You are on page 1of 12

Filipino bilang wikang pambansa, wika ng

bayan at wikang pananaliksik

Isa ang wikang Filipino sa napakaraming


wika sa mundo. Nagsisilbi itong daan upang
ang bawat Pilipino ay makapagtalastasan sa
isa’t isa at maibigay ang kanilang mensahe,
opinyon o mga bagay na nais iparating sa
isa’t isa. Bagama’t napakaraming diyalekto
sa Pilipinas, ang wikang Filipino ang napili
upang gawing wikang pambansa, wika ng
bayan at wikang pananaliksik.

Ang Filipino, bilang isang wikang pambansa,


ito ay nagsisilbing gabay para sa bawat
Pilipino na nasa iba’t ibang lugar sa Pilipinas
na magkaunawaan sa kabila ng iba’t ibang
mga diyalekto. At bilang isang wikang
pambansa, ito ay itinuturo sa lahat ng
paaralan sa Pilipinas. Pinag-aaralan ito sa
layunin na mahasa ang bawat Pilipino sa
paggamit nito. Ginagamit din ito sa
pagsasagawa ng mga batas sa bansa. At ito
rin ay magsisilbing simbolo ng ating bansa at
ating sariling kultura. (Discuss attached pp
below)

Samantala, ang Filipino ay wika ng bayan


sapagkat ito ay hindi lang para sa
pakikipagtalastasan kundi ito rin ay
ginagamit para sa pagsasagawa ng
pagtatanghal kagaya ng pagtula, dula,
pagtatanghal sa teatro at iba pa. Ito rin ay
ginagamit sa pagsusulat ng mga nobela,
kwento at iba pang literatura na ginagawa sa
Pilipinas. At ang mga pagtatanghal o
paglilimbag ng mga literatura ay hindi lang
makikita sa isang lugar sa Pilipinas kundi
makikita din ito sa iba’t ibang lugar ng bansa.
Masasabi rin na ang Filipino ay wikang
pananaliksik, sapagkat kagaya ng nabanggit
kanina, ito ay tinuturo sa mga paaralan
upang mahasa ang bokabularyo ng mga
mag-aaral o mga Pilipino. Ito rin ang wika na
ginagamit sa mga pag aaral o pananaliksik
tungkol sa iba’t ibang mga paksa na kung
saan ibinabahagi sa mga kapwa Pilipino
upang magkaroon ng mahusay na kaalaman.
Ang Filipino, bilang isang wikang
pananaliksik, ito ay magsisilbing gabay
upang ang bawat Pilipino ay mapahalagahan
ang sariling bansa, kultura, kasaysayan at
mismong wikang Filipino.

Kaya naman, malaki ang kontribusyon ng


wikang Filipino sa bansa. Kung wala ito, baka
hindi magkaintindihan ang bawat Pilipino.
Kung wala ito at walang iisang wika, hindi
matututo ang bawat isa. Hindi rin malalaman
ang mga importanteng bagay na dapat
matutunan at mapahalagahan.

Read more on Brainly.ph -


https://brainly.ph/question/2122746#read
more

Filipino Bilang Wikang Pambansa

You might also like