You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A (CALABARZON)
Sangay ng Batangas
PANSOL INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

Pang-araw-araw na PAARALAN Pansol INHS BAITANG/ ANTAS 8


Pagtuturo GURO Reychell G. ASIGNATURA Filipino
Mandigma
ARAW/ PETSA Pebrero 14, 2023 MARKAHAN IKATLO
Martes

I. LAYUNIN Natutukoy ang paksa, layon ng komiks bilang isang popular na babasahin
Naipaliliwanag nang maayos ang mga impormasyong nakalap tungkol sa
paksa
Natutukoy ang iba’t ibang bahagi ng komiks
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang
popular sa kulturang Pilipino
B. Pamantayang Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang
kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media awareness
campaig)
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto F8PB-IIIa-c-29 Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay
sa :
-paksa
-layon
-tono
-pananaw
-paraan ng pagkakasulat
-pagbuo ng salita
-pagbuo ng talata
-pagbuo ng pangungusap
II. PAKSA Aralin 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang
Popular
a. Panitikan: Popular na Babasahin
Pahayagan (Tabloid)
Komiks
Magasin
Kontemporaryong Dagli
b. Wika: Antas ng Wika
Pormal
Di-pormal
Popular (Balbal)
A. SANGGUNIAN
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Modyul ng Guro Pahina 19-22
2. Mga Pahina sa Kagamitang Panitikang Pilipino Pahina 128-131
Pangmag-aaral
3. Mga Pahina sa teksbook Panitikang Pilipino Pahina 128-131
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Internet
Portal ng Learning Resource
B. Iba Pang Kagamitang Panturo Powerpoint Presentation, laptop, telebisyon, , larawan ng tradisyunal at
popular na panitikan
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin o GAWAIN 1: PILIIN MO AKO! (Inquiry-Based Approach)
pagsisimula ng bagong aralin Panuto: Piliin sa mga sumusunod ang halimbawa ng komiks.
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin GAWAIN 2: WORD WEBBING! (Constructivist Approach)
Panuto: Magbigay ng mga salita na maaari ninyong maiugnay sa komiks.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa GAWAIN 3: BIGAY-DEPINISYON! (Constructivist Approach)


sa bagong aralin Pagkatapos ay gamitin ang mga salitang ibinigay (maaring dagdagan
ngunit hindi pwedeng bawasan) upang bumuo ng depinisyon.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto Pagbibigay ng input ng guro tungkol sa Komiks bilang isa sa mga popular
at paglalakbay ng bagong kasanayan na babasahin. Pagbibigay ng mga halimbawa.
#1

E. Pagtalakay ng bagong konsepto Pagtalakay sa kasaysayan ng komiks at iba’t ibang bahagi nito.
at paglalakbay ng bagong kasanayan
#2

F. Paglinang sa Kabihasnan ( Tungo GAWAIN 4: Pangatwiranan Mo! (Inquiry-Based Approach)


sa Formative Assessment  Kung ikaw ay papipiliin, Aling uri ng komiks ang pipiliin mong
basahin? Bakit?
G. Paglalapat ng aralin sa pang- GAWAIN 5: Pangkatang Gawain! (Collaborative Approach)
araw-araw na buhay Ilahad sa pamamagitan ng iba’t ibang presentasyon ang mga
impormasyong
natutunan tungkol sa Komiks.
PANGKAT 1: Pagbabalita
PANGKAT 2: Awit
PANGKAT 3: Tula
PANGKAT 4: Rap
PANGKAT 5: Dula-dulaan
Pamantayan sa Pagmamarka:
A. Maayos na presentasyon....................40%
B. Kooperasyon ng pangkat.....…………40%
C. Kaaangkupan sa paksa......................20%
Kabuuan..................................... 100%
H. Paglalahat sa Aralin GAWAIN 6: Pangatwiranan Mo! (Inquiry-Based Approach)
Sa palagay mo, bakit kailangan pang pag-aralan ang mga popular na
panitikan tulad ng komiks?
I. Pagtataya ng Aralin GAWAIN 8: Sagutin Mo! (Inquiry-Based Approach)
Panuto: Piliin lamang ang titik ng wastong sagot.

1. Ito ay bahagi ng komiks na naglalaman


ng isang tagpo sa kuwento. Ano ito?
a. Kuwadro c. Lobo ng usapan
b. Kahon ng salaysay d. Pamagat ng kuwento
2. Ito ay bahagi ng komiks na kinasusulatan ng usapan ng mga tauhan.
Ano ito?
a. Larawang-guhit ng mga tauhan
b. Lobo ng usapan
c.Kuwadro
d. Kahon ng salaysay
3. Ito ay bahagi ng komiks na kinasusulatan ng maikling salaysay tungkol sa
tagpo.Ano ito?
a. Pamagat ng Kuwento c. Lobo ng usapan
b. Kuwadro d. Kahon ng salaysay
4. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng komiks?
a. Pilipino Star Ngayon c. Inquirer
b. Hataw d. Marvel
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng komiks?
a. Pantastik c. Archie
b. Halakhak d. Abante
J. Karagdagang Gawain para sa TAKDANG-ARALIN:
Remediation Saliksikin ang iba’t ibang uri ng magasin. Isulat ang mga makakalap na
impormasyon sa kwaderno.

IV. REMARKS

Inihanda ni:

REYCHELL G. MANDIGMA
Guro I

You might also like