You are on page 1of 4

Asignatura; Filipino 7

Baitang at Seksyon ; ikapitong baitang

Gumawa; Flerry jeann uminga

Layunin

Natutukoy ang katuturan ng at kahalagahan ng mga pabula .

Nakasasagot ng mga katanungan batay sa pinag aralan .

Nakagagawa ng dula dulaan tungkol sa pabula na lumalaganp sa bansa.

BALIKAN

Ano ang Pabula?


Ang pabula ay isang uri ng panitikan na kathang isip lamang na kinapupulutan ng
magandang aral. Mga hayop o bagay na walang buhay ang karaniwang gumaganap na
pangunahing tauhan dito.
Kung ang tawag sa manunulat ng maikling kwento ay “kwentista”, “pabulista” naman
ang tawag naman sa manunulat ng pabula.

ALAMIN

Elemento o Bahagi ng Pabula

1. Tauhan
Ito ang anumang hayop na gumaganap sa istorya o kwento.
2. Tagpuan
Tumutukoy sa oras, panahon, at lugar na pinagdausan ng kwento at istorya. Maaari
itong maging dalawa o higit pa.
3. Banghay
Ito ang kabuuang pangyayari na naganap sa kwento.
4. Aral
Ito ang mga mahalagang matututunan pagkatapos mabasa ang kwentong pabula.
Mga Halimbawa ng Pabula

Ang mga sumusunod na maikling kwentong pabula na iyong mababasa ay mga pabula
ni Aesop na muling isinalaysay sa wikang Filipino ng PinoyCollection team.

Narito ang mga halimbawa ng pabulang tagalog na may aral

.Ang Lobo At Ang Kambing

Ang Uwak na Nagpanggap

Ang Aso at ang Kanyang Anino

Ang Inahing Manok at ang Kanyang mga Sisiw

Kampanilya at ang Pusa

Ang Uwak at ang Banga

Natalo Rin Si Pilandok (Pabula)

Isang hapon, mainit ang sikat ng araw kaya’t nagpasyaang matalinong pilandok na
magpunta sa paboritoniyang malinaw na batis upang doon magpalamig atuminom.
Isang malaki at gutom na gutom na baboy-ramo pala ang nakatago sa gilid ng
malalabay na punoat naghihintay ng anumang darating na maaaringmakain. Nang
makita niya ang pilandok ay agad nanagningning ang kanyang mga mata. Mabilis
siyanglumabas at humarang sa daraanan ng pilandok.
“Sawakas, dumating din ang aking pagkain. Gutom nagutom na ako sa maghapong
hindi pagkain, Pilandok,kaya’t humanda ka na dahil ikaw ngayon ang akingmagiging
hapunan,” ang tatawa-tawang sabi ng baboy-ramo. Kitang-kita ng pilandok ang
matutulis na ngipinat pangil na baboy-ramo.Takot na takot ang pilandok dahil alam
niyang sa isangsagpang lang sa kanya ay tiyak na magkakalasog-lasogang kanyang
payat na katawan subalit hindi siyanagpahalata. “Kawawa ka naman baboy-
ramo,maghapon ka na palang hindi kumakain,” ang sabi natila awing-awa nga sa
kalagayan ng kausap.
“Puwedemo nga akong maging pagkain pero alam mo, sa gutommong iyan at sa liit
kong ito, tiyak na hindi kamabubusog sa akin.” Ang dugtong pa nito.“Kung gayon, ano
ang gagawin ko? Gutom na gutom naako!” ang malakas na sigaw ng baboy-ramo.“Ha!
Matutulungan kita riyan, Baboy-ramo,” ang sabi niPilandok habang mabilis na nag-iisip.
“Tao, tao angdapat mong kainin para mabusog ka. Sasamahan kitasa paghahanap ng
isang taong tiyak na makabubusogsa iyo”.
ang paniniyak nito.“Ano ba ang tao? Tiyak ka bang mabubusog ako satao?” ang tanong
ng baboy-ramo.“Ang tao ang pinakamalakas na hayop sa buongmundo,” ang sagot
naman ng pilandok
“Mas malakas pa kaya sa akin?” ang tanong ng baboy-ramo habang hinihipan at
pinalalaki ang kanyangdibdib.“Oo, malakas talaga ang tao subalit sa talas ng iyongmga
ngipin at pangil, at sa bilis mong tumakbo, tiyakna kayang-kaya mong sagpangin at
kainin ang tao,”ang pambobola pa ng pilandok sa baboy-ramo.Nahulog na nga ang
baboy-ramo sa bitag ng pilandok.Paniwalang-paniwala ito sa kanyang matatamis
napananalita. “Kung gayon, samahan mo na ako sa tao atnang ako’y makakain na.
Basta’t tandaan mo, kapaghindi ako nakakain ng tao ay ikaw pa rin ang
magiginghapunan ko,” sabi ng baboy-ramo sa pilandok.
“Oo, basta, ako ang bahala sa iyo. Tiyak na mabubusogka, kaibigan,” ang paniniyak pa
ng pilandok sa baboy-ramo.Naglakad-lakad nga ang dalawa sa kagubatanhanggang sa
mapunta sila sa isang talon. Nakarinig silang tinig ng isang batang tila tuwang-tuwa sa
paglangoy.Nakita nila ang isang batang lalaking nagtatampisaw sabatis na nasa ibaba
ng talon. “Iyan, iyan na ba ang tao?Susunggaban at kakainin ko na,” ang mabilis na sabi
ngbaboy-ramo.“Kaibigan, hindi pa iyan ang tao. Sumisibol pa lang iyankaya’t hindi ka pa
masisiyahan diyan,” ang sagot ngpilandok.“Kung gayon, saan natin makikita ang taong
gagawinkong hapunan?” ang naiinip nang tanong ng baboy-ramo.
“Doon, sag awing hilaga,” ang sagot ng pilandok.Nakakita sila ng isang taniman ng mga
kamote. Mayisang matandang lalaking nagtatanim. Nakabaluktot naang likod niya at
nakalalakad na lamang sa tulong ng baston.
Suriin

Gawain 1 ihambing mo! Panuto: Batay sa binasang tula magbigay limang nabanggit na kaganapan noon
na maihahambing mo sa pangkasalukuyang panahon.
Noon Ngayon

Gawain 2
Isagawa! Panuto: Sa isang buong Malinis na papel, sumulat ng isang reflection.

SANGGUNIAN
https://www.studocu.com/ph/document/san-mariano-national-high-school/araling-panlipunan/
natalo-rin-si-pilandok-pabula/30191823

You might also like