You are on page 1of 8

Department of Education

Region V
CHAMSOMANG CHRISTIAN SCHOOL OF BALAOGAN INC.
Balaogan Bula, Camarines Sur
Division of Camarines Sur
“The School that Brings Hope for the Future”

Filipino 8
Modyul
Ikaapat na Markahan
15
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Kawili-
wiling Radio Broadcast

Pangalan:
__________________________________________________________________
___
Petsa:
__________________________________________________________________
________
Magandang Buhay! Handa ka na ba sa mga gawain natin sa linggong ito? Halina’t ating
tuklasin ang mundo ng radio broadcasting!
Ang radio ay isang uri ng teknolohiyang ginagamit sa komunikasyon na maaaring magpahayag ng
mensahe, balita, patalastas, palabas, musika at iba pa sa tulong ng tinatawag na radio waves. Radio
broadcasting naman ang tawag sa pagpapalaganap ng impormasyon tungo sa malawak na bilang ng
mga tagapakinig sa pamamagitan ng radyo. Sa araling ito, pag-aaralan natin ang kahulugan at mga
angkop na salitang ginagagamit sa radio broadcasting.

Aalamin din natin ang iba’t ibang hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling radio broadcast.
Siguradong mag-eenjoy ka sa mga paksang ito!

Sa modyul na ito ikaw ay inaasahang:

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahang:


 Natutukoy ang mga hakbang
Mga Tiyaksa pagsasagawa ng isang kawili-wiling
na Layunin::
radio broadcast batay sa nasaliksik na impormasyon tungkol dito
F8PB-IVi-j-38
 Nabibigyang pansin ang mga angkop na salitang dapat gamitin sa
isang radio broadcast F8PT-IVi-j-38
 Nailalapat sa isang radio broadcast ang mga kaalamang natutuhan sa
napanood sa telebisyon na programang nagbabalita
 F8PD-Vi-j-38

Sa
araling ito, inaasahan na ikaw ay:
1. Nakakikilala sa mga hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling radio broadcast.
2. Nakabubuo ng isang balita ukol sa mga kasalukuyang pangyayari sa sariling komunidad sa
pamamagitan ng broadcasting.
3. Nakapagpahahalaga sa mga angkop na salitang dapat gamitin sa isang radio broadcast.

Atin ng Suungin!

GAWAIN 1.
Panuto: Lagyan ng check (/) ang bilang na nagpapahayag ng katotohanan tungkol sa Radio Broadcast
at ekis(x) ang hindi. Gamitin ang iyong kwaderno sa pagsusulat ng sagot.

_________1. Ang pakikinig sa radyo, ang pinakapaboritong libangan ng tao.

_________2. Habang nakikinig ka sa radyo ay magagawa mo pa rin ang ibang mga gawain.

_________3. Maraming mga sikat na DJ ang hinahangaan lalo na sa mga kabataan ngayon.

_________4. Marami rin sa mga kabataan ang nangangarap maging isang Dj at magsasagawa ng radyo
broadcast sa kasalukuyan.

_________5. Mahalaga ang mga balita sa pang araw-araw na buhay

_________6. Maari ring makinig ng mga tugtugin at awitin sa radyo.

_________7. Sa pagbroadcast, ang mga DJ ay kailangang maingat sa pagsasalita.

__________8. Kailangang maging malinaw at malumanay ang pagsasalita upang madaling maunawaan
ng mga tagapakinig.
__________9. Ang isang DJ ay kailangang maging handa sa pagbasa sa mga sulat mula sa tagapakinig.
__________10. Ang mga awiting patugtugin ay kailangang nababagaay sa panahon at tagapakinig.
__________11. Magsalita na parang galit.
__________12.Sa pagbobroadcast, ang DJ ay maaring gumamit ng malalaswang pananalita.
__________13. Magpatugtog ng musikang naaayon sa sariling kagustuhan.
__________14. Maging masiyahin sa pagbobroadcast.
__________15. Maingat sa pagbibigay ng balita.

GAWAIN 2.
Pansinin ang larawan sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Mga tanong:
1. Ano ang nakikita mo sa larawan?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. May kaugnayan ba sa larawan ang mga salitang nakapaligid nito? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
3. Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mahalaga pa ba ang pagkakaroon ng radyo sa bahay?
Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Ang radio ay isa sa mga midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng mga kaganapan
ng mundo sa mas malawak na sakop nito. Mauunawaan ang gampanin ng radio bilang gabay sa
kamalayang panlipunan. Ang pagpapalaganap ng impormasyon tungo sa malawak na bilang ng mga
tagapakinig sa pamamagitan ng radyo ay tinatawag na radio broadcasting. Ito ay isang paraan upang
maparating o mapadalhan ng mga impormasyon ang mga tao tungkol sa mga isyung panlipunan,
balita, at iba pang makabuluhang pangyayari sa kapaligiran at sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng radio broadcast, malalaman ng tao ang mga papasok na sakuna at kalamidad sa
bansa gayundin ang pagpapabatid sa takbo at kalagayan ng panahon. Sa pamagitan ng balita dulot ng
radio broadcast, makapaghanda agad-agad ang mga tao sa paparating na kalamidad o sakuna.
Nalalaman din ng tao ang mga impormasyon tungkol sa mga programa at proyekto ng pamahalaan
tungo sa kaunlaran ng bansa. Ito rin ay nagbibigay kasiyahan sa mga tao sa isang kumunidad sa
pamamagitan ng mga tugtog ng musika at iba pang mga programang panradyo. Ang mga patalastas
tungkol sa mga makabagong produkto ay maari ring idaan sa radio broadcast.
Sa pagsasagawa ng isang radio broadcast, kailangang isaalang-alang ang mga mahalagang bagay gaya
ng sumusunod.

1. Pag-aralan ang mga gamit sa radio broadcasting at maging pamilyar sa mga ito. Ihanda ang
mga kagamitan tulad ng mikropono, speakers at iba pang mahalagang kagamitan; Magtakda
ng isang call sign at frequency ng estasyon.
2. Maging maingat sa pagsasalita at paggamit ng mga salita dahil iba-iba ang mga tagapakinig.
Sa pagbroadcast, ang mga DJ ay kailangang maging malinaw at malumanay ang pagsasalita
upang madaling maunawaan ng mga tagapakinig. Kailangang maging handa sa pagbasa sa
mga sulat mula sa tagapakinig. Ang mga awiting patugtugin ay kailangang nababagay sa
panahon at tagapakinig. Iwasang magsalita na parang galit. Sa pagbobroadcast, iwasang
gumamit ng malalaswang pananalita. Magpatugtog ng musikang naaayon sa kagustuhan ng
mga tagapakinig. Maging masiyahin sa pagbobroadcast. Maging maingat sa pagbibigay ng
balita at impormasyon.

Sa iyong paglalakbay sa mundo ng radio broadcasting mahalagang malaman mo ang mga hakbang
sa pagsasagawa ng isang radio broadcast nang sa gayon ay maging epektibo at kawili-wili ang
ipaparating na balita o impormasyon sa mga tagapakinig ng iyong istasyon.

MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG ISANG RADIO BROADCASTING

1. Pumili ng pangalan para sa inyong estasyon.


2. Maghanda ng paksang tatalakayin kasama ang iyong co-anchor kung mayroon.
3. Ihanda ang radio script o gabay na gagamitin para maging maayos ang daloy ng programa at
matiyak ang mga impormasyong ibabahagi. (Maaaring mag-ensayo muna upang masiguro ang
kaayusan ng radio broadcast).
4. Maging maingat sa mga salitang gagamitin mo sa pagbo-broadcast dahil iba-iba ang iyong
tagapakinig.
5. Ihanda ang mga kagamitang gagamitin sa pagbobroadcast tulad ng mikropono, musika o mga
awiting patutugtugin at iba pa.
6. Maging magalang sa pagtatapos ng iyong broadcast.

Sa pagsasagawa ng isang radio broadcasting, napakahalagang malaman ang mga angkop na


salitang gagamitin para rito upang magkaroon ng lubos na pagkakaunawaan sa mga taong
magsasagawa nito. Narito ang ilang mga angkop na terminolohiya o salitang gagamitin sa radio
broadcasting:

• Announcer – tintawag na on air talent na nagbabasa ng iskrip, balita o anunsyo sa radio


• DJ (Disk Jockey) – isang dalubhasa sa pagpaparami ng mga gawaing musical. Maaaring
nababago ang musika gamit ang kanyang teknikal na pamamaraan.
• Voiceover – isang teknik pamproduksyon na pinagsasalita ang isang tao ng live o nirecord.
• Voice track – ang inirekord na boses ng isang personalidad sa radyo o DJ na iparirinig sa isang
tiyak na oras gaya ng umpisa o sa dulo ng programa.
• Ad lib - mga salitang binibigkas, musikang ipinatugtog at aksyong isinasagawa na wala sa
iskrip.
• Bed – tumutukoy sa element ng produksyon gaya ng musikang instrumental, patuloy na sound
effect at iba pa.
• Billboard – maririnig matapos ang balita. Ipinababatid sa mga tagapakinig kung anong
produkto ng isponsor ang naghatid balita.
Halimbawa: Ang programang ito ay inihahatid sa inyo ng Dunkin
Donut, ang pasalubong ng bayan.
• Bumper – ginagamit sa pagitan ng balita at ng patalastas. Ipinababatid nito sa tagapakinig na
may pagitan o break ngunit may mga balitang kasunod. Halimbawa: Magbabalik an gating
palatuntunan matapos ang ilang palala.
• Bumper Music – isang music clips na ipinaririnig kapag maglilipat ng programa gaya ng
paglalagay ng komersyal para maiwasan ang dead air.
• Cue – isang palatandaan sa pagsisimula at patuloy na pagsasalita, o pagpaparinig ng nirekord at
iba pa.
• Dead Air – walang anumang naririnig sa radyo. Karaniwan dahil ito sa computer error,
operator error at iba pa.
• Delayed Broadcast – programang inirekord o hindi live na iparinig sa ibang araw.
• Jingle – kantang pangkomersyal o pang estasyon
• Open Mike – live ang broadcast. Nakabukas na mike sa particular na oras
• PSA (Public Service Announcement) – isang ad na tumatakbo para sa pampublikong interes sa
halip na para sa isang produkto
• On Air – tanda na kasalukuyan na ang pagbobroadcast
• Radio Script – isang isinulat na material na naglalahad kung ano ang gagawin at sasabihin.
Ginagamit ito para masiguro na maayos ang daloy ng programa at matiyak ang tamang teknikal
at impormasyon.

Pagnilayan:

Bakit mahalaga ang radio broadcast sa buhay ng mga tao? Mahalaga ito sapagkat nagdudulot ito ng
kaalaman o kamalayan sa mga tagapakinig dahil naaabot nito ang iba’t bang sulok ng bansa at
kahit ang pinakaliblib na lugar sa isang komunidad.

Samakatuwid ang radio broadcast ay may malaking pakinabang hindi lamang sa kaunlaran sa buhay
ng tao kundi pati na sa kaunlaran ng panitikan at kultura ng ating bansa.

PAGSASANAY

GAWAIN 3
Isulat ang A kung ang mga pahayag sa ibaba na may kinalaman sa pagsasagawa ng radio broadcast
ay tama at B naman kung ang pahayag ay mali.
___________1. Pumili ng pangalan para sa iyong estasyon.
___________2. Pakinggan kung paano magsalita ang mga DJ sa radyo. Sila ba’y malinaw
magsalita? Angkop ba ang kanilang pagbigkas? Nakakaakit ba sa mga nakikinig ang kanilang
boses? Gumamit ba s’ya ng wikang Filipino o Ingles sa pagbobroadcast?
___________3. Maging maingat sa mga salitang gagamitin mo sa pagbo-broadcast dahil iba-iba ang
iyong mga tagapakinig.
___________4. Maghanda ng mga paksang tatalakayin kasama ang iyong co-anchor.
___________5. Hindi mahalaga ang boses sa pagbo-broadcast.
___________6. Gumamit ng mga salitang may kalaswaan sa pagbo-broadcast.

GAWAIN 4

Sa isang radio broadcast, hindi mapipili kung sino-sino ang iyong mga tagapakinig dahil kahit sino ay
pwede, maging bata man o matanda basta’t nakabukas ang radyo. Kung gayon dapat lang na maging
responsible sa kanyang pananalita ang isang DJ o anchor.
Isulat ang salitang tumpak kung ang mga pananalita sa pahayag ay angkop gamitin sa isang radio
broadcast at salitang waley naman ang isulat kung hindi.
____________1. Kapag nagalit ka sa naging sagot ng isang tagapakinig na naka phone patch habang
nagbo-broadcast ay makabubuting sigawan mo s’ya upang malaman niyang galit ka.
____________2. Gumamit ka ng mga salitang simple o payak ngunit mauunawaan ng lahat ng iyong mga
tagapakinig bata man o matanda.
____________3. Ngumiti habang nagsasalita upang kapag narinig ka ng iba’y tila nakangiti rin ang boses
na narinig nila.
____________4. Magsalita ng malumanay at malinaw para higit kang maunawaan.
____________5. Gumamit ng mga salitang kalye o salitang balbal tulad ng mga salitang erpat, ermat,
bebot at iba pa.

PAGGAWA

Nalaman mo na ang mga pamamaraan sa pagsasagawa ng radio broadcasting gayon


pa man wala tayong sapat na kagamitang panradyo brodkast kung kaya pwedeng gamitin ang iyong
cellphone o anumang kagamitang panrekording. Magsagawa ng isang broadcasting mula sa nakuhang
mga ideya tungkol sa kaalamang natutuhan sa napanood na programang nagbabalita sa telebisyon o
kaya narinig sa radyo at bumuo ng isang balita ukol sa mga kasalukuyang pangyayari sa iyong sariling
komunidad sa pamamagitan ng broadcasting gamit ang mga hakbang na natutuhan mula sa diskusyon.
Ipasa ito sa messenger ng iyong guro sa Filipino o kaya sa inyong Group Chat.

Tandaan: Siguraduhin ang paggamit ng mga angkop na salita at tamang terminolohiya sa


pagbobroadcast.

Tatasahin ang iyong ginawang broadcasting batay sa sumusunod na rubrik:

Krayterya 5 4 3 2 1

Panananalita
Lubos na malinaw at matatas ang pananalita
Pagkamalikhain
Maganda at malikhain ang awtput na nagawa (angkop ang musika o
tunog na ginamit sa pagbobroadcast)
Nilalaman
Kompleto at wasto ang mga detalyeng nakasaad
Kaangkupan ng mga pananalita
Angkop at maingat ang mga pananalitang ginamit.
Gumamit din ng tamang terminolohiya sa pagbobroadcast.

Pagpapakahulugan:

5 – Napakahusay
4 – Mahusay
3 – Mahusay-husay
2 – Kailangan ng husay
1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay
Napakahalaga nitong radio broadcast sa
buhay ng tao. Nagdudulot ito ng kamalayan o
kaalaman sa mga tagapakinig dahil naaabot nito
kahit ang pinakaliblib na sulok sa isang komunidad.
Malaki ang pakinabang na dulot nito hindi
lamang sa kaunlaran sa buhay ng tao kundi pati na
sa kaunlaran ng panitikan at kultura ng ating bansa.

Mga Sanggunian:

Mga Aklat
Arogante, J. Retorika sa mabisang Pagpapahayag. Binagong Edisyon. Mandaluyong City. National
bookstore. 2004

Austria, Lorenza p. et.al. Filipino.Pakikipagtalastasan at Pagpapahalaga, Manila.


Academic Paublishing House. 1996.
Bola, Asuncion B. et. al. Panitikang Pilipino Filipino 8, Pasig City. Book Media Press, Inc. 2013.

Gonzales B. et. al. Sangwikaan. Sining ng Komunikasyon para sa Mataas na Paaralan. Quezon City.
Phoenix Publishing House. 1998.

Website

brainly.com, https://www.slideshare.net/allanortiz/radio-broadcast-2

Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag et. sa https://pdfcoffee.com/48-pangwakas-nagawain-pdf-


free.html

Mga Salitang ginagamit sa Radio Broadcasting. (April, 2021). Tuklas-Kaalaman Channel. (youtube.com)

You might also like