You are on page 1of 9

8

Gawaing Pampagkatuto sa Filipino


Kuwarter 4, Linggo 3 – MELC 6

Pagbibigay–Kahulugan sa
Matatalinghagang Ekspresyon,
Tayutay at Simbolo

Filipino 8 REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS


Learning Activity Sheet (LAS)
Un 2020

i
Filipino 8

Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 6


Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan
ng pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit
ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 –
Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 8

Manunulat: Rizpah P. Beladas


Editor : Lilibeth D. Meliton
Tagasuri : Catherine D. Diaz
Tagalapat : Lilibeth D. Meliton

Division of Capiz Management Team:


Salvador O. Ochavo, Jr.
Jose NIro R. Nillasca
Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Merlie J. Rubio

Regional Management Team:


Ramir B. Uytico
Pedro T. EscObarte, Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

ii
MABUHAY!

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Capiz sa pakikipagtulungan ng
Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng
Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng
learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang
mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang
kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap
na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang
kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:


Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan
ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy
ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan
mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan
ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:


Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain.

iii
Kuwarter 4, Linggo- 3

Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 6

Pangalan:__________________________Grado at Seksiyon:_______________________
Petsa: _____________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 8

Pagbibigay-kahulugan sa Matatalinghagang Ekspresyon,


Tayutay at Simbolo
I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda
 Nabibigyang –kahulugan ang matatalinghagang ekspresyon, tayutay at
simbolo. (F8PT-IVc-d-34)
II. Panimula (Susing Konsepto)
Ang buhay ng tao ay inihahalintulad sa isang gulong. Minsan nasa ibabaw,
minsan nasa ibaba. Isa itong palasak na linya na karaniwang sagot sa lahat ng
pingdadaanan natin sa buhay. Ito ay kadalasang nagiging tulay sa pag–unawa at
pagtanggap natin ano man ang mga sitwasyon na ating kinahaharap.

Sa madalas na pag-iiba–iba ng mukha ng ating buhay, hindi maiwasan ang


paggamit ng mga matatalinghagang ekspresyon, tayutay at simbolo upang
ipahayag ang ating kaligayahan sa ating mga tagumpay, kalungkutan sa mga
kabiguan, pag-asam sa mga katuparan ng mga pangarap at maging sa pagtatago
ng pagdurusang dulot ng mga hinanakit sa buhay. Ang mga bahaging ito ng
Florante at Laura ni Balagtas ay hitik sa mga pangyayaring kasasalaminan ng mga
nabanggit.

Ang tayutay ay pahayag na gumagamit ng mga salita sa isang di


pangkaraniwan o hindi literal na paraan upang mapaigting ang bisa ng kahulugan.
Ang paggamit ng tayutay ay sadyang paglayo sa karaniwang gamit ng salita upang
madaling maunawaan, maging mabisa at mas kaakit-akit ang paglalahad. Hindi
tuwiran ang paglalahad nito kaya kailangang pag-isipang mabuti upang malaman
ang tunay na kahulugan nito. Narito ang ilan sa mga uri nito.

Mga Uri ng Tayutay

a. Pagtutulad o Simili –naghahambing ng dalawang bagay na may magkaiba o


magkatulad na katangian. Gumagamit ito ng mga salitang gaya o kagaya,
tulad o katulad, mistula, parang ,kawangis.

Hal: Mistulang sanggol ang kinis ng kaniyang kutis.

b. Pagwawangis o Metapora- tuwiran ang paghahambing kaya hindi na ito


gumagamit ng mga salitang naghahambing.

Hal: Gatas sa kaputian ang kaniyang balat.

c. Pagsasatao o Personipikasyon- inilalapat ang katangian maging ang


kakayahan ng isang tao sa isang bagay na walang buhay. Itinuturing ang
mga bagay na walang buhay ay tulad ng tao na may damdamin at pag-iisip.

1
Hal: Humihiyaw ang sikat ng araw ngayon.

d. Pagmamalabis o Eksaherasyon- ipinapakita nito ang lubhang labis o


kulang sa katangian ng tao, bagay, sitwasyon, damdamin, kaisipan at iba
pa.

Hal: Naibulong sa buong baryo ang kaniyang lihim.

e. Pag-uyam o Irony – tumutukoy sa pangungutya sa tao, bagay, pangyayari


at iba pa. Karaniwang nagsisimula sa maganda o kapuri-puring
pangungusap na susundan ng may bahid ng pag-uyam o panunuya na
pahayag.

Hal: Talagang hindi ka mahuhuli sa klase dahil alas syete na, tulog ka pa.

Matalinghagang Ekspresyon/Pahayag
`Ang naiibang paraan ng paglalarawan ng kondisyon, kalagayan at
pagpapahayag ng saloobin. Ginagamitan ito ng mga tayutay at idyoma upang
maitago ang tunay na kahulugan.Kaya mayroon itong malalim na kahulugan
bukod pa sa literal nitong pakahulugan.

Hal: Mamatamisin ko pang magdildil ng asin kaysa makisama sa pamilyang


matapobre.

Simbolo
Ito ay isang bagay, isang kulay, isang tao o kahit na isang sitwasyon na
ginagamit upang magbigay ng mas malalim na kahulugan kaysa sa literal na
kahulugan ng teksto. Sa ganoong sitwasyon, ang bagay na ito, kulay, tao o
sitwasyon ay kumakatawan sa iba pang ideya kaysa sa karaniwang itinataguyod
nila. Para sa isang simpleng halimbawa,. Ang ulan ay ang kababalaghan ng
pagbagsak ng tubig mula sa kalangitan. Wala nang iba pa. Gayunpaman, sa
panitikan, kadalasang ang ulan ay sumisimbolo ng kalungkutan.

Hal: Dadalhin niya ang krus ng pagkapariwara ng anak hanggang sa


kaniyang libingan.

O, naunawaan n’yo na ba ? Sa palagay ko ay handa ka na sa ating gawain.


Kaya halina at buksan ang ating puso at isipan, magbasa nang may pag-unawa
upang ating lubos na maunawaaan at mabigyang kahulugan ang mga
matatalinhagang eskspresyon, tayutay at simbolo na ginamit sa mga kabanata ng
Florante at Laura.

III. Mga Sanggunian

 Most Essential Learning Competencies (MELCs) sa Filipino, pahina 176


 Badua,Zenaida S., Ang Florante at Laura ni Francisco “Balagtas”
Baltazar Pinagaang na Edisyon.
 https://youtu.be/1J-OBNYyflc- Tayutay
 Nakpil, L.R.,et.al (1997) Gintong Pamana Wika at Panitikan ,Batayang aklat sa
Ikalawang Taon. Metro Manila.Cebu: SD Publication,Inc.pa.228. Tayutay.
 https://tl.weblogographic.com/what-is-symbolism-literature -simbolo

2
 https://youtu.be/5VF3CV-5_dk -imahe at simbolo
 https://youtu.be/3u0KO5MYN8c -matalinghagang pahayag DepEd TV
 https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-
complete-modern-tagalog-version-kabanata-2-ang-binatang-nakagapos_1201.html

 https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-
complete-modern-tagalog-version-kabanata-4-daing-ng-pusong-nagdurusa_1203.html

IV. Mga Gawain:

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga bahagi ng Florante at Laura


mula sa mga sanggunian sa ibaba .

 Ang Binatang Nakagapos : Kabanata 2 - Saknong 8-24


https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-
complete-modern-tagalog-version-kabanata-2-ang-binatang-nakagapos_1201.html
 Halina Laura : Kabanata 4 – Saknong 33-54
https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-
complete-modern-tagalog-version-kabanata-4-daing-ng-pusong-nagdurusa_1203.html

2. Pagsasanay /Aktibidad
A. Panuto: Bigyang kahulugan ang matatalinghagang ekspresyon, tayutay at
at simbolo na nilalaman ng sumusunod na mga saknong sa pamamagitan
ng pagpili ng angkop na karanasan/pangyayari mula sa kahon sa ibaba.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. “Sa korona dahil ng Haring Linceo


at sa kayamanan ng dukeng ama ko
ang ipinangangahas ng Konde Adolfo
sabugan ng sama ang Albanyang Reyno.”

2. “Datapwat sino ang tatarok kaya


sa mahal mong lihim Diyos na dakila?
walang mangyayari sa balat ng lupa
di may kagalingang iyong ninanasa.”

3. “Ang magandang asal ay ipinupukol


sa laot ng dagat ng kutya’t linggatong
balang magagaling ay ibinabaon
at inililibing na walang kabaong.”

4. “At ang balang bibig na binubukalan


ng sabing magaling at katotohanan
kaagad na binibiyak at sinisikangan
ng kalis ng lalong dustang kamatayan.”

5. “O taksil na pita sa yama’t mataas


o hangad sa puring hanging lumilipas
ikaw ang dahilan ng kasam’ang lahat
at niring nasapit na kahabag-habag.”

3
A. Palihim na pinagtatawanan at tinatawag na sipsip ng kaniyang
mga kaklase ang iyong kapatid dahil palagi itong yumuyukod at
nagbibigay galang sa lahat na mga guro kahit pa wala siyang
subject sa mga ito.

B. Naiyak na lang sa isang sulok ang kaibigan mo dahil hindi niya


naipanalo ang poster ng inyong klase. Pagkatapos ng parangal sa
mga nanalo, natagpuan ang poster ninyo na sira na at gutay-
gutay sa likod ng CR ng mga babae.

C. Patay na ang pangunahing witness nang matagpuan ito ng mga


pulis. Kaya wala nang makakaalam sa katotohanan.

D. May mga pagkakataon na mabigat ang ating pinagdadaanan


ngunit ang lahat ay loob Niya para sa atin at ukol sa ating
kabutihan.

E. Ang ugat ng kasamaan ay ang paghahangad ng kapangyarihan.

F. Mahalaga ang pera sa buhay ng tao. Kaya mapamasama man o


mapamabuti walang problema. Ang importante ay pera.

G. Panuto: Piliin ang titik mula sa Hanay B ang tamang pakahulugan sa mga
taludtod sa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. “hanggang di malining ay idarampi


sa mga mukha ko ang rubi mong labi.” A. makinis at manilaw-nilaw
na balat sa mga daliri

2. “bukod ang magalaw na batong d’yamante


puno ng ngalan mong isang letrang L.”
B. maririnig kahit malayo ang
tinig ng nananaghoy sa
gubat.

3. “Ang aking plumahe kung itinatahi


ng parang korales na iyong daliri.” C. makislap at mataas na uri
ng bato ang ipinapalamuti
ni Laura

4. “Halos buong gubat ay sinasabugan


na dinaing-daing na lubhang malumbay.” D. mamula-mula ang mga labi
ng dalaga

4
5. “tapat ang puso mo’t di nagunamgunam
na ang paglililo ay nasa kagandahan.” E. iba’t ibang bato ang
ginamit ni Laura sa
turbante niya

F. hindi inakala ng binata na


ang kagandahan ay
magiging dahilan ng
kataksilan.

3. Mga Batayang Tanong:

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang sagot sa


sagutang papel.

1. Bakit nagkaroon ng hinanakit si Florante sa Panginoon?


Sang-ayon ba kayo rito? Pangatwiranan ang inyong sagot.
2. Paano niya tinanggap ang niloob ng Diyos sa kaniyang buhay?
3. Naniniwala ba kayong mitsa ng kataksilan ang kagandahan
ng mukha? Pangatwiranan ang iyong sagot.

4. Batayan sa Pagbibigay ng Iskor (Rubrik)

PAMANTAYAN PUNTOS
A. Organisasyon ng mga idea 5 puntos
B. Kawastuan ng mga kaisipan 5 puntos
C. Orihinalidad 5 puntos
Kabuoan 15 puntos

5- Napakahusay 3- Katamtaman 1- Sadyang Di mahusay


4- Mahusay 2- Di- mahusay

V. Repleksyon:

Sa araling ito ay natutuhan ko na

a. ____________________________________________________________

_____________________________________________________________

b. ____________________________________________________________

____________________________________________________________

5
6
Mga Batayang Tanong: (Posibleng Sagot)
1. Nagkaroon ng hinanakit si Florante sa Panginoon sa
kadahilanang pinayagan nitong magkaroon ng kaguluhan sa
kaharian ng Albanya .
Hindi. Dahil ang Diyos ay tagapaglikha kaya wala tayong
karapatan na magdamdam kung ano man ang kaloob niya sa
atin.
2. Tinanggap niya ito nang may mapagkumbabang puso.
Tinuran niya ang kanyang pananalig na ang Diyos ang may
kaloob sa lahat at alam nito ang kabutihang maidudulot nito
sa atin.
3. Hindi ako naniniwala.Sapagkat ano man ang
wangis/katauhan ng tao,kung tunay ang pagmamahal na may
kalakip na malalim na komitment sa taong minamahal ay
tiyak kong maiiwasan ang kataksilan.
Pagsasanay 1: Pagsasanay 2:
1. e 1. d
2. d 2. c
3. a 3. a
4. c 4. b VI. Susi sa Pagwawasto:

You might also like