You are on page 1of 5

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9

Ikalawang Markahan

PAARALAN MATAAS NA PARALAN NG IRAWAN


GURO: ROSSEL D. TABINGA
BAITANG AT PANGKAT: BAITANG 9- ROSE
PETSA AT ORAS: MARSO 22, 2021 / 8:00-9:00
I. LAYUNIN:
A. MELC Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto,diin, at tono
sa pagbigas ng tanka at haiku. ( F9WG-IIa-b-47)
B. Mga Layunin 
Natutukoy ang kahulugan ng mga salita gamit ang mga
_ _ _KU _ _ _ _A
ponemang suprasegmental.
 Nakabubuo ng pangungusap gamit ang iba’t ibang uri ng
ponemang suprasegmental
 Nakagagawa ng isang talata gamit ang pagkakaiba ng mga
salita na may uri ng diin.
C. INTEGRASYON  MUSIC, MATH & ESP
II. NILALAMAN PONEMANG SUPRASEGMENTAL
III. KAGAMITANG A. Sanggunian:
PANTURO  Mga pahina sa Gabay Pangkurikulum:
Pah. 110 ng 141
 Mga pahina sa Teksbuk: Pah 73-81.
 Karagdagang kagamitan mula sa
internet
B. Iba pang Kagamitang Panturo
 Kartolina
 Pentel pen
 Manila Paper
 Laptop
 Telebisyon/ projector
IV. PAMAMARAAN A. PANIMULANG GAWAIN:
 Balik-aral sa nagdaang aralin:
(Watashi no akachan suisoku shimasu)HULAAN MO AKO BABY
Pagtambalin ang mga larawan upang makabuo ng
salitang nauugnay sa nakaraang aralin.
JA_ _ _
SAKU _ _ _ _SHI
__

Paglalahad ng Layunin Natutukoy ang kahulugan ng mga salita gamit ang


mga ponemang suprasegmental.
Nakabubuo ng pangungusap gamit ang iba’t ibang uri
ng ponemang suprasegmental
Nakagagawa ng isang talata na nagpapakita ng
pagkakaiba ng mga salita na may uri ng diin.

PAGSISIMULA NG PAGGANYAK: Pagbigkas ng may kahulugan


BAGONG ARALIN (Bago pa man lumisan ang mga tala sa langit ay bumangon
na ang magkapatid na Anne at Zaida upang tumungo
sa baywalk para sa isang milo marathon.)
ANNE: Bilisan mo naman baka tayo mahuli.
ZAIDA: Huwag kang mag-alala kilala ko ang may hawak ng
tala ng mga kalahok kaya’t walang problema.
ANNE: Sigurado?
ZAIDA: Sigurado. (Sabay ngiti sa kapatid)
ANNE: kung ganon tara na! Teka, bukas ang bag mo isara
mo muna.
( Habang naglalakad sila patungo sa kanilang
pupuntahan ay may naalala si Zaida.)
ZAIDA: Naku! Bukas na pala tayo mamamasyal sa
Yamang Bukid.
ANNE: Kaya nga naihanda ko na ang saya na isusuot ko,
excited na ako eh!
ZAIDA: Ako rin nga tiyak na ang saya naman ng buong
pamilya.
(Naudlot ang usapan nang biglang nakasalubong nila
ang kaibigan ni Zaida)
ZAIDA: Donna, kasama mo pala ate mo.
DONNA: Hindi, ako ang panganay. Ikaw din ba?
ZAIDA: Hindi ako ang panganay. Siya. (Sabay turo sa ate)
(Hindi natapos ang usapan nila nang marinig na
magsisimula na ang programa. Dali-dali silang
tumugo sa mga kalahok.)
Mga katanungan:
• Ano ang napansin ninyo sa mga salitang ginamit sa
usapan nina Anne, Zaida at Donna?
• Ano-ano ang mga ito?
• Paano nakaapekto ang mga salitang tulad nito na
pareho ang baybay sa isang talakayan?
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
 Ito ay makahulugang tunog na bumubuo sa isang
salita. Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na
naipapahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang
nais ipahayag ng nagsasalita. Sa
pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan,
layunin, o intensiyon ng pahayag o ng nagsasalita.
A. Tono/ intonasyon (tone & intonation)
 Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaring
makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang
damdamin, makapagbigay-kahulugan at
makapagpahina ng usapan upang higit na maging
mabisa ang pakikipag-usap sa kapuwa.
HALIMBAWA:
Sigurado? Sigurado.
(nag-aalinlangan) (Naninindigan)
B. Diin (stress)
 Ito ang lakas o pagbibigay-diin sa pagbigkas sa
pantig ng salita. Maaring gamitin sa pagkilala ng
pantig na may diin ang malaking titik.
HALIMBAWA:
1. buKAS- (OPEN)
2. BUkas-(TOMORROW)
C. Antala o hinto (Juncture)
 Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na
maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa
kausap. Maaring gumamit ng simbolong kuwit(,)
dalawang guhit na pahilis (//) o gitling (-).
HALIMBAWA:
1. Hindi, ako ang panganay
2. Hindi ako ang panganay
PAGTALAKAY NG PAGPAPAKITA NG IBA’T IBANG URI NG LARAWAN
BAGONG KONSEPTO AT (Mula sa larawan na inyong nakikita, bumuo ng
PAGLALAHAD NG
pangungusap na nagpapakita ng kagandahang asal gamit
BAGONG KASANAYAN
ang iba’t ibang uri ng ponemang suprasegmental)

(PANGKATANG GAWAIN) Gawin ito sa loob ng 5


PAGLINANG NG minuto (Bawat pangkat bibigyang ng rubrick bilang
KABIHASAAN pamantayan sa pagmamarka)

PANGKAT 1- (Jingle)-Bumuo ng awitin na may kaugnayan


sa kasalukuyang kalagayan ng ating lipunana na ginamitan ng
iba’t ibang uri ng ponemang suprasegmental. Lapatan ito ng
sariling himig.

PANGKAT 2- (BIGKAS-TUKOY)-Gamit ang kartolina,


gumawa ng flashcards at sulatan ito ng iba’t ibang uri ng
ponemang suprasegmental at iulat ito sa klase kung anong uri
ng ponemang suprasegmental ang ginamit at bigkasin ito
nang may wastong bigkas at damdamin.

PANGKAT 3- (PANG MMK ‘YAN) Ilahad sa pamamagitan


ng liham ang karanasan o pangyayaring dulot ng pandemya
sa inyong pamilya (positibo o negatibo). Gamitan ito ng mga
ponemang suprasegmental. Pagkatapos ay basahin ito sa
klase.
PAGLALAHAT NG Paano nakatutulong ang ponemang suprasegmental sa
ARALIN: pagpapahayag ng saloobin, pagbibigay ng kahulugan,
layunin at intensiyon?

PAGTATAYA NG Panuto: Tukuyin kung anong uri ng ponemang


suprasegmental ang ginamit sa bawat bilang. Bilugan ang
ARALIN: titik na tamang sagot.
1. Ipinakikilala ang kaibigang si Miguel sa kanyang
Tiyo Juan.
a. Tiyo, Juan Miguel ang pangalan niya.
b. Tiyo Juan, Miguel ang pangalan niya.
2. Ayaw sa pula.
a. Hindi, pula.
b. Hindi pula.
3. Itinatangi nya ang kaibigan niya.
a. Hindi, siya ang kaibigan ko.
b. Hindi siya ang kaibigan ko.
4. Dumating na ____ siya kagabi na may dalang
maraming ______
a. PA.la b. pa.LA
5. Ang aming ____ ay nag-_____ na mamasyal sa
baywalk.
a. ya.YA b. YA.ya
6. Hindi nakadalo ang kanyang ____, _______may sakit
ito.
a. KA.si b. ka.SI
7. Naag-aalinlangan
a. Totoo? Maganda siya? b. Totoo! Maganda siya.
8. Pagpapahayag.
a. Mahal ka niya. b. Mahal ka niya?
9. Pagpupuri
a. Magagaling? Sila? b. Magagaling sila!
10. Nagtatanong
a. May sunog? b. May sunog!
(KARAGDAGANG Gamit ang iyong natutunan, gumawa ng isang talata gamit
GAWAIN) ang mga salitang magkakaiba ang kahulugan ngunit pareho
TAKDANG ARALIN: ang kaligirang baybay nito. Isulat ito sa isang buong malinis
na papel.
MGA MUNGKAHING PAKSA
1. Paghahanda para sa bakasyon
2. Panliligaw ng kabataan sa bagong henerasyon
3. Epekto ng pandemya sa aming pamilya
4. Sariling piling paksa
MGA PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Kaangkupan ng mga salita at kaisipan------------25%
Kawastuan ng pagbabago ng diin------------------25%
Organisasyon ng ideya-------------------------------25%
Kalinisan, kawastuhan ng baybay at bantas ------25%
Kabuoan----------------------------------------------
100%
PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?
Inihanda ni:
ROSSEL D. TABINGA
Guro sa Filipino

Binigyang pansin nina:

MICHAEL L. CALAGOS
Head teacher I

LORETO G. BADILLA
Master Teacher I

DANIEL S. LEBANTE
Principal I

You might also like