You are on page 1of 6

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG

Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

KOLEHIYO NG EDUKASYON
Unang Semestre TP 2019-2020

FIL 209: PAGHAHANDA AT EBALWASYON NG KAGAMITANG PANTURO

Pangalan: Digol, Christian Rey V. Propesor: Joel Lim Zamora


Kurso/Seksyon: BSED 2 FILIPINO Araw/Oras: Sabado/ 5:00 – 8:00 n.g.

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

I. MGA LAYUNIN:
A. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa
akda F9PT-Ic-d-40
B. Nasusuri ang sariling ideya at ideya ng iba kapag nakikita ang sarili sa
katauhan ng nagsasalita. (Koda) F9PN-If-42

II. PAKSANG ARALIN:

PAKSA: Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan (Mateo 20:1-16)

GENRE: Parabula

III. PANIMULANG GAWAIN:


1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagpuna sa silid – aralan
4. Pagtala ng liban sa klase

IV. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN:
1. PAGGANYAK:

Panuto: Sa pamamagitan ng mga larawan, alamin ang salita na nais iparating nito at mag bigay ng
isang tungkulin nito.
B. PAGHAWAN NG SAGABAL: (PAGLINANG NG TALASALITAAN)

Panuto: Ibigay ang literal na kahulugan ng mga salitang hango sa parabula. Tulungan si grizzly
bear, panda, at ice bear sa pagtuklas.
C. PAGLALAHAD:
D. PAGTATALAKAY SA ARALIN:

RUBRICS SA PANGKATANG GAWAIN


DIMENSIYO NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN NANGANGAILANGAN PA
(10) (8) (6) NG PAGSASANAY
N (4)
PAG-UULAT AT Naisagawa ng Mahusay ang Tama lamang Hindi maayos ang
PAGIGING buong husay ang pagkaka-ulat ng ang pagkaka- pagkaka-ulat ng grupo.
MALIKHAIN pag-uulat. grupo. Sinunod ulat ng grupo.
Sinunod ang ang panuto na Hindi
panuto na ibinigay ng guro. masyadong
ibinigay ng guro. Nasagot ng nasunod ang
Nasagot ng maayos ang panutong
maayos ang mga ilang bahagi ng hinihingi ng
katanungan. katanungan. guro.

PAGKAKAISA Lahat ng May ilang Iilan lamang Hindi naipakita ang


miyembro na miyembro na ang nakibahagi pagkakaisa ng bawat
kasapi sa grupo nagbigay ng sa nasabing miyembro na kasai sa
ay nagbigay ng kanilang pagpapangkat. grupo.
suhestiyon ukol suhestiyon ukol
sa hinihingi ng sa nasabing
gawain. gawain.

Paglalahad ng pamantayan sa pagmamarka

2. Pangkatang Gawain:

Pangkat 1: IDEYA MO, GUHIT MO

Panuto: Sa isang buong cartolina o manila paper, mag-isip ng mga ideya na sumisimbulo sa
mga pangunahing tauhan ng parabula (May-ari ng Ubasan, at dalawang uri ng Manggagawa)
at iguhit ang mga ito.

GABAY NA TANONG:

1. Sa inyong nabuong ideya at naaguhit, ano ang pinaka importante at


bakit?
2. Sa inyong sariling interpretasyon, ano sa tingin nyo ang nais iparating
ng parabulang napanuod
Pangkat 2: HOLD THE DRAMA

Panuto: Sa pamamagitan ng short skit, ipakita ang naging daloy ng parabula sa panahon
natin ngayon. Bigyang linaw ang skit matapos itanghal.

Pangkat 3: TULADRAMA

Panuto: Gumawa ng tula patungkol sa mga pinakitang katangian ng mga karakter at lagyan
ng acting upang makabuo ng drama.

Pangkat 4: NOON AT NGAYON

Panuto: Sa aral na napulot sa parabula, gamitin ang “tablu” at ipakita ang pinagkaiba ng mga
tao noon at tao ngayon sa larangan ng paggawa.

C. Pagbuo ng Sintesis

-Maging kontento at huwag ng mag reklamo sa kung


anong ibinigay sa iyo ng DIYOS, nararapat natin itong
tanggapin at pakahalagahan upang mas yumabong pa ito.

-Hindi dapat tayo maiingit sa iba dahil pantay pantay tayo sa


mata ng DIYOS.
D. Pagtataya :
Panuto: Basahing Mabuti at pillin ang tamang titik ng sagot.
V. Takdang Aralin :

Panuto: Piliin ang tamang sagot.

1. Sino sa mga tauhan ang naghahanap ng manggagawa?

a. namamahala ng ubasan
b. nagbabantay ng ubasan
c. may-ari ng ubasan
d. mamimili sa ubasan

2. Sino-sinong manggagawa ang nag reklamo sa natanggap na salapi

a. Ang nauna manggagawa


b. Ang nahuling manggagawa
c. Ang nagbigay ng salapi
d. wala sa nabanggit

3. kung ikaw ang may-ari ng ubasan sa "Ang talinghagang tungkol sa


May-ari ng ubasan” pare-pareho rin ba ang isasahod mo sa manggagawa
na iba-iba ang haba ng oras na ginugol sataniman?

a. oo, dahil lahat sila ay nagtrabaho.


b. Hindi, dahil maghapon nagtrabaho ang iba.
c. oo, dahil nagkaroon ng kasunduan.
d. hindi, dahil isang oras lang nagtrabaho ang iba.

4. Sa paaabula na "Ang talinghagang tungkol sa May-ari ng 'basan”, sino


ang tinutukoy namay-ari ng ubasan?

a. Mga manggagawa b. si Jesus c. Si Joseph d. Si Mary

5. kung ikaw ang manggagawa sa parabula, gagayahin mo din ba ang


ginawa nilang pag-reklamo dahil pantay lang ang natanggap nilang
kabayaran?

a. oo, dahil nagpakahirap ako sa pagtratrabaho


b. hindi, dahil kung anuman ang napagkasunduan ay dapat
mangyari
c. oo, dahil ako ang piinaka matagal na nagtrabaho
d. hindi, dahil dapat natin bigyang halaga ang mga bagay na
natanggap natin.

1. Gumawa ng isang maikling kwento na nagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng


bawat isa.
2. Umisip at gumawa ng isang tula patungkol sa pagiging kuntento sa kung anong
meron.

You might also like