You are on page 1of 3

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

SANAYSAY- (HINDI AKO MAGING ADIK)


Ika-21 ng Nobyembre, 8:30-9:30 n.u

I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman
Mga akdang Pampanitikan ng Kanlurang Asya

Pamantayang Pagganap
Ang mga mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang
Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano.

Kasanayang Pampagkatuto
Naipapahayag ang sariling pananaw sa isang napapanahong isyu.

Ispesipikong Layunin
Sa pagtatapos ng talakayan ang 90% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy kung anong uri ng sanaysay ang binasang akda.
b. nailalahad ang pagkakaiba ng sanaysay sa iba pang uri ng
akdang pampanitikan
c. nakapagbabahagi ng ideya hinggil sa binasang sanaysay.
d. nakabubuo ng slogan batay sa paksang tinalakay sa loob ng
sanaysay.

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Sanaysay
Lunsaran: Hindi Ako magiging Adik ni Manny Ledesma
B. Sanggunian: PAnitikang Asyano 9
pp. 212-215
C. Kagamitan: Laptop, projector, manila paper& pentel pen,
Mga larawan at sipi ng akda
D. Kasanayang Dapat Linangin: Kamalayan sa napapahong isyu at
kakayahang pangkomunikasyon

E. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa Sarili

III. PAMAMARAAN
A. Paunang Gawain
 Panalangin
 Pagsusuri sa kalinisan
 Pagtala ng liban
 Pagbabalik-tanaw

B. Pagpapakilala ng Layunin
Sa pagtatapos ng talakayan ang 90% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy kung anong uri ng sanaysay ang binasang akda.
b. nailalahad ang pagkakaiba ng sanaysay sa iba pang uri ng
akdang pampanitikan
c. nakapagbabahagi ng ideya hinggil sa binasang sanaysay.
d. nakabubuo ng slogan batay sa paksang tinalakay sa loob ng
sanaysay.
C. Pagpapakilala ng Aralin

 Magapapakita ng mga larawan tungkol sa napapanahong isyu.


Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang mga Ipinapahiwatig ng bawat larawan?
2. Bakit ang mga larawang ito ay isa sa mga pinag-uusapang
isyu sa kasalukuyan?

D. Pagbasa sa Lunsarang Akda

 Ang bawat pangkat ay bibigyan ng sipi ng akda at babasahin


ito.
 Magbibigay ang guro ng mga tanong na may kaugnayan sa
binasang akda para sagutan ng bawat pangkat at tatalakayin ito
sa harap ng klase.

Pamantayan sa Gawain:
KRAYTERYA PUNTOS
KAWASTUHAN 5
KOOPERASYON 5
PRESENTASYON 3
ORAS 2
KABUUAN 15 PUNTOS

E. Developing Mastery – Pagtalakay sa Paksa/Aralin


Batay sa ginamit na lunsarang akda, tatalakayin ang paksang
sanaysay.

F. Pag-uugnay ng Paksa sa pang- araw-araw na buhay


Pagpapahalaga:
 Ano ang pinakapaksa ng akda?
 Bakit mahalagang talakayin ang ganitong isyung
nagaganap sa ating lipuna?
 Paano mo maisasabuhay ang mga pahayag na “HINDI
AKO MAGIGING ADIK”?

G. Paglalahat
Tatawag ng kinatawan sa bawat pangkat na maglalahad ng tinalakay
na paksa.
IV. PAGTATAYA
Maikling Pagsubok.
Gumawa ng islogan na nagpapahayag ng pagpapahalaga sa sarili sa
pamamagitan ng pag iwas at di paggamit ng bawal na gamot.

V. TAKDANG-ARALIN

Basahin ang isa pang sanaysay na may pamagat na “Usok at Salamin:Ang


Tagapaglingkod at ang Pinaglilingkuran”

Sanggunian: Aklat sa Filipino 9, pp.220-222

You might also like