You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

BAITANG SEMESTRE LINGGO PAHINA


8 2 1 1

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,
mapanuring pag-iisip at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan
gamit ang teknolohiya.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakasusulat ng talatang naglalahad ng sariling opinyon o pananaw
tungkol sa napapanahong isyu o paksa.
C. Kasanayang Pampagkatuto Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw sa paraan ng paglalahad
ng salita.
D. Detalyadong Kasanayan - Naipapaliwanag ang mga kaisipan, layunin at paksang natalakay.
Pampagkatuto -Naipapahayag ang sariling opinyon o pananaw tungkol sa
napapanahong isyu.
-Nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa pagkakagamit nito.
II. PAKSANG-ARALIN Anyo ng Kontemporaryong Panitikan
III. MGA KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
A. Sanggunian 334176633-Mga-Anyo-ng-Kontemporaryong-Panitikan-pptx.pptx.

(n.d.). Scribd.

https://www.scribd.com/presentation/437292939/334176633-

Mga-Anyo-ng-Kontemporaryong-Panitikan-pptx-pptx

Teacher Ricfic. (2021, March 20). KONTEMPORARYONG

PANITIKAN (KASAYSAYAN, KAHULUGAN, PALIWANAG AT

HALIMBAWA) [Video]. YouTube.

https://www.youtube.com/watch?v=pYUH0LiYkWM

B. Iba pang -Laptop


Kagamitang -PowerPoint Presentation
Panturo -Youtube
-Video Lesson
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral Ibahagi mo - Ipaliwanag mo
Panuto: Magbigay ng salita na maglalarawan sa panitikan. Pagkatapos
gawin ang paglalarawan ibahagi at ipaliwanag ito sa klase.
B. Pagganyak Panuto: Basahin at unawaiing mabuti ang kahulugan ng Anyo ng
Kontemporaryong Panitikan.
C. Pagtalakay sa aralin Jamboard
Panuto: Punan ang hinihingi ng talahanayan upang mabuo ang mga
kaalaman na natutuhan sa tekstong naratibo.

Tanong: Tungkol saan ang bidyo na napanood?


Tanong: Ano-ano ang mga anyo ng kontemporaryong panitikan?
Sagot:
Sagot:

Pamprosesong Tanong:
Paano nakakatulong ang kontemporaryong panitikan sa ating buhay?
D. Pagbibigay ng – input ng Guro Video Lesson
Pagbibigay-input ng guro tungkol sa anyo ng kontemporaryong
panitikan sa tekstong naratibo.
E. Gawain Pagsulat ng Kaalaman
Panuto: Pumili ng isang anyo ng kontemporaryong panitikan.
Ipaliwanag kung bakit ito ay mahalaga na kabilang sa ating panitikang
Filipino. Isulat ito sa isang buong papel.

-Tabloid
-Komiks
-Magasin

Pamantayan sa Pagmamarka
Naibahagi ang sagot ng wasto at makabuluhan
-7
Malinis, malinaw at organisado ang pagkakasulat
-3
Kabuoan
-10
F. Pagtataya Mentimeter
Panuto: Basahin ang mga katanungan at piliin ang tamang sagot.
1. Ang komiks, dagli at iba pa ay isa sa mga akdang popular.
a. Sinaunang Kwento
b. Paksa ng Panitikan
c. Kontemporaryong Panitikan
d. Tradisyunal na Panitikan
2. Bahagi ito ng ating kultura at isang uri ito ng print media na
kailan may hindi mamatay.
a. Komiks
b. Pahayagan
c. Magasin
d. Dagli
3. Alin ang mga halimbawa ng print media?
a. Pahayagan, Magasin
b. Dula at Nobela
c. Facebook at Youtube
d. Radio at Telebisyon
4. Ang target na readers ng pahayagan ay ang masa.
a. Broadsheet
b. Tabloid
c. Magasin
d. Komiks
5. Naglalaman ito ng mga lawaran na may diyalogo o komedya.
a. Pelikula
b. Komiks
c. Magasin
d. Pahayagan
G. Sintesis Venn Diagram
Panuto: Isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tabloid, komiks at
magasin sa isa’t-isa.

Tabloid
Magasin Komiks
V. Takda Panuto: Kumuha ng isang kopya ng tabloid. Ilista, ilarawan, at suriin
ang mga bahagi o pahina nito.
Ilagay ang pangalan ng tabloid at petsa ng pagkalathala nito.

-Bahagi
-Deskripsyon
-Pagsusuri

Pamantayan sa Pagmamarka
Naibahagi ang sagot ng wasto at makabuluhan
-15
Malinis, malinaw at organisado ang pagkakasulat
-5
Kabuoan
-20

You might also like