You are on page 1of 13

Masusing Banghay Aralin sa ika-9 na baitang

I. Layunin
Sa pagtatapos ng 60 minuto ng aralin 75% ng mga mag-aaral ay inaasahang nauunawaan ang paksa.
1.1 Nauunawaan ng mga mag-aaral ang Kabanata 21 ng Noli Me Tangere na may pamagat na “Kasaysayan ng isang
Ina at kahulugan ng Pang-uri at ang Antas ng Pang-uri.
1.2 Naisasabuhay ng mga mag-aaral ang mga aral mula sa Kabanata 21 ng Noli Me Tangere na may pamagat na
“Kasaysayan ng isang Ina” sa pang araw-araw na pamumuhay.
1.3 Naisasagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing inihanda ng guro.

II. Paksang Aralin


2.1 Paksa: Noli Me Tangere Kabanata 21: Kasaysayan ng isang Ina
2.2 Wika: Pang-uri (Antas ng Pang-uri)
2.3 Sanggunian: Jose Rizal – Noli Me Tangere (pahina 114-121)
2.4 May akda: Maurita M. Reyes
2.5 Kagamitan: laptop, projector, speaker, biswal, mga larawan
Pagpapahalaga: Kooperasyon ng mag-aaral, pagmamahal

III. Pamamaraan

Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral

3.1 Panimulang Gawain

a. Panalangin
 Maaari mo bang pangunahanan ang ating (nanalangin ang mga bata)
panalangin Bb. Pangilinan?
 Salamat!

b. Pagbati
 Isang mapagpalang araw baitang siyam!  Isang mapagpalang araw din po Bb.Marin!

 Bago kayo magsiupo ay pulutin niyo muna ang (pinulot ang mga kalat at inayos ang mga upuan)
mga kalat na nasa inyong paligid at ayusin ang
hanay ng inyong mga upuan.

c. Pagtala ng lumiban sa klase


 Bb. Pangilinan maaari mo bang iulat ang mga  Ang lumiban po ngayong araw ay sina Bb.
lumiban at pumasok ngayong araw? Lawit at Bb. Go, sa kabuuan ang lumiban po
ay dalawa at ang mga pumasok ay apatnapu’t
walo.
d. Pagsasanay (kukunin ang kanilang board at babaybayin ang mga
 Kunin ninyo ang inyong board at may mga salita.
salita ako dito na inyong babaybayin.
(nagbaybay ang mga mag-aaral)
(babanggitin ang mga salitang babaybayin)

Pagbabaybay:

1. mawawaglit
2. matatalas
3. bisperas
4. nagsuspetsa
5. bokabularyo
(nakipagpalitan sa katabi)
 Makipagpalitan sa katabi para sa pagtatama ng
ating ginawang pagbabaybay. (nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
 Sino ang nakakuha ng lima, apat, tatlo pababa
galingan pa sa susunod.

e. Pagbabalik aral  Bb. Marin ang atin pong tinalakay ay tungkol


 Ano ang ating tinalakay noong nakaraang sa Kabanata 20: Ang Pulong sa Tribunal.
araw?
 Ito po ay patungkol sa kasamaang dulot ng
pagkakaroon ng isang pinuno na alipin ng mga
 Maaari ka bang maglahad ng ilang detalye na dayuhan. At mayroon pong dalawang grupo,
iyong natatandaan batay sa ating pinag aralan ang konserbatibo ng mga matatanda at ang
Bb. Patigdas? liberal ng mga nakababata.

 Mayroon po!
f. Pagwawasto ng Takdang Aralin
 Mayroon ba akong ibinigay na takdang aralin? (itinama ng mga mag-aaral ang kanilang
takdang aralin)
 Ilabas ang inyong kwaderno, makipagpalitan sa
katabi at lagyan ng iniwastoni.

Susi ng kasagutan:
1. A. Kabanata 20: Ang Pulong sa Tribunal
2. B. Jose Rizal
3. Pantukoy na Pambalana
4. Ang
5. Ang mga (nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)

 Sino ang nakakuha ng lima, apat, tatlo pababa


pagbutihin pa sa susunod na takdang aralin.

3.2 Pagganyak

 Mayroon akong inihandang mga gulong larawan


o puzzle. Ito ay inyong bubuuin at inyong
aalamin kung ano
ang
pinapakahulugan
ng (nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)

nabuong mga larawan.

 Sino ang nais bumuo ng


larawan? Magtaas ng (Binuo ang mga larawan)
kamay.

 Sa akin pong palagay ito ay patungkol sa isang


Ina.

 Sa inyong palagay ano ang ipinapakahulugan ng


mga nabuong larawan?
 Mahusay!
 Maaaring mayroon na kayong ideya sa ating
papaksain ngayong araw.

3.3 Paghawan ng Sagabal

 Bago tayo tuluyang dumako sa ating talakayan


ay atin munang hawiin ang mga salitang
maaaring makasagabal sa ating pagtatalakay
ngayong araw.
Maaaring sagot ng mag-aaral
Panuto: Tukuyin sa Hanay B ang kahulugan ng mga
salitang nasa Hanay A at pagkatapos ay gamitin sa payak 1. c. ramdam
na pangungusap. 2. d. baba
3. a. panghihina
A. B. 4. b. kinuha
5. e. sanggol
1. alintana a. panghihina
2. manaog b. kinuha
3. panlulumo c. ramdam Mga pangungusap:
4. sinipat d. baba
5. supling e. sanggol 1. Hindi alintana ng mga tao ang hirap ng buhay.
2. Palubog na ang araw ng siya ay nagpasyang
manaog ng bundok.
3. Labis ang aking panlulumo ng nawala ang
aking pitaka.
4. Aking sinipat ang pera sa aking bulsa.
5. Ang kaniyang supling ay sadyang kay ganda.

 Sa akin pong palagay ito po ay patungkol sa


kung paano maging isang Ina.
3.4 Paglalahad

 Base sa isinagawa nating aktibidad kanina at sa  Sa akin pong palagay ito po ay patungkol sa
mga ibinigay niyong mga hinuha patungkol sa kasaysayan ng pagiging isang Ina, sapagkat
mga nabuong larawan, ano kaya ang ating mula posa pagdadalang tao hanggang sa
papaksain? G. Riva? lumaki ang kaniyang anak.
 Mahusay! Patungkol sa kung paano maging
isang Ina. Ano pa G. Santos?
(binigyan ng tatlong bagsak ng mga kamag aral)

(tumungo sa pisara at hinatak ang mga ilaw sa larawan)

 Mahusay! Bigyan ng tatlong bagsak.

 Tatawag ako ng mag-aaral upang hatakin ang Kasaysayan


mga ilaw para malaman kung tama ang
kasagutan.

ng

isang

Ina
(Kasaysayan ng isang Ina)

 Pakibasa ang mga salita sa pisara.  Ito po ay akdang pampanitikang nobela.

 Mahusay! Ang ating papaksain ay patungkol sa


Kasaysayan ng isang Ina.  Ang nobela po ay isang mahabang kwentong di
piksyon o batay sa totoong buhay na binubo ng
 Sa inyong palagay anong uri kaya ng panitikan ibat’t ibang kabanata.
ito? Maari ka bang sumagot Bb. Nesperos?

 Tama! Mahusay! Ito ay akdang pampanitikang


nobela ngunit ano nga ba ang nobela?

 Tama mahusay! Ang atin namang papaksain ay


mula sa salin ni Maurita M. Reyes mula sa akda
ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P.
Rizal na Noli Me Tangere.

 Ngayon naman bago tayo tuluyang dumako sa


ating talakayan, paano ba naipamamalas ng
inyong Ina ang kaniyang pagmamahal para sa
inyong kaniyang mga anak?  Naipamamalas po ng aking Ina ang kaniyang
pagmamahal sa pamamagitan ng pag aalaga
sa aming magkakapatid.
 Maaari ka bang sumagot Bb. Gacer?
 Naipamamalas po ng aking Ina ang kaniyang
pagmamahal sa pamamagitan po ng
 Mahusay! Ano pa? Maari ka bang sumagot G. pagbibigay ng mga pangangailangan naming sa
Guiwan? araw-araw.

(binigyan ng tatlong bagsak ng mga kamag aral)

 Mahusay! Bigyan ng tatlong bagsak ang inyong


mga kamag aral.

 Ngayon ay tunghayan natin ang kadakilaan ng


pagmamahal ng isang Ina saKabanata 21 ng
Noli Me Tangere na may pamagat na
“Kasaysayan ng isang Ina”

3.5 Pagtatalakay

 Ngayon naman ay mayroon akong inihandang


video clip at ito ay panoorin niyong mabuti.

https://youtu.be/tGyKqONXX1Y
(Binasa ang alituntunin)
 Bago tayo mag umpisa ay pakibasa muna ang
ilang alituntunin G.Riva.

Alituntunin sa panonood:
 Unawain ang kwento
 Huwag maingay
 Magtala ng mahahalagang detalye

(nanood ang mga bata)

Gabay na tanong:

1. Matapos na mapakinggan ang kwento, ito ay


patungkol sa ano?
 Ito po ay patungkol sa isang Ina na naghahanap
 Mahusay! Ang kwento ay patungkol sa isang sa kaniyang mga anak.
Ina na naghahanap sa kaniyang mga anak.

2. Sino-sino ang pangunahing tauhan sa kwento?

 Ang mga pangunahing tauhan po sa kwento ay


 Mahusay! Si Sisa ay ang Ina at sina Crispin at sina Sisa, Crispin at Basilio.
Basilio ang kaniyang mga anak.

3. Bakit kaya hinahanap ng mga gwardiya sibil sina


Crispin at Basilio?
 Hinahanap po ng mga gwardiya sibil sina
Crispin at Basilio sapagkat sila po ay
-Habang naglalakad pauwi si Sisa sino ang kaniyang napagbintangan na nagnakaw.
natanaw sa tapat ng kanilang bahay?
 Ang mga guwardiya sibil po.
 Mahusay! Ang mga guwardiya sibil na
naghahanap sa kaniyang mga anak.
 Ang mga gwardiya sibil po na galit na galit
- Habang siya ay papalapit na sa kanilang bahay sino o
ano ang kaniyang nakasalubong?
 Siya po ay tinawag ng mga ito ngunit
-Ano ang ginawa sa kaniya ng mga ito nang siya ay nagkunwari siyang hindi niya ito narinig dahil
makasalubong? siya po ay takot na takot dahil ang mga
gwardiya sibil po ay malulupit. Sa pagkakataon
pong iyon siya po ay minura ng mga gwardiya
sibil kung kaya’t siya po ay napilitang huminto
sa paglalakad.

 Pinipilit po siya ng mga ito na ilabas ang


-Noong nakaharap na ni Sisa ang mga gwardiya sibil ano kaniyang mga anak.
ang ginawa ng mga ito sa kaniya?
 Sinabi po ni Sisa sa mga gwardiya sibil na
 Mahusay! Pinipilit siya ng mga ito na ilabas ang hindi niya po alam kung saan naroroon ang
kaniyang mga anak. Ngunit sa pagkakataong kaniyang mga anak. At sinabi niya po na kahit
iyon ano ang kaniyang ginawa? mahirap ang kanilang buhay ay hindi iyon
magagawa ng kaniyang mga anak.

 Hindi po, bagkus ang sinabi po ng mga


-Naniwala ba ang mga gwardiya sibil sa kaniyang sinabi? gwardiya sibil kay Sisa ay bayaran na lamang
ang ninakaw ng kaniyang mga anak. At sinabi
po ni Sisa sa mga gwardiya sibil na kung nais
ng mga ito ay halughugin na lamang ang
kanilang bahay at kung may perang makukuha
ay kuhanin na nila.

 Siya po ay dinakip ng mga gwardiya sibil.

-Ano ang ginawa ng mga gwardiya sibil sa kaniya ng


hindi niya maibigay ang gusto ng mga ito?
 Nang si Sisa po ay isinama ng mga gwardiya
sibil at naglalakad sa bayan kasama ng mga ito
4. Ano ang suliraning kinaharap ng pangunahing tauhan habang ang mga tao ay nangungutyang siya ay
sa kwento? pinagmamasdan nang sila ay patungo sa
kwartel upang siya ay ikulong.

 Pati na rin po ang lubos na kalungkutan at pag


aalala sa kaniyang mga anak habang siya ay
 Mahusay! Ano pa? nakakulong.

 Ang kapalaran pong kinaharap ni Sisa ay nang


siya po ay nakalaya at hinanap niya ang
5. Ano ang naging kapalaran ni Sisa matapos ng gabing kaniyang mga anak at umuwi siya sa kanilang
iyon na siya ay ikinulong? tahanan. Ngunit sa kasamaang palad ang
kaniyang mga anak ay hindi na niya nahanap.
Hanngang sa siya ay nawala na sa katinuan at
isinisigaw ang pangalan ng kaniyang mga anak
na sina Crispin at Basilio.

 Opo!

 Mahusay! Naunawaan ba ang kwento?  Wala na po.

 May tanong pa ba?


(binigyan ng tatlong bagsak ang bawat isa)

 Kung gayon bigyan ng tatlong bagsak ang


bawat isa.

Kasanayang Pang Gramatika

 Ngayon naman ay mayroon akong inihandang (binigyan ng katangian si Sisa)


larawan ni Sisa na nakadikit dito sa pisara.
Batay sa kwentong ating pinag-aralan siya ay
inyong bibigyang katangian.
Maaaring sagot ng mga mag-aaral
- mabuti - mabait
- mapagmahal - matapang

 Batay sa mga salitang ibinigay ng inyong  Bb. Marin ang mga salita pong iyan ay mga
kamag-aral, ano ang inyong napapansin? salitang naglalarawan.

 Mahusay! Ano ba sa mga bahagi ng pananalita  Ang mga salita pong naglalarawan ay Pang-uri.
napapaloob ang mga salitang naglalarawan?

 Mahusay!

Pang-uri – ang pang-uri ay salitang naglalarawan o


nagbibigay turing sa mga pangngalan o panghalip.

Halimbawa:
1. Si Sisa ay isang mabuting Ina.
2. Si Basilio ay mas matanda kay Crispin.
3. Ang mga guwardiya sibil ay napakasama
sapagkat sila ay walang pakundangan sa
pananakit.
(binasa ang mga pangungusap)
 Maaari mo bang basahin ang mga pangungusap
Bb. Ragel?

 Bb. Marin ang mga salitang may salungguhit


 Ano ang inyong napapansin sa mga salitang po ay mga salitang naglalarawan. Ngunit
may salungguhit sa loob ng pangungusap? mayoon po silang pagkakaiba, ang una po ay
payak na naglalarawan lamang, ang ikalawa
naman po ay mayroong pinaghahambing sa
dalawang pangngalan at ang ikatlo naman po
ay nagkaroon ng pangingibabaw sa lahat.

 Mahusay!

 Ano kaya ang mga ito?


 Bb. Marin iyan po ay Antas ng Pang-uri
 Mahusay! Bigyan ng tatlong bagsak.
(binigyan ng tatlong bagsak ng mga kamag-aral)

Antas ng Pang-uri

1. Lantay- ito ay nasa lantay na kaantasan kapag


walang pinaghahambing na dalawa o maraming
pangngalan.
Halimbawa: mapagmahal, mabuti

2. Pahambing- ito ay nasa pahambing na


kaantasan kapag may pinaghahambing na
dalawang pangngalan.

Halimbawa: mas mapagmahal, magkasing sama

3. Pasukdol – ito ay nasa pasukdol na antas kapag


ito ay nagpapakita ng pangingibabaw sa lahat.

Halimbawa: pinakamasama, pinakamatapang

 Nauunawaan niyo ba ang Antas ng Pang-uri?

 Ngayong nauunawaan niyo na ang antas ng  Opo!


pang-uri ay kayo naman ang magbigay ng
halimbawa at isulat sa pisara. Pagkatapos ay
guhitan ang Pang-uri at isulat kung anong antas (nagbigay ng halimbawa ang mga mag-aaral)
ng Pang-uri ito.

Maaaring sagot ng mag-aaral:

1. Si Cath ay binilihan ng kaniyang Ina ng itim


na sapatos. Lantay
2. Ang karagatan sa Bicol ay mas maganda
kaysa sa karagatan ng Zambales. Pahambing
3. Ang bulkang Apo ang pinaka malaking
 Mahusay! bulkan sa Pilipinas. Pasukdol
 May katanungan ba ukol sa antas ng Pang-uri?

 Wala na po.

3.6 Paglalahat

 Ngayon naman ay mayroon akong inihandang


mga larawan.
 Pagsunod-sunurin
ang mga
pangyayari sa
kwentogamit ang
mga larawan. (Nagtaas ng kamay ang mag-aaral)
 Magtaas ng kamay
ang nais magbuod ng kwento
(ibinuod ang kwento gamit ang mga larawan at
ipinaliwanag)

 Ang unang larawan po ay nagpapakita na si


Sisa ay pauwi pa lang sa kanilang tahanan.
 Ang ikalawang larawan naman po ay noong
nakasalubong na ni Sisa ang mga gwardiya
sibil.

 Ang ikatlong larawan naman po ay noong si


Sisa ay dinakip na ng mga gwardiya sibil.
Habang hiyang hiyang lumalakad sa bayan
dahil pinagtitinginan ng mga mapangutyang
tao.

 Ang ikaapat na larawan naman po ay noong si


Sisa ay nakakulong na sa kwartel.

 At ang huling larawan naman po ay noong si


Sisa ay nakalaya na at tinakasan na ng bait
habang lumalakad sa kalye at sumisigaw ng
Crispin at Basilio dahil hindi na niya nahanap
ang mga ito.

(binigyan ng tatlong bagsak ng mga kamag aral)


 Mahusay! Bigyan ng tatlong bagsak

3.7 Paglalapat

 Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng


pangkatang gawain, ngunit bago tayo
magsimula ay narito muna ang ilang alituntunin. (binasa ang alituntunin)
Pakibasa Bb. Magadia.
Alituntunin:

 Gumawa ng may kooperasyon


 Huwag masyadong maingay
 Magbigay hudyat kung tapos na

Panuto: Ipapangkat ko kayo sa dalawang pangkat, ang


unang pangkat ay magsasagawa ng tula patungkol sa
“pagmamahal ng isang Ina” at ang ikalawa ng pangkat
naman ay magsasagawa ng maikling dula patungkol sa
“kabutihan ng isang Ina”

 Bigyan ng puntos ang bawat pangkat, ang unang


pangkat ang magbibigay ng puntos sa ikalawang
pangkat at ang ikalawang pangkat ang (binigyan ng puntos ang bawat isa)
magbibigay ng puntos sa unang pangkat.

Pamantayan (Tula)
 Nilalaman 50%
 Pagkamalikhain 30%
 Pagkakaisa 20%
Kabuuan 100%

Pamantayan (Dula)
 Nilalaman 50%
 Maayosnadaloy 30%
 Pagkakaisa 20%
Kabuuan 100%

 Ang unang pangkat po ay nakakuha ng puntos


na; sa nilalaman apatnapung bahagdan, sa
pagkamalikhain tatlumpung bahagdan at sa
pagkakaisa dalawampung bahagdan. Sa
kabuuan sila po ay nakakuha ng siyamnapung
bahagdan.
 Ang ikalawang pangkat naman po ay nakakuha
ng puntos na; sa nilalaman tatlumpu’t limang
bahagdan, sa maayos na daloy dalawampu’t
limang bahagdan at sa pagkakaisa
dalawampung bahagdan. Sa kabuuan sila po ay
nakakuha ng walumpung bahagdan.

(binigyan ng limang bagsak ang bawat isa)


 Mahusay! Bigyan ng limang bagsak ang bawat
isa.

3.8 Pagsasabuhay
 Napapahalagahan ko po ang aking Ina sa
paraang sinusunod ko po ang lahat ng iniuutos
 Paano mo napahahalagahan ang iyong Ina? niya.

 Napahahalagahan ko po ang aking Ina sa


pamamagitan ng pagbibigay respeto sa kanila.
Isa pos a halimbawa ay ang pagmamano kung
ako po ay aalis at kung ako po ay darating sa
aming bahay.
 Napahahalagahan ko po ang aking Ina sa
pamamagitan ng pag aalaga sa kaniya kapag
siya ay nanghihina.
 Mahusay!
 Naipakikita ko pong mahal ko ang aking lola at
ang aking Ina sa paraang pagbibigay po ng
 Sa paanong paraan mo naipakikitang mahal mo mga bagay na akapagpapasaya po sa kanila,
ang iyong Ina, lola o tita? may okasyon man po o wala.
 Naipakikita ko pong mahal ko sila dahil hindi
ko po sinusuway ang utos nila.
 Naipakikita ko pong mahal ko ag akig Ina sa
pamamagitan ng pagbibigay respeto at
paggalang sa kaniya.
 Mahusay!

 Sa hinaharap, kung ikaw ay magiging isang Ina,


gagawin mo rin ba ang lahat para sa iyong mga  Sa hinaharap kung ako po ay magiging isang
anak? Ano ang kaya mong gawin para sa Ina gagawin ko rin po ang lahat para sa aking
kanila? mga anak. Lahat po ay gagawin ko upang
maibigay ko ang pangangailangan nila.
 Sa hinaharap kung ako po ay magiging isang
Ina, gagawin ko rin po ang lahat ng aking
makakaya sa paraang hindi ko po sila
pababayaang magutom gaya ng nararanasan ng
mga kabataan ngayon.
 Sa hinaharap kung ako po ay magiging isang
Ina gagawin ko po ang lahat upang magkaroon
sila ng magandang kinabukasan sapagkat kung
magkakaroon po sila ng magandang
kinabukasan ay hindi sila magiging kawawa
 Mahusay! pagdating ng araw.

 Para sa akin, napahahalagahan ko ang aking Ina


sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng gusto
nila sapagkat nais kong huwag sumama ang
kanilang loob. At wala naman silang hangad
kundi ang makabubuti para sa akin.
 Naipakikita ko namang mahal ko ang aking Ina
sa pamamagitan ng pagbibigay respeto sa
kaniya.
 Para sa akin kung ako ay magiging isang Ina
balang araw gagawi ko rin ang lahat para sa
aking magiging anak dahil nais ko ring maging
maayos ang kanilang buhay at magkaroon ng
magandang kinabukasan.

IV. Ebalwasyon

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa


sangkapat na bahagi na papel.
1. Sino ang Ina sa kwento?
2. Sino sino ang hinahanap ni Sisa?
3. Bakit hinahanap ng mga guwardiya sibil ang
mga anak ni Sisa?
4. Ito ay tumutukoy sa bahagi ng pananalita na
naglalarawan sa pangngalan o panghalip.
5. Ibigay ang tatlong antas ng pang-uri.

Susi ng kasagutan:

1. Si Sisa
2. Sina Crispin at Basilio
3. Sapagkat sila ay napagbintangan na nagnakaw
4. Pang-uri
5. Lantay, pahambing at pasukdol

 Sino ang nakakuha ng lima, apat, tatlo pababa


mag aral pa ng mabuti.

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


V. Takdang Aralin

1. Ilarawan ang iyong Ina, lola o tita gamit ang


tatlong antas ng Pang-uri.
2. Basahin ang Kabanata 22: Ang liwanag at dilim.

Inihanda ni: Jayzell B. Marin

EDUC 2C BSED FILIPINO

You might also like