You are on page 1of 4

Department of Education

Region VIII (Eastern Visayas)


Division of Tacloban City
GUADALUPE HEIGHTS INTEGRATED SCHOOL
Brgy. 105 San Isidro (Suhi), Tacloban City

THIRD QUARTER EXAM IN FILIPINO 8

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat sa hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang paksa ng pamatnubay na ito? Itinaas na ng PAGASA sa red signal warning ang LPA na
inaasahang papasok sa PAR ngayong Miyerkules.
A. ang LPA warning B. ang inaasahang bagyo C. ang paparating na bagyo D. ang pagtataas
ng warning
2. Paano binuo ang pamagat ng dagling, “Raos”?
A. maikli B. mahaba C. napakagulo D. napakahaba
3. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit ayon sa pagkakagamit? G na G oyat ah. Arat na sa
plaza.
A. game B. go C. tara D. tayo
4. Ano ang ibig sabihin ng omsim sa: Ako den. Osmin na omsim.
A. ako B. mismo C. tal D. totoo
5. Naging anyways ang salitang “N e wazeee”?
A. dahil may kamukhang mga letra B. dahil nakikisabay lamang sa uso C. dahil sa kaartehan ng
sumusulat D. dahil kung bibigkasin ito, katunog
6. Ano ang unang dapat gawin sa pangangalap ng datos sa pananaliksik?
A. Mangolekta ng mga datos sa iba’t ibang lugar. B. Alamin ang paksang gagawan ng pananaliksik.
C. Bumuo ng balangkas sa pagkakasunod-sunod. D. Iayos ang nakolekta nang ayon sa binuong
balangkas
7. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na pagkunan ng datos sa pananaliksik kaugnay sa vlog ng
kabataan?
A. Instagram B. Facebook C. Twitter D. Youtube
8. Anong uri ng balita ang kasunod na mangyayari sa naunang balita?
A. itinalaga B. ‘di inaasahan C. panubaybay D. pauna
9. Anong uri ng impormal na komunikasyon kung ikaw ay sasabihan ng isang online gamer na: “Awit
naman talaga sa iyo. Awitized”?
A. balbal B. banyaga C. kolokyal D. pormal
10. Paano mo sasabihin nang pinakaimpormal ang salitang: Pare, legit ito?
A. 2ll, leg8? B. pare, 22o? C. pare, talaga? D. repa, true ba?
11. Ito ang dalawang pangunahing istasyon sa radyo.
A. AM at PM B. AM at FM C. H & M D. radyo at telebisyon
12. Ang itinuturing na una sa pinakapinagkakatiwalaang pinagkukunan ng pampolitikang impormasyon sa
Pilipinas.
A. internet B. opinyon C. radyo D. telebisyon
13. Batay sa school calendar na ibinaba ng DepEd, sa Hunyo 2021 ang pagtatapos ng Taong Panuruang
2020-2021.
A. hinuha B. katotohanan C. opinyon D. personal na interpretasyon
14. Para sa akin, mas mabuting bigyan ng ayuda ang mga nawalan ng trabaho ngayong may pandemya.
A. hinuha B. katotohanan C. opinyon D. personal na interpretasyon
15. Ayon sa datos ng DepEd, maraming balik-aral ang nagpatala ngayong taong panuruan.
A. hinuha B. katotohanan C. opinyon D. personal na interpretasyon

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong batay sa teksto. Piliin at isulat ang sagot
sa hiwalay na papel.
Teksto A
(1) Maagap na inasikaso ni Auring si Richard sa pagdating nito sa kanilang bahay. (2) Ipinagluto rin niya ito
ng adobo. (3) Bilang pagtugon sa kahilingan ni Richard na isang Amerikano, tinuruan niya ito ng mga
salitang Filipino at kaalaman patungkol sa pamanhikan, bayanihan, at lamayan. (4) Ang mga ipinakita at
itinuro ni Auring kay Richard ay nagpapakilala sa kulturang Pilipino.
16. Ayon sa teksto, saang bilang matatagpuan ang pamaksang pangungusap?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
17. Ayon sa unang pangungusap, ano ang tonong isinasaad nito?
A. pag-asam B. paghanga C. pagkaalisto D. pananabik
18. Sa kabuuan, ang layon ng teksto ay ________.
A. ipakita ang kagandahan ng Pilipinas B. ipakita ang panghihikayat sa panauhin C. ipakita
ang kasayahan ng mga Pilipino D. ipakita ang pagiging magiliw sa panauhin
19. Sa iyong palagay, bakit gustong matuto ng salitang Filipino ni Richard? A. Upang
hindi siya maloko ng mga Pilipino B. Upang hindi siya pagtawanan ng mga Pilipino C. Upang magamit
niya at maituro ito sa kaniyang pamilya D. Upang mabilis siyang makibagay sa mga taong
nakakasalamuha niya sa Pilipinas
20. Alin sa kulturang Pilipino ang HINDI nabanggit sa teksto?
A. bayanihan B. lamayan C. pamanhikan D. piyesta

Teksto B.
Ang telebisyon bilang popular na midyum sa komunikasyon ay nakatutulong nang malaki sa
sambayanang Pilipino sa pagkakaroon ng mga kaalaman sa iba’t ibang larangan. May mga programa rin sa
telebisyon na nagbibigay-serbisyo sa mga tao na malaking bagay para sa masang Pilipino. Sa ganitong
paraan, natutugunan ng telebisyon ang iba’t ibang pangangailangan ng mga tao. Isang halimbawa ng
programang pantelebisyon ay isinulat ng isang batikang manunulat na si Fanny Garcia. Ang “Hello…
Paalam” na nagwagi ng pangatlong gantimpla sa kategoryang teleplay, pagsulat ng iskrip sa programang
pantelebisyon.

21. Bakit sinasabing malaki ang naitutulong ng telebisyon sa sambayanang Pilipino?


A. Sapagkat nakapapawi ito ng lungkot B. Sapagkat nakatutulong ang telebisyon sa problemang
kinakaharap ng mga Pilipino C. Sapagkat nakatutulong ito para sa pagkakabuklod-buklod ng
pamilyang Pilipino D. Sapagkat nakapagbibigay ito ng kaalaman, serbisyo, at pangangailangan ng
masang Pilipino
22. Batay sa unang pangungusap sa teksto, ano ang kasingkahulugan ng salitang nakahilig?
A. daluyan B. hakbang C. lenggwahe D. paraan
23. Anong akda ni Fanny A. Garcia ang nagwagi ng gantimpala sa kategoryang teleplay? A. “Hello…
Goodbye” Paalam” B. “Hello…Love…Paalam”C. “ Hello… Paalam” D. “Teleplay”

Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.
24. Nag-iingat siyang mabuti __________ nakaiwas siya sa sakit.
A. dahil B. dahil sa C. kaya D. upang
25. Nagsusuot siya ng face mask at face shield tuwing lalabas ng bahay __________ pag-ingatan ang
kaniyang sarili. A. dahil B. dahil sa C. kaya D. upang
26. __________ patuloy na pagsisilbi ng mga doktor sa bayan, sila ay binigyan ng parangal.
A. Dahil B. Dahil sa C. Kaya D. Sapagkat
27. Umisip ng ibang hanapbuhay si Mark __________ maitaguyod ang kaniyang pamilya sa panahon ng
pandemya. A. dahil B. dahil sa C. kaya D. upang
28. Nagbahay-bahay ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Gapan __________ mamahagi ng food
packs bilang ayuda sa bawat pamilya. A. dahil B. dahil sa C. kaya D. para
29. _________regular na pag-eehersisyo, napananatili ni Mac ang normal na timbang at pagkakaroon ng
malakas na resistensiya. A. Dahil B. Dahil sa C. Kaya D. Upang
30. Nakalikom siya ng perang ipantutulong sa mga nangangailangan __________ nagsagawa siya ng fund
raising. A. dahil B. dahil sa C. kaya D. upang
31. _________pamamalagi ni Matt sa bahay, mas nagkaroon siya ng panahon sa kaniyang pamilya.
A. Dahil B. Dahil sa C. Kaya D. Upang
32. Nag-aral siyang magluto ng mga kakanin __________ nalibang niya ang sarili ngayong lockdown. A.
bunga nito B. dahil C. dahil sa D. upang
33. Sama-samang nagrorosaryo ang pamilya ni Aling Cely __________ hilingin na matapos na ang
nararanasang pandemya.
A. dahil B. dahil sa C. kaya D. upang

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa ibabaw ng mga katanungan.

Musika iskrip anggulo artista okey, taping na! Break!break!


Bida kontrabida Take two Derek Lights, camer, action cut
Sine pinilakang tabing

34. (Silver Screen) o sinehan


35. lugar panooran ng mga pelikulang naka-anunsiyong panoorin.
36. salitang ginagamit ng direktor kung hindi nasisiyahan sa pag-arte o may eksenang hindi maaayos ang
pagkakagawa.
37. hudyat na magsisimula na ang pag-arte o ang pagkuha ng eksena
38. tumutukoy sa kung ilang ulit kinukuhanan ang eksena
39. tawag sa taong nagmamaneho sa artista, lugar, iba pang gagalaw sa pelikula
40. tawag sa taong pinakatampok sa pelikula.
41. katunggali ng bida na nagbibigay intense sa isang pelikula.
42. pormal na hudyat na ang taping ay magsisimula na.
43. saglit na pamamahinga o pagtigil sa pagkuha ng eksena
44. tumutukoy sa ganda ng kuha sa lugar eksena at pag-arte.
45. mga taong gumaganap ng bawat papel na hinihingi ng istorya
46. dapat naaangkop sa kuwento o eksena at galaw ng bawat tauhan.
47. kasaysayan ng pelikula, teksto o nasusulat na paglalahad sa pelikula kasama ang detalye ng aksyon at
mga patnubay na teknikal na kailangan sa produksyon

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Piliin at isulat sa hiwalay na papel
ang letra ng iyong sagot.

48. Ano ang angkop na salita sa pahayag na, “Ang susi sa mabisang pagpaplano laban sa kalamidad ay ang
_____________”? A. Kahandaan B. pagdarasal C. pakikinig D. pagtitipid
49. Ano ang angkop na salita upang mabuo ang pahayag na ito “Kung kinakailangang lisanin ang tahanan,
mag-iwan ng ______________ kung saan nakasaad ang lugar na patutunguhan”?
A. emergency kit B. mensahe C. pagkain D. palatandaan
50. Mahalagang mag-iwan nito kung sakaling kinakailangan mong lisanin ang inyong tahanan sa oras ng
kalamidad upang _________.
A. hindi magutom ang mga taong iiwanan sa bahay B. madaling matukoy ng iyong mga kasama sa
bahay ang iyong mga kaibigan C. maging handa sa posible o maaaring mangyari sa oras ng kalamidad
D. madaling matukoy ng iyong pamilya o kamag-anak ang iyong kinaroroonan at mabawasan ang
kanilang pag-aalala
51. “Alamin ang batas at ang inyong karapatan”, anong adbokasiya ang ipinaglalaban ng kampanyang
panlipunang (social awareness campaign) ito? A. kampanya laban sa karahasan B. kampanya
laban sa ilegal na droga C. kampanya laban sa pang-aabuso ng kalikasan D. kampanya laban sa
pang-aabuso sa kababaihan
52. Kinakailangang maikli, malinaw, at malakas ang dating ng mensahe ng iyong kampanyang panlipunang
(social awareness campaign) ipinaglalaban dahil_____________________.
A. makatitipid sa papel na gagamitin B. mapakikilos ang publiko sa adbokasiyang ipinaglalaban C.
madali itong mabasa ng mga ordinayong mga mamamayan D. mababasa ito nang mabuti ng mga
taong may problema sa paningin
53. “Paninigarilyo… Huwag mong gawing abo ang buhay mo”, naaangkop ba ang salitang nakasalungguhit
sa kampanyang panlipunang (social awareness campaign) ito? A. Hindi, dahil hindi lahat ng namamatay
ay nagiging abo. B. Oo, dahil maaaring umikli ang iyong buhay dulot ng labis na paninigarilyo. C.
Hindi, dahil sa pahayag na ito, sigarilyo lang ang maaaring maabo at hindi ang buhay. D. Oo, dahil
maaaring magkaroon ng abo ang iyong baga sa labis na paninigarilyo.
54. Higit na magiging mabisa ang kampanya tungkol sa pag-iwas ng sunog kung ito ay isasagawa sa buwan
ng _______________. A. Agosto B. Hulyo C. Hunyo D. Marso

II. Enumeration
55. to 58. Uri ng mga babasahing popular
59. to 60. Magbigay ng dalawang katangian ng isang mabuting balita

Inihanda ni:
Gng. Armida L. Glova
Guro

You might also like