You are on page 1of 2

Ang Filipino Bilang Wika ng Akademya

Sa konstitusyon ng 1987 (Artikulo XIV, Seksyon 6-9), malinaw na itinakda ang Filipino bilang wikang
Pambansa ng Pilipinas. Kasunod nito ang pagpapagamit sa Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga
ispesipikong asignatura. Ngunit ano nga ba ang kalagayan ng Filipino sa larangan ng akademya? Paano ba
ito tinatanggap ng mga edukador, administrador ng mga paaralan at mga politikong dapat sanang
nagpapatibay sa wikang kakatawan sa lahing Filipino? Bagamat may labing limang taon na ang nakararaan
sa naging obserbasyon ng may akda sa kaNakatutuwa lagayan ng Filipino sa akademyo, magiging batayan
ang talumpati kung may pagunlad na ba sa paggamit ng Filipino sa larangang ito.

Sa unang katanungan kung gaano na kalawak ang paggamit ng wikang Filipino sa akademyo, walang tiyak
na datos na maihahain kung pagbabatayan ang sinabi sa aklat na the Philippines : a unique nation ni Sonia
Zaide, edisyong 1997 pahina 20, na nagsasaad na ang gumamit ng Filipino sa buong kapuluan ay 23.02%,
sa mantala ang Cebuano ay 24.38% masasabing hindi pa rin malawak ang paggamit nito sa kapuluan.
Ganoon din naman kung pagbabasehan ang mga paaralan na gumagamit ng wikang Filipino sa maraming
asignatura, hindi rin kaiga-igaya ang datos dito sapagkat sa kasalukuyan, ang Pamantasan ng pilipinas pa
lamang ang tunay na nagpapatupad ng paggamit nito bilang wika panturo at pakikipagtalastasan.sinabi
ang nagpapayupad ng paggamit ng wikang filipino,sapagkat ang pangulo ng Pamantasan ay naglabas ng
kautusan tungkol dito kapansin pansin din ang mga pangalan ng mga taggapan at iba pang pagkakakilanlan
sa mga gusali ng SA U.P ay nasa wikang filipno.Nakatutuwa ring pakinggan ang kanilang sagot kapag ikaw
ay tumatawag sa kaninlang tanggapan. Ang maririnig mo ay tanggapan ng pangulo,magandang umaga.
Nang una ko itong marinig,may haplos na tuwa itong dinala sa aking puso at masaya rin akong sumasagot
ng magandang umaga.ako po si dr.rosales.maari po bang makausap si dr.pecson?

Ang ang pakikipagtalastasan ay hindi rin isinasagawa sa wiikang Filipino kundi sa wikang ingles.Wala ring
ipinalabas na kautusan na gamitin ang wikang filipino sa pakikipagtalastasan.Marahil ay napapanahon na
,na ang wikang ilipino ay malawakang magamit sa PUP. Maaari na marahil na ito ay maisakatuparan
sapagkat nang dumala noon si pangulang Estrada ay binigyang-diin nya ang paggamit ng wikangg filipino
sa pagtuturo at pakikipagtalastasan.

Nais kong banggitin sa puntong ito ang isang pangyayari kaugnay ang paggamit ng wikang filipino sa
akademya.Ito ay nangyari sa isa sa mga guro ng PUP na masigasig na tagapagtaguyod ng wikang filipino.
Sya ay si ka Cesario Y. Torres na sa ngayon ay pangulo ng PANDAYLIPI;ink. Sa ilalim ng PASUC evaluation ,
ang isang bagong full propesor magdaan sa PASUC accreditation Committeepara sa mga bagong propesor.

Isa namang guro ng ischolar na guro ng sikolohiya si GNG. Alice G. Rosero, ang nagbigay sa akin ng kanyang
paniniwala hinggil sa paggamit ng wiakng filipino sa pagtuturo.Ayon sa kanya ang wikang filipino ay dapat
gaitiming midyum ng pagtuturo. Sapagkat ito ang wikang unang nakagisnan nang higit na maraming bilang
ng mga mag-aaral; na ang kaisipan ng mga mag-aaral ay nakaabot na sa antas kung saan ay magagamit
nya ang wikang filipino sa pagpapahayag ng kanyang kaispan,damdami,takot,pangarap,pag asa at iba pang
damdamin.
Kaugnay nito, may mga pag-aaral na isinagawa na nagpapatunaya na ang mga bata na tinuruang bumasa
sa pamamagitan ng kinagisnan nilang wika, ang filipino, sa kasong ito ,ay may higit sa kahusayang bumasa
at umunawa. Higit na mabilis ang pangkaisipang pag-unlad kaysa sa mga mag aaral na ang sosyolohikal at
pangkabuhayang antas ng pamumuhay ay katulad din ng mga batang nabanngit na tinuruang bu,asa sa
ingles kahit sa mga una o maring ang tangi nilang wika na ginagamit sapul sa pagkabata ay filipno.Ito ay
sapagkat ang unang edukasyon ay nakatutuok sa paghubog ng kaalamang pandama(perceptual
knowledge)at ang bata ay nakikita ang kanilang kapaligiran sa pamamagitan ng kanilang pandama(five
senses)at ipinahayag ang kaalamang ito sa pamamagitan ng kanilangg ianag wikang natutuna,mas mabilis
ang kanilang pagkatutuo sa pamamagitan ng paggamit ng wikang kanilang nakasanayan.

Ngayon ,mga kabalikat na pagpapayabong ng wikang filipino kayrami nang tumayo sa hanay ng ating mga
mambabatas at sa mga pinuno ng ating pamahalaan ,kasama na ang kagawaran ng edukasyon ,kultura,at
isports upang tutulan ang isang adhikaing tunay na Makabayan.Tunay na ang mentalidad na sskolonyal ay
napakalakas parin sa ating mga kababayan.

You might also like