You are on page 1of 20

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 7
UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.4
Panitikan: Maikling Kuwento
Teksto: “Pagislam”
Wika: Retorikal na Pang-ugnay
Bilang ng Araw: 7 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F7PN-If-g-4


 Naisasalaysay ang buod ng mga pangyayari sa kuwentong
napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F7PB-If-g-4


 Naiisa-isa ang mga elemento ng maikling kuwento mula sa Mindanao.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F7PT-Id-e-4


 Natutukoy at naipaliliwanag ang kawastuan/ kamalian ng
pangungusap batay sa kahulugan ng isang tiyak na salita.

PANONOOD (PD) F7PD-Id-e-4


 Nasusuri ang isang dokyu-film o freeze story.

PAGSASALITA (PS) F7PS-Id-e-4


 Naisasalaysay nang maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari.

PAGSULAT (PU) F7PU-If-g-4


 Naisusulat ang buod ng binasang kuwento nang maayos at may
kaisahan ang mga pangungusap.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) F7WG-If-g-4


 Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa
akda (kung, kapag, sakali, at iba pa).

ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL (EP) F7EP-If-g-4


 Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa paksang
tinalakay.

Unang Markahan | 75
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F7PN-If-g-4


 Naisasalaysay ang buod ng mga pangyayari sa kuwentong napakinggan.

PANONOOD (PD) F7PD-Id-e-4


 Nasusuri ang isang dokyu-film o freeze story.

II. PAKSA

Panitikan: Pagkilala sa Maikling Kuwento at Elemento Nito


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: (WORD HUNT)


Paunahan ang bawat pangkat na maghanap ng mga salita sa loob ng kahon na
maaaring kaugnay ng paksang tatalakayin.
s i m u l a b w s k
k t a u h a n p t a
t a g p u a n b i s
g a t e s r g y n u
w p u n a s h u c k
a t a h s y a s w d
k g u i a n y a o u
a q e n r n g n p l
s u l i r a n i n a
k a k a l a s a n N

Unang Markahan | 76
Gabay na Tanong:

a. Ano ang mapapansin ninyo sa mga salitang inyong nakita sa loob ng kahon?
b. Paano ninyo ilalarawan ang bawat bahagi o elemento ng maikling kuwentong
inyong naisa-isa?
c. Gaano kahalaga ang mga elementong ito sa isang akda? Ipaliwanag.

Pag-uugnay ng guro ng aktibidad na ginawa sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Gaano kahalaga para sa isang akda lalo’t higit sa maikling kuwento ang
pagtataglay nito ng iba’t ibang elemento?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: (WATCH AND ANALYZE)


Bukod sa maikling kuwento, ang mga dokyu film ay isa ring uri ng akdang
pasalaysay at mayroon ding elementong katulad ng isang maikling kuwento.
May ipapanood munang dokyu-film ang guro na siyang paghahanguan ng mga
tanong hinggil sa mga elementong nakapaloob sa napanood.

A-BA-KA-DA-EDUKASYON – A DOCUMENTARY
https://www.youtube.com/watch?v=gHlJ_WiafAk

Mungkahing Estratehiya: (DIAGRAM NG MGA ELEMENTO)


Sa tulong ng diagram sa ibaba, susuriin ng mga mag-aaral ang napanood na
dokyu-film batay sa mga elemento ng maikling kuwento. Ang bawat elemento na
nasa diagram ay may kaakibat na tanong. Sasagutin ng maswerteng mag-aaral na
mabubunot ang tanong na iyon.

MGA TAUHAN BANGHAY TAGPUAN


Ibuod ang akda
Ilarawan ang mga tauhan ayon sa tamang Saan naganap ang mga
sa napanood na dokyu- pagkakasunod- pangyayari sa inyong
film. sunod ng mga napanood?
pangyayari.

Panimula:

Unang Markahan | 77
Tunggalian:

Kasukdulan:

Kakalasan:

Wakas:

ANALISIS

1. Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang mga elementong nabanggit sa itaas?


2. Ano kaya ang mangyayari sa isang akda kung kulang ang elementong nabanggit
sa taas?
3. Bakit dapat ding magtaglay ang isang dokyu-film ng mga elementong tulad ng
mga pasulat na mga akda?

Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N- (FOR YOUR INFORMATION)

MAIKLING KUWENTO

Ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikang nagsasalaysay


sa madali, maikli at masining na paraan. Karaniwang ang isang kuwento
ay natatapos sa isang upuan lamang. Ito ay nagdudulot ng mga aral sa
buhay. Ayon naman kay Genoveva Edroza-Matute, ang maikling kuwento
ay isang maikling kathang pampanitikan na nagsasalaysay ng pang-araw-
araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari, at may
isang kakintalan.

Ang kagandahan ng isang maikling kuwento o anumang akdang


pasalaysay saan mang lugar ito nagmula ay dapat na nagtataglay ng mga
sumusunod na elemento:
 Tauhan – Ang nagbibigay-buhay sa isang maikling kuwento. Ang
tauhan ay maaaring maging mabuti o masama.

 Markahan
Unang Tagpuan | –78Ang panahon at lugar kung saan naganap ang maikling
kuwento. Malalaman dito kung ang kuwento ay naganap ba sa
panahon ng tag-ulan, tag-init, umaga, tanghali at gabi; sa lungsod o sa
lalawigan, sa bundok o sa ilog.
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: (CONCEPTUALIZE THROUGH KEY WORDS)


Gamit ang mga susing salita sa ibaba, ay bubuo ang mga mag-aaral ng mga
pangungusap na maglalahad ng pangkalahatang konsepto ng tinalakay.

LALONG
MAIKLING KUWENTO
PAGKAUNAWA

ELEMENTO AKDA

MAHALAGA

APLIKASYON

Unang Markahan | 79
Mungkahing Estratehiya: (SUM ACCORDING TO ITS ELEMENTS)
Babasahin ng mga mag-aaral ang komiks sa ibaba at susuriin ito at ibubuod batay
sa mga natalakay na elemento ng isang maikling kuwento.

IV. KASUNDUAN

1. Magbasa ng isang maikling kuwento at ibahagi ang buod nito sa klase.


2. Basahin ang maikling kuwentong pinamagatang “Pag-islam”. Humanda sa
talakayan.
3. Paano mo ikokompara ang paraan ng pagbibinyag ng mga Muslim sa paraan ng
pagbibinyag na ating nakagisnan bilang mga Kristiyano?

LINANGIN
Unang Markahan | 80
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F7PB-If-g-4


 Naiisa-isa ang mga elemento ng maikling kuwento mula sa Mindanao.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F7PT-Id-e-4


 Natutukoy at naipaliliwanag ang kawastuan/ kamalian ng pangungusap batay sa
kahulugan ng isang tiyak na salita.

PAGSASALITA (PS) F7PS-Id-e-4


 Naisasalaysay nang maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.

II. PAKSA

Panitikan: Elemento ng Maikling Kuwentong “Pagislam”


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: (4PICS 1WORD)


May mga salitang tinutukoy sa bawat set ng mga larawan sa ibaba. Gamitin ang apat na
larawang ito upang mahulaan ang salita. Maaari itong gawing pangkatang gawain kung
saan ang grupo na makakakuha ng tamang sagot ang magkakaroon ng puntos. Ang
pinakamaraming puntos ang tatanghaling panalo.

Holy Oil

Unang Markahan | 81
Puting Kandila

Puting Damit

Holy Water

https://goo.gl/images/dOHUfK https://goo.gl/images/ENRVwj https://goo.gl/images/hFnkEk https://goo.gl/images/qIoQ0h


https://goo.gl/images/eeVt6c https://goo.gl/images/lX6J3k https://goo.gl/images/HEq0cY https://goo.gl/images/ClPNpS
https://goo.gl/images/jmtklB https://goo.gl/images/t8dHym https://goo.gl/images/OCDJsj https://goo.gl/images/57eMWm
https://goo.gl/images/zl8el1 https://goo.gl/images/5kgPKEhttps://goo.gl/images/zM9W90 https://goo.gl/images/OcifKt

Gabay na Tanong:
a. Ano ang kapansin-pansin sa mga larawan na kaugnay ng inyong mga nahulaang
salita?
b. Sa anong sakramento ginagamit ang mga ito? Kailan ito karaniwang
isinasagawa? Naranasan mo na ba ito?

Pag-uugnay ng guro ng aktibidad na ginawa sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano-ano ang mga elemento ng maikling kuwentong “Pagislam”?

3. Paglinang ng Talasalitaan

Mungkahing Estratehiya: (CARE TO EXPLAIN)

Unang Markahan | 82
Susuriin ng mga mag-aaral kung ang pangungusap ay wasto o mali batay sa
kahulugan ng salitang may diin sa bawat bilang. Ipaliliwanag din kung bakit wasto o
mali ang naging sagot.

1. Napasugod ang lalaki sa kanilang tahanang nang malamang nanganak na


ang kanyang maybahay.
2. Marahas na inalalayan ng lalaki ang kanyang asawa pabalik sa kama
matapos nitong makapanganak upang hindi ito masaktan.
3. Sa sobrang tuwa ay nasumpa ng mag-asawa ang isa’t isa nang sila’y
mabiyayaan ng isang malusog na anak.
4. Nasaksihan ko ang lahat ng seremonyang naranasan ng aking anak mula
nang siya’y isilang hanggang sa kanyang pagpapakasal kaya’t wala siyang
malilingid sa akin.
5. Abot-abot ang pasasalamat ng mag-asawa sa mga bisita at kakilalang
lumiban sa seremonya ng penggunting sa kanilang anak.

4. Paghinuha sa Pamagat

Mungkahing Estratehiya (CONCEPT MAP)


Magbibigay ng hinuha ang bawat mag-aaral ukol sa salitang Pagislam sa
pamamagitan ng pag-iisa-isa sa mga salita na maaaring iugnay dito.

PAGISLAM

Upang mas maunawaan ang ibig babasahing akda, magbibigay muna ang guro ng
impormasyon o trivia sa kung ano ang nagaganap sa ritwal ng Pagislam. (Maaaring
talakayin na lamang ng guro o maaaring gamitin ang video presentation tungkol
dito.)

PAGISLAM
https://www.youtube.com/watch?v=oIhFBqm_kT0

5. Pagpapabasa ng Akda

Mungkahing Estratehiya (DUGTUNGANG PAGBASA)

Unang Markahan | 83
Babasahin ng ilang piling mag-aaral ang maikling kuwento.

Pagislam

Napaangat sa pagkakasandig sa pasimano ng bintana ang ulo ni Ibrah


nang maramdaman niya ang rumaragasang yabag ni Tarhata, ang kanyang
kapatid. Kipkip nito ang isang baru-baruan patungo sa silid na pinagmulan ng
nag-iihit ngunit maliit na tinig ng pag-iyak, batid ni Ibrah na dumating na…
dumating na ang kanyang hinihintay. Parang gusto niyang lumundag. Lalaki
kaya? Babae kaya? Kung lalaki ay… Hindi na niya napigil ang kayang sarili.
Napasugod siya. Totoong sabik na sabik makita ang bata at si Aminah.
‘Lalaki at malusog na malusog!’ matiginting na wika ng panday habang
binibihisan ang bagong silang na sanggol.
‘Oh! Aminah, wala na akong mahihiling pa kay Allah. Dininig din niya ang
ating panalangin,’ wika niyang sabay haplos sa pawisang noo ng asawa.
Ipinukol ni Ibrah ang nananabik na paningin sa sanggol na hawak pa rin
ng panday. Gayon na lamang ang kanyang kagalakan nang makita niyang
parang nagpupumiglas ang sanggol sa pag-iyak.
‘Makisig at lalaking-lalaki talaga ang aking anak. Manang-mana sa kayang
ama.’ Bulong sa sarili ni Ibrah.
Nasa gayong pagmamalaki sa sarili si Ibrah nang marinig niyang may
sinasabi ng kayang ina.
‘Mas mainam siguro kung susunduin muna ang Imam upang maisagawa
na ang bang,’
Hindi na pinakinggan ni Ibrah ang iba pang sasabihin ng ina. Magaan ang
loob na tinungo niya ang tirahan ni Imam. Masayang ibinalita niya sa Imam ang
panganganak ng asawa at magalang na inimbita ito para sa seremonyang dapat
isagawa para sa isang bagong silang na anak ng Muslim. Ikinagalak ito ng Imam
at dali-daling hinagilap ang kayang dasalan para sa gagawing seremonya.
Tahimik na nakamasid ang mga kasambahay ni Ibrah habang banayad na
ibinubulong ng Imam sa kanang tainga ng sanggol ang bang.
‘Allahu Akbar, Allahu Akbar
‘Allahu Akbar, Allahu Akbar
Ash-hadu, Alla la Ilaaha
Ash-hadu, Alla la Ilaaha
Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah.
‘Ngayon isa kanang ganap na alagad ni Allah, nawa’y panatilihin mo ang magagandang
aral niya.’ Dugtong pa ni Imam.

‘Kailan naman ang paggugunting?’ nakangiting tanong ni Imam.

‘Tulad po ng nakaugalian, pitong araw mula ngayon,’ sagot ni Ibrah.


Unang Markahan | 84
Masuyong inilalayan ni Ibrah ang Imam sa pagbaba at inihatid ito sa kayang
tirahan

Ang sumunod na araw ay lubhang naging abala para sa mag-asawa.Totoong di


6. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (IKUWENTO MO)

Unang Markahan | 85
Magkakaroon ng masining na pagkukuwento ang isang mag-aaral sa bawat pangkat
batay sa mga bahagi ng banghay ng maikling kuwento na nakasulat sa story ladder
sa ibaba.

WAKAS

PABABANG AKSYON

KASUKDULAN

PATAAS NA AKSYON

SIMULA

7. Pangkatang Gawain

Mungkahing Estratehiya (GRUPO KO, BIDA SA ARAW NA ITO)


Pipili ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin tungkol sa maikling
kuwentong binasa sa tulong ng mga mungkahing estratehiya.

Paksa:Tagpuan
2
Paksa:Tauhan at ang Kanilang
Katangian
Mungkahing Estratehiya:
CHARACTER PARADE
1 Mungkahing Estratehiya:
PAINT A PICTURE

Sa pamamagitan ng tableau,
Iparada ang mga tauhan sa ipakita kung kailan at saan
maikling kuwento at isa-isahin naganap ang mga pangyayari sa
ang kanilang mga katangian. akda (tagpuan).

Paksa: Buod
Mungkahing Estratehiya:
SUM IT UP!
3
Paksa:Mensahe
4
Mungkahing Estratehiya:
BREAK IT DOWN!

Sa pinakamabilis at Ilahad ang mensahe o aral ng


pinakamaikling paraan, ipakita akdang binasa sa pamamagitan
ang buod ng akda gamit ang ng rap.
pagsasadula.
RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

Unang Markahan | 86
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
8. Pagtatanghal ng pangkatang gawain Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
Organisasyo nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o kaisipan na nais
n kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais iparating sa
ng mga
Kaisipan
iparating sa manonood (3) iparating sa manonood (1)
o manonood (4) manonood (2)
Mensahe(4)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Istilo/ kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
Pagkama- kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
likhain pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng pangkat
(3) ginamit ng pangkat sa ginamit ng sa presentasyon
pangkat sa presentasyon pangkat sa (0)
presentasyon (3) (2) presentasyon(1)
Kaisahan Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng
ng Pangkat nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang
o pagkakaisa ang bawat miyembro pagkakaisa ang bawat miyembro sa
Kooperasyon bawat miyembro sa sa kanilang bawat miyembro kanilang gawain (0)
(3) kanilang gawain (3) gawain (2) sa kanilang
gawain (1)

9. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

10. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita ng


kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Sino ang pangunahing tauhan sa akdang binasa? Ilarawan ang kaniyang


katangian.Saan naman ang tagpuan sa kuwento?
2. Paano nagsimula ang kuwento? Ano naman ang pangyayaring pinakahihintay
ni Ibrah na maganap sa kanyang buhay? Ilarawan ang kanyang naging
reaksyon.
3. Ipinakita ba sa akda ang pagpapahalaga ng mag-asawang Ibrah at Aminah sa
kanilang tradisyon at paniniwala? Paano?
4. Paano nagkakaiba ang kaugalian sa pagbibinyag ng mga Muslim at Kristiyano?
Sa iyong palagay, dapat bang manatili o isabuhay hanggang sa kasalukuyan
ang mga ganitong uri ng paniniwala?
5. Anong uri ng akda ang iyong binasa? Patunayan.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (SURIIN)


Susuriin ng mga mag-aarang ang akdang Pagislam batay sa mga elemento nito.
TAUHAN:
TAGPUAN:
BANGHAY:
MENSAHE:

Unang Markahan | 87
APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (MGA TAUHAN AY TULARAN)


Isalaysay ang bahagi ng akdang nagpapakita ng pagpapahalagang Muslim na
maaari mong magamit sa iyong araw-araw na pamumuhay. Matapos maisalasyay
ay bumuo ng slogan hinggil dito.

Halimbawa: Si Ibrah ay tularan


Paniniwala’t tradisyon, ating pahalagahan.

EBALWASYON

Panuto: Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari batay sa akdang binasa. Gamitin ang titik
A-E bilang tanda ng pagkakasunod-sunod.

_____1. Pinangalanan nilang Abdullah ang kanilang anak ilang araw bago sumapit ang
paggugunting.
_____2. Pitong araw matapos ang seremonyang bang, handa na ang Imam at iba pang
pandita upang isagawa ang seremonya ng paggugunting.
_____3. Lubos ang kagalakan ni Ibrah sa pagkasilang ng isang malusog na malusog na
lalaking sanggol na anak nila ng asawang si Aminah.
_____4. Ipinagbunyi ng mga tao ang magandang kinalabasan ng seremonya, wala ni isang
hibla sa ginupit na mga buhok ang lumubog sa tubig, nagpapakitang magiging maganda
ang kinabukasang haharapin ng bata.
_____5. Nagtungo si Ibrah sa Imam upang ibalita ang panganganak ng kanyang asawa at
magalang niyang inimbitahan ito para sa seremonyang (bang).

Sagot:
C D A E B

Pagkuha ng Index of Mastery


SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng iba pang maikling kuwentong may kinalaman sa pagbibigay halaga sa


mga magulang. Basahin ito at ibuod ang mga pangyayari.
2. Ano ang mga retorikal na pang-ugnay. Isa-isahin ito.

PAUNLARIN

Unang Markahan | 88
I.LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) F7WG-If-g-4


 Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda
(kung, kapag, sakali, at iba pa).

II. PAKSA

Wika: Mga Retorikal na Pang-ugnay


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (SABAYANG PAGBASA)


Babasahin ng klase ang maikling salaysay sa ibaba nang malakas at may
damdamin.
Ang Talinghaga sa Dalawang Anak
Ano ang palagay ninyo ukol sa kuwentong ito? May isang tao na may
dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa nakatatanda at sinabi, “Anak, lumabas
ka sa ubusan at magtrabaho sa ubasan ngayon.” “Ayoko po,” tugon niya. Ngunit
nagbago ang kanyang isip at siya’y naparoon. Lumapit din ang ama sa anak na
bunso at gayundin ang kanyang sinabi. “Opo,” tugon nito. Datapwat hindi naman
siya naparoon. Para sa iyo, sino sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng
kanyang ama?

Gabay na Tanong:
a. Pansinin ang mga salitang nakasulat nang madiin, ano ang masasabi ninyo
hinggil sa mga salitang ito?
b. Paano nakatutulong ang mga nasabing salita sa pag-uugnay ng mga salita/
sugnay sa loob ng mga pangungusap?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.


2. Pokus na Tanong
Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Unang Markahan | 89
Bakit mahalaga ang paggamit ng mga retorikal na pang-ugnay?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (MANOOD AT MAGTALA)


Magpapanood ang guro ng mga sumusunod na video clip. Habang nanonood ay
magtala ng mga pagkakaiba ng iba’t ibang pang-ugnay na mapapanood sa
nasabing video clip.
PANG-UKOL
http://youtu.be/gBEBoJBs32k

PANG-ANGKOP
http://youtu.be/dlJUFH3QBWY

GAMIT NG “AT” BILANG PANG-UGNAY


http://youtu.be/dlJUFH3QBWY

ANALISIS

1. Bakit kailangang gumamit ng pang-ukol sa isang pangungusap?


2. Saan kadalasang matatagpuan ang mga pang-ukol sa isang pangungusap?
3. Kailan ginagamit ang mga pang-angkop? Anong pang-angkop ang ginagamit
kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig? Katinig?
4. Bukod sa “at”, ano pang mga pangatnig ang maaari ninyong maidagdag bilang
halimbawa?
5. Gaano kahalaga ang mga pang-ugnay sa isang pangungusap?

Pagbibigay ng Input ng Guro

DAGDAG KAALAMAN- (FOR YOUR INFORMATION)

RETORIKAL NA PANG-UGNAY

Ang pag-uugnayan ng iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag ay


mahalaga upang makita ang pag-uugnayang namamagitan sa
pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang mga pang-ugnay na ito
ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol at pangatnig.

1. Pang-angkop – Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring


at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga
pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-angkop.
 Pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay
Unang Markahan |nagtatapos
90 sa katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang
nakadikit sa unang salita. (Hal., mapagmahal na hari)

Kapag ang salita nama ay nagtatapos sa titik n, tinatanggal o


ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (JIGSAW PUZZLE)


Buuin ang puzzle upang mabuo rin ang pangkalahatang konsepto ng tinalakay.

Mahalaga ang paggamit ng mga pag-ugnay sa


pagpapahayag, pasalita man o pasulat, upang makita ang
pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng
teksto.
APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (EXERCISE YOUR BRAINS)


Gamit ang natutunan mula sa araling tinalay, tukuyin ang mga pang-ugnay na
ginamit sa bawat pangungusap.

Unang Markahan | 91
1. Alinsunod sa kalooban ng Diyos ang kanyang magiging pasya.
2. Ang matapat na pinuno ay mahal ng taong bayan.
3. Dahil sa sipag at tiyaga’y umuunlad siya sa buhay.
4. Ang lahat ng ating ginagawa ay dapat nakatuon para sa kabutihan ng ating
kapwa at bansa.
5. Ang matiwasay na pamumuhay ay hangad ng lahat.

EBALWASYON

Panuto: Isulat sa patlang ang uri ng pang-ugnay ng mga salitang nakasulat nang
madiin sa bawat pangungusap. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.
A. Pang-angkop B. Pang-ukol C. Pangatnig

_____1. Ang pusong maunawain ay madaling makapagpatawad.


_____2. Bagaman mayaman ay nagawa niyang makisalamuha sa mga simpleng
tao.
_____3. Maraming magagandang oportunidad ang naghihintay sa isang matalinong
mamamayan.
_____4. Maging maingat sa lahat ng iniisip at ginagawa upang hindi makapanakit
ng damdamin ng iba.
_____5. Mahirap maging kaibigan ang mga taong sinungaling at mapaggawa ng
kuwento kaya’t maging maingat sa pagpili ng kaibigan.

Sagot:
A C B B C

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN
1. Sumulat ng 5 pangungusap na ginagamitan ng iba’t ibang uri ng mga pang-ugnay.
2. Humanda para sa pagsulat ng Output 1.4. Magdala ng sipi ng isang maikling kuwento
na sinasaliksik sa internet.

ILIPAT
I.LAYUNIN

PAGSULAT (PU) ) (F7WG-If-g-4)

Unang Markahan | 92
 Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda
(kung, kapag, sakali, at iba pa).

ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL (EP) (F7EP-If-g-4)


 Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa paksang tinalakay.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.4


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya (MAGSALIKSIK)


Gamit ang laptop o anumang materyales sa pananaliksik ay maghahanap ang
bawat isang mag-aaral ng isang maikling kuwentong Tagalog na gagamitin sa
pagsulat ng output. Matapos ay magbabahaginan ang mga mag-aaral ng mga
kuwentong kanilang nasaliksik.

https://pixabay.com/p-158648/?no_redirect
2. Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS
GOAL: Naisusulat ang buod ng binasang kuwento nang maayos at
may kaisahan ang mga pangungusap.

ROLE: Mayroon kang sariling blog sa internet at maraming


tumatangkilik sa iyong website. Maraming readers sa blog
mo ang nagmungkahi na magsalaysay ka ng buod ng isang
kuwentong talagang iyong naibigan
Unang na maaari
Markahan | 93 mong
ibahagi sa kanila.
AUDIENCE: Mga mahilig magbasa ng blogs sa internet tungkol sa
panitikang Filipino.

SITUATION: Bilang isang blogger, nais mong tugunan ang mungkahi ng


nakararami mong mambabasa na magsalaysay ka ng buod
ng maikling kuwento na iyong pinaka-naiibigan.

PRODUCT: Buod ng maikling kwentong sinaliksik

STANDARD: RUBRIKS NG AWTPUT


Lubos na nagpapakita Nagpakita ng Ang nilalaman ng
ORIHINALIDAD ng orihinalidad ang orihinalidad ang talata ay nagmula sa
AT NILALAMAN nilalaman ng buod. nilalaman ng buod. mga naisulat nang
(4) (4) (3) mga buod. (2)
Napakahusay ng pagpili Mahusay ang naging Hindi gaanong
PAGGAMIT NG sa mga salitang ginamit pagpili sa mga mahusay ang naging
SALITA sa buod. salitang ginamit sa pagpili ng mga
(3) (3) buod. salitang ginamit sa
(2) buod. (1)
Lubos na kinakitaan nang Kinakitaan nang maayos Hindi kinakitaan nang
PAGGAWA NG maayos at organisadong maayos at organisadong maayos at organisadong
TALATA talata ang naisulat na buod. talata ang naisulat na talata ang naisulat na
(3) (3) buod.(2) buod.(1)

KABUUAN (10)

3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN
1. Manood sa youtube ng pagsasadula ng ilang maikling kuwentong tagalog.
Isulat ang buod nito.
2. Ano ang dula? Paano ito naiiba sa ibang uri ng akdang pampanitikan?
3. Basahin ang dulang, “Ang Mahiwagang Tandang”.

Unang Markahan | 94

You might also like