You are on page 1of 5

Pangalan:____________________________________________________________ Marka: ____________________

Taon/Seksyon______________________ Petsa: _____________________

PANLAHAT NA PANUTO: Basahin ang mga panuto. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat sa sagutang papel ang titik.

I. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Siya ang sumulat ng akdang Florante at Laura.


a. Fanciscano Balagtas b. Francis Balagtas c. Francisco Balagtas d. Francisco Balgta
2. Kailan ipinanganak si Francisco Balagtas?
a. Abril 2, 1786 b. Abril 2, 1788 c. Abril 2, 1787 d. Abril 2, 1789
3. Ang palayaw ni Balagtas ay ________.
a. Huseng sisiw b. Koko c. Kiko d. Baltazar
4. Ano ang trabaho/hanapbuhay ng ama ni Francisco Balagtas? a. Panadero b. Panday c. Carpentiro d. Manunulat
5. Ano ang layunin ni Francisco Balagtas kung bakit pumunta siya sa Maynila ?
a. Makapagtrabaho b. Makapag-aral c. Makahanap ng magiging kabiyak d. Makadalaw
6. Anu ang kursong nakuha at natapos ni Francisco Balagtas?
a. Guro c. Geograpiya at Teolohiya b. Teolohiya at Pilosopiya d. Abogasya
7. Sinong pari ang naging guro ni Francisco Balagtas ? a. Padre Gomez c. Padre Pilapil b. Padre Zamora d. Padre Burgos
8. Kanino una namagneto si Francicsco Balagtas,dahil sa kanya nagbigay ito ng ibayong inspirasyon para makasulat ng mga tula.
a. Maria Asuncion Rivera b. Juana dela Cruz c. Juana Tiambeng d. Wala sa nabanggit
9. Saan isinulat ang Florante at Laura? a. Bahay b. Manila c. Piitan d. Tabing dagat
10. Saang lugar namuhay ng matiwasay ang mag-asawang Francisco Balagtas at Juana Tiambeng?
a. Balanga, Bataan b. Udyong ( Orion) c. Tondo, Manila d. Pandacan, Manila.

II. Mga tauhan: Hanapin sa hanay B ang mga tauhang inilalarawan sa hanay A. Isulat sa sagutang papel ang sagot.
A B
1. Tagapagtanggol ng Albanya, anak ni Duke Briseo a. Konde Adolfo
2. Kalaban ni Florante, tinatawag na nagbabalat-kayo b. Menandro
3. Hari ng Albanya, ama ni Laura c. Florante
4. Ama ni Florante d. Sultan Ali-adab
5. Guro ni Florante sa Atenas e. Aladin
6. Anak na babae ni Haring Linseo; iniibig ni Florante f. Laura
7. Isang gererong Moro at Prinsipe ng Persiya g. Flerida
8. Matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor h. Haring Linseo
9. Kasintahan ng Moro na inagaw ng kayang ama i. Duke Briseo
10. Sultan ng Persya, ama ni Aladin j. Menalipo
k. Antenor

III. Piliin ang kasing kahulugan ng salitang may salungguhit.


1. Lubos na nagdadalamhati ang nakagapos. a. Nag-iisip b. Nagdurusa c. Nalulungkot d. Nagpapanangis
2. Sa isang madilim, gubat na mapanglaw. a. Maliwanag b. Maayos c. Madilim d.Malalim
3. Dapat parusahan ang mga taong nagpapakita ng kaliluhan sa bayan. a. Paghamak b. Pagsuway sa batas c. Paninisi d. Pagtataksil
4. Bumubulusok ang barko sa karagatan. a. Lumubog b. Lumutang c. Sumisid d. Lumit
5. Dusa sa puri kong kusang siniphayo, a. Dinulutan b.Binig c. Sinubok d. Itinulad
6. Lubhang masukal ang gubat na kinaroroonan ni Florante. a. madawag b. madilim c. mahalaman d. maliwanag
7. Lalong matimpi ang huni ng mga ibon na nasa punong higera. a. malakas b. Masaya c.mahinahon d.mahina
8. May bulo ang bunga ng kahoy na balot ng tinik. a. pinong balahibo b. tangkay c. lason d.dahon
9. Mapanglaw ang gubat na sinasaliwan pa ng awit ng mga ibon. a. Makulimlim b. Malungkot c.Maingay d. Mainit
10. Napakagandang pagmasdan ang balantok na pilikmata ni Florante. a. tuwid b.nakaarko c. makapal d. mahaba

IV. Tukuyin kung anong uri ng tayutay.


1. Tila porselana ang kutis ni Celia. a. simili b.metapora c. personipikasyon d. paradoks
2. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin. a. simili b.metapora c. personipikasyon d. paradoks
3. Malayo ma’y malapit pa rin. a. simili b.metapora c. personipikasyon d. paradoks
4. Ikaw ang apoy na sumusunog sa aking puso. a. simili b.metapora c. personipikasyon d. paradoks
5. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo. a. pagmamalabis b.personipikasyon c.pagtawag d.paghihimig
6. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat. a. pagmamalabis b.personipikasyon c.pagtawag d.paghihimig
7. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian. a. pagmamalabis b.personipikasyon c.pagtawag d.paghihimig
8. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad. a. simili b.metapora c. personipikasyon d. paradox
9. Ikaw na bulaklak niring dilidili. a. simili b.metapora c. personipikasyon d. paradox
10. Aking nadarama ang kapighatian sa pinapasan kong sobrang kalungkutan! a. pagdaramdam b.simili c. paradoks d.pagtawag

V. Piliin ang kahulugan ng sumusunod na mga pahayag sa mga saknong.

1. “Para ng halamang lumaki sa tubig


Daho’y nalalanta munting di madilig”
a. Nalalanta ang mga halaman sa tubig. c. Hindi magkakaroon ng bait sa sarili ang pagkunsinte sa anak
b. Kapag nasanay ang bata na dumipende, agad itong sumusuko d. Mahal na mahal ng magulang ang anak
2. “"Huwag malilingat at pag-ingatan mo
ang higanting handa ng Konde Adolfo;
pailag-ilagang parang basilisko,
sukat na ang titig ng mata'y sa iyo."
Ano ang damdamin ng guro ni Florante?
a. Nagtataka c. Nangangaral
b. Nagpapayo d. Nagsesermon

3. "Dito na nahubdan ang kababayan ko


ng hiram na bait na binalat-kayo;
kahinhinang-asal na pakitantao,
nakilalang hindi bukal kay Adolfo."
a. Natanggal ang saplot ni Florante c. Nakita ang kahinhinang-asal ni Adolfo
b. May hiniram si Adolfo kay Florante d. Nakita ang totoong ugali ni Adolfo
4. “Hanggang dito ako, O nanasang pantas
sa kay Sehismundo’y huwag ding matulad;
sa gayong katamis, wikang masasarap
ay sa babago ng tula’y umalat.
Nais ipahayag ni Balagtas na:
a. Umalat ang tula c. Mahalin ang tula
b. Pakasuriin muna ang tula d. Huwag papalitan ng berso ang tula

5. “Yaong Laurang hindi napapaknit


Ng kamatayan man sa tapat kong dibdib
Ano ang tinutukoy sa saknong:
a. Si Laura ay hindi napapaknit c. Nararamdaman ni FLorante na pinagtaksilan siya ni Laura
b. Hindi nawawala ang pagmamahal ni FLorante kay Laura d. Si Florante ay hindi nawawala sa puso ni Laura

6. Ang haring may hangad na yaman


Ay mariing hampas ng langit sa bayan.
a. Ang gahaman sa kapangyarian, ay magiging malupit makuha lamang c. Hahamakin ng taong makapangyarian ang lahad ng balakid
ang kagustuhan d. Wala sa nabanggit
b. Ang pinunong hangad ay kayaman, ay magiging mabait

7. “O pagsintang labis na kapangyarihan


sampung mag-aamay iyong nasasaklaw
Pag ikaw ang nasok sa puso ninu man
hahamaking lahat masunod ka lang.
a. Kahit sino malayang umibig c. Masusubok ang lakas sa pag-ibig
b. Ikamamatay ng iba ang mabigo sa pag-ibig d. Hahamakin ang lahat ng pagsubok kung umiibig
8. “sa pagkakita ko'y sabay ang paggiliw,
inagaw ang pusong sa ina ko'y hain."
a. Inagaw ni Laura ang giliw ni Florante sa kanyang ina c. Natulala si Florante sa ganda ni Laura
b. Nawalan ng pag-iisip si Florante d. Nakalimutan ni Florante ang kanyang ina nang Makita si Laura

9. "Sa ligaya namin ng nuno kong hari,


nakipagitan din ang lilong pighati;
at ang pagkamatay ng ina kong pili,
malaon nang lanta'y nanariwang muli."
a. Sa ligayang naramdaman, mayroon at mayroon ding lungkot na mararamdaman
b. Sa ligaya ni Florante at Laura nalungkot muli sila dahil namatay ang ama ni Florante
c. Naging maligaya si Florante at Duke Briseo ngunit, nalungkot muli dahil sa nanariwa ang lungkot sa pagkamatay ni Floresca.
d. Naging maligaya si Florante at Duke Briseo ngunit, nalungkot muli dahil sa nanariwa ang lungkot sa pagkamatay ni Linseo.

10. “ang laki sa layaw karaniwa’y hubad


sa bait at muni’t sa hatol ay salat;
nasaklap na bunga ng maling paglingap
habag ng magulang sa irog na anak.
a. Hindi mulat sa katotohanan sa lipunan ang mga laki sa layaw c. Ang mga bata ay dapat palakihin sa layaw
b. Hindi nahahabag ang magulang ng isang bata d. Mulat sa lipunan ang mga laki sa layaw

“Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung 'di mo pagtitiyagaan limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi.” ― Bob Ong
Huseng sisiw
a. Koko
b. Kiko
Baltazar

You might also like