You are on page 1of 8

I.

Layunin

a. Nailalahat ang mahahalagang detalye at


konseptong nakapaloob sa konteksto ng
akdang “Ibong Adarna” nang may angkop na
pagtingin sa mga salik na naging batayan ng
pagkakasulat ng akdang ito.
b. Napangangatwiranan ang positibo o
negatibong pagtanaw sa pagdating ng mga
Kastila na nakapagpabago sa anyo ng
panitikan ng bansa nang may matibay na
argumento at batayan sang-ayon sa
kinakatigang pananaw.
c. Nakalilikha ng graphic organizer na
nagpapakita ng pagkakaiba ng awit at korido
batay sa pagkakaunawa sa talakayan.

II. Paksang-Aralin

a. Paksa: Ang Ibong Adarna ( Ang Kaligirang


Pangkasaysayan ng Ibong Adarna)
b. Sanggunian: Pinagyamang Pluma, Baisa-
Julian et. al. 2014 , pp. 397-408
c. Kagamitan: Slide Presentation na
kinapapalooban ng mahahalagang
impormasyon kaugnay ng kaligirang
pangkasaysayan ng Ibong Adarna, graphic
organizer, pick-your-spot material,
mahiwagang kahon
d. Aral: Pagpapahalaga sa panitikan bilang anyo
ng entertainment at bilang instrumentong
mapagpalaya.
III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
(Tatawagin ng guro ang isang mag-aaral upang
pangunahan ang panalangin.)
(Tatayo ang mga mag-aaral at pangungunahan ng
naatasang mag-aaral ang panalangin)
b. Pagbati

Isang magandang umaga sa inyong lahat!


Magandang umaga rin po!
c. Pagtala sa lumiban
(Aatasan ng guro ang kalihim ng klase upang itala
ang mga lumiban.
(Titingnan ng kalihim ng klase kung may lumiban at
itatala ito.)
B. Balik-Aral
Sa mga nakalipas na aralin ay tinalakay natin ang
katangian ng Mito, Alamat at Kuwentong Bayan.
Batay sa napag-aralan, ibigay ang kahulugan ng Mito
at magbanggit ng halimbawa.
Sir ang Mito po ay isang akdang pampanitikan na
tungkol sa mga Diyos, Diyosa, Diwata at iba pa na
pinaniniwalaan ng mga katutubo. Isang halimbawa
po nito ay “Si Malakas at si Maganda”.
Magaling! Ang Mito ay tungkol sa mga sinasambang
diyos, diyosa, at mga diwata. Ano naman ang
Alamat?
Sir ang alamat po ay akdang pampanitikan na
nagpapakita ng pinagmulan ng mga bagay-bagay.
Halimbawa po ay Alamat ng Saging.
Mahusay! Ito ay nagsasaad ng pinagmulan ng mga
bagay-bagay. Ngayon sino sa inyo ang
makapagbibigay-kahulugan at halimbawa sa
kuwentong-bayan?
Ang kuwentong-bayan po sir ay tumatalakay sa mga
paniniwala, kultura, tradisyon, sa isang pangkat o sa
isang grupo. “Ang Pakikipagsapalaran ni Juan
Tamad” ay isang halimbawa po nito.
Nakagagalak dahil natatandaan at naunawaan ninyo
ang ating nakaraang aralin. Sa inyong palagay, ano
kaya ang kaugnayan nito sa pagtalakay natin sa isang
obra-maestrang pinamagatang “Ang Ibong Adarna”?
Sa akin pong palagay, ito ay may kaugnayan
sapagkat maaaring mapabilang ang akda sa alinman
sa tatlong uri ng panitikang nabanggit. Maaari pong
iyon ay isang alamat, mito o kuwentong-bayan.
Mahusay ang iyong hinuha ngunit malalaman natin
kung wasto ba ang iyong palagay.

C. Pagganyak
Ngayong ikaapat na markahan ay tatalakayin natin
ang isang kilalang Obra-Maestra. Bilang panimula sa
isang mahaba-habang pag-aaral at pagsusuri ay
magkaroon muna tayo ng isang aktibidad na
mangyari ay makapagpapabukas sa inyong isip at
A B C D
kakayahang magbigay-hinuha. Mayroon akong
inihandang laro na tinatawag na “Pick-Your-Spot”.
Sa larong ito ay inaasahan ang partisipasyon ng lahat
ng mag-aaral sa inyong klase. Pansinin ang mga
nakapaskil sa sahig na nagpapakita ng mga titik A,
B, C, D, na siyang magiging opsyon ninyo sa
pagsagot. Ang bawat tanong ay magmumula sa aking
mahiwagang kahon. Bubunot at babasahin ko ang
tanong at sa hudyat ko ay maaari na ninyong piliin
ang inyong sagot. Ang sinumang magkamali ay
matatanggal na sa laro.
(Magsisimulang magtanong ang guro na sasagutin
ng mga mag-aaral sa pamamagitan nang pagpili ng
letra ng nais nilang sagot. Magpapatuloy ang laro
hanggang sa isa na lang ang matira na siyang
tatanghaling panalo)
Sa inyong ginawa, ano-ano ang inyong
naobserbahan?
Kapuna-puna po na ang mga tanong ay tungkol sa
kasaysayan ng panitikan ng Pilipinas buhat ng
dumating ang mga Kastila. Isinasaad po sa mga ito
ang pagbabagong-anyo ng panitikan at pagbibihis ng
paniniwala ng mga Pilipino partikular ang relihiyon
bunga ng pangungubkob ng mga dayuhan.
Napakahusay! Ipinakikita ng ilan sa mga ito ang
kaligirang pangkasaysayan ng pagbibihis-anyo ng
panitikan. Bukod doon, ano pa ang inyong napuna o
napansin?
Sir may mga tanong din po na tungkol sa paglaganap
ng mga tulang romansa na nauuri sa dalawang anyo;
ang awit at korido. Ipinapakita rin po ang pagkakaiba
ng dalawang ito.

Tama ang iyong tinuran. Magaling ang inyong


naging obserbasyon.
D. Paglalahad
Mula sa aktibidad na ginawa natin ay nasagot natin
ang ilang mga katanungan kaugnay ng kaligirang
pangkasaysayan ng Ibong Adarna. Ngayon ay
babasahin natin ang mahahalagang impormasyon na
nakapaloob sa paksang-aralin sa araw na ito.
Tingnan natin at basahin ang slide presentation.
(Mula sa slide presentation ay matutunghayan at
mababasa ng mga mag-aaral ang kaligirang
pangkasaysayan ng Ibong Adarna)
E. Pagtatalakay
(Matapos ang dalawampung minuto ay magsisimula
nang magtanong ang guro para sa beripikasyon sa
antas ng pang-unawa ng mga mag-aaral at
klaripikasyon ng ilan sa mga hindi malinaw na
bahagi ng paksang-aralin.)

Bakit itinuturing na mapanghuwad ang uri ng


panitikang lumaganap sa ating bansa noong panahon
ng pananakop ng mga Espanyol?
Sir dahil pinalitan po nito ang panitikan ng bansa at
ang layunin nila ay upang ipalaganap ang
Kristiyanismo at upang sakupin ang ating bansa.
Tama! May nakatagong layunin sa pagpapalaganap
nila ng kanilang panitikan.. Ngayon, sa inyong
palagay, bakit ang karaniwang paksain ng panitikan
noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol ay
may kinalaman sa relihiyon?
Sa kadahilanan pong nais nilang mapalaganap ang
kanilang relihiyon at mapaniwala ang mga tao sa
kanilang Diyos nang sa gayon ay mas maging madali
ang kanilang pananakop.
Mahusay na pagpapaliwanag. Pero bakit kaya sa
kabila ng pagiging mahigpit ng mga Espanyol ay
pinayagan ang pagpapalaganap ng mga korido
kabilang na ang Ibong Adarna?
Sir dahil ito ay nagbibigay hindi lamang ng libang sa
mga tao kundi ng paniwala na mahusay ang
panitikan sa panahon ng mga Kastila o Espanyol. Ito
po ay tinitingnan ng mga Espanyol bilang
instrumento upang libangin at lituhin ang mga tao.
Mahusay ang iyong pagsagot. Dahil nagbibigay
ito ng entertainment sa mga tao at nakapaglilipat ng
kanilang atensyon ay hinayaan ito ng mga Espanyol.
Sumasang-ayon ba kayo na ang Ibong Adarna ay
hindi ganap na maituturing na bahagi ng panitikang
Pilipino? Bakit?
Hindi po ito ganap na bahagi ng panitikang Pilipino
dahil ang mga karakter, lunan, at pangyayari ay hindi
sumasalamin sa katangian ng bansa at katauhan ng
mga Pilipino.

Magaling! Kung hihimayin ang kuwento ay


makikitang hindi nagpapakita ng paniniwala at
kulturang Pilipino ang nilalaman ng akda. Pero bakit
kaya tinuturing ng iba na angkop na angkop ang mga
nilalaman ng Ibong Adarna sa kalinangan at
kulturang Pilipino bagama’t sinasabi ng marami na
isang halaw o huwad na panitikan lamang ito.
Sir dahil po nagpapakita ito ng mga balyus o
magagandang-asal na makikita rin sa mga Pilipino
katulad ng pagiging mapagbigay sa kapwa at
mapagmahal sa magulang. Kaya siya itinuturing
naman na huwad na panitikan ay dahil
pinaniniwalaang halaw lamang ito sa ibang mga
kuwento sa dayuhang bansa.
Napakagaling! Bakit naman tinawag na
panitikang pantakas ang Ibong Adarna?
Tinawag po itong “panitikang pantakas” sapagkat
nailalagay ng mambabasa ang kaniyang sarili sa mga
tauhan ng akda. Dito rin po ay natutunghayan nila
ang mga lugar at nararanasan ang mga hindi
pangkaraniwang pangyayari na manapa’y
nagdudulot sa mambabasa ng pag-asa sa kabila ng
mga pinagdaraang hirap at pagsubok sa buhay.
Eksakto! Malinaw na pagpapaliwanag. Isa itong
“panitikang pantakas” dahil naiuugnay o nailulugar
ng mambabasa ang kaniyang sarili sa nilalaman ng
akda. .

F. Paglalapat

Kung ikaw ay isa sa mga taong nabuhay noong


panahon ng pananakop ng mga Espanyol, tatangkilin
mo rin ba ang koridong Ibong Adarna? Bakit?
Sir hindi po dahil ito po ay nagmula sa mga dayuhan
at dahil pinalitan po nito ang ating tunay na
panitikan.
Opo sir dahil maganda po ang akda, nagdudulot ng
libang at nagbibigay ng magagandang-aral.
Nakatutuwang may magkakaiba kayong pananaw
kaugnay ng pagtangkilik sa akda. Patunay lamang ito
na tayo ay may kaniya-kaniyang paniniwala at
pananaw hindi lamang sa kasaysayan ng panitikan
kundi maging sa panitikan sa kabuuan.

G. Paglalahat
Gamit ang graphic organizer na nakapaskil sa
pisara, ibigay ang pagkakaiba ng awit at korido.
Pagkakaiba ng Awit at Korido

Pamantayan Awit Korido

Batay sa anyo

Musika

Paksa

Katangian ng Tauhan

Mga Halimbawa
IV. Pagtataya

Panuto: Sa isang pirasong papel, isulat ang sagot sa


tanong na ito.

1. Bakit mahalagang basahin at pag-aralan ang


mga klasikong akdang Pilipino tulad ng
Ibong Adarna?

V. Takdang-Aralin

Saliksikin at basahin ang saknong 7-29 ng Ibong


Adarna na may pamagat na “Si Haring Fernando at
ang Tatlong Prinsipe”.

Inihanda ni:
Jason A. Sebastian
BSED-Filipino III

Learn to unlearn
-Benjamin Disraeli

You might also like