You are on page 1of 8

Paaralan DMMMSU-MLUC LHS Baitang/Seksyon 7A

Pre-service Patacsil, Aira R. Asignatura Filipino


Teacher

Petsa at Oras Nobyembre 28, 2022 Semestre/Termino Ikalawang


Markahan
9:00- 10:00 AM

I. Layunin Pagkatapos ng 60 minuto na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakababasa ng Epikong Labaw Donggon gamit ang “Mahiwagang Libro”.


b. Nakapaglalahad ng positibo at negatibong pag-uugali ng pangunahing
tauhan sa kwentong Labaw Donggon gamit ang dalawang larawan.
c. Nakaguguhit ng isang hinahangaang tao sa kanilang buhay at
naibabahagi sa loob ng klase.
d. Naiuugnay ang sariling karanasan sa tinalakay na Epikong Labaw
Donggon sa pamamagitan ng mga gabay na tanong.

II. Paksang Aralin Labaw Donggon

Sanggunian: Rowena C. Largo Ed.D, et.al, (2019) Hinirang 7 Wika at Panitikang Filipino.
Pahina 144-151.

www.scribd.com/document/420784387/Ang-lalawigan-ng-iloilo-ay-
matatagpuan-sa-timog-docx

Mga Kasanayang Pakikinig,Pagsasalita, Pagbasa at Pagsulat, Pagguhit.


Kinakailangang
Paunlarin:

Mga Aral:  Ang lakas at kapangyarihan ay laging may hangganan.


 Makuntento sa kung ano ang meron lalo na sa relasyon.
 Sa kagipitan pamilya ang tangi nating kakampi at tutulong sa atin.

Kagamitan: Laptop, Telebisyon, Mga Larawan, Kartolina, Mahiwagang libro.

III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A.Pagganyak Magandang umaga Grade 7 Magandang Umaga din po ma’am.

Bago tayo dumako sa ating talakayan Atin nang iyuko ang ating ulo at tayo
ay tayo muna ay mananalangin, na at magdasal. Lord maraming
Pangunahan mo ang panalangin salamat po sa araw na ito at sana po
Marion? marami kaming matutunan sa araw na
ito. Gabayan niyo din po kami sa
araw-araw. Ito ang aming samo’t
dalangin sa pangalan ni Jesus Amen.

Bago kayo umupo ay nais ko munang (Nagpulot ng kalat, nag-ayos ng upuan


pulutin muna ninyo ang mga kalat sa at nagsiupo)
inyong harapan pati na rin sa gilid ng
inyong mga upuan at ayusin muna
ninyo ang inyong mga upuan.
Ngayon naman aking titignan kung Opo ma’am.
mayroon bang lumiban sa ating klase.
Kapag natawag ang inyong pangalan
ay imbis na present ang inyong
sabihin, nais kong sabihin ninyo ay
ang ang inyong paboritong super
hero. Naintindihan ba klas?

Ngayon bago tayo magsimula ay TAUHANG KATHANG-ISIP


mayroon kayong paunang gawain,
mayroon akong ipapakitang mga
larawan at tutukuyin ninyo ito kung
ito ba ay tauhang kathang-isip at
tauhang di-kathang isip. Ang mga
larawang ito ay may kinalaman sa
tatalakayin natin sa raw na ito.
Handa na ba klas ?

TAUHANG DI-KATHANG ISIP

Mahuhusay dahil alam niyo kung saan


dapat nabibilang ang mga larawan.

Ngayon sa ating ginawang aktibidad


ano sa tingin ninyo ang ating Ma’am epiko po na Labaw Donggon.
tatalakayin?

Tama ang ating tatalakayin natin


nagyong araw ay ang epiko na Labaw
Donggon na nanggaling sa Iloilo.
Ngunit bago iyan ay basahin ng sabay-
sabay ang ating layunin para sa araw
na ito.
B. Paglalahad ng Pagkatapos ng 60 minuto na
Paksa at talakayan, ang mga mag-aaral ay
Pagtalakay inaasahang:

A. Nakababasa ng Epikong Labaw


Donggon gamit ang “Mahiwagang
Libro”.
B. Nakapaglalahad bg positibo at
negatibong pag-uugali ng
pangunahing tauhan sa kwentong
Labaw Donggon gamit ang
dalawang larawan.
C. Nakaguguhit ng isang
hinahangaang tao sa kanilang
buhay at naibabahagi sa loob ng
klase.
D. Naiuugnay ang sariling
karanasan sa tinalakay na Epikong
Labaw Donggon sa pamamagitan ng
mga gabay na tanong.
E. Nakapaglalahad ng sariling
pananaw sa pagkakaroon ng
kapangyarihan o posisyon sa
lipunan.
Ang ating tatalakayin sa araw na ito
ay ang labaw donggon na naggaling sa
Iloilo. Ngunit bago kayo magbasa ay
magbibigay ako ng kaunting kaalaman
tungkol sa Iloilo. Sa Iloilo ang
pangunahing pinagmumulan ng bigas,
ganoon din ng tubo, niyog, mais,
saging, manga at kape.

Mayroon ako ditong mahiwagang libro Opo Ma’am.


at inyo itong babasahin. Pipili ako ng
isang mag-aaral na unang magbabasa
at pagkatapos ng unang nagbasa ay
pipili naman ito ng gustong sumunod
sa kaniya. Pero bago iyon ay sabihin
muna ang katagang Gusto kita bago
sabihin ang pangalan ng gusto mong
sumunod na magbabasa sa iyo. Handa
na ba klas?

Narito muna ang mga gabay na (Binasa ng mga mag-aaral ang


katanungan na inyong sasagutan kabuuan ng epikong Labaw Donggon)
pagkatapos ninyong mabasa ang
epikong labaw donggon. Opo Ma’am.

1. Tungkol saan ang binasang


kuwento?

2. Sino ang pangunahing tauhan


sa kuwento?

3. Sa iyong palagay,
makatarungan ba ang ginawa ni
Labaw Donggon sa mga kababaihan?

4. Sa iyong sariling opinyon dapat


bang tularan ang ginawa ng mga anak
ni Labaw Donggon na paghahanap at
pagtulong sa kaniya kahit na sila ay
iniwan nito? At bakit?

5. Sa inyong palagay may mga tao


pa bang kagaya ni Labaw Donggon?

6. Bakit mahalagang mahalin ang


inyong pamilya?

7. Ano-ano ang mga katangian ni


Labaw Donggon na mayroon ka?

8. Kung ikaw si Labaw Donggon


anong katangian niya ang gusto mong
makamtan at bakit?

Para sa unang magbabasa ay gusto


kita Marion.

Ngayon naman ay atin nang sasagutin


( Pagbabasa ng Labaw Donggon )
ang mga gabay na katanungan na
inyong binasa kani-kanina. Handa na
ba?

1. Tungkol saan ang binasang


kuwento?

Tama, kaya siya ay may taglay na


lakas dahil siya ay anak isang diwata.
Kaya naman siya ay lumaki agad at
naghahanap ng mga mapapangasawa.

2. Sino ang pangunahing tauhan


sa kuwento?

Tama, si Labaw Donggon nga ang


pangunahing tauhan sa epikong Tungkol po ito sa lalaking may taglay
inyong binasa. na lakas at tungkol sa
pakikipagsapalaran niya upang
3. Sa iyong palagay, makahanap ng asawa.
makatarungan ba ang ginawa
ni Labaw Donggon sa mga
kababaihan?

Mahusay at tama nga ang iyong sinabi Ang pangunahing tauhan po sa


kuwento ay si Labaw Donggon.
dahil kung iisipin natin dapat lang
alagaan at mahalin ang mga
kababaihan dahil lalo na ang mga
magulang dahil sila ang nag-aalaga
satin sa araw-araw.
Para sa akin hindi dahil may
4. Sa iyong sariling opinion dapat damdamin din naman ang mga babae
bang tularan ang ginawa ng na kinakailangang alagaan.
mga anak ni Labaw Donggon na
paghahanap at pagtulong sa
kaniya kahit na sila ay iniwan
nito? At bakit?

Tama dahil kahit papaano ay si Labaw


Donggon parin ang kanilang tatay na
nagbigay buhay sakanila.

5. Sa inyong palagay may mga tao Opo, dahil mayroon silang utang na
pa bang kagaya ni Labaw loob at tattay parin naman nila si
Donggon na maraming asawa? Labaw Donggon.

Tama, at karamihan sa mga


kalalakihan ay hindi nakukuntento sa
isang asawa kaya naman sila ay
naghahanap at mas lalo pang
nagpaparami ng asawa.

6. Bakit mahalagang mahalin ang


inyong pamilya?
Opo, mayroon po akong kilala na
Tama, kagaya nga ni Labaw Donggon maraming asawa. At gaya ng mga
muslim na nagkakaroon ng maraming
na kahit siya ay nagkamali at iniwan
asawa.
niya ang kanyang pamilya, ng
dumating ang oras ng
pangangailangan ay tinulungan parin
siya ng kanyang pamilya.

7. Paano mo ipaglalaban ang mga


mahal mo sa buhay lalo na ang Mahalagang mahalin ang pamilya dahil
pamilya mo? sila lang ang mayroon tayo sa oras ng
kagipitan.

Gagayahin ko ang ginawa ni Buyung na


Mahusay, nakikita ko na ang ipinaglaban hanggang kamatayan ang
malasakit mo sa iyong pamilya at kanyang asawa upang hindi lang
ganon na din ang iyong pagmamahal maagaw ng iba. Ipagtatanggol ko ang
sakanila. pamilya ko kapag mayroong mga taong
gustong kumalaban sa kanila.
8. Paano mo mailalahad ang mga
ginawa ni Labaw Donggon sa
mga kababaihan?

Ang ginawa ni Labaw Donggon sa mga


Tama, pinaglalaruan niya ang mga
kababaihan ay pinaglalaruan niya ang
kababaihan dahil nag-aasawa siya ng mga ito dahil sa bawat malalaman
iba at iniiwan niya ang mga ito niyang may magandang babae ay
kasama ng kanilang anak. At imbis na gusto niya itong makasal sa kanya.
mahalin niya ito ng lubos at walang
kahati ay mas dinadagdagan niya pa
ito.

C. Paglalahat Panuto: Ilagay ang positibo at POSITIBO


negatibong katangian ni Labaw
Donggon.

 Matalino
 Malakas
 Makisig
 Matapang
 Mapagmahal

NEGATIBO

 Madaling maakit sa mga babae


 Marahas
 Mayabang
 Mahina
 Madaling magsawa sa babae
Mahusay, ang mga sinabi ninyo ay ang
mga positibo at negatibong katangian
ni Labaw Doggon.
D. Paglalapat Panuto: Gumuhit ng hinahangaang Nars, napili ko ang nars dahil sila ay
tao sa kasalukuyan na matutukoy tumutulong na magpagaling kapag ako
mong isang bayani, at ipaliwanag ito ay may sakit.
sa klase kung bakit ito ang iyong
napili. Magtatawag ako ng tatlo
upang ipakita at sabihin ang kanilang
mga iginuhit. Bibigyan ko kayo ng
limang minuto upang gawin ito.
Magulang, dahil sila ang nagtataguyod
Tama, ang mga nars ay isa sa mga at nagbibigay ng mga pangangailangan
taong nakakatulong upang alagaan at ko sa araw-araw.
pagalingin ang mga may
karamdaman. Sunod?

Tama, at ang mga magulang din natin Guro, dahil sila ang nagbibigay ng
ang siyang nag-aalaga at gumagabay kaalaman sa atin. Sila din ang
sa ano mang desisyon natin sa buhay. nagiging pangalawang nanay nati sa
Panghuli? paaralan.

Magaling, ang mga guro ang


nagsisilbing gabay natin at nagtuturo
ng mga kinakailangan natin upang
matuto.
IV.Ebalwasyon 1. Kung bibigyan ka ng pagkakataong Kung ako ay bibigayan ng pagkakataon
magkaroon ng kapangyarihan o gusto kong magkaroon ng
posisyon sa lipunan. Ano ito at bakit? kapangyarihan na nakakapag pagaling
ng mga taong may sakit upang
makatulong at mapagaling ang mga
tao sa kanilang karamdaman.
Mahusay! Dahil gusto mong
makatulong sa mga taong may
karamdaman.
Sino pa ang may kasagutan? Kung bibigyan naman ako ng
pagkakataon ay gusto kong maging
bahagi ng gibyerno na nangangalaga
sa mga kababaihan dahil sa panahon
ngayon ay marami pa ring mga
kababaihan na naaabuso.
Tama, dahil alam naman nating
karamihan sa mga kababaihan dito sa
pilipinas ay naaabuso lalo na ng mga
lalaki.

Para naman sa pangalawang


katanungan. Para sa inyo ano ang ibig
sabihin nito:

2. “Ang lakas at kapangyarihan ay Para po sa akin hindi sa lahat ng


laging may hangganan”. pagkakataon ay malakas ang tao dahil
sa paglipas ng panahon ay nanghihina
at tumatanda ang tao.
Tama, dahil kagaya nga ng nasa
epikong labaw donggon nung una ay
malakas siya ngunit dahil siya ay
kinulong ni buyung saragnayan siya ay
naging sintu-sinto at hindi niya
nagamit ang kanyang kapangyarihan.
V. Takdang- Magpaunang basa sa wika at
Aralin gramatikana Denotasyon at
Konotasyon sa pahina 171 hanggang
172.

May katanungan pa ba klas? Wala na po Ma’am


Bago tayo magkahiwa-hiwalay ay Panginoon, maraming salamat sa
tumayo muna ang lahat at tayo’y panibagong aral na natutunan namin
manalangin. ngayong araw. Gabayan mo po ang
bawat isa sa amin sa anumang
tatahaking landas sa araw na ito.
Amen.

Maraming salamat at paalam din po


Ma’am.
Maraming salamat at Paalam klas.

Inihanda ni:

AIRA R. PATACSIL

Pre-service Teacher Binigyang pansin ni:

CRISTINA G. VALDRIZ
Cooperating Teacher, LHS

You might also like