You are on page 1of 22

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 7
UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.2
Panitikan: Pabula
Teksto: “Natalo rin si Pilandok”
Wika: Mga Ekspresyon ng Posibilidad
Bilang ng Araw: 6 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-Ic-d-2)
 Nahihinuha ang kinalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang
napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-Ic-d-2)


 Natutukoy at naipaliliwanag ang mahahalagang kaisipan sa binasang
akda.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-Ic-d-2)


 Napatutunayang nagbabago ang kahulugan ng mga salitang
naglalarawan batay sa ginamit na panlapi.

PANONOOD (PD) (F7PD-Ic-d-2)


 Nailalarawan ang isang kakilala na may pagkakatulad sa karakter ng
isang tauhan sa napanood na animation.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-Ic-d-2)


 Naibabahagi ang sariling pananaw at saloobin sa pagiging karapat
dapat / di karapat- dapat ng paggamit ng mga hayop bilang mga
tauhan sa pabula.

PAGSULAT (PU) (F7PU-Ic-d-2)


 Naipahahayag nang pasulat ang damdamin at saloobin tungkol sa
paggamit ng mga hayop bilang tauhang nagsasalita at kumikilos na
parang tao o vice versa.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-I-cd-2)


 Nagagamit ang mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad (maaari, baka
at iba pa)

ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL (EP) (F7EP- Ic-d-2)


 Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa pabula sa iba’t
TUKLASI
ibang lugar sa Mindanao.

Unang Markahan| 29
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F7PD-Ic-d-2)


 Nailalarawan ang isang kakilala na may pagkakatulad sa karakter ng isang
tauhan sa napanood na animation.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-Ic-d-2)


 Naibabahagi ang sariling pananaw at saloobin sa pagiging karapat- dapat / di
karapat- dapat ng paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa pabula.

II. PAKSA

Panitikan: Pagkilala sa Pabula


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya ( ANG GUSTO KONG ALAGA)


Magbabahagi ang mga mag-aaral ng hayop na inaalagaan nila sa kanilang tahanan
at ang dahilan kung bakit sila nag-aalaga ng mga ganitong hayop.

Gabay na Tanong:
a. Ano ang mga kabutihang naidudulot ng pag-aalaga ng mga hayop?
b. Bukod sa nagsisilbing alaga, mayroon pa bang kabutihang naidudulot ang mga
hayop sa tao ng mundo? Ano ito?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Unang Markahan | 30
Ano-ano ang masasalamin sa akdang pampanitikang pabula na
makatutulong sa kultura ng bawat isang Pilipino?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (WATCH AND LEARN)


Pagpapanood ng video clip mula sa youtube ng isang halimbawang pabula.

ANG PAGONG AT ANG MATSING


https://www.youtube.com/watch?v=IbGAqbmkYfg

ANALISIS

1. Ilarawan ang pangunahing tauhan sa pinanood. Ano-ano ang kaniyang mga


positibo at negatibong katangian?
2. Mayroon ka bang kakilala na may pagkakatulad ng karakter sa napanood na
animation? Ipakilala siya.
3. Anong akdang pampanitikan ang napanood? Isa-isahin ang katangian ng pabula
bilang akdang pampanitikan.
4. Bakit patuloy na lumaganap ang mga pabula mula noon hanggang sa
kasalukuyan?
5. Karapat dapat ba o hindi karapat- dapat ang paggamit ng mga hayop bilang mga
tauhan sa pabula? Pangatwiranan ang kasagutan.

Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M AN- (FOR YOUR INFORMATION)

Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula


Ang pabula na katumbas o kasingkahulugan ng salitang Griyegong
muzos na ang ibig sabihin ay myth ay nagsimula sa tradisyong pasalita at
nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon.
Sa pagdaan ng panahon ay isinilang ang pabula ni Aesop na
gumamit ng mga hayop na nagsasalitang parang mga tao bilang mga
pangunahing tauhan. Si Aesop ang itinuturing na ama ng sinaunang
pabula. Tinatayang siya ay nakalikha ng 200 pabula sa kanyang buong
buhay.
Ang mga pabula ay lumaganap na rin sa iba’t ibang bansa. Naging
laganap ito maging nang bago pa dumating ang mga mananakop. Nagamit
din ng ating mga ninuno ang mga kuwento at aral na taglay ng mga pabula
sa pagtuturo ng kagandahang-asal at mabuting pamumuhay sa mga tao
Alalong-
BSTR lalo
A na
K SsaY kabataan.
ON
Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

Unang Markahan| 31
Mungkahing Estratehiya ( GUESSING GAME)
Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga bugtong na may kaugnayan sa mga hayop.
Kapag nasagutan ay magbibigay ang guro ng mga pahayag na magsisilbing clue
upang matukoy ang pangkalahatang konsepto ng aralin.

Matanda na ang nuno, Mataas kapag nakaupo,


Hindi pa naliligo. Mababa pag nakatayo.

PUSA ASO

tauhang ginagampanan ng hayop pabula ay kuwento

Narito na si Kaka, Baston ni Kapitan


Sunong suno ang dampa. Hindi mahawakan

PAGONG AHAS

kumikilos na tulad ng tao nagbibigay ito ng mga aral

Ang pabula ay kuwento na may tauhang ginagampanan ng hayop na


kumikilos na tulad ng tao at nagbibigay ito ng mga aral na makatutulong sa
kultura ng bawat isang Pilipino.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (THINK AND SHARE)


Sasagutin ang katanungang inihanda ng guro.

Kung ikaw ay isang manunulat ng isang pabulang Tagalog, anong hayop


ang iyong pipiliin bilang karakter ng kuwento at ano ang magiging paksa
nito? Bakit ito ang iyong napili? Ibahagi ang inyong kasagutan sa klase.

V. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng isang pabulang tagalog at ibigay ang buod nito.


2. Basahin ang akdang “Natalo rin si Pilandok”. Isulat ang buod nito sa inyong
kwaderno.

LINANGIN
Unang Markahan | 32
I.LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-Ic-d-2)


 Nahihinuha ang kinalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-Ic-d-2)


 Natutukoy at naipaliliwanag ang mahahalagang kaisipan sa binasang akda.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-Ic-d-2)


 Napatutunayang nagbabago ang kahulugan ng mga salitang naglalarawan batay
sa ginamit na panlapi.

II. PAKSA

Panitikan: Kinalabasan ng mga Pangyayari sa Pabula- “Natalo rin si Pilandok”


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (NAGBABAGANG BALITA)


Magpapanood ang guro ng balita tungkol sa mga panlolokong nagaganap sa
kasalukuyan.

NAGBABAGANG BALITA SA TV PATROL


https://www.youtube.com/watch?v=gUdTdSgW9dc

Gabay na Tanong:
a. Ano-ano ang inyong mga saloobin sa napanood?
b. Bakit kaya lumalaganap ang mga ganitong pangyayari sa bansa?

Unang Markahan| 33
Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano ang kinalabasan ng mga pangyayari sa pabulang “Natalo rin si


Pilandok”?

3. Paglinang ng Talasalitaan

Mungkahing Estratehiya (ANONG KAHULUGAN)


Tutukuyin ng mga mag-aaral ang kahulugan ng mga salita batay sa gamit ng
panlapi.
4. Paghihinuha sa
Pamagat HANAY A HANAY B
lamigin ginagawa ng a.
a.nililinlang tao Ang taong
para guminhawa gagawa pa ng
Mungkahing Estratehiya
ang
d pakiramdam pandaraya
(WHAT DO YOU KNOW) kapag mainit
Magbibigay ng mga d
mahahalagang impormasyon malamig mapanlinlang
b. nagiging asalb.ng taong
taong mapanloko/
nagpapakitang
b mapanlinlang ng
ayaw na sa kapwa.
e isang relasyon

nagpapalami c.nilinlang
nararamdaman
c. pandaraya sa
g ng tao kapagNATALO
isang tao
malamig
e RIN SI
a PILANDOK
nanlalamig panlilinlang d. ang taong
d. taong madaling
makadama ng kasalukuyang
c
lamig ginagawan ng
b panlilinlang
nilalamig e.lilinlangin
tumutukoy sae.uri naging biktima
ng panahong ng mga taong
a
nararanasan. mapanlinlang
c
ang mga mag-aaral tungkol sa hayop
pamagat ng akda.
https://image.slidesharecdn.com/pilandokreport-160418082031/95/pilandok-report-9-638.jpg?cb=1460967691

Unang Markahan | 34
5. Pagpapabasa ng Akda
6.

Mungkahing Estratehiya (DUGTUNGANG PAGBASA)


Babasahin ng ilang piling mag-aaral ang pabula.
Natalo Rin Si Pilandok

Kilala si pilandok sa kanyang pagiging tuso o mapanlinlang. Katunayan,


madalas na panlilinlang o panloloko ang ginagamit ni Pilandok sa kanyang mga
laban kaya naman lagi siyang nananalo. Subalit sa pagkakataong ito, bumalik sa
kanya ang mga nagawa niyang panloloko o panglilinlang kaya siya naman ang
natalo. Sino kaya ang hayop na nakatalo sa kanya? Isa kaya itong malaki at
makapangyarihang hayop? At sa paanong paraan kaya niya natalo ang Pilandok?
Halina’t iyong alamin.
Isang hapon, mainit ang sikat ng araw kaya’t nagpasya ang matalinong
pilandok na magpunta sa paborito niyang malinaw na batis upang doon
magpalamig at uminom. Isang malaki at gutom na gutom na baboy- ramo pala
ang nakatago sa gilid ng malalabay na puno at naghihintay ng anumang darating
na maaaring makain. Nang makita niya ang pilandok ay agad na nagniningning
ang kanyang mga mata. Mabilis siyang lumabas at humarang sa daraanan ng
pilandok. “Sa wakas, dumating din ang aking pagkain. “Gutom na gutom na ako
sa maghapong hindi pagkain, Pilandok, kaya’t humanda ka na dahil ikaw ngayon
ang aking magiging hapunan,” ang tatawa-tawang sabi ng baboy-ramo. Kitang-
kita ng pilandok ang matutulis na ngipin at pangil ng baboy-ramo.

Takot na takot ang pilandok dahil alam niyang sa isang sagpang


lang sa kanya ay tiyak na magkakalasog-lasog ang kanyang payat na
katawan subalit hindi siya nagpapahalata. “Kawawa ka naman baboy-
ramo, maghapon ka na palang hindi kumakain,” ang sabi na tila awang-
awa nga sa kalagayan ng kausap. “Puwede mo nga akong maging
pagkain pero alam mo, sa gutom mong iyan at sa liit kong ito, tiyak na hindi
ka mabubusog sa akin.” Ang dugtong pa nito.
“ Kung gayon, ano ang gagawin ko? Gutom na gutom na ako!” ang
malakas na sigaw ng baboy-ramo.
“ Ha! Matutulungan kita riyan, baboy-ramo,” sabi ni pilandok habang
mabilis na nag-iisip.
“Tao, ang dapat mong kainin para mabusog ka. Sasamahan kita sa
paghahanap ng isang taong tiyak na makakabusog sa iyo,” ang paniniyak
nito.
“Ano ba ang tao? Tiyak ka ba mabubusog ako sa tao?” ang tanong
ng baboy-ramo.
“Ang tao ang pinakamalakas na hayop sa buong mundo,” ang sagot
Unang Markahan| 35
naman ng Pilandok.
“Mas malakas pa kaysa sa akin?” ang tanong ng baboy-ramo
habang hinihipan at pinalalalaki ang kanyang dibdib.
7. Presentasyon

Nakakita sila ng isang taniman ng mga kamote. May isang


matandang lalaking nagtatanim.
Nakabaluktot na ang likod niya at nakalalakad na lamang sa tulong
ng baston.
“Iyan na ba?Iyan na ba ang taong gagawin kong hapunan? Ayoko
niyan, payat at hindi ako matitinga riyan,” ang sabi ng baboy-ramo.
“Tama ka, kaibigan. Payat masyado iyan at hindi ka mabubusog
diyan. Tira-tirahan na lang iyan. Hindi iyan nababagay sa isang matikas na
baboy-ramong tulad mo,” ang muling sabi ng pilandok.
Galit na ang baboy-ramo. “Kung gayon, saan ko makikita ang taong
kakainin ko? Gutom na gutom na ako! Niloloko mo lang yata ako. Ikaw na
lang ang kakainin ko!” ang gigil na sabi nito sa pilandok.
‘Huwag! Huwag, kaibigan. Hayun na, hayun ang taong laan para sa
iyong hapunan,’ ang sabi ng pilandok sabay turo sa isang matikas at
matangkad na mangangasong naglalakad sa gilid ng gubat.
‘Tiyak na mabubusog ka riyan dahil malaman iyan at tiyak, hindi
muna gugustuhin pang kumain ng isang munting hayop na tulad ko
Unang Markahan | 36
pagkatapos mo siyang makain,’ ang nakangising sabi ng pilandok.
‘Tama ka, Pilandok. Ito na nga ang hapunan ko,’ ang sigaw ng
baboy-ramo sabay sugod sa nabiglang mangangaso ay mabilis rin itong
Subalit hindi tumigil doon ang pilandok. ‘Buwaya, bulag ka ba?
Patpat lang ang kagat-kagat mo. Heto ang paa ko, o,’ ang malakas na sabi
niya sabay taas sa isang binti. Biglang binitiwan ng buwaya ang kagat-
kagat na paa ng pilandok. Akmang susunggaban na sana nito ang isang
paang itinaas ng pilandok nang mabilis itong makalundag palayo. Sising-
sisi ang buwaya, naisahan na naman siya ng matalinong pilandok.
Habang naglalakad pauwi ang pilandok ay nasalubong niya ang
isang suso. Dahil maliit ang suso ay naisip ng Pilandok na kayang-kaya
niya magyabang dito. Hinamon niya ang suso sa isang karera at anong
laking gulat niya nang pumayag ang suso at nagsabi pa itong kayang-kaya
niyang talunin ang pilandok.
Ang hindi alam ng pilandok ay kalat na kalat na sa kaharian ng mga
hayop ang kanyang pagiging tuso o mapanlinlang kaya’t napaghandaan ng
suso ang araw na siya naman ang maaring pagdiskitahan ng pilandok.
Kinausap na niya ang kanyang mga kapatid. Magkakamukha sila at
aakalain mong iisang suso lang sila dahil sa parehong-parehong hitsura.
Nagsimula na nga ang karera. Agad umarangkada at tumakbo nang
ubod bilis ang pilandok. Subalit paghinto niya sa kalagitnaan upang silipin
kung nasaan na ang kalaban ay anong laking gulat niya nang magsalita
Unang Markahan| 37
ang suso.’O, ano Pilandok, pagod kana ba? Ang tanong nito. Gulat na
gulat sa kung paanong nagawa ng suso na mauna pa sa kanya kaya’t
mabilis na tumakbo uli ang pilandok hanggang sa makarating sa dulo ng
6. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (WHAT’S NEXT)


Pagsasalaysay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tulong ng mga flow
chart.

Pagkikita ni
pilandok at
baboy-
ramo

Pagkikita ni
pilandok at
buwaya

Pagkikita
ni
pilandok
at suso

Unang Markahan | 38
7. Pangkatang Gawain

Mungkahing Estratehiya (DO YOUR TASKS)


Pipili ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin tungkol sa pabulang
binasa sa tulong ng mga mungkahing estratehiya.

Paksa: Paksa:
Mga Tauhan at ang Kanilang mga Pagbabago ng kahulugan ng mga
Katangian
Mungkahing Estratehiya: 1
salitang batay sa panlapi
Mungkahing Estratehiya:
Lapian at bigyang kahulugan
2
Venn diagram
Paggawa ng Venn diagram na
Pagbibigay ng mga salitang
nagpapakita ng mga katangian ng
ginamitan ng iba’t ibang panlapi at
mga tauhan sa akda pagtukoy sa kahulugan nito

Paksa: Paksa:
Kinalabasan ng mga pangyayari Kaisipang Hatid ng Akda
sa akda
Mungkahing Estratehiya:
Pagguhit
3 Mungkahing Estratehiya:
Slogan
Paglikha ng slogang nagpapakita
4
Pagguhit ng maaaring kalabasan ng kaisipan na nais ipabatid ng
ng mga pangyayari sa akda akda

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan ng
Mahusay Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais iparating sa
Kaisipan iparating sa manonood (3) iparating sa manonood (1)
o Mensahe manonood (4) manonood (2)
(4)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Istilo/ kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
Pagkama- kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
likhain pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng pangkat
(3) ginamit ng pangkat sa ginamit ng sa presentasyon
pangkat sa presentasyon pangkat sa (0)
presentasyon (3) (2) presentasyon(1)

Kaisahan Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng


ng Pangkat nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang
o pagkakaisa ang bawat pagkakaisa ang bawat miyembro
Kooperasyon bawat miyembro miyembro sa bawat miyembro sa kanilang gawain
(3) sa kanilang kanilang gawain sa kanilang (0)
gawain (3) (2) gawain (1)

Unang Markahan| 39
8. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

9. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

10. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita ng


kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Ilarawan ang mga pangunahing tauhan sa binasa. Ano-ano ang mga positibo at
negatibong katangiang taglay nila?
2. Ano ang iyong nahinuha sa maaaring kinalabasan ng mga pangyayari sa akda?
3. Ipaliwanag ang mahalagang kaisipang nangibabaw sa akda. Makatutulong ba ito
sa bawat isang mambabasa? Pangatwiranan.
4. Kung ikaw ang tulad ni Pilandok na nanlilinlang o nanloloko rin ng iyong kapwa,
ano ang gagawin mo pagkatapos mabasa ang pabula?
5. Sa kasalukuyan, paano maiiwasan ang mga taong katulad ni Pilandok na
gumagawa ng panlalamang sa kapwa? Paano naman mababago ang
masasamang asal ng mga taong ito?

Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N - (FOR YOUR INFORMATION)

Taliwas sa iniisip ng marami, ang pabula ay hindi maituturing na


pambata lamang, sapagkat ang mga ito ay nangangailangan ng pag-unawa
sa mga katangian ng mga tauhang hayop at pag-uugnay ng mga ito sa
kahawig na katangian ng mga tao upang maging epektibo ang paghahambing.
Mahalaga ring makilatis ang mga aral o mahahalagang kaisipang taglay ng
mga ito.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya ( ADVEN-ZOO-RE)


Tutulungan ng mga mag-aaral si Pilandok sa pamamasyal sa zoo sa pamamagitan
ng paglalagay ng arrow sa tamang daan sa maze upang mabuo ang
pangkalahatang konsepto ng aralin.

Unang Markahan | 40
nanalo
si
suso

naisahan

ang
pangu-
nahing
tauhan

sa
pabulang
“Natalo
rin si
Pilandok”

http://cdn.rainbowresource.netdna-cdn.com/products/032336.jpg

Naisahan ang pangunahing tauhan sa pabulang “Natalo rin si Pilandok”

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (UMARTE KA)


Mag-iisip ang mga mag-aaral ng isang sitwasyong nagpapakita ng mga kaisipang
nais ipabatid ng akda sa tunay na buhay at iaarte ito sa klase. Gumamit ng mga
salitang naglalarawan sa usapang gagawin.

Sitwasyon:________________________________________________

EBALWASYON

Unang Markahan| 41
Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Pagkatapos ng pagkatalo ni Pilandok sa suso at nangakong magbabago na, ano


kaya ang mahihinuha sa maaaring mangyayari sa akda?
a. Muling manlilinlang si Pilandok sa mga kasamang hayop sa gubat kapag siya ay
nagipit.
b. Iiwasan na ni Pilandok ang manlinlang ng ibang kasamang hayop at magbabago
na siya.
c. Hindi ipakikita ni Pilandok sa iba kapag siya ay muling nanloko. Ililihim niya ito sa
mga kasamang hayop.
d. Iiwasan na siya ng mga kaibigang hayop at mamumuhay ng malungkot sa
gubat.

2. Ano ang kahulugan ng salitang mangingibig?


a. taong umiibig c. maraming pagmamahal
b. pagmamahal d. pagbibigay ng pagmamahal

3. Bakit maituturing na isang pabula ang akdang “Natalo rin si Pilandok?


a. Dahil ito ay kuwento tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhang
nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan.
b. Dahil ito ay nagsasalaysay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari sa akda.
c. Dahil ito ay kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga sinaunang tao at
tumutukoy sa mga kultura at tradisyon ng isang lugar sa bansa.
d. Dahil isinasalaysay nito ang kuwento na ang tauhan ay mga hayop na
gumaganap na parang tao.
4. Alin ang mahalagang kaisipang nakapaloob sa akdang tinalakay?

a. Maging matulungin sa mga taong nais mo lamang tulungan at sa mga taong may
benepisyo sa iyo.
b. Maging maingat sa mga taong mapanlinlang at ang nais ay makalamang sa
kapwa.
c. Tumulong sa kapwa kung ito ay nangangailangan ng iyong tulong at gawin ito ng
palagian.
d. Tumulong at humingi ng kapalit sa tulong na ipinagkaloob mo sa iyong kapwa.

5. Piliin ang akmang kasabihan para sa pabulang binasa.

a. “Tuso man daw ang matsing, napaglalamangan din”.


b. “Kapwa Ko, mahal ko”
c. “Daig nang maagap ang masipag.”
d. “Kapag may katwiran, ipaglaban mo”

Sagot:
B A D B A

Unang Markahan | 42
Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng mga balitang may kaugnayan sa panloloko sa kapwa. Ikapit ito sa


kwaderno.
2. Isa-isahin ang mga aral na napulot mula sa aralin na makatutulong sa inyo bilang
mga kabataan.
3. Ano-ano ang mga pahayag na nagsasaad ng posibilidad? Isa-isahin ito.

PAUNLARIN
I.LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-I-cd-2)


 Nagagamit ang mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad (maaari, baka at
iba pa)

II. PAKSA

Wika: Mga Ekspresyon ng Posibilidad


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

Unang Markahan| 43
AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (SHARE YOUR INSIGHTS)


Magbibigay ang guro ng isang isyu at ibabahagi ng bawat pangkat ang kanilang
saloobin tungkol sa isyung ito. Ang pangkat na makapagbabahagi ng magandang
saloobin ang siyang tatanghaling panalo.

Posible nga bang mapangalagaan ang karapatan ng mga hayop?

Gabay na Tanong:
a. Naging madali ba sa inyo ang pagbibigay ng posibilidad sa isang isyu? Bakit?
b. Bakit mahalaga ang kaalaman tungkol sa pagbibigay ng posibilidad?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Paano ginagamit ang mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad?

3. Presentasyon

Babasahin ng piling mag-aaral ang talata nang may kasiningan.

PANGANGALAGA SA KARAPATAN NG MGA HAYOP


Ang RA 8485, na mas kilala bilang Animal Welfare Act, ang unang
batas na komprehensibong nagtadhana sa tama at makataong
pangangalaga ng mga mamamayan sa lahat ng hayop sa Pilipinas. Binuo
ng batas na ito ang Committee on Animal Welfare na siyang mamumuno
sa pagpapatupad ng batas.Sinasabi ng batas na dapat mabigyan ang lahat
ng hayop ng wastong pangangalaga, at maaaring maparusahan ang
sinumang mapatunayang lumalabag dito.
 
Sa Sec. 6 ng batas, ipinagbabawal ang pagmaltrato at pag-torture
sa mga hayop. Ipinasa rin sa bahaging ito ng batas na hindi maaaring
pumatay ng hayop, maliban sa mga hayop na kinakain tulad ng baka,
Unang Markahan
baboy, | 44 tupa, manok at iba pang poultry, kuneho, kalabaw,
kambing,
kabayo, usa at buwaya. 
 
Tila Isang paglabag sa batas ang pagpatay sa mga hayop na hindi
ANALISIS

1. May posibilidad nga bang mapangalagaan ang kapakanan ng mga hayop?


2. Ayon sa binasa, paano raw ang posibleng pag-aalaga sa mga hayop?
3. Maglahad ng halimbawang napanood, nabasa o tunay na naranasan para
makapagpatunay rito.
4. Isa-isahin ang mga salitang may salungguhit sa talata. Ano kaya ang isinasaad
ng mga salitang ito?
5. Bakit ginagamit ang mga pahayag na may salungguhit?
Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - (FOR YOUR INFORMATION)

Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad

Sa ating pakikipag-usap at maging sa pagsusulat, madalas ay


nagpapahayag tayo ng mga posibilidad. Posibilidad ang tawag sa mga
pahayag na maaaring magkatotoo subalit hindi pa matiyak o makasigurado
o may pag-aagam-agam pa tayo. May mga salita o ekspresyong ginagamit
sa ganitong pagpapahayag tulad ng:

baka…. puwede kaya ang…. maaari…


siguro….. marahil…. Sa palagay ko…..
may posibilidad bang…. tila… posible kayang….

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya ( ALIN ANG POSIBLE)

Unang Markahan| 45
Pipiliin ng mga mag-aaral ang mga hayop na naglalaman ng mga pahayag na
nagpapakita ng pangkalahatang konsepto ng aralin. Ilalagay ito ng mga mag-aaral
sa zoo at bubuuin ang konsepto.

Posibilidad
maaaring pahayag
magkatotoo hindi pa
matiyak

Pang-
ugnay

may pag-
aagam-
agam pa totoo

https://img.clipartfest.com/08fa2369b0f13639e7a4af69e2d3ed0a_save-to-a-lightbox-zoo_1500-1222.jpeg
http://www.clipartkid.com/images/73/animals-clip-art-clipart-of-a-cute-group-of-zoo-animals-over-a-sign-by-2h9wJ7-clipart.jpg

Posibilidad ang tawag sa mga pahayag na maaaring magkatotoo subalit hindi pa


matiyak o makasigurado o may pag-aagam-agam pa.
Unang Markahan | 46
APLIKASYON

Ginabayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (MAGSALAYSAY)
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa pamamagitan ng paggamit ng mga
salitang nagpapahayag ng posibilidad.
1. Saan ka kaya mag-aaral pagdating mo sa kolehiyo?
2. Anong kurso kaya ang kukunin mo?
3. Saan ka kaya magtatrabaho kapag nakatapos ka na?

Malayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (GAWIN NATIN!)
Kilalanin ang mga salita o mga ekspresyong nagsasaad ng posibilidad.
1. Maari nga kayang maglaho ang lahi ng mga hayop na nanganganib nang
maubos tulad ng pilandok?
2. May posibilidad kayang makatulong ang mga mamamayan para maisalba ang
mga hayop na ito?
3. Sa tingin mo, posible kayang maparusahan ang mga taong nanghuhuli at
nagbebenta ng mga hayop na ito para hindi na sila pamarisan?
4. Baka mahirap iyan dahil wala namang palaging nakabantay sa ating kagubatan.
5. Siguro dapat maging mas mabigat ang parusang ibibigay sa mga lalabag sa batas.
EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Ano ang tawag sa mga pahayag na maaaring magkatotoo subalit hindi pa matiyak
o masigurado?
a. posibilidad c. pang-ugnay b. sanhi at bunga d. wika

2. Aling salita ang naiiba sa pangkat?


a. baka c. pwede b. maaari d.sa katunayan

3.Posible kayang magkaroon ng batas upang mapangalagaan ang mga hayop sa


paligid? Alin ang pahayag na nagsasaad ng posibilidad?
a. kaya c. sa b. magkaroon d. posible

4. __________ dapat maging mas mabigat ang parusang ibibigay sa mga lalabag
sa batas. Anong pahayag ng posibilidad ang angkop gamitin sa pangungusap?
a. marahil c.sapagkat d. ano d. paano

5. Bakit mahalaga ang paggamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng


posibilidad?
a. Upang mapag-ugnay-ugnay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
b. Upang matukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
Unang Markahan| 47
c. Upang makapagpahayag nang wasto kung totoo o may pag-aagam-agam.
d. Upang makapagbigay ng simula, gitna at wakas ng isang pangyayari.

Sagot:
A D D A C

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Gumawa ng isang talatang nagpapahayag ng saloobin tungkol sa paksang


“CRUELTY TO ANIMALS”. Paano ito maiiwasan. Gumamit ng mga pahayag na
nagpapakita ng posibilidad.
2. Humanda sa pagsulat ng Awtput 1.2.

ILIPAT
I.LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F7PU-Ic-d-2)


 Naipahahayag nang pasulat ang damdamin at saloobin tungkol sa paggamit ng
mga hayop bilang tauhang nagsasalita at kumikilos na parang tao o vice versa.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.2


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

Unang Markahan | 48
1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya (ANONG EMOSYON)


Pagsasalaysay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pabulang “Natalo
rin si Pilandok” at pagtukoy sa damdamin at emosyong namayani sa bawat
pangyayari sa akda sa pamamagitan ng pagguhit.
2.
2.
Pagkikita ni 2.
pilandok at 2.
baboy-ramo 2.
2.
Pagkikita ni 2.
pilandok at 2.
buwaya 2.
Pagkikita 2.
ni 2.
pilandok 2.
at suso 2.
2.
2.
Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS

GOAL: Naipahahayag nang pasulat ang damdamin at saloobin


tungkol sa paggamit ng mga hayop bilang tauhang
nagsasalita at kumikilos na parang tao o vice versa.

ROLE: Isa kang mahusay na manunulat.

AUDIENCE: Mga mag-aaral at guro sa inyong paaralan.

SITUATION: Ang diyaryong “ALA- EH, KAMI NAMAN!” ay


nangangailangan ng mga magsusulat ng isang editorial na
nagpapahayag ng isang saloobin tungkol sa isang paksa.

PRODUCT: Damdamin at saloobin tungkol sa paggamit ng mga hayop bilang


tauhang nagsasalita at kumikilos na parang tao o vice versa.

STANDARD- RUBRIKS NG AWTPUT


Lubos na nagpapakita Nagpakita ng Ang nilalaman ng
ORIHINALIDAD ng orihinalidad ang orihinalidad ang talata ay nagmula sa
AT NILALAMAN nilalaman ng talata. nilalaman ng talata. mga naisulat na
(4) (4) (3) talata.(1)
Napakahusay ng pagpili Mahusay ang naging Hindi gaanong
PAGGAMIT NG sa mga salitang ginamit pagpili sa mga mahusay ang naging
SALITA sa talata. salitang ginamit sa pagpili ng mga
(3) (3) talata.
Unang Markahan|
salitang ginamit sa
49
(2) talata.(1)
Lubos na kinakitaan Kinakitaan nang Hindi kinakitaan nang
PAGGAWA NG nang maayos at maayos at maayos at
TALATA organisadong talata ang organisadong talata organisadong talata
3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Manood sa youtube ng isang halimbawang pabula. Ibigay ang buod ng


inyong napanood.
2. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan? Ibigay ang kahulugan nito.

Unang Markahan | 50

You might also like