You are on page 1of 12

Santiago City

Tel/Fax: (078)-682-8454 / 305-0957


www.northeasterncollege.edu.ph

Ika- 25 ng Marso 2023

Masusing Banghay Aralin sa Filipino


I.Layunin
Pagkatapos ng isang oras (1) na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naibibigay ang katangian ng mga tauhan ng kwento;
b. Naibabahagi ang aral sa kwentong tinalakay; at
c. Nakabubuo ng sariling wakas ng kwentong tinalakay.

Kasanayang Pampagkatuto: Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa Panahon ng


Kasarinlan kaugnay ng mga tekstong pampanitikan

II.Paksang Aralin
Paksa : “Mga Sakristan” ni Dr.Jose Rizal
E-Sanggunian: https://youtu.be/3LQZTFKMEWs?si=rKoGPAfUMFmrdWL8
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-15-mga-sakristan-noli-me-tangere-buod
Sanggunian: Noli Me Tangere
Ni Jose Rizal

Nina
Glady E. Gimena
Leslie S. Navarro

Editor: Ofelia E. Conception

Karapatang Ari
2009

(Pahina 32-33)

Kagamitan sa Pagtuturo : Laptop, Powerpoint Presentation, Litrato, Cartolina, Scotch


Tape, Marker,Manila paper, Chalk,Illustration board, Speaker at Bidyo

III.PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A.Panimulang Gawain

a1.Pagbati

Magandang umaga!

Magandang umaga rin po!

Bago ako magsimula, nais ko munang ipakilala


ang aking sarili. Ako si Ma’am, Angelyn B.
Nepez ang inyong magiging guro sa araw na ito
at nawa’y maging masaya ang ating magiging
talakayan sa araw na ito.

a2.Pagdarasal

Inaanyayahan ko ang lahat na tumayo at tayong


lahat ay manalangin. Joseph, pangunahan mo

1
ang ating panalangin. (Ang mga mag-aaral ay nananalangin)

Maraming salamat sa isang napakagandang


panalangin Joseph, maaari nang umupo ang
lahat. (Ang mag-aaral ay umupo)

a3. Pagtala ng Lumiban

Hershey, mayroon bang lumiban sa ating klase? Wala po,ma’am.

Mabuti naman kung ganoon, nasisiyahan ako at


nandito ang lahat sa ating klase.

a4. Pagbibigay Alituntunin

Ngayon naman, ating alamin ang alintuntunin ng


ating klase. Pakibasa nga ito Julie. Mga Alituntunin ng Klase
M-Maging aktibo sa Talakayan
A- Alalahanin na itaas ang kanang kamay kung
nais sumagot o may katanungan.
B-Bigyang galang ang guro at kapwa mag-aaral
A- Ayusin ang pag-upo at iwasan ang
pakikipagdaldalan
I- Intindihin ang mga panuto sa paggawa ng
mga gawain
T-Tumingin sa guro sa panahon ng talakayan.

Maraming salamat, Inaasahan ko na magiging


MABAIT kayo sa ating talakayan ngayong araw.

Ngayon naman ay may inihanda ako ritong ilang


mga mga papel na siyang magiging puntos ng
mga makikiisa at makakasagot sa aking
ipapagawa. At pagkatapos ng ating talakayan
kung sino ang pinaka maraming puntos ay siya
ang mabibigyan ng gantimpala,naintindihan ba?
Opo ma’am!

a5. Balik-aral

Ngayon, atin munang balikan ang ating


nakaraang tinalakay kung lubusan niyo na itong
naintindihan at naunawaan. Magtatanong ako
sa ilang mag-aaral at sasagutin niyo ang mga
ito batay sa inyong kaalaman. Tungkol saan ang
ating huling tinalakay? Ma’am,tungkol po ito sa isang nobela na
isinulat Dr. Jose Rizal. Ito po ay Noli Me
Tangere sa kabanata 14 pinamagatang “ Si
Pilosopo Tasyo”

Mahusay! Bigyan nga natin siya ng limang


palakpak! (ang mga mag-aaral ay pumapalpak)

Ano namang aral ang inyong nahinuha sa


kabanatang ito?

2
Ma’am, Natututunan ko po sa kabanatang ito
ang pag-unawa sa isang tao. Marahil
magkakaiba ang bawat isa ng personalidad,
paniniwala, at pamumuhay, ngunit bandang huli,
hindi ito dahilan upang maging katatawanan ang
kapuwa.
Napakahusay! Batid ko na lubos niyong
naunawaan at naintindihan ang paksang
tinalakay natin noong nakaraan.

Ngayon naman ay atin munang alamin ang


ating layunin para sa araw na ito. Pakibasa nga
ito Roland.

Layunin
a.Naibibigay ang katangian ng mga tauhan ng
kwento;
b.Naibabahagi ang aral sa kwentong tinalakay;
at
c. Nakabubuo ng sariling wakas ng kwentong
Maraming salamat. Ang mga iyan ay inaasahan
tinalakay.
ko na makakamtan natin pagkatapos nating
talakayin ang paksa natin ngayong araw.
Naintindihan ba?

B.Pagganyak
Opo.
Ngayon naman, may inihanda akong isang laro
upang maging gabay niyo sa pagtukoy sa ating
magiging paksa ngayong araw.

Ang laro na ito ay pinamagatang “HULAAN


MO,LITRATO KO!”Pakibasa ang mga
mekaniks ng ating laro, Roland.

Gawain 1: HULAAN MO,LITRATO KO!

Mekaniks ng Laro:

1.ang klase ay mahahati sa dalawang pangkat,


ang bawat pangkat ay magkakaroon ng
ilustration board at chalk na siyang gagamitin sa
ating laro.

2. Sa pamamagitan ng pag-iisip, pabilisan


kayong makahula kung ano nga ba ang nais
iparating ng inihanda kong mga litrato. At
isusulat niyo ito sa binigay kong ilustration
board;

3. at kung sino ang unang magtataas ng sagot


Naintindihan ba ang ating mekaniks? sila ang mabibigyan ng puntos Opo.

Kung gayon tayo ay magsimula na. Opo.

3
MGA LITRATO

Mga Tamang
Kasagutan

1. Simbahan
2.Sakristan
3.Pagnakaw
At dahil ang unang pangkat ang
4.Saktan
pinakamaraming nahulaan, sila ay
magkakaroon ng puntos. Batay sa inyong
nahulaan, ano sa inyong palagay ang ating
magiging paksa?

Mahusay!bigyan naten ng limang palakpak!


Ma’am,tungkol po sa mga Sakristan.

(ang mga mag-aaral ay pumapalakpak)

4
C.Pagpapakilala sa Aralin

Bago tayo tuluyang magsimula sa ating pormal


na talakayin. Alam niyo ba na ang mga iyan ay
may kinalaman sa ating paksang tatalakayin
ngayong araw.

Sa kabanatang ito ipinakita ang pagmamalupit


ng mga praye noong panahon ng kastila.
Ipinakita din kung paano inabuso ng mga prayle
ang kanilang kapangyarihan.ito ay may
pamagat na “Ang Mga Sakristan” sa kabanata
15 sa nobela ni Dr. Jose Rizal na Noli me
Tangere.

Kaya inaanyayahan ko kayong makinig at


unawain natin nang sabay-sabay ang ating
paksa upang tayo ay matuto. Handa na ba
kayo?
Opo.
D.Pag-alis sagabal

Bago ang lahat, atin munang bigyan ng


kahulugan ang mga malalalim na salita na
maaari nating makita sa akda na ating
tatalakayin upang mas lalo nating maitindihan at
maunawaan ang ating paksa sa araw na ito.

Pakibasa ang ating panuto Julie


Gawain 2: Suriin Natin!

Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B.


at Isulat ang tamang sagot sa patlang.
Pagkatapos, gamitin ang tamang sagot sa
pangungusap.

Naintindihan ba?

Opo.

Gawain 2: Suriin Natin!

HANAY A
1.taong namamahala sa mga sakristan
2. aksyon ng pagkuha ng hindi sa’yo
3. regalo tuwing pasko
4. tunog na gawa ng paggalaw
5. parusa na bayad sa nagawang kasalanan o
paglabag sa batas
6. miyembro ng pwersang militar o pulisya na
nagpapanatili ng kaayusan

HANAY B
A. Gwardiya Sibil
B. Multa
C. Kaluskos
D. Aginaldo
E. Pagnanakaw
F. Sakristan Mayor
G.Madre

5
Mga Kasagutan
1. F
2.E
3.D
4.C
5.B
6.A

(Ginagawa ng mga mag-aaral ang aktibidad)

(Ginagamit ng mga mag-aaral ang mga


malalalim na salita sa kanilang sariling
pangungusap)
Mahusay! Tunay nga na may ideya ang bawat
isa. Nawa’y makatulong ito upang mas higit pa
nating maunawaan ang ating paksang
tatalakayin.naintindihan ba?

Opo.

E.Pagtalakay sa Paksa

Bago tayo magtungo saating talakayan may


inihanda ako ditong mga gabay na tanong,
basahin mo nga jose.

Gabay na Tanong:
1.sino-sino ang mga tauhan sa kwento at ano
ang katangian nila?
2. Ano ang paratang ng kura kay Crispin?
3. Magkano ang imumulta ng Sakristan mayor
kay Basilio dahil sa maling pagtugtog ng
Kampana?
4. Bakit pinauuwi ng sakristan mayor si Basilio
sa Oras na alas diyes ng gabi?
5.Anong aral ang natutunan sa kwento?

Maraming salamat, inaasahan ko na masasagot


natin ang mga tanong na ‘yan pagkatapos ng
ating pinanood. Naintindihan ba?

Opo.

Ngayon,Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay


isang akdang pampanitikan na nobela ni Dr.
Jose Rizal.Ngunit bago ang lahat, atin munang
kilalanin si Dr. Jose Rizal.

Si Jose Protasio Rizal ay ang Pambansang


Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa
Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang
kanyang mga magulang ay sina Ginoong
Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo.

Pakibasa ang ilang pang impormasyon tungkol


sa kaniya Julie.
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga
unang bahagi ng "Noli Me Tangere" noong 1884
sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng
medisina. Nang makatapos ng pag-aaral,

6
nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy
ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni
Rizal ang huling bahagi ng nobela.

Maraming salamat, Julie.

Ngayong nakilala na natin ang awtor ng ating


paksang tatalakayin, atin namang pakinggan at
panoorin ang kaniyang isinulat na maikling
kwento na pinamagatang “Mabangis na
Lungsod”

Ngayong at nakilala na natin ang awtor ng ating


paksang tatalakayin, atin namang pakinggan at
panoorin ang kaniyang isinulat na nobela sa
kabanata 15 na pinamagatang “Ang Mga
Sakristan”

(Ang guro ay ipapanood ang bidyo sa mga mag-


aaral. Matapos panoorin, magtatanong ang guro
ng ilang mga katanungan sa mga mag-aaral)

1.sino-sino ang mga tauhan sa kwento at ano


ang katangian nila?

Crispin-Ang bunsong anak ni Sisa at kapatid ni


Basilio. Siya ang sakristan ng simbahan at
pinagbibintangang nagnakaw ng pera mula sa
simbahan. Sa kabanatang ito, ginagampanan
niya ang papel ng inosenteng biktima.
Basilio-Ang panganay na anak ni Sisa at
kapatid ni Crispin. Sila ni Crispin ay mga
sakristan at taga-pagpatunog ng kampana ng
simbahan. Siya’y nag-aalala sa kapatid na
pinagbintangang magnanakaw.
Sisa-Ina nina Crispin at Basilio.
Sakristan Mayor-Ang antagonista sa
2. Ano ang paratang ng kura kay Crispin? kabanatang ito, nag-aakusa kay Crispin na
magnanakaw.

Si Crispin ay pinagbibintangan na nagnakaw ng


3. Magkano ang imumulta ng Sakristan mayor dalawang onsa.
kay Basilio dahil sa maling pagtugtog ng
Kampana?

4. Bakit pinauuwi ng sakristan mayor si Basilio Ma’am, pinagmumulta po siya ng kura ng bente
sa Oras na alas diyes ng gabi? singko.

Dahil alam ng kura na hanggang alas nuwebe


(9) lang pwede maglakad sa kalsada dahil
pagsapit ng alas dyes(10) ay tiyak na mahuhuli
5..Anong aral ang nakuha sa kabanatang ito? sila ng mga guwardiya sibil.

Ma’am, Ang aral na nakuha ko sa kabanatang

7
ito ay ang kahalagahan ng pagtataguyod ng
katarungan at pagtulong sa mga
nangangailangan. Hindi dapat matakot sa
paglalantad ng katotohanan at pagtutol sa mga
mapang-abuso, upang maiwasan ang
pagdurusa ng mga inosenteng tao.
Mahusay, batid ko ngang marami kayong
natutunan sa kabanatang ito.

F.Paglalahat

Ngayon naman, aalamin ko kung mayroon ba


kayong naintindihan sa ating paksang tinalakay.
Magkakaroon kayo ng isang gawain para
malaman natin ito.

Pakibasa ang panuto Hershey.

GAWAIN 3:PUNAN MO AKO!!!


Panuto: ang bawat manila paper ay naglalaman
ng isang graphic organizer, tungkl sa ating
nobelang tinalakay sa kabanata 15 ng Noli me
Tangere. Ang bawat grupo ay mayroong
5(limang) minuto upang sagutin ito. At
pagkatapos ng limang minuto ay may ilang
Naunawaan ba klas?
miyembro ang magbabasa sa harapan.
Kung gayon, magsimula na kayong gawin ito.
Opo.

GAWAIN 3:PUNAN MO
AKO!!!

Mahusay! Tunay nga na mayroong kayong


naintindihan sa ating paksang tinalakay
ngayong araw.

G.Paglalapat

Bakit nga ba naisulat ni Rizal ang nobelang Noli


Me Tangere?

8
Ma’am Ang Noli Me Tangere ay isinulat ni Dr.
Jose Rizal para maipakita at maipamulat sa
mga Pilipino ang mga pang-aabusong ginawa
ng mga pari noong panahon ng mga kastila.
Ang akdang ito ni Rizal ay nangangahulugang "
Touch Me Not " sa Ingles at " Wag Mo akong
Salingin " sa Filipino. Ang titulo ng nobelang ito
ay repleksyon ni Rizal sa mga pangyayari sa
ating lipunan noong panahong nasakop tayo ng
Mahusay!Dahil noon isa rin ang mga prayle o mga dayuhan.
mga kura ang makapangyarihan.

Sa ating tinalakay na kabanata 15 ng nobelang


Noli me Tangere, anong mensahe ang gustong
iparating saatin ng kabanatang ito?

Ma’am, Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng


iba’t ibang aspeto ng lipunang Pilipino noong
panahon ng kolonyalismo. Isa sa mga
mahalagang mensahe na nais iparating ng
kwento ay ang kalupitan at pang-aabuso sa
kapangyarihan ng mga nasa simbahan.
Tama! Makikita rin naman sa kabanatang ito Pinapakita rin ang kawalan ng pagkakapantay-
ang magkapatid na Crispin at Basilio na pantay sa pagitan ng mga may kapangyarihan
sumisimbolo sa inosenteng kabataan na at mga mahihirap na mamamayan.
pinagkaitan ng katarungan at pinahirapan sa
kamay ng mga mapang-abuso. Ang kanilang
paghihirap ay nagpapakita ng kawalan ng pag-
asa at pagmamalasakit ng mga nasa poder sa
panahon ng kolonyalismo.

Anong aral ang inyong natutunan sa ating


tinalakay?

Ma’am, ang aral na natutunan ko ay huwag po


tayong mang bintang sa kapwa dahil ito po ay
masama,maaring ikapahamak o ikamatay ito ng
taong inaakusahan mo, katulad nalang ng
nangyari kay Crispin na inakusahan ng
pagnanakaw ng sakristan mayor na siyang
Magaling! Mali ang mangbintang ng kapwa naging dahilan ng pagkapahamak ng
natin. Dahil minsan, Madalas na magkapatid.
napagbibintangan sa mga krimen ay ang mga
mahihirap habang ang hustisya ay laging
nakakamit ng ma kapangyarihan na tao.

Sa ating aral na natutunan paano niyo ito


maiaaplay sa inyong tunay na buhay?

Ma’am, kapag po may nawawala akong gamit


ay iiwasan ko po ang mag bintang sa aking
kapwa, at gagamitin ko po ang aking mata
kaysa sa aking bunga sa paghahanap ng
nawala kong gamit. At dapat matuto tayong
maging maingat at mag-isip, dahil sa ating mga
TAMA! Tunay nga na marami kayong natutunan ginagawa ay mali ang magbintang sa kapwa ng

9
sa ating tinalakay.Ngayon naman ay may walang proweba o sapat na impormasyon.
inihanda akong gawain.
IV. Ebalwasyon

Gawain 3: Wakasan Mo!

Mekaniks :
1.Mahahati sa dalawang grupo ang klase.
2.Sa kwentong napakinggan, gagawa kayo ng sarili niyong wakas at pagkatapos ng limang (5) minuto ay
may isang magbabasa ng inyong ginawa;at
3.ang ibang myembro ay ipapakita ang wakas sa pamamagitan ng isang “tableau”.

PAMANTAYAN SA PAGGAWA
NILALAMAN 20 PUNTOS
KASININGAN SA PAGGAWA 15 PUNTOS
KAAYUSAN NG KWENTO 15 PUNTOS
KABUUAN 50 PUNTOS

V.Takdang-Aralin

Panuto: Sa isang buong papel, sumulat ng isang sanaysay na tungkol sa nangyari sa Kabanata
15 at paano mo ito maihahalintulad sa kasalukuyang panahon?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Inihanda ni:

ANGELYN B. NEPEZ
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:

AILEEN MELODY de VERA, LPT


Guro ng Wika

10
Noli me Tangere: Kabanata 15“Ang Mga Sakristan”

Nagpatuloy ang malakas na pag-ulan. Sa kabila ng pagkidlat at pagkulog ay patuloy ang tunog ng
batingaw. Magkatabing nakaupo sa ikalawang palapag ng tore ang magkapatid na Basilio at Crispin at
kapwa hawak ang lubid. Tumutugtog pa rin ng kampana ang dalawa sa kabila ng malakas na malakas na
pag-ulan. Natatakot ang mukha ni Crispin habang si Basilio ay pilit na nilalakasan ang loob.

"Batakin mo pa ang lubid, Crispin.

" Naglambitin sa lubid si Crispin at kasunod niyon ay ang bahaw na tunog ng kampana na tila panaghoy.

"Kuya, natatakot ako. Umuwi na tayo. Tiyak na hindi papayag ang nanay na pinapalo ako. Kung
magkakasakit ako'y aalagaan ako ni nanay at hindi na niya ako pababalikin ng kumbento.".

"Hindi tayo maaaring magkasakit, Crispin. Mamamatay tayo sa gutom," pananggalang ni Basilio sa
tinuran ng nakababatang kapatid.

"Sa atin ay walang magpaparatang na isa akong magnanakaw."Tila walang narinig si Basilio sa sinabi ni
Crispin at sa halip ay binatak niya ang lubid at gumuhit ang malakas na tunog ng kampana. “Magkano
ang ibabayad nila sa atin, Kuya?”

“Dalawang piso. Malaki ang nabawas dahil sa ilang beses na multa.”

“Kuya, bayaran mo na lang ang sinasabi nilang ninakaw ko para hindi na nila tayo pagbintangan.”

“Halagang tatlumpu’t dalawang piso iyon. Hindi kakasya.”

“Sana pala’y ninakaw ko na lang talaga iyon. Sabi ng kura ay papatayin nila ako kapag hindi ko naisoli
ang pera. Kung ako sana ang kumuha’y mailalabas ko talaga iyon. At kung mamamatay man ako,
maibibili ko ang nanay ng bagong damit.”

“Ang kinatatakutan ko’y baka malaman ng nanay ang nangyari.” Sabi ni Basilio.

Natakot si Crispin sa sinabi ng nakatatandang kapatid. “Huwag na pala tayong umuwi ng bahay, Kuya.
Tiyak na mapapagalitan ako ni nanay.”

Nag-iiyak si Crispin dahil sa takot sa ina. Inalo siya ni Basilio. Tahan na. Uuwi tayo dahil sinabi ni
Tandang Tasyo na naghanda si nanay ng masarap na hapunan.”

Dumating ang sakristan mayor at galit na sinabing mumultahan niya si Basilio ng bente singko dahil sa
maling pagtugtog ng kampana.

“May permiso na po kaming umuwi. Tanging naitugon ni Basilio.

“Alas diyes pa kayo ng gabi maaaring umuwi.”

“Ngunit hanggang alas nuwebe lamang po maaaring maglakad sa kalsada, tiyak na mahuhuli kami ng
guwardiya sibil.” Pagtutol ni Basilio sa sinabi ng sakristan mayor.

Kinuha ng sakristan mayor si Crispin. “At ikaw, hindi ka maaaring umuwi hangga’t hindi mo inilalabas ang
ninakaw mo. Nagpasaklolo Si Crispin sa kapatid subalit walang nagawa si Basilio “Kuya, papatayin nila
ako! Huwag mo akong iiwan!” May kasabay na palahaw ang sigaw na iyon ni Crispin.

Dinala ng sakristan mayor si Crispin na hindi batid ni Basilio kung saan ito dadalhin.Nagpasya si Basilio
na tumakas upang humingi ng saklolo sa ina dahil sa nangyari kay Crispin. Pinagdugtong-dugtong niya
ang lubid ng batingaw at itinali sa barandilya ng haligi. Doon siya nagpadausdos pababa ng kampanaryo.

11
12

You might also like