You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-B
Dibisyon ng Palawan
PORT BARTON NATIONAL HIGH SCHOOL
Port Barton, San Vicente, Palawan
Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Filipino -8

Pangalan:__________________________________ Petsa:____________
Seksyon:__________ Iskor:__________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang titik ng pinakawastong
sagot bago ang bilang.

I. Alamin at tukuyin kung anong uri ng impormal na komunikasyon ang tinutukoy sa bawat
pangungusap.
_____1. Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang- araw-araw na pakikipag –
usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan ay kabilang sa mga ________ na salita.
a. Pormal b. Impormal c. Natural d. Sektoral

_____2. Ang mga salitang balbal raw noon ay hindi tinatanggap ng matatanda at may pinag-aralan
dahil hindi raw maganda pakinggan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tawag sa salitang balbal?
a. slang b. salitang kanto c.salitang kalye d.salitang opisina

_____3. Ito ay mga salitang mula sa ibang wika . Karamihan sa mga ito ay pangalang tiyak, wika,
teknikal, pang-agham at simbolong pang matematika.
Ito ay tumutukoy sa _________.
a. kolokyal b. balbal c. banyaga d. lalawiganin

_____4. Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may


kagaspangan at pagkabulgar.
a. kolokyal b. pormal c. balbal d. lalawiganin

_____5. Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan.
a. balbal b. pormal c. banyaga d. lalawiganin

II. Ang pagkalikha ng mga salitang balbal ay mayroon ding pinagmulan. Tukuyin kung saan hinango
ang mga salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap.

_____6. Ang mga anak nina Aling Rema at Mang Tonio ay mga TISOY at TISAY.
a. katutubo b. wikang banyaga c. binaligtad d. Iningles

_____7. Ang aking utol ay galing ng Ilocos.


a. katutubo b. wikang banyaga c. binaligtad d. Iningles

_____8. Kilig to the bones si Maraiah nang makita ang kanyang iniidolo.
a. binaligtad b. katutubo c. nilikha d. pinaghalo-halo
_____9. Sa Japan bumili ng bagong tsikot si Grace kaya’t siguradong maganda at garantisado.
a. binaligtad b. katutubo c. nilikha d.dinaglat

_____10. KSP talaga itong si Jhon kaya’t ang hilig hilig mangalabit.
a. binaligtad b. katutubo c. nilikha d.dinaglat

III. Tukuyin kung anong Estratehiya ng Pangangalap ng mga Datos o impormasyon sa Pagsulat ang
bawat pangungusap.

_____11. Gustong mangalap ni Geraldine ng impormasyon sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga


bagay-bagay, tao, pangkat at pangyayari. Aling estratehiya ang angkop sa kanyang kagustuhan?
a. pagtatanong b. pagsasarbey c. Imersiyon d. Obserbasyon

_____12. Si Michelle ay nakikisalamuha at nakikisangkot sa tribo ng mga Batac sa Bgy. Salvacion


bilang paghahanda sa pagsulat ng isang akda at ulat hinggil sa tribo.
a. interbiyu b. Imersiyon c. obserbasyon d.brainstorming

_____13. Sa estratehiyang pagtatanong, sinasagot ang inilatag na mga tanong tungkol sa isang paksang
gustong isulat. Kadalasang kinapalooban ito ng 5W’s. Alin ang hindi kabilang sa 5W’s?
a. What b. Where c. Who d. Will

_____14. Pangangalap ng impormasyon hinggil saisang tiyak na paksa sa pamamagitan ng


pagpapasagot ng questionnaire sa isang grupo ng mga respondent.
a. interbiyu b. Imersiyon c. obserbasyon d.pagsasarbey

_____15. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isa-isang paglapit sa kasambahay,


kaibigan, kapitbahay o kasama sa trabaho.
a. Sounding-out friends b. Imersiyon c. obserbasyon d.pagsasarbey

IV. Ang mga sumusunod ay mga pangungusap na nagtataglay ng Ekspresyon ng Kaugnayang Lohikal
Tukuyin kung alin ang pangatnig o pang -ugnay na ginamit sa bawat pangungusap.

_____16. Nagsikap siyang mabuti sa kanyang pag-aaral kaya gumanda ang kanyang buhay.
a.kaya b. kanyang
c.nagsikap d. buhay

_____17. Nagbago ang kanyang buhay sa tulong ng kanyang mga kaibigan.


a. buhay b.kanyang
c.sa d.kaibigan

_____18. Kung nakinig ka sana sa iyong mga magulang, hindi magiging ganyan ang iyong buhay.
a. ka b. kung
c.magulang d. ganyan

_____19. Nagsikap siyang mabuti sa pag-aaral upang mabago ang kanyang buhay.
a. mabago b.siya
c. pag-aaral d. upang

_____20. Bunga ng kahirapan ang maaga niyang pag-aasawa.


a. kahirapan b.maaga
c. bunga d. pag-aasawa

V. Suriin ang mga elemento na dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang pelikula.

_____21. Sa pagsusuri ng pelikula pagtuonan ng pansin ang sumusunod na mga tanong . Alin ang
hindi kabilang?
a. Bago o luma ba ng istorya?
b. Malinaw baa ng pagkakalahad ng istorya?
c. Nakakapukaw ba ito ng interes?
d. Napapanahon baa ng paksa?

_____22. Ito ang paksa ng pelikula, diwa, kaisipan at pinakapuso ng pelikula.Anong elemento ng
pelikula ito?
a. diyalogo b. tema c. pamagat d. tauhan

_____23. Ang tauhan ay mga karakter na gumaganap at nagbibigay -buhay sa kwento ng pelikula. Sa
pagsusuri ng pelikula ay kinakailangan ding isaalang-alang ang mga sumusunod maliban sa
_____________________.
a. Malinaw ba a ng karakterisasyon ng mga tauhan?
b. Mahusay ba ang mga anggulong kinukunan?
c. Makatotohanan baa ng mga ito?
d. Angkop baa ng pagganap ng artista sa pelikula?

_____24. Ang _________ ng pelikula ang naghahatid ng pinakamensahe nito. Ito ay nagsisilbi
ring panghatak sa pelikula.
a. Cinematography b. Diyalogo c. pamagat d. tauhan

_____25. Ito ay isang paraan ng pagpapahalaga sa sining ng pelikula kung saan ang manunuri ay
maingat na nagtitimbang at nagpapasiya sa katangian nito.
a. Pagkontrol b. pagbubuo c. pagrerebyu d. pagpapalabas

VI. Alamin kung anong uri ng magasin ang tinutukoy. Piliin sa Hanay B ang tamang sagot ng nasa
Hanay A.

Hanay A Hanay B

______26. Magasing pangkababaihan a. FHM


______27. Magasin para sa mga abalang ina b. Cosmopolitan
______28. Tungkol sa balitang showbiz c. Good housekeeping
______29. Magasin tungkol sa fashion,mga d. Yes
Pangyayari at shopping e. Metro
______30. Binibigyang pansin ang mga kagustuhan f. Candy
at suliranin ng mga kabataan g. Men’s Health
______31. Magasin para sa mga gadgets h. T3
______32. Magasing nakatutulong sa kalalakihan i. Entrepreneur
tungkol sa mga isyu ng kalusugan j. Multiple Choice
______33. Magasin para sa mga taong may negosyo k. Magasin
o gusto ng negosyo
______34. Mabilis na paraan ng pagsagot sa isang survey
______35. Magasin para sa mga kalalakihan

Agosto nang mamatay ang isang batang babae sa Cebu matapos pagmalupitan daw ng
kanyang madrasta.
Anim na estudyante naman sa Santiago, Isabela ang pinakain umano ng chalk ng
kanilang guro ilang lingo na ang nakakaraan. Ilan lamang ito sa mga kaso ng pang aabuso sa bata
na naging laman ng balita.
Sa isang pag-aaral, lumalabas na 82% ng mg bata sa Pilipinas ang nakranas na nang
pisikal na pananakit sa kamay ng kanilang magulang. Ayon naman sa UNICEF, 60% ng mga
nanay sa Pilipinas ang umaming pinarurusahan nila ang kanilang mga anak at 3% sa kanila ay
gumagamit ng matinding pananakit. Ito rin ang dahialan kung bakit isinusulong ng ilang
mambabatas ang pagbabawal sa corporal punishment o pananakit sa bata bilang paraan ng
pagdidisiplina. Sa Kongreso, nasa 3rd reading na ang House Bill 4455 na nagbabawal sa corporal
punishment at nagsususlong ng alternatibong paraan ng pagdidisiplina.
Sa Quezon City naman balak ihain ni Councilor John Ansel de Guzman ang ordinansa
kung saan maaaring ang magulang, guro, yaya, guardian at iba pang nakakatanda kapag sinaktan
nila ang bata bilang paraan ng pagdidisiplina. Sa ilalim ng ordinansa, matatawag na corporal
punishment ang pamamalo, panununtok, pananadyak at paggamit ng ilang bagay tulad ng baston,
sapatos, sinturon at iba pa. Bawal din ang pamimingot, pananambunot, pangungurot at
pamimilpit ng kamay.
GMA NEWS TV: Balitanghali
Balitang-ulat ni Kara David

_____36. Maraming isyu ang tinalakay sa akdang binasa ngunit ito ang maituturing na pinakapaksa nito.
a. Pagpapahalaga sa karapatan ng Senior Citizen.
b. Pagpapabuti sa kalagayan at nutrisyon ng mga batang Pilipino.
c. Pagbabawal sa pananakit o paggamit ng corporal punishment.
d. lahat ng nabanggit

_____37. Ito ang pangunahing layunin kung bakit naisulat o naiulat ang balitang binasa.
a. upang mabigyang-halaga at pansin ang lahat ng karapatan ng batang Pilipino.
b. upang mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
c. upang mapaalalahanan ang mga magulang na mahilig mambugbog.
d. wala sa nabanggit

_____38. Ito ang tono o damdaming higit na nangibabaw sa binasang balita.


a. nagpapabatid b. nangangaral c. nanakot d. lahat ng nabanggit

_____39. Ito ang positibong epektong maaring mangyari sa kalagayan ng mga bata sa bansa kapag
ganap nang naisabatas ang House Bill 4455.
a. itatago ng mga magulang at guro ang pagdidisiplina sa bata
b. higit na tatapang at tatalino ang mga batang Pilipino
c. higit na matatamasa at mapoprotektahan ang karapatan mga batang Pilipino.
d. Wala sa nabanggit

_____40. Ito ang dahilan kung bakit lumalabas sa pag –a aral na malaki ang porsyento ng mga bata sa
Pilipinas ang nakararanas ng pisikal na pananakit sa kamay ng kanilang mga magulang.
a. dahil likas na matitigas ang ulo ng mga batang Pilipino.
b. dahil sadyang malulupit at mapagparusa ang mga magulang na Pilipino.
c. sapagkat naniniwala ang mga magulang sa prisipyong “ ang anak na hindi paluin, magulang
ang paluluhain.
d. A at C

VII. Bigyang-kahulugan ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon sa
ibaba.

_____41. Salita o pariralang inuumpisahan gamit ang simbolong # na nakatutulong upang mapagsama –
sama sa isang kategorya ang mga tweet sa Twitter o maging mga posts sa facebook.

_____42. Malawakang nababanggit o napag-uusapan sa Internet particular na sa social media sa social


media websites.

_____43. Naglalaman ito ng mga maikling kwento at nobela na naging instrumento upang umunlad ang
kamalayan ng marami sa kulkturang Pilipino.

_____44. Tamang kaasalan o pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng Internet o social media.

_____45. Taong aktibong gumagamit ng Internet; taong eksperto sa paggamit ng social network.

_____46. Nagsususlat o gumagawa ng mga sulatin, larawan,tunog, musika, video at iba pa gamit ang
isang tiyak na website.
_____47. Tumutukoy sa mga tao lalo na sa mga kabataang mahilig gumamit ng mga simbolo at
kakaibang karakter (titik at simbolo) sa pagtetext na kadalasan ay nagdudulot ng kalituhan .

_____48. Sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi, at
nakikipagpalitan ng impormasyon at ng mga ideya sa isang virtual na komunidad at network.

_____49. Tinaguriang “Texting Capital of the World”

_____50. Ang mga kabataan sa kasalukuyang panahon ay nasasanay na sa bawat click ng mouse, o
pagtouch sa screen ng Ipad, laptop o cellphone ay agad na nilang nakukuha o nababasa ang
mahahalagang impormasyong kanilang kinakailangan.

a. social media f. netiquette k. magasin


b. blogger g. trending
c.hashtag h. Liwayway
d. netizens i. Philippines
e. jejemon j. digital-age

“ Lahat ng eksam ay madali sa batang nag-aaral, nakikinig at nagbabasa ng mabuti lalo na kapag hindi nagmamadali
sa pagsagot ”

Inihanda ni: Gng. Cherry Ann O. Jumamoy

Guro sa Filipino-8
Susi sa Pagwawasto
Filipino - 8

1. B
2. D 26. B
3. C 27. C
4. A 28. D
5. D 29. E
6. B 30. F
7. A 31. H
8. D 32. G
9. A 33. I
10. D 34. J
11. D 35. A
12. B 36. C
13. D 37. A
14. D 38. A
15. A 39. C
16. A 40. D
17. C 41. C
18. B 42. G
19. D 43. H
20. C 44. F
21. D 45. D
22. B 46. B
23. B 47. E
24. C 48. A
25. C 49. I
50. J

You might also like