You are on page 1of 11

7

FILIPINO
KUWARTER 1 – MODYUL 2
MELCS:

• Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan.


(F7PN-Ic-d-2) .
• Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
.
(F7PB-Id-e-3)

K to 12 BEC CG (Competency Code F7PN-Ic-d-2; F7PB-Id-e-3)

1
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
(PAGLINANG NG TALASALITAAN, PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN,
PAG-UNAWA SA BINASA)

A. Panimula

Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-isip lamang. Karaniwang


isinasalaysay sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay ng pangaral. Ang
mga tauhan ng kuwento ay pawang mga hayop. Mga hayop na kumakatawan o
sumasagisag sa mga katangian o pag-uugali ng tao.

Itinuturo ng pabula ang tama, patas, makatarungan, makataong ugali at


pakikitungo sa ating kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magandang aral
sa buhay na ibinibigay nito.

B. Alamin

Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salita batay sa gamit ng panlapi.

Hanay A Hanay B
__1. nililinlang a. ang taong gagawa pa ng pandaraya
__ 2. mapanlinlang b. taong mapanloko/ mapanlinlang ng kapwa.
__ 3. Nilinlang c. pandaraya sa isang tao
__ 4. panlilinlang d.ang taong kasalukuyang ginagawan ng
panlilinlang
__ 5. lilinlangin e. naging biktima ng mga taong mapanlinlang

2
Basahin at unawaing mabuti ang isang pabula ng mga Maranao.

Natalo Rin Si Pilandok (Pabula)

Kilala si Pilandok sa kanyang pagiging tuso at mapanlinlang. Katunayan, madalas na


panlilinlang o panloloko ang ginagamit ni Pilandok sa kanyang mga laban kaya naman lagi
siyang nananalo. Subalit sa pagkakataong ito, bumalik sa kanya ang mga nagawa niyang
panloloko o panlilinlang kaya siya naman ang natalo. Sino kaya ang hayop na nakatalo sa
kanya. Isa kaya itong malaki at makapangyarihang hayop? At sa paanong paraan kaya niya
natalo ang Pilandok? Halina’t iyong alamin.
Isang hapon, mainit ang sikat ng araw kaya’t nagpasya ang matalinong Pilandok na
magpunta sa paborito niyang malinaw na batis upang doon magpalamig at uminom. Isang
malaki at gutom na gutom na baboy-ramo pala ang nakatago sa gilid ng malalabay na puno at
naghihintay ng anumang darating na maaaring makain. Nang makita niya ang Pilandok ay
agad na nagningning ang kanyang mga mata. Mabilis siyang lumabas at humarang sa
daraanan ng Pilandok.
“Sa wakas, dumating din ang aking pagkain. Gutom na gutom na ako sa maghapong hindi
pagkain, Pilandok, kaya’t humanda ka na dahil ikaw ngayon ang aking magiging hapunan,”
ang tatawa-tawang sabi ng baboy-ramo. Kitang-kita ng Pilandok ang matutulis na ngipin at
pangil ng baboy-ramo.
Takot na takot ang Pilandok dahil alam niyang sa isang sagpang lang sa kanya ay
tiyak na magkakalasog-lasog ang kanyang payat na katawan subalit hindi siya nagpahalata.
“Kawawa ka naman baboy-ramo, maghapon ka na palang hindi kumakain,” ang sabi na tila
awang-awa nga sa kalagayan ng kausap. “Puwede mo nga akong maging pagkain pero alam
mo, sa gutom mong iyan at sa liit kong ito, tiyak na hindi ka mabubusog sa akin.” Ang
dugtong pa nito. “Kung gayon, ano ang gagawin ko? Gutom na gutom na ako!” ang malakas
na sigaw ng baboy-ramo. “Ha! Matutulungan kita riyan, baboy-ramo,” ang sabi ni Pilandok
habang mabilis na nag-iisip. “Tao, tao ang dapat mong kainin para mabusog ka.

3
Sasamahan kita sa paghahanap ng isang taong tiyak na makabubusog sa iyo”. ang paniniyak
nito. “Ano ba ang tao? Tiyak ka bang mabubusog ako sa tao?” ang tanong ng baboy-ramo.
“Ang tao ang pinakamalakas na hayop sa buong mundo,” ang sagot naman ng Pilandok.
“Mas malakas pa kaya sa akin?” ang tanong ng baboy-ramo habang hinihipan at pinalalaki
ang kanyang dibdib. “Oo, malakas talaga ang tao subalit sa talas ng iyong mga ngipin at
pangil, at sa bilis mong tumakbo, tiyak na kayang-kaya mong sagpangin at kainin ang tao,”
ang pambobola pa ng Pilandok sa baboy-ramo. Nahulog na nga ang baboy-ramo sa bitag ng
Pilandok. Paniwalang-paniwala ito sa kanyang matatamis na pananalita. “Kung gayon,
samahan mo na ako sa tao at nang ako’y makakain na. Basta’t tandaan mo, kapag hindi ako
nakakain ng tao ay ikaw pa rin ang magiging hapunan ko,” sabi ng baboy-ramo sa Pilandok.
“Oo, basta, ako ang bahala sa iyo. Tiyak na mabubusog ka, kaibigan,” ang paniniyak pa ng
Pilandok sa baboy-ramo.
Naglakad-lakad nga ang dalawa sa kagubatan hanggang sa mapunta sila sa isang talon.
Nakarinig sila ng tinig ng isang batang tila tuwang-tuwa sa paglangoy. Nakita nila ang isang
batang lalaking nagtatampisaw sa batis na nasa ibaba ng talon. “Iyan, iyan na ba ang tao?
Susunggaban at kakainin ko na,” ang mabilis na sabi ng baboy-ramo. “Kaibigan, hindi pa
iyan ang tao. Sumisibol pa lang iyan kaya’t hindi ka pa masisiyahan diyan,” ang sagot ng
pilandok. “Kung gayon, saan natin makikita ang taong gagawin kong hapunan?” ang naiinip
nang tanong ng baboy-ramo. “Doon, sa gawing hilaga,” ang sagot ng Pilandok.
Nakakita sila ng isang taniman ng mga kamote. May isang matandang lalaking nagtatanim.
Nakabaluktot na ang likod niya at nakalalakad na lamang sa tulong ng baston. “Iyan na ba?
Iyan na ba ang taong gagawin kong hapunan? Ayoko niyan, payat at ni hindi ako matitinga
riyan,” ang sabi ng baboy-ramo. “Tama ka, kaibigan. Payat masyado iyan at hindi ka
mabubusog diyan. Tira-tirahan na lang iyan. Hindi iyan nababagay sa isang matikas na
baboy-ramong tulad mo,” ang muling sabi ng Pilandok.
Galit na ang baboy-ramo.” Kung gayon, saan ko makikita ang taong kakainin ko? Gutom na
gutom na ako! Niloloko mo lang yata ako eh. Ikaw na lang ang kakainin ko!” ang gigil na
sabi nito sa Pilandok. “Huwag! Huwag, kaibigan. Hayun na, hayun na ang taong laan para sa
iyong hapunan,” ang sabi ng Pilandok sabay turo sa isang matikas at matangkad na
mangangasong naglalakad sa gilid ng gubat. “Tiyak na mabubusog ka riyan dahil malaman
iyan at tiyak, hindi mo na gugustuhin pang kumain ng isang munting hayop na tulad ko
pagkatapos mo siyang makain,” ang nakangising sabi ng Pilandok. “Tama ka, Pilandok. Ito
na nga ang hapunan ko,” ang sigaw ng baboy-ramo sabay sugod sa nabiglang mangangaso.

4
Subalit nabigla man at natumba ang mangangaso ay mabilis pa rin itong nakabangon at
napaputok ang dalang ripple kaya’t tinamaan ang baboy-ramo.
Nakahinga nang maluwag ang tusong Pilandok. Ngayon siya nakadama ng matinding
uhaw kaya’t naisip niyang muling bumalik sa batis upang ipagpatuloy ang naputol na pag-
inom. Tahimik na umiinom ang Pilandok nang bigla niyang maramdamang may sumunggab
sa kanyang isang paa. Paglingon niya ay nakita niya ang buwayang makailang beses na
niyang nalinlang. Alam niyang galit sa kanya ang buwaya pero galit din siya rito dahil sa lagi
siyang pinipigilang umiinom sa batis.
Sa halip na magsisigaw sa sakit ay mabilis na umisip ng solusyon ang matalinong
Pilandok. “Hay naku, kawawa naman ang buwayang ito. Hindi niya makilala ang pagkakaiba
ng patpat sa paa ng isang usa,” ang tila nang-uuyam na sabi ng Pilandok.
Subalit hindi siya binitawan ng buwaya. Sanay na kasi itong naiisahan ni Pilandok
kaya ngayon ay natuto na siya. Baka isa na namang patibong ito ng Pilandok.
Subalit hindi tumigil doon ang Pilandok. “Buwaya, bulag ka ba? Patpat lang ang
kagat-kagat mo. Heto ang paa ko, o,” ang malakas na sabi niya sabay taas sa isang binti.
Biglang binitawan ng buwaya ang kagat-kagat na paa ng Pilandok. Akmang susunggaban na
sana nito ang isang paang itinaas ng Pilandok nang mabilis itong makalundag palayo. Sising-
sisi ang buwaya, naisahan na naman siya ng matalinong Pilandok.
Habang naglalakad pauwi ang pilandok ay nasalubong niya ang isang suso. Dahil
maliit ang suso ay naisip ng Pilandok na kayang-kaya niyang magyabang dito.
Hinamon niya ang suso sa isang karera at anong laking gulat niya nang pumayag ang suso at
nagsabi pa itong kayang-kaya niyang talunin ang Pilandok.
Ang hindi alam ng Pilandok ay kalat na kalat na sa kaharian ng mga hayop ang
kanyang pagiging tuso o mapanlinlang kaya’t napaghandaan na ng suso ang araw na siya
naman ang maaring pagdiskitahan ng Pilandok. Kinausap na niya ang kanyang mga kapatid.
Magkakamukha sila at aakalain mong iisang suso lang sila dahil sa kanilang parehong-
parehong itsura.
Nagsimula na nga ang karera. Agad umarangkada at tumakbo nang ubod bilis ang
Pilandok. Subalit paghinto niya sa kalagitnaan upang silipin kung nasaan na ang kalaban ay
anong laking gulat niya nang magsalita ang suso.
“O, ano Pilandok, pagod ka na ba?” ang tanong nito. Gulat na gulat sa kung paanong nagawa
ng suso na mauna pa sa kanya kaya’t mabilis na tumakbo uli ang Pilandok hanggang sa
makarating sa dulo ng karera nang halos lumawit ang dila sa pagod. Subalit, hayun at nauna

5
na naman ang suso na ipinagbubunyi na ng ibang mga hayop bilang nagwagi. Hindi
makapaniwala ang Pilandok na natalo siya ng isang suso.
Natalo niya ang mabangis na baboy-ramo, natalo niya ang malaki at mahabang buwaya,
minsa’y naisahan na rin niya ang isang matalinong sultan subalit, heto, siya naman ngayon
ang natalo ng isang munting suso. Kinamayan niya ang suso at buong pagpapakumbaba
niyang sinabi,” Suso, kung sa paanong paraan mo man ginawa iyon, tinatanggap kong tinalo
mo ako. Matalino ka nga. Binabati kita at dahil diyan, ipinangangako kong iiwasan ko na ang
ginagawa kong panlalamang sa kapwa.” Muling nagbunyi ang mga hayop na nakarinig kay
Pilandok.

II. MGA GAWAIN.


Gawain I. Katangian ng mga Tauhan
Isulat ang mga katangian ng mga tauhan sa pabula. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Gawain II. Tukuyin at lagyan ng tsek ( ) ang lahat ng mahahalagang kaisipang taglay ng
binasa. Ekis (x) naman ang ilagay sa hindi. Bigyan ng maikling paliwanag kung bakit
mahalaga ang mga kaisipang nilagyan mo ng tsek

1. May mga taong tulad ni Pilandok na manloloko o manlilinlang ng iba para sa


sarili nilang kapakanan.
Paliwanag: _____________________________________________________

2. Ang salapi o pagmamahal sa salapi ay nagiging ugat o pinagsisimulan ng


kasamaan sa ating mundo.
Paliwanag:
______________________________________________________

6
3. Ang isang tunay na kaibigan, nakikilala kapag ang kaibigan niya ay nalalagay na
sa alanganin o kaya’y nagkakaroon ng problema.
Paliwanag: ______________________________________________________

4. “Tuso man ang matsing, napaglalalangan din” Dumating ang sandaling ang
panlolokong ginagawa ni Pilandok sa iba ay bumalik din sa kanya
Paliwanag: ______________________________________________________

5. Maging matalino at kilalanin munang mabuti ang isang tao bago


maniwala upang di matulad kina baboy-ramo at buwaya na naging
biktima ng isang manloloko.
Paliwanag: ____________________________________________________

TANDAAN

Sa pagpapahayag ng sanhi at bunga, gumamit tayo ng mga pang-ugnay na pangatnig.


Ang mga pangatnig o conjunction sa Ingles ay mga salitang nag-uugnay ng salita, parirala,
sugnay, pangungusap at talata sa isa’t isa alinsunod sa layunin nang nagpapahayag.

Sanhi- ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay


nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari.
Narito ang mga pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi o dahilan.
• Sapagkat/pagkat
• Dahil/ dahilan sa
• palibhasa
• kasi
• naging
• sanhi nito
Bunga- ay ang resulta, kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang epekto ng
kadahilanan ng pangyayari.
Narito ang mga pang-ugnay na nagpapakita ng bunga o resulta.
• kaya/kaya naman
• dahil dito

7
• bunga nito
• tuloy

Tandaan: Hindi lahat ng sanhi at bunga ay pinagmulan ng pang-ugnay.


Tunghayan ang mga halimbawa sa ibaba nakapahilig ang sanhi samantala nasalungguhitan
naman ang bunga.
Nalinlang ni Pilandok si baboy-ramo kaya siya di nakain nito.
Hinamon ni Pilandok ng karera si suso dahil sa nautakan si Pilantok natalo ito.
Batay sa mga halimbawa, ang sanhi ay ang mga dahilang pangyayari
at ang bunga ay ang epektong pangyayari.
Gawain III
Panuto: Punan ang tsart. Isulat ang sanhi o bunga ng sumusunod na
pahayag na nakasulat sa tsart na nasa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

Sanhi Bunga

1.Lahat ng tao ay gustong mamasyal sa SM

2.Maraming mga tao ang nagtatapon


ng basura sa ilog.

3. Marami ang nahawaan ng COVID-19

Maraming mga tao ang nawalan ng


4.
trabaho.
Maraming mga tao ang di nagsusuot ng
5.
facemask

8
Pangalan: ________________________________ Baitang at Seksyon: _________
Guro: ___________________________________ Petsa: _____________________
PAGTATAYA
A. Panuto: Maghinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa akdang napakinggan. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Kapag nalaman ng ibang hayop kung paanong namatay ang baboy-ramo dahil sa
panlilinlang ni Pilandok. Ano kaya ang kanilang gagawin?
a. Iiwas sila at hindi na makikipagkaibigan o lalapit kay Pilandok
b. Sasaktan o gaganti sila kay Pilandok
c. Pupurihin nila si Pilandok sa kanyang ginawa
2. Naisahan naman ni Pilandok ang buwaya. Ano kaya ang mangyayari sa susunod na mag-
krus uli ang landas ng dalawa?
a. Hindi na pakakawalan nang buhay ng buwaya si Pilandok
b. Muli na namang maiisahan ni Pilandok ang buwaya
c. Magiging magkaibigan na si Pilandok at ang buwaya
3. “Kung gayon, saan ko makikita ang taong kakainin ko? Gutom na gutom na ako! Niloloko
mo lang yata ako eh.” Sa pananalita ng baboy-ramo, ating mahihinuha na siya ay…
a. galit na galit b. nagbabanta c. napapagod
4. Sa iyong pananaw, bakit kaya hindi binitawan ng buwaya ang paa ni Pilandok nang una
nitong sunggaban?
a. Dahil gutom na gutom ang buwaya.
b. Dahil galit na galit ang buwaya.
c. Dahil sanay na kasi itong naiisahan.
5. Sa tingin mo, ano kaya ang magiging reaksyon at gagawin ni Pilandok matapos nitong
matalo sa karera laban sa maliit na suso?
a. Magagalit si Pilandok.
b. Hahamunin muli ang maliit na suso sa isang karera.
c. Tatanggapin ang pagkatalo at iiwasan na nito ang panlilinlang
6. Bakit kaya hinamon ni Pilandok ang maliit na suso sa isang karera?
a. Nagmayabang at minaliit ni Pilandok ang kakayahan ng isang suso.
b. Upang maipakita sa lahat ng mga hayop na siya ay mabilis.
c. Dahil sa kagustuhan nitong matalo ang maliit na suso.
7. Sa pagkatalo ni Pilandok sa isang maliit na suso, ano ang mensaheng ibig nitong ipabatid?

9
a. Ang panlilinlang ay nakatutulong sa pang-unlad ng buhay.
b. Dapat nating ipagmalaki ang kakayahang mambola sa kapwa.
c. Ang anumang gawin mo sa kapwa mo, babalik at babalik din sa iyo.
8. Sa tingin mo, ano kaya ang magiging reaksyon at gagawin ni Pilandok matapos nitong
matalo sa karera laban sa maliit na suso?
a. Magagalit si Pilandok.
b. Tatanggapin ang pagkatalo at iiwasan na nito ang panlilinlang.
c. Hahamunin muli ang maliit na suso sa isang karera.
9. Sa palagay mo, sa paanong paraan kaya natalo ng suso si Pilandok?
a. Kinausap ng suso ang mga magkakamukhang kapatid at aakalain na iisang suso lang sila.
b. Mabilis ang pagtakbo ng suso hanggang natalo nito si Pilandok.
c. Sumakay ang suso sa isang ibon upang mauna itong makarating sa dulo.
10. Kung mayroon kang kakilala na may katangian na kagaya ni Pilandok, paano mo siya
matutulungang magbago?
a. Sa tusong paraan ko tutulungan upang malaman niya ang kanyang ginagawa.
b. Isusumbong sa punong barangay.
c. Papayuhan at aawatin ko ang pambobola.
B. Isulat ang mahahalagang kaisipan.
1.Kung ikaw si Pilandok, ipagpapatuloy mo ba ang panlilinlang sa kapwa? Bakit?
Maituturing mo bang tagumpay ang pagiging tuso at mambobola? Ipaliwanag ang sagot. (5
Puntos)
C. Gumawa ng isang talatang nagpapahayag ng saloobin tungkol sa paksang “CRUELTY
TO ANIMALS”. Paano ito maiiwasan? Gumamit ng mga pahayag na nagpapakita ng sanhi
at bunga.
Rubriks
Pamantayan 5 4 3 2 1
Nilalaman
Wastong gamit ng mga salita.
Nailalahad nang maayos ang kaisipan tungkol
sa paksa

5-Pinakamahusay 2- mapaghuhusay
4- mahusay 1- Nangangailangan pa ng mga pantulong na pansanay
3- katanggap-tanggap

10
SUSI SA PAGWAWASTO (PARA SA MAG-AARAL)

Paglinang ng Talasalitaan
1.d 2. b 3.e 4.c 5. a
Gawain I. Katangian ng mga Tauhan
Ayon sa opinyon ng mag-aaral ang kasagutan.
Gawain II.
1.
2. x
3. x
4.
5.
Gawain III
Ayon sa opinyon ng mag-aaral ang kasagutan.

Mga Sanggunian:
Dayag.Baisa-Julian Lontoc Esguera, Pinagyamang Pluma 7, Quezon City, Phoenix
Publising House, Inc.
Catrina S. Auguis, Filipino 7 Unang Markahan, Modyul - 4 Sanhi at Bunga ng mga
Pangyayari
Rosemarie Jean O. Tongol, Filipino 7 Unang Markahan - Modyul 3 Paghihinuha sa
kalalabasan ng mga Pangyayari Batay sa Akda
https://www.scribd.com/document/452278568/1-2-PABULA

11

You might also like