You are on page 1of 5

PANG-ARAW-ARAW NA BANGHAY ARALIN

Guro: Arianne U. Jenotan Baitang: 9


Petsa ng Pagtuturo: Marso 28, 2022 Asignatura: Filipino
Oras ng Pagtuturo: 10:00 - 11:00 n.u. Markahan: Ikatlo

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Gabay Pangkurikulum
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikang
ng Kanlurang Asya
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay masining na
nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa
napiling mga akdang pampanitikang Asyano
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na
nagpapasidhi ng damdamin. (F9WG-IIIb-c-53)
D. Pang-araw-araw na Layunin
1. Natutukoy ang angkop na damdaming
nakapaloob sa bawat saknong ng tula.

2. Naisaayos ang antas ng damdamin ayon sa


kasidhian.

3. Nagagamit sa pangungusap ang mga pang-uri


na nagpapasidhi ng damdamin.

II. NILALAMAN Panitikang Asyano


Paksa: Pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Filipino 9 SSLM Ikatlong Markahan - Linggo 4
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Filipino 9 SSLM Ikatlong Markahan - Linggo 4
Pang Mag-aaral Pahina 211-212
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan Filipino 9 ADM Ikatlong Markahan - Modyul 2:
Mula sa Portal ng Learning Elehiya Pahina 10
Resource https://depedtambayan.net/
B. Iba Pang Kagamitang Panturo ppt, video clip, mga larawan, google drive
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin
at/o pagsisimula sa bagong *Panalangin (Pipili ng mag-aaral na
aralin mananalangin)
PAGBABALIK-ARAL
*Pagbati/Kumustahan/Alituntunin at mga dapat
tandaan sa loob ng klase

*Atendans (Ilalagay ng mga estudyante ang


kanilang pangalan at seksyon sa chatbox ng
Pahina 1 ng 5
gmeet)

*Pagbabalik-Aral:
1. Bakit mahalagang matutunan ang Elehiya?

PAGGANYAK WIKARAMBOL
Panuto: Ayusin ang mga titik na nakarambol sa
Hanay A upang makabuo ng mga makabuluhang
salita. Pagkatapos, ihanay ito sa larawang
magka-ugnay o katumbas ng nabuong salita na
makikita sa Hanay B.

Hanay A
1. SNII = INIS
2. TGINI = NGITI
3. ALGYIA = LIGAYA
4. SKMLAU = SUKLAM
5. GNAHA = HANGA

Hanay B

a.

b.

c.

d.

e.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Narito ang mga layunin na dapat ninyong


matamo pagkatapos ng ating klase.
*Pagpapabasa ng layunin sa mga mag-aaral

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa 1. Ano - ano nga ulit ang mga salitang nabuo
sa layunin ng aralin. mula sa ginulong letra?
2. Mula sa mga salitang iyon, tungkol saan kaya
PAG-UUGNAY ang aralin natin sa araw na ito?
Pahina 2 ng 5
D. Pagtalakay ng bagong *Pagpapanood ng bidyo ng tulang "Kung Tuyo
konsepto at paglalahad ng na ang Luha Mo, Aking Bayan" ni Amado V.
bagong kasanayan #1 Hernandez
*Sabay na babasahin at pakikinggan ang bidyo
PAGLINANG
Mga Katanungan:
1. Sino ang tinutukoy sa akda na lumuha?
2. Bakit gayon na lamang ang pagdadalamhati
ng may-akda para sa bayan?
3. Ano ang mga damdaming naghahari sa tula?

E. Pagtalakay ng bagong *kuha mula sa Filipino 9 ADM Ikatlong Markahan


konsepto at paglalahad ng - Modyul 2: Elehiya Pahina 10
bagong kasanayan #2 https://depedtambayan.net/

PAGTALAKAY Ano ang pang-uri?

Ang pang-uri ay salitang naglalarawan o


nagbibigay-turing sa mga pangngalan o
panghalip. Ito rin ay naglalarawan tungkol sa
saloobin o emosyon ng isang tao. Ang
pagpapasidhi ng damdamin ay tumutukoy sa
pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa
paraang papataas na antas o tindi ng salita.

Ang pagkiklino ay ang pagsasaayos ng mga


salitang ayon sa antas o tindi ng kahulugan ng
salita. Hindi lahat ng mga salitang
magkasingkahulugan ay pareho ang ibig sabihin.
Hindi maaaring pagpalitin ang gamit ng mga ito
bagaman iisa ang malawak na kahulugan ngunit
magkaiba naman ang tindi ng ipinapahayag nito.
Magkaiba ang digri o tindi ng nais iparating nito
lalo na kung ito ay gagamitin sa pangungusap.

Narito ang ilan sa mga kaayusan ng mga salita


ayon sa tindi ng kahulugan:

4_poot 4_pagmamahal 4_gahid


3_galit 3_pagliyag 3_gahaman
2_asar 2_pagsinta 2_sakim
1_inis 1_paghanga 1_damot

Subukan naman nating gamitin ang mga ito sa


pangungusap.

1. Inis - Naiinis ako sa sarili ko dahil nakalimutan


kong gawin ang aking takdang-aralin.
2. Asar - Ang batanag inaasar ng kaniyang
kaklase ay umuwi nang umiiyak.
3. Galit - Kung magsisinungaling ka sa akin,
malamang ako ay magagalit.
4. Poot - Nagdilim ang kaniyang paningin dulot
ng poot sa kaibigang umagaw sa kaniyang
hinahangaan.
F. Paglinang sa Kabihasaan INDIBIDWAL NA GAWAIN:
( Tungo sa Formative Assessment) Panuto: Tukuyin kung anong damdamin ang
namayani sa bawat saknong ng tula. Piliin sa
kahon ang iyong sagot at isulat sa sagutang
Pahina 3 ng 5
papel. Pagkatapos, magbigay ng patunay (linya
o parirala) na mula sa tula.

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop


Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y
pampalusog:
Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na
naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na
natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y
nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor,
nasa laot!

Patunay:

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang


galit layon,
inis suklam
Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang
dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang
magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man
umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng
pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y
nakaburol.

Patunay:

May saya
araw ding ang luha mo’y masasaid,
galit
matutuyo,
lungkot
May araw ding di na luha sa mata mong
namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong
kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!

Patunay:

G. Paglalapat ng aralin sa pang *pahina 4 ng modyul


araw-araw na buhay ILAPAT NATIN
Panuto: Gamitin sa inyong sariling pangungusap
PAGLALAPAT ang mga salita na nakatala sa ibaba na
nagpapakita
inis ng pagpapasidhi ng dadamin.
galit poot
1. inis - ______________________________
2. yamot - ___________________________
3. suklam - __________________________
4. kirot - _____________________________
Pahina 4 ng 5
5. sigaw - ____________________________
6. hiyaw - ____________________________

H. Paglalahat ng Aralin * Ano ang kahulugan ng pagpapasidhi ng


PAGLALAHAT damdamin? Magbigay ng halimbawa.

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Lagyan mo ng bilang ang mga salita


batay sa sidhi ng kahulugan nito. Ang 3 ay para
PAGTATAYA sa pinakamasidhi, 2 para sa masidhi at 1 para sa
di-masidhi. Isulat ito sa sagutang papel.

1. ___tuwa 2. ___kirot 3.
___galak ___hapdi __pangamba
___saya ___sakit __kaba
__takot

4. ___suklam 5. ___sigaw
___yamot ___bulong
___inis ___hiyaw

J. Karagdagang Gawain para sa * Sagutan ang Tuklasin Natin (pahina 1) at


takdang-aralin at remediation Subukin Natin: Pagsasanay II (pahina 3) sa
Modyul: Ikatlong Markahan - Ikaapat na linggo.
PAGPAPALAWIG Isulat ito sa isang buong papel.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral
nanagangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiya ng
pagtuturo nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking naidibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro

Pahina 5 ng 5

You might also like