You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III- Central Luzon
Tarlac City Schools Division
BALIBAGO PRIMERO INTEGRATED SCHOOL
Balibago I, Tarlac City

FILIPINO 8
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

Pangalan: _______________________________________________________ Petsa: _________________


Antas: ______________________ Marka: _______________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
Iwasan ang bura.
1. Ang lahat ng mga mag – aaral sa ikaapat na antas ay kasalukuyang ____________ na para sa pagsusulit.
A. naghahanda B. naghanda C. maghahanda D. maghanda
2. Sa susunod na buwan ____________ ang karamihan sa mga pagsusulit na ito.
A. isasagawain B. isasagawa C. isinasagawa D. magsasagawa
3. Noong isang taon pa _____________ ng maraming mag – aaral ang paghahanda para sa mahalagang pagsusulit na
ito.
A. sinisimulan B. simulan C. sinimulan D. wala sa nabanggit
4. Matagal nang nagwakas ang palabas na “On the Wings of Love.” Ang salitang “nagwakas” ay nasa aspektong
___________________?
A. perpektibo B. imperpektibo C. kontemplatibo D. katatapos
5. Ito ay nagsasaad kung naganap na o hindi pa ang isang kilos.
A. Perpektibo B. Kontemplatibo C. Katatapos D. Aspekto ng Pandiwa
6. Alin sa sumusunod na mga salita ang nasa anyong imperpektibo?
A. nagkakantahan B. kakakanta C. mag-aaral D. wala sa nabanggit
7. ________________________ ang kanyang karamdaman sa paglipas ng mga araw.
A. Lumubha B. Lumulubha C. Naglubha D. a at c
8. Kasalukuyang ____________________ ni Aida ang manok para sa kanilang ulam mamayang tanghali.
A. piniprito B. ipiprito C. ipinipirito D. ipiniprito

9. Ano ang pagkakaiba ng tabloid at broadsheet?


A. Ang tabloid ay nasusulat B. Ang tabloid ay Class A at C. Ang tabloid ay pangmasa D. a at b
sa wikang Tagalog B ang mambabasa samantalang ang
samantalang ang samantalang sa broadsheet broadsheet ay ang Class A
broadsheet ay sa iba’t ibang ay Class A lamang. at B ang mambabasa.
wika.
10. Bakit tinaguriang sensationalized journalism ang tabloid?
A. dahil masyadong B. dahil naglalaman ito ng C. a at b D. wala sa nabanggit
binibigyang-pansin nito ang mga malalaswang paksa
karahasan
11. Ano ang nilalaman ng magasing “T3”?
A. negosyo B. gadget C. pagkain D. lahat ng nabanggit
12. Ang magasin na ito ay patungkol sa balitang showbiz.
A. Buzz Magazine B. Yes! C. Metro D. Liwayway
13. Ito ang pangunahing nilalaman ng isang magasin kumpara sa ibang uri ng print media.
A. mga tsismis B. fashion C. maikling kuwento D. artikulo

14. Bakit unti-unting nanghina ang Liwayway Magasin sa Pilipinas?


A. dahil nagbabago ang B. dahil nalugi ito C. wala nang mailabas na D. nag-iba ito ng pangalan
panlasa ng mga tao bagong nilalaman ito
15. Ito ang tawag sa bahagi ng komiks na naglalaman ng isang tagpo ng kuwento.
A. tagpuan B. kahon ng salaysay C. kuwadro D. lobo ng usapan

16. Ang taon kung kailan nilikha ni Mars Ravelo ang karakter na si Dyesebel.
A. 1980 B. 1960 C. 1970 D. 1950
17. Bakit humina ang produksiyon ng komiks noong dekada 80’s?
A. ipinatanggal ang ilan sa B. umusbong ang C. nagsawa na ang mga tao D. lahat ng nabanggit
nilalaman nito teknolohiya
18. Ang komiks ay isang ____________________ na kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit sa pagkukwento.
A. babasahin B. grapikong midyum C. print media D. uri ng salaysay
19. Bakit inilalarawan bilang isang makulay at popular na babasahin ang komiks?
A. dahil isinusulong nito B. dahil sa mga C. naglalaman ito ng mga D. b at c
ang kulturang Pilipino magagandang guhit nito pantasya
20. Ang magasin na ito ay para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.
A. Candy B. Good Business C. Entrepreneur D. Metropolitan
21. Ano ang pagkakaiba sa nilalaman ng komiks noon at ngayon?
A. Wala, dahil humina na B. Nawalan na nang interes C. Nagmahal ang papel na D. Mas lumawak ang genre
ang produksyion nito ang mga dibuhista ginagamit dito ng komiks ngayon
22. Bakit tinatawag na isang popular na babasahin ang komiks?
A. dahil sa makulay nitong B. dahil sa mga sikat na C. dahil sumikat ang mga D. dahil maraming tao ang
anyo karakter nito gumawa ng komiks tumangkilik dito
23. Alin sa sumusunod ang hindi halimbawa ng isang tabloid?
A. Bandera B. Abante C. Liwayway D. Tiktik
24. Alin sa sumusunod ang hindi makikita sa tabloid?
A. tsismis B. bugtong C. palaisipan D. isports
25. Alin sa sumusunod ang maituturing na broadcast media?
A. radyo at telebisyon B. pahayagan at radyo C. magasin at komiks D. telebisyon at tabloid
26. Alin sa sumusunod ang hindi gampanin ng radyo?
A. naghahatid ng balita B. naghahatid ng musika C. nananawagan D. wala sa nabanggit
27. Ito ay ang mga salitang tanggap at ginagamit ng nakararami.
A. Wika B. Pormal na Wika C. Istandard na Wika D. Pampanitikan
28. Ang salitang “gabi-i” ay isang halimbawa ng anong antas ng wika?
A. kolokyal B. balbal C. lalawiganin D. pambansa
29. Ito ang wikang ginagamit sa tabloid.
A. balbal B. kolokyal C. lalawiganin D. Tagalog
30. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga anyo ng kontemporaryong panitikan
A. magasin, komiks, B. tabloid, magasin C. print media, popular na D. wala sa nabanggit
popular na babasahin babasahin, komiks
31. Sa pangungusap na “Sinong meron nang takdang-aralin sa Filipino?”, ang salitang “meron” ay nasa anong antas
ng wika?
A. kolokyal B. lalawiganin C. balbal D. a at c
32. Alin sa sumusunod na mga salita ang hindi halimbawa ng pampanitikan?
A. irog B. dampa C. masikap D. dalisay
33. Alin sa sumusunod na mga salita ang hindi halimbawa ng balbal?
A. jeproks B. kaloka C. pandong D. jologs
34. Ano ang katumbas ng salitang “maganda” sa pampanitikan?
A. mahinhin B. marikit C. lakambini D. binibini
35. Ano ang pinakalayunin ng komentaryong panradyo sa mga kabataan?
A. Maipahayag ang sariling B. Matutong magbalita C. Mamulat sa mga D. Makapagsalita nang
opinyon pangyayari sa bansa maayos
36. Alin sa sumusunod na mga salita ang halimbawa ng pampanitikan?
A. dalisay at paglimot B. ama at ina C. gabay at paksa D. pagtangis at aba
37. Paano ang tamang baybay ng salitang “nasaan” sa kolokyal?
A. ‘san B. asan C. nasa’n D. ‘sa’n
38. Sa pangungusap na “Walang pasok bukas!”, ang buong pangungusap ay nasa anong antas ng wika?
A. kolokyal B. pambansa C. di-pormal D. balbal
39. Alin ang hindi kabilang sa broadcast media?
A. radyo B. social media C. telebisyon D. print media
40. Ito ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay
sa isang napapanahong isyu.
A. komentaryong panradyo B. broadcast media C. pagkokomento D. dokumentaryong
pantelebisyon
41. Alin sa sumusunod na programa ang hindi kabilang sa broadcast media?
A. TV Patrol B. 24 oras C. Probinsyano D. I-Witness
42. Ano ang pagkakaiba ng print media sa broadcast media?
A. Wala, dahil parehas B. Ang print media ay ang C. Ang print media ay ang D. Ang print media ay
silang uri ng media mga popular na babasahin mga nakalimbag na artikulo binabasa samantalang ang
samantalang ang broadcast samantalang ang broadcast broadcast media ay
media ay naghahatid ng media ay naghahatid ng binabasa rin at ginagawang
impormasyon gamit ang impormasyon gamit lamang teleserye ang ilan sa mga
network. ang awdio at biswal. palabas dito.
43. Ano ang unang hakbang sa paggawa ng isang epektibong komentaryong panradyo?
A. marunong makinig B. magbigay ng opinyon C. a at b D. may sapat na kaalaman
44. Sino sa sumusunod na mga personalidad ang hindi naghahatid ng balita sa telebisyon o radyo?
A. Pinky Webb B. Kara David C. Atom Araullo D. wala sa nabanggit
45-50. Alamin kung anong gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa bawat pangungusap.
A. panghihinayang B. pagtanggi C. pag-aalinlangan D. pagbibigay-babala
45. “Hindi ako ang may kasalanan kung bakit nawala ang iyong tablet, Rex!”
46. “Sana ay sinabi na niyang bumagsak siya bago pa gumastos ang kanyang ate sa pagpapaaral sa kanya.”
47. “Kaya ko kayang mag-aral sa Maynila na walang kilalang kaibigan kahit isa man lang?”
48. “Alalahanin mong siya ang tumulong sa iyo sa paggawa ng proyektong iyan.”
49. “Hindi sana mangyayari ito kung hindi ka naging padalos-dalos sa iyong desisyon.”
50. “Hindi ako sigurado kung tama ang inilagay kong sagot sa tanong sa blg. 15 sa Filipino 8.”

Inihanda ni: Binigyang-pansin:

Danica L. Perez Jolie M. Intal


Guro sa Filipino Punung-guro

Answer Key: 4. A
1. A 5. D
2. B 6. A
3. C 7. B
8. D 28. C
9. C 29. D
10. C 30. D
11. B 31. A
12. B 32. B
13. D 33. C
14. A 34. B
15. C 35. A
16. D 36. D
17. A 37. C
18. B 38. B
19. A 39. D
20. C 40. A
21. D 41. C
22. C 42. B
23. C 43. D
24. B 44. D
25. A 45. B
46. A
47. C
48. D
49. A
50. C

26. D
27. B

You might also like