

Malugod na pagbati sa iyo kaibigan. Batid kong nakapagpamalas ka ng


kagalingan sa mga nakaraang gawain. Ngayon ay haharap kang muli sa mga
pagsubok na lalong ikauunlad ng iyong kaalaman at ikalilinang ng iyong kakayahan.

Kaibigan, ngayon ay sasapulin at gagalugarin mo ang mga pagsubok tungkol sa


mga hakbang sa pananalisik tungo sa pagpapahalaga sa katutubong kultura. Tunay
na sa iyong paglalayag ay makasasalubong mo ang mga tinik ng karunungan na
dapat mong tiisin at paghusayan upang maipunla ang bagong kaalaman na lalong
lilinang sa iyong sariling talino at kakayahan.

Matutuklasan mo sa modyul na ito ang araling may kaugnayan sa mga hakbang


sa paggawa ng pananaliksik at palalawakin din ang iyong kaalaman tungkol sa mga
pahayag sa pag-aayos ng datos.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs)

1. Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa


binasang datos. (F8PB-li-j-25)
2. Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos
na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino.
(F8PU-li-j-33)
3. Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos (una, isa
pa, iba pa). (F8WG-li-j-23)

Mga Tiyak na Layunin


1. Natutukoy ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik;
2. Nakikilala ang mga bahagi sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik;
3. Natatalakay ang mga pahayag sa pagsasaayos ng datos; at
4. Nakasusulat ng isang halimbawa ng resulta ng pananaliksik batay sa mga
nakalap na datos.

Kaibigan handa ka na ba? Kung gayon maaari mo nang simulan ang mga
pagsubok sa aralin.

1 LU_Q1_Filipino8_Module8
Aralin
Mga Hakbang sa Paggawa
8.1 ng Pananaliksik

Simulan

Binabati kita sapagkat ikaw ay nasa ikawalong modyul na. Sadya ngang ang
tao ay mapanaliksik sa iba’t ibang nagaganap sa ating paligid. Ngayon ay ihanda ang
iyong sarili sa mga gawaing may kaugnayan dito. Handa ka na ba? Sige, simulan na
natin!

Gawain 1: Subok_talino!
Panuto A : Tukuyin kung tama o mali ang nilalaman ng bawat pangungusap. Isulat
ang titik T kung wasto ang nilalaman ng pangungusap at M kung mali.
Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.
_______1. Ang pananaliksik ay isang masistematikong paghahanap ng
mahahalagang impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa.
_______2. Ang pagrebisa at pagwawasto ng burador ay isang hakbang na
binibigyang-pansin upang maitama ang nilalaman ng pananaliksik.
_______3. Ang layunin ng pananaliksik ay itinuturing na pinakapuso ng anomang
katha na kumokontrol sa takbo ng sulatin.
_______4. Ang paggawa ng talatanungan ay hakbang na makatutulong sa pagpili ng
paksa.
_______5. Walang pananaliksik na matatapos kung walang paksang gustong pag-
aralan

Gawain 2: Ibigay mo!


Panuto B : Magbigay ng dalawang paksa na maaaring gawin sa pananaliksik na may
kaugnayan sa inyong kultura. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.

Unang Paksa:
__________________________________________________________________________

Ikalawang Paksa:
__________________________________________________________________________

Mahusay! Naisakatuparan mo ang unang gawain. Ngayon ay ipagpatuloy natin


ang paglalayag mo upang lalong mapag-ibayo ang iyong kaalaman.

2 LU_Q1_Filipino8_Module8
Lakbayin

Nasubukan mo na bang gumawa ng pananaliksik? Pamilyar ka ba sa mga


hakbang sa paggawa ng pananaliksik? Halina’t samahan mo ako sa bagong
kaalaman na lilinang sa iyong isipan.

Alam mo bang…
Ang pananaliksik ay isinasagawa upang matugunan ang pangangailangan ng
isang tao sa kanyang pang-araw-araw na pakikipagsapalaran sa buhay. Ito ay isang
masistematikong gawain na kung saan ay gugugol ng matalinong panahon. Isang
gawain na ang sandata ay sipag, tiyaga, determinasyon, at talino upang
mapagtagumpayan ang sulating ito. Mahalagang isaalang-alang ang pangangalap ng
mahahalagang impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at
kailangang makakalap ng awtentikong datos na dumaan sa isang proseso upang
makumpirma ang integridad at orihinalidad nito. Masasabi ring mas magiging
maayos kung alam ang gagawing mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik.

Layunin ng Pananaliksik
1. Tumuklas ng bagong datos at impormasyon.
2. Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya.
3. Magbigay-linaw sa isang pinagtatalunang isyu.
4. Manghamon sa katotohanan o magpatunay na balido ang isang ideya o
pahayag.
5. Magbigay ng historikal na perspektiba para sa isang senaryo.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Pananaliksik


1. Pagpili ng paksa. Sa paksa umiikot ang pananaliksik na naaayon sa interes
at pangangailangan ng mga mananaliksik. Ito ang puso ng anomang katha
na kumokontrol sa takbo ng sulatin.

Mga halimbawa ng mga Paksa sa Pananaliksik:


a. Kalagayang Panturismo ng San Juan, La Union
b. Epekto ng Covid-19 sa Kultura ng taga-La Union
c. Kalagayan ng Edukasyon sa gitna ng Pandemya.

2. Limitasyon ng paksa. Kailangang maging tiyak sa partikular na paksang


gagamitin sa isasagawang pag-aaral. Marapat na magkaroon ng limitasyon
sa paksang tatalakayin upang hindi masayang ang panahong gugugulin sa
pananaliksik.

3. Paglalahad ng layunin. Dito naipakikita ang mga dahilan kung bakit nais
isagawa ang pananaliksik.

Paghahanda ng talasanggunian. Ito ay listahan o talaan ng mga aklat,


peryodikal, diyaryo, magasin, pahayagan, at di-limbag na materyales.

3 LU_Q1_Filipino8_Module8
4. Maaari ring gamiting sanggunian ang sariling obserbasyon at interbyu dahil
ito ang magpapatunay na awtentiko ang mga datos na nasaliksik.
5. Paggawa ng talatanungan. Gumawa ng talatanungan na gagamitin sa
pagsasagawa ng interbyu at sarbey, mga obserbasyon batay sa aktuwal na
pagmamasid sa mga kilos, saloobin, pag-iisip ng mga tao, at iba pa na
makatutulong sa pananaliksik.

6. Paghahanda ng tentatibong balangkas. Ito ang magsisilbing direksiyon sa


tatakbuhin ng pananaliksik na kung saan ay mahahalagang bahagi lamang
ang nakapaloob dito. Ang mga idea ay dapat na nakaayos upang mapadali
ang pagsulat.

7. Pangangalap ng tala. Dito ilalagay ang mga hakbang na gagawin upang mas
magiging maayos ang takbuhin ng pananaliksik na ginagamitan ng index
card. Iniiwasan dito ang pangongopya at pag-angkin sa idea o kaisipang-
likha ng iba.

8. Pagsulat ng pananaliksik. Gumamit ng pormal na wika sa pagsulat. Gamitin


ang awtentikong datos sa pagsulat ng pananaliksik.

Narito ang mga dapat isaalang-alang:


a. Paghahanda sa iwinastong balangkas o final outline.
b. Pagsusulat ng burador o rough draft.
c. Pagwawasto at pagrerebisa ng burador.
d. Pagsusulat ng pangwakas ng pananaliksik
Narito ang tatlong bahagi sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik:

a. Panimula. Dito isinusulat ang paksang pinag-aralan, kahalagahan


ng pag-aaral at layunin.
b. Katawan. Tinatakay rito ang ginawang proseso ng pananaliksik tulad
ng paglikom ng mga awtentikong datos, instrumentong ginamit sa
paglikom ng mga impormasyon at pagsulat sa isinagawang
obserbasyon.
c. Wakas. Dito ilalahad ang resulta sa isinagawang pag-aaral at
kongklusyon sa napiling paksa.
Lubhang mahalaga ang pananaliksik upang mangalap o lumikom ng mga
mahahalagang impormasyon o mga datos para malutas ang isang suliranin. Kaya
ang resulta ng pananaliksik ay kailangang dumaan sa masusing pag-aaral upang
mapatunayan o masabing epektibo ito. Ang pagsulat sa resulta ng pananaliksik ay
lubhang mahalaga upang masiyasat ang mga ebidensya at mapatunayan kung tama
at katanggap-tanggap ang inisyal na proposisyon.

4 LU_Q1_Filipino8_Module8
Pagpapahalaga sa Katutubong Kulturang Pilipino

Ayon kina Panopio at Rolda (1992), “ang kultura ay nagpapahiwatig na ang


bawat lipunan ay may sariling paraan ng pamumuhay na pinagsasamahan ng
karamihan ng mga miyembro nito. Ang pagkakaroon ng kultura o disenyo ng
pamumuhay ay maaaring makita sa Manubo ng Timog Cotabato, sa mga Negrito o
Agta ng Zambales, mga Ifugao ng Hilagang Luzon, mga Muslim sa Timog, gayundin
sa mga Pilipinong nasa lungsod, Singaporean at mga Thai, o mga sopistikadong mga
taga-New York at mga taga-Paris.
Bawat lipunan ay may sariling kakaibang sistema ng pamilya, ekonomiya,
politika, relihiyon, at edukasyon. Ang mga kulturang ito ay maaaring magkaiba sa
isa’t isa.”
Ayon sa antropologo, “walang lipunan na may higit na kultura kaysa iba.”
Batay sa ipinaliwanag nina Panopio at Rolda, tumutukoy ang kultura sa
paraan ng pagkilos, pag-iisip, pag-uugali, paraan ng pananampalataya, at iba pa.
Nakikita natin ang kultura ng mga kapwa natin Pilipino sa pamamagitan ng
pagmamasid, pakikisalamuha sa iba pang kababayan natin, at sa pagbabasa
tungkol sa kinabibilangan nilang relihiyon. Upang makilala nang mabuti ang ating
pagkakakilanlan hindi lamang dito sa ating bansa kundi sa iba pang bansa,
gumagawa ng paraan ang pamahalaan na makilala tayo sa pamamagitan ng
industriya ng turismo. Pinalalakas ang turismo sapagkat nakatutulong ito sa pag-
angat ng ekonomiya ng bansa at kaalinsabay nito ang pagmamalaki sa mga
natatanging kaugalian nating mga Pilipino at ang ganda ng Pilipinas.”
“Sa kabilang dako, ang Kagawaran ng Turismo ay lumikha ng mga brochure
at music video upang mapalakas at maisulong ang galing ng mga Pilipino at ang
ganda ng Pilipinas.
Ikaw ba ay nakarating na sa iba’t ibang panig ng Pilipinas? Tayo na. Makiisa
at makilahok sa pagsulong ng naiibang ganda ng Pilipinas at pagpapahalaga sa mga
natatanging katutubong kulturang Pilipino.”

Hango sa akdang isinalin sa Filipino ni WR.

Mula sa nabasang mga hakbang sa pagggawa ng pananaliksik, batid kong


handa ka nang kumasa sa iba’t ibang gawain na inihanda. Tara na, Tayo na’t
magpatuloy. Kayang-kaya yan.

5 LU_Q1_Filipino8_Module8
Galugarin

Gawain 2. A. Tukuyin Mo!


Panuto : Tukuyin mula sa kahon ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik
na angkop sa inilalahad na pahayag o pangungusap sa bawat bilang.
Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

A. Pagpili ng paksa
B. Limitasyon ng paksa
C. Paglalahad ng layunin
D. Paggawa ng talatanungan
E. Pagsulat ng pananaliksik
F. Paghahanda ng tentatibong balangkas

_______1. Ito ang nagsisilbing direksiyon sa tatakbuhin ng pananaliksik na kung


saan ay mahahalagang bahagi lamang ang nakapaloob dito.
_______2. Dito umiikot ang pananaliksik na naaayon sa interes at
pangangailangan ng mga mananaliksik.
_______3. Makikita rito ang mga dahilan kung bakit nais isagawa ang
pananaliksik.
_______4. Kailangang maging tiyak sa partikular na paksang gagamitin sa
isasagawang pag-aaral.
_______5. Paghahanda, pagwawasto at pagrebisa ng burador.

B. Pagsunod-sunurin mo!
Panuto: Pagsunod-sunurin ang hakbang sa paggawa ng pananaliksik. Isulat lamang
ang letrang A-E. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.

_______1. Hinahanda ng mananaliksik ang estruktura ng gagawing


pananaliksik.
_______2. Mula sa mga sanggunian, pinili ng mananaliksik ang mahalagang
impormasyon na may kaugnayan sa kanyang pananaliksik.
_______3. Tukuyin kung anong paksa ang pag-aaralan o napili para sa gagawing
pananaliksik.
_______4. Ang mga nakalap na impormasyon ay pagsasama-samahin ng
mananaliksik upang makabuo ng konsepto.
_______5. Maingat na pinipili ng mananaliksik ang mga aklat, journal at magasin
na isasali sa pananaliksik.

6 LU_Q1_Filipino8_Module8
C. Iangkla mo!
Panuto: Kilalanin ang mga pahayag at iangkop ito sa wastong hakbang sa paggawa
ng pananaliksik. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

A. Pagpili ng paksa
B. Paglalahad ng layunin
C. Paggawa ng talatanungan
D. Pagsulat ng pananaliksik
E. Paghahanda ng talasanggunian
F. Paghahanda ng tentatibong balangkas

_______1. Pagsasabi ng Po at Opo

_______2. https://tl.wikipedia.org/wiki/Kultura_ng_Pilipinas
https://pdfcoffee.com/323048200-pananaliksik-sa-wika-at-kulturang-
pilipino-docxdocx-pdf-free.html

_______3. Ano-ano ang mga kultura ngayon na naisabuhay sa mga nakalipas na


panahon? Bakit kailangang igalang ang kulturang Pilipino?

______ 4. Isa pa sa mga kaugalian ng mga Pilipino na hanggang ngayon ay hindi pa


rin nawawala ay ang pagmamano. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay
ng nakatatanda at ilalapat ito sa noo ng nagmamano, sabay sasabihing
“mano po.” Madalas itong isinasagawa bilang pagbati sa pagdating o bago
umalis. Tinuturuan na ng matatanda ang mga bata habang sila ay maliliit
pa para isabuhay ang ganitong kultura dito sa Pilipinas.

_______5. Nailalarawan ang mga kulturang Pilipino na naisabuhay sa nakalipas na


panahon. Nailalahad ang mga kultura na hindi na naisagagawa ngayon.
At naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga kulturang Pilipino na
naisabubuhay pa rin hanggang ngayon.

Mahusay! Nagalugad na ang iyong galing sa pagsagot sa mga gawaing


inihanda. Tiyak na handang-handa ka na sa mga hakbang sa paggawa ng
pananaliksik.

7 LU_Q1_Filipino8_Module8
Palalimin

Gawain 3: GRASP-Galing sa pagsulat, ipakita mo!


Panuto: Sumulat ng resulta ng pananaliksik gamit ang awtentikong datos o orihinal
na datos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang
Pilipino. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.

Halimbawa: Pagmamano
Pagsasabi ng “Po” at Opo
Malugod na pagtanggap sa mga bisita
Bayanihan

Goal Ikaw ay makasusulat ng resulta ng pananaliksik gamit ang


awtentikong datos o orihinal na datos na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino.

Role Ikaw ay isang manunulat ng resulta ng pananaliksik.

Audience Guro, kapwa kamag-aral

Situation Ipagpalagay na ikaw ay manunulat tungkol sa resulta ng


pananaliksik.

Product Sariling resulta ng pananaliksik gamit ang awtentikong datos.

Standard A. Malinaw na nilalaman………………………………. 30 puntos


B. Estruktura ng pagkasusulat………………………..30 puntos
C. Wastong baybay at bantas…………………………..20 puntos
D. Dating sa mambabasa………………………………..20 puntos
Kabuoan……………………………………………… 100 puntos

Nakagagalak sapagkat tapos mo na ang unang bahagi ng modyul na ito.


Ngayon ay muling ihanda ang sarili para sa mga susunod na gawain. Kaya mo iyan
kaibigan!

8 LU_Q1_Filipino8_Module8
Aralin
Mga Pahayag
8.2 sa Pag-aayos ng Datos

Simulan

Batid kong namumutiktik na ang iyong kaalaman tungkol sa Mga Hakbang


sa Paggawa ng Pananaliksik, ngayon ay atin namang busugin ang iyong isipan
tungkol sa Mga Pahayag sa Pag-aayos ng Datos. Alam kong kayang -kaya mo ito,
kaibigan. Halika’t atin nang subukin ang iyong kaalaman.

Gawain 1. Kaalaman Mo, Itala Mo!


Panuto: Magbigay ng iyong sariling pag-unawa o kaalaman kapag sinabing
awtentikong datos. Itala ito sa iyong sagutang papel.

Awtentikong
datos

Gawain 2. Ayusin Mo Ako!


Panuto: Pagsunod-sunorin ayon sa tamang ayos sa pamamagitan ng paglalagay ng
letrang A-G sa mga patlang bago ang bilang. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Ang Tamang Paraan ng Paghuhugas ng Kamay

_______1. Unang-una, basahin ang mga kamay ng malinis at dumadaloy na tubig.


_______2. Sa huli patuyohin ang mga kamay gamit ang malinis na tuwalya o air dry.
_______3. Sunod, sabonin nang mabuti ang kamay.
_______4. Ikatlo, kuskusin ang mga palad at likod ng kamay.
_______5. Saka banlawan nang mabuti ang kamay ng malinis at dumadaloy na tubig.
_______6. Ikalima, kuskosin ang mga kuko at mga hinlalaki.
_______7. Ikaapat, isa-isahing kuskusin ang mga daliri lalo na ang mga pagitan nito.

Binabati kita sa mahusay mong pagsagot sa mga gawain sa unang bahagi.


Ipagpatuloy natin ang paggalugad upang mapag-ibayo pa ang iyong kaalaman.

9 LU_Q1_Filipino8_Module8
Lakbayin

Napakahalaga sa pagsulat ng pinal na manuskrito ang tamang pagkakaayos


ng mga nakalap na mga datos upang masiguro ang katumpakan ng mga
impormasyong nais ipahatid sa mga mambabasa.

Pag-aayos ng mga Datos

Alam mo bang……
Karamihan sa mga naisusulat o pag-aaral na bunga ng pananaliksik ay tao
ang malimit gamiting paksa. Dahil dito, kung gagamit ang mananaliksik para
makakuha o makapangalap ng mahahalagang impormasyon ay dapat siyang
makapaghanda ng mga tanong para sa kaniyang isasagawang pag-aaral. Ngunit
bago siya maghanda ng mga tanong ay dapat tanungin muna niya ang kaniyang
sarili:
1. Ano ang layunin ng pag-aaral?
2. Ano ang inaasahan kong matutuklasan sa aking pag-aaral?
3. Gaano kalaki ang kapakinabangang makukuha ko sa aking pag-aaral?

Ang isang matagal na gawain sa paghahanda ng pananaliksik ay ang


pangangalap ng datos. Ito’y nangangailangan ng sapat na panahon para makakuha
ng datos na gagamitin sa pag-aaral. Bago isagawa ang pananaliksik, dapat na
nakabuo ng idea ang mananaliksik kung saan at paano siya makapangangalap ng
mga datos. Isinasaalang- alang dito ang mga natapos ng tesis at disertasyon, mga
aklat, manwal, brochure, pamphlet, dyaryo, magasin, teyp, video at iba pa. Maaari
din namang tuwirang interbyu sa mga taong malaki ang naiaambag sa ikahuhusay
ng isinasagawang pananaliksik.

Ang isang pananaliksik ay nangangailangan rin ng estadistika o haypotesis


na patutunayan at kaugnay na mga pag-aaral, dapat itong ipaliwanag sa
pamamagitan ng pagsusuri at pag-iinterpret ng mga datos.

Kailangang makapangalap ng maraming datos ang isang manunulat kaugnay


ng paksang kaniyang isusulat. Magiging kapani-paniwala ang isang akda o sulatin
kung ito ay nakabatay sa mga awtentikong datos.

Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik

Ipinahahayag sa bahaging ito ang kongkretong ibinunga at mga natuklasan


sa pag-aaral batay sa mga impormasyon o datos na nakalap sa pananaliksik nang
sa ganoon ay makapagmungkahi at makagawa pa ng mas malalim na pag-aaral.

Halimbawa:
Ang mag-aaral, bagamat wala sa hilig nila ang pagbabasa ng mga aklat
pampanitikan, ay napipilitan silang magbasa sapagkat ito ay kasama sa kanilang
kurikulum. Lumalabas sa pag-aaral, maraming salik kung bakit hindi nahihilig ang

10 LU_Q1_Filipino8_Module8
mga mag-aaral na pahalagahan ang mga pampanitikang akda sa Filipino ay dahil sa
sumusunod:
1. gurong nagtuturo
2. pamamaraang ginagamit sa pagtuturo
3. kagamitang angkop sa lebel ng mga tinuturuan
4. iba pang salik
Sa pagsusulat ng resulta ng pananaliksik, dapat ding tandaan at isaalang -
alang ang paggamit ng pahayag sa pag-aayos ng datos. May mga panandang
naghuhudyat ng pag-uugnayan sa iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag. Ilan sa mga
panandang magagamit sa pag-aayos ng mga datos ay ang una, sunod/ sumunod,
saka, bilang pagtatapos, wakas o sa dakong huli.

Narito ang mga pahayag sa pag-aayos ng mga datos:

Sa pagsisimula: una, sa umpisa, noong una, unang-una


Sa gitna: ikalawa, ikatlo, sumunod, pagkatapos, saka
Sa wakas: sa dakong huli, sa huli, wakas
Pagbabagong -lahad: sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling salita
Pagbibigay-pokus: bigyang-pansin ang, pansinin na, tungkol sa
Pagdaragdag muli, kasunod, din/rin
Paglalahat: bilang paglalahat, sa kabuoan, samakatuwid
Pagtitiyak o pagpapasidhi: siyang tunay, walang duda, talaga

Ngayong natutuhan mo na ang mga panandang maaaring gamitin sa pag-


aayos ng datos, subukan mong sumulat ng mga resulta ng pananaliksik na nasa
kasunod na gawain.

11 LU_Q1_Filipino8_Module8
Galugarin

Gawain 3. Pag-aralan Mo!


Panuto: Pag-aralan ang datos at pansinin ang resulta ng pananaliksik. Sagutin ang
kasunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Mga aspeto kung saan naging epektibo ang pag-unlad ng Wikang Filipino

Aspekto Respondente Bahagdan%


Ekonomiya 23 46%
Pag-aaral 22 44%
Lipunan 5 10%

Ipinakita sa talahanayan na ekonomiya ang pangunahing aspekto kung saan


mas naging epektibo ang pag-unlad o pagbabago ng Wikang Filipino. Ito ay sinang-
ayunan ng 23 respondente o 46% nang kabuoang respondente. Sumunod ang pag-
aaral na may 22 respondente 0 44% nang kabuoang respondente. Nasa huli ang
lipunan na may 5 respondente o 10% nang kabuoang respondente.

1. Sino ang tinutukoy na respondente?


A. Mag-aaral ng pananaliksik B. Taong nananaliksik
C. Tumutugon sa pananaliksik D. Tumutulong sa pananaliksik
2. Batay sa datos, alin ang nagungunang aspeto na naging epektibo ang pag-
unlad ng Wikang Filipino?
A. Ekonomiya B. Lipunan
C. Pag-aaral D. Pag-aaral at ekonomiya

3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang may pananda ng pagsasaayos ng


datos?
A. Ipinakita sa talahanayan na Ekonomiya ang pangunahing aspeto.
B. Kung saan mas naging epektibo ang pag-unlad o pagbabago ng Wikang
Filipino
C. Sumunod ang pag-aaral na may 22 respondente o 44% nang kabuoang
respodente.
D. Ito ay sinang-ayunan ng 23 respondente o 46% nang kabuoang
respondente.

4. Para sa iyo, alin ang dapat na una, pumangalawa at panghuling aspeto na


naging epektibo ang pag-unlad ng Wikang Filipino? Pangatwiranan ang sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

12 LU_Q1_Filipino8_Module8
Gawain 4. Buoin Mo!
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga awtentikong datos. Batay dito, bumuo ng
maikling resulta ng pananaliksik. Gamitin ang mga pahayag sa pagsasaayos ng mga
datos. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ayon sa mga cultural anthropologist, tumutukoy ang kultura sa pamamaraan


ng pamumuhay ng mga tao kung saan ito’y binubuo ng mga tinatawag na
kinagawiang kaugalian ng mga tao at mga bagay-bagay na naaayon sa
kanilang paniniwala. Kasama rito ang iba’t ibang tradisyon ng mga Pilipino
katulad ng pamamanhikan, pagmamano o paghalik sa pisngi o kamay ng mga
matatandang kamag-anak, pagdiriwang tuwing pista, pagsagot ng ‘po’ sa
nakatatanda at marami pang iba kung saan tumutukoy lamang ito sa mga
kaugaliang Pinoy na ipinapasa sa bawat susunod na henerasyon.
Rubin, et al. Retorika, Wikang Filipino at
Sulating Pananaliksik.
Manila, Philippines.
Rex Books Store, Inc.2006

Sa patuloy na pag-unlad ng wika, sa patuloy na pagyabong nito, bunga ng


pakikisalamuha ng mga katutubo sa mga dayuhan-mananakop o kaibigan na
may naiibang kultura - ang wikang ginagamit na kasangkapan sa
pakikipamuhay ay yumaman sa salita. May mga salitang hiram at ligaw na
ganap nang inangkin. Sa paggamit sa mga katawagang ito sa mga pahayag na
may kayarian o kaanyuang katutubo, kasama ang mga likas na katawagan,
ang mga inangking salita ay nagkaroon na rin ng katangian.

2. Pilipino, nagkaroon ng kulay at karakter na Pilipino, at naging kasangkapan


na sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino.
Bisa Simplicio R. “Wika at Kultura: Pagsasaling
Nagpapakahulugan”.Home Malay. Vol.9 no.1 1991

3. Ang sistema ng kaugaliang Pilipino ay tumutukoy sa mga kaugalian na


ipinapahalaga ng karamihan ng mga Pilipino. Itong sistema ng kaugaliang
Pilipino ay may katangi-tanging Katipunan ng mga ideolohiya, moralidad,
kabutihang -asal, wastong kagawian, at kahalagahang personal at kultural
na itinatakda ng lipunan.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kaugaliang Pilipino

4. Mula noon hanggang sa kasalukuyan ay hindi maitatangging marami tayong


namana sa ating mga ninuno na mga kaugalian. Isa na rito ang paggalang sa
mga nakatatanda sa pamamagitan ng pagsabi ng “po” at “opo” at pagmamano
sa kanila. Ang isa pang halimbawa ay ang pagbabayanihan ng mga Pilipino.
https://lazygeen.worpress.com/2016/08/22/k
ulturang-pilipino-salamin -ng kasaysayan-ng -
bansa/

Napakahusay mo! Natapos at napagtagumpayan mong sagutan ang lahat ng


mga gawain. Nawa’y magamit mo ito sa patuloy mong pagtuklas ng iba pang
karunungan. Binabati kita!

13 LU_Q1_Filipino8_Module8
Palalimin

Gawain 5: Sarbey ko Ito!

Panuto: Magsarbey sa iyong 20 kaibigan tungkol sa kanilang piniling pamaraan ng


pag-aaral ngayong panahon ng pandemya. Bumuo rin ng mga tanong kung bakit ito
ang kanilang pinili. Mula rito, bumuo ng isang maikling resulta ng iyong
pananaliksik at gamitin ang mga pahayag sa pagsasaayos ng datos. Isulat ito sa
iyong sagutang papel.

Piniling Paraan ng pag-aaral sa Panahon ng Pandemya

Dahilan Respondente Bahagdan%


Modyular na pag-aaral
Online na pag-aaral
Harapang pag-aaral

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Rubrik para sa mga gawaing pagsulat ng resulta ng pananaliksik

Di- Maraming
Pamantayan sa Napakahusay Mahusay Katamtaman
mahusay kakulangan
Pagmamarka 5 4 3
2 1
Nailalahad
nang maayos
ang talatang
binuo.
Nagagamit ang
mga
panandang
salita nang
maayos.
Maayos ang
pagkasunod-
sunod ng mga
detalye.
Malinaw na
nailalahad
kung ano ang
nais ihatid sa
mambabasa.

14 LU_Q1_Filipino8_Module8
Sukatin

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang tinutukoy ng bawat tanong. Isulat ang titik
lamang. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa paghahanap ng mga totoong impormasyon o datos na


humahantong sa kaalaman?
A. Pagbabalangkas B. Pagbabalita
C. Pagrerebisa D. Pananaliksik
2. Ano ang pinakasentro ng pananaliksik?
A. Balangkas B. Layunin
C. Paksa D. Resulta
3. Ano ang tawag sa bahagi ng pananaliksik na dumaraaan sa masusing
pag-aaral upang mapatunayan o masabing epektibo ito?
A. Balangkas B. Layunin
C. Paksa D. Resulta
4. Ano ang kailangang isaalang-alang bago magsagawa ng interbyu na
makatutulong sa pananaliksik?
A. Balangkas B. Layunin
C. Paksa D. Talatanungan
5. Saang bahagi ng pananaliksik tinatalakay ang ginawang proseso tulad
ng paglikom ng mga awtentikong datos, instrumentong ginamit sa
paglikom ng mga impormasyon at pagsulat sa isinagawang obserbasyon.
A. Katawan B. Panimula
C. Wakas D. Di-isinusulat ito sa pananaliksik
6. Pagkatapos malikom ang mga datos sa pananaliksik ay inayos batay sa
kung anong mga konsepto ang magkakasama o magkakaugnay. Anong
hakbang sa pananaliksik ang gagawin mo kaugnay sa pahayag?
A. Pagpili ng paksa
B. Pagrereserba ng papel
C. Pagsulat ng pinal na papel
D. Pag-oorganisa sa nilalaman batay sa balangkas
7. Malaking hamon para sa pananaliksik ang pagpili at pangangalap ng
aklat, magasin, diyaryo at iba pang mga mapagkukunan ng datos para
sa gagawing pananaliksik. Anong hakbang sa pananaliksik ang gagawin
mo kaugnay sa pahayag?
A. Pagpili ng paksa
B. Paghahanda ng balangkas
C. Paghahanda ng bibliyograpi
D. Pangangalap ng mga kinakailangang datos
________ 8. Maraming pagbabago ang maaring mangyari sa isinasagawang
pananaliksik kaya’t dumadaan ito sa pagsusulat ng burador upang
matiyak ang kawastuhan ng pananaliksik. Anong hakbang sa
pananaliksik ang gagawin mo kaugnay sa pahayag?
A. Pagrereserba ng papel
B. Pagsulat ng pinal na papel
C. Paghahanda ng balangkas

15 LU_Q1_Filipino8_Module8
D. Paghahanda ng bibliyograpi
________ 9. Pinag -iisipan ng magkakapangkat kung ano-anong estruktura ng
kanilang gagawing pananaliksik upang mailahad ang mga datos
sa maayos na paraan. Anong hakbang sa pananaliksik ang gagawin
kaugnay sa pahayag?
A. Pagsulat ng pananaliksik
B. Paghahanda ng balangkas
C. Paghahanda ng bibliyograpi
D. Pangangalap ng mga kinakailangang datos
________ 10. Ang paksa ay makatutulong sa lipunan upang mas maging progresibo
ang pananaliksik na gagawin. Anong hakbang sa pananaliksik ang
gagawin mo kaugnay sa pahayag?
A. Pagpili ng paksa
B. Pagrereserba ng papel
C. Pagsulat ng pinal na papel
D. Pangangalap ng mga kinakailangang datos
B. Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot sa sumusunod na tanong. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

________1. Ang sumusunod ay mga pahayag na ginagamit sa pag-aayos ng datos


maliban sa.
A. Sa pagtatapos B. Pag-aalinlangan
C. Sumunod D. Sa simula
________2. Alin sa sumusunod na salita ang ginagamit bilang hudyat sa
pagkasunod-sunod?
A. Una B. Talaga
C. Tunay D. Tungkol sa
________3. Ito ang panandang ginagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik na
kadalasang matatagpuan sa pagsisimula.
A. sa dakong huli B. unang-una
C. sa kabilang dako D. ikalawa
________4. Ano ang papel na ginagampanan ng mga pahayag sa pag-aayos ng
datos?
A. Matutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kaisipang inilahad.
B. Naghuhudyat ito ng pagkasunod-sunod ng mga proseso o hakbang.
C. Makikilala ang mahahalagang detalye.
D. Nagbibigay linaw sa impormasyon.
________5. Ang tawag sa pinal na sipi ng isang sistematikong pananaliksik.
A. Balangkas B.Burador
C. Bibliyograpi D. Manuskrito

Kamangha-mangha, tunay na napakagaling mo!


Binabati kita sa iyong paglalayag sa mundo ng
Pananaliksik. Nakatutulirong paglalakbay ngunit
nakatataba ng utak na siyang magiging sandata mo upang
lalong makapag-imbak ng dunong at kagandahang-asal.
Nawa’y ang mga natutuhan mo sa modyul na ito ay maipunla
sa iyong puso’t isipan. Ihanda mo ngayon ang iyong sarili sa
Ikalawang Markahan, ang Modyul 1: Balagtasan.

16 LU_Q1_Filipino8_Module8
Iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral
GALUGARIN GALUGARIN
Gawain 2A Tukuyin Mo! Gawain 3. Pag-aralan Mo!
1. F
LU_Q1_Filipino8_Module8 1.C
17
2. A 2.A
3. C 3.C
4. B 4.Iba-ibang sagot
5. E
Gawain 2B Pagsunod-sunurin Mo! Gawain 4. Buoin Mo
1. 2 May iba ibang sagot
2. 4
3. 1
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat

Aida M. Guimarie, Pinagyamang Wika at Panitikan (Quezon: Vibal Group


Incorporation, 2018), 63-76.

Jocelyn P. Abelleno, Arge Ryan F. Amper, at Nestor C Flores Jr., Filipino 8 Unang
Markahan Modyul 10 Hakbang sa Paggawa ng Pananaliksik (Pasig: Learning
Resource Management Section Teacher Development Center,2020), 2-12.

Carmelita A. Acorda, Vicky N. Addatu, Jumel R. Ladia, Vilma C. Narag, Luzviminda


T. Pasion, Mark-Jhon R. Prestoza, Jun-Jun R. Ramos, at Romano C. Salazar, Unang
Markahan Learning Activity Sheet in Filipino 8 (Tuguegarao: DepEd Regional Office
No. 02 Regional Center, 2020), 111-120

Rubin,et al.Retorika, Wikang Filipino at Sulating Pananaliksik.

(Manila,Philippines. Rex Books Store,Inc.2006), 176-194

Elektroniko

”https://www.slideshare.net/mobile/christopheregetigan/mga-hakbang-sa-
pananaliksik

https://lazygeen.worpress.com/2016/08/22/kulturang-pilipino-salamin-ng
kasaysayan-ng -bansa/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Kaugaliang Pilipino

18 LU_Q1_Filipino8_Module8
https://www.scribd.com

19 LU_Q1_Filipino8_Module8
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union 2500
Telefax: 072-205-0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

You might also like