You are on page 1of 10

ANG MATALINONG PILANDOK

Hindi nakikita sa laki ang talino at kakayahan ng tao.

Isang mainit na hapon, isang matalinong pilandok ang umiinom sa isang malinaw na batis sa
gubat. Habang siya ay umiinom, isang tigre ang dumaan. Napahinto ang tigre pagkakita sa
pilandok. Pasalbaheng tumawa ang tigre at sinabi nito sa mabangis na tinig, "Aha! Munting
Pilandok, kaysarap mong gawing hapunan! Dalian mo't ihanda mo ang iyong sarili upang
maging pagkain, dahil maghapon akong hindi kumakain."
"Maghapon kang walang makain?" tanong ni Pilandok, nagkukunwang naaawa sa tigre. Ang
totoo'y nanginginig siya sa takot pagkakita sa malalaking panga at matatalim na ngiping garing
ng tigre. Ngunit pinilit niyang huwag magpahalata. Dugtong niya, "O, kawawang Tigre! Ang
totoo, gusto kong magkaroon ka ng masarap na hapunan, pero palagay ko'y hindi ka
mabubusog sa isang munting hayop na tulad ko."
"Pero nagugutom ako!" atungal ni Tigreng hindi na makapaghintay.
"Iyon nga!" sigaw ni Pilandok habang nag-iisip ng gagawin. "Ang kailangan mong pambusog sa
iyong gutom ay laman ng tao."
"At ano ang tao, Pilandok?"
"Di mo ba alam kung ano ang tao?" sambit ni Usa, na nagkukunwang namangha.
"Hindi. Hindi ko yata alam," sabi ni Tigreng nagiging mausisa. "Sabihin mo, Pilandok, ano ba
ang tao?"
"Buweno," sabi ni Pilandok na nasiyahan sapagkat ang Tigre ay nahuhulog na sa kanyang
bitag. "Ang tao ay isang uri ng hayop na may dalawang paa at siyang pinakamakapangyarihang
hayop sa mundo."
"Totoo? Mas malakas pa kaysa akin?" tanong ng Tigre na medyo nasaktan.
"A,oo, pero kung napakabilis mo, puwede mo siyang sagpangin at gawing hapunan."
"Magaling. Pero kung hindi ako makasunggab ng tao, ikaw ang aking kakainin. Kasunduan ba
natin ito?"
"Kasunduan!" sigaw ni Pilandok na nasiyahan.
"Pero saan ako makakakita ng tao? Ipakita mo agad ito sa akin dahil ako'y gutom na gutom na.
Kundi ka magmamadali, kakainin kita ngayon din!"
"Makapaghintay ka sana, dakilang Tigre," sagot ni Pilandok. "Sumama ka ngayon sa akin sa
gilid ng daan at baka may isang taong magdaan."
At sinamahan ng Pilandok ang tigre sa gilid ng daan Habang nakakubli sa damuhan, naghintay
sila ng pagdaan ng tao. Di nagtagal ay dumaan ang isang batang lalaking papunta sa eskwela.
Abala siyang nag-iisip ng kanyang gawaing-bahay at di niya namamalayang dalawang hayop
ang nagmamatyag sa kanya.
"Iyon ba ang tao?" tanong ni Tigre. "Ba, tiyak kong mas malaks ako sa kanya!" pangungutya
niyon.
"Ba, hindi iyon ang tao," sagot ni Pilandok. "Iyo'y patungo pa lang sa pagiging tao. Kailangan pa
niya ang maraming taon-dalawampu o higit pa marahil kaya maaaring patay ka na noon."
Pagkaraa'y isang matandang lalaki ang mabagal na lumakad sa ibaba ng daan. Matandang-
matanda na ang lalaki at ang balbas niya'y simputi ng yelo. At siya'y nakatungkod habang
naglalakad.
"Tiyak na iyan ang taong sinasabi mo. Di kataka-takang napakapayat niya pagkaraang
mabuhay nang maraming taon! Niloloko mo naman ako," galit na sabi ni Tigre.
"Hindi, hindi! Hindi iyan tao. Tira-tirahan lang iyan ng isang tao. Ang isang mabuting hayop na
tulad mo'y ayaw kumain ng tira, di ba?"
"Hindi, hindi, syempre. Pero hindi ko rin gustong maghintay pa."
"Shhh! Narito na ang isang tunay na tao!" sabi ng Usa, habang paparating ang matabang
katawang punung-puno ng laman at ang kanyang mamula-mulang pisnging sagana sa dugo.
Tiyak na hindi mo na ako gustuhing kainin 'pag nakain mo ang taong iyon, di ba?"
"Baka nga, Pilandok, baka nga! Panoorin mo ako ngayon!" Pagkasabi niyon ay sinugod ng tigre
ang mangangaso. Ngunit mas mabilis ang mangangaso kaysa kanya. Itinutok ng mangangaso
ang kanyang riple at binaril ang tigre noon din.
Masaya si Pilandok dahil nakaligtas siya, ngunit sa sobrang pagod ay bumalik siya sa batis para
uminom. Habang siya'y umiinom, biglang may sumakmal sa isang paa niya. Sumigaw siya,
ngunit nang makita niya kung sino ang sumakmal sa kanya ay tiniis niya ang sakit at mabilis na
nag-isip.
Ang buwaya iyon, isa sa kanyang mahihigpit na kaaway. Galit ang buwaya sa pilandok dahil sa
mga panlilinlang nito. At galit din ang pilandok sa buwaya dahil palagi siyang tinatakot nito
tuwing gusto niyang uminom sa batis. Ngayo'y lalo siyang galit, ngunit itinago niya ang kanyang
damdamin at nakuha pa niyang tumawa. Nagsabi siya sa mapanghamak na tinig: "Ay,
kawawang Buwaya, kailan mo ba malalaman ang pagkakaiba ng paa ng usa at ng isang
patpat? Isang lumang patpat lang iyang kagat-kagat mo!"
Ngunit sanay na ang buwaya sa mga panlilinlang ng usa. "Huwag mo akong lokohin uli," sabi
niyon. "Alam na alam kong kagat-kagat ko'y paa mo at hindi ko ito pawawalan hanggang hindi
kita nakakain ng buo."
"Pero hindi kita niloloko," sabi ng Usa. "Kung sa palagay mo'y nililinlang kita, ano ito kung
gayon?" At iwinasiwas ng usa ang isa pa niyang paa sa tapat ng mukha ng buwaya.
Ang gunggong na buaya ay naniwala sa sinbi ng usa. Mabilis niyang binitawan ang kagat na
paa at sinagpang ang isa pang paa. Ngunit ito ang hinihintay na pagkakataon ng usa. Lumukso
siyang palayo. Pagkaraan, nang siya'y di na maabot, binalingan niya at sinigawan ang buwaya
"Higitkang gunggong kaysa asno. Ni hindi mo alam ang pagkakaiba ng aking paa at ng lumang
patpat!"
At sa gayo'y tumakbong palayo ang Pilandok, naiwan ang buwayang lumubog muli sa lawa,
galit sa isa na namang pagkatalo sa patalinuhan.
Ngayon nama'y nakatagpo ng pilandok ang isang suso. Natutuwa siyang makita ang suso dahil
gusto niyang magyabang at ngayo'y makapagyayabang na siya sa suso . Hinamon niya iyon ng
karera at takang-taka siya nang tanggapin iyon ng suso. At ang isa pang lalong nakakapagtaka
ay ang hamon ng suso na ito'y mananalo. Tumawa ang Pilandok. Paanong maiisipan ng isang
suso na manalo sa takbuhan?
Ngunit nagkataong ang susong ito ay tuso rin. Nauna rito ay binalak na niya at ng isang
kaibigan kung paano nila matatalo ang mapanloko ring pilandok.
"Tingnan mo kung paano kang mananalo sa takbuhan, mabagal na suso," sigaw ni Pilandok at
siya'y nawalang tulad ng hangin. Ngunit nang marating niya ang dulo ng takbuhan, halos
mapalundag siya sa pagkabigla nang makita niyang naroon na at nauna sa kanya ang suso.
Hindi matanggap ni Pilandok na siya ay natalo; hinamon niya ang suso sa panibagong karera.
Ngunit kahit ilang ulit siyang maghamon, laging nananalo ang suso.
Ngayon, ang hindi alam ng pilandok, ay laging ginagamit ng suso ang sarili nitong utak. Tuwing
karera ay may ibang susong tumatayo sa dulo ng takbuhan, una'y ang kaibigan ng suso,
pagkatapos ay ang orihinal na suso. Ang dalawang suso ay magkamukhang-magkamukha at
akala ng pilandok ay isa lamang ang mga iyon.
Pabalik-balik na tumakbo ang Pilandok hanggang sa maubusan siya ng lakas at hingal na
hingal na bumagsak sa lupa."Nanalo ka, Ginoong Suso," pahingal na sabi ng pilandok. "suko na
ako."
At sa gayon, ang munting pilandok na nag-aakalang napakatalino niya ay natalo nang araw na
iyon sa wakas-hindi ng mabangis na tigre, hindi ng mabagsik na buwaya, hindi ng ano pa mang
malalaking hayop sa gubat, kundi ng isang maliit at madulas na suso!
Ang Pusa at Daga

ni Donato B. Sebastian

Noong unang panahon, may magandang samahan ang mga pusa at daga. Isang araw nakiusap
ang Inang pusa sa Inang daga para bantayan ang anak niyang kuting na may sakit para
makahanap ng manggagamot.

Ginising ng Inang daga ang kanyang anak para tumulong mag bantay sa kuting. Ang sabi ng
bubwit, ayaw pa niya bumangon kasi maaga pa. Ang sabi ni Inang daga, maraming pagkain sa
bahay ng mga pusa para sumama ang kanyang anak.

Nagpunta ang mag-inang daga sa bahay ng mga pusa at nakita ng bubwit na may maraming
pagkain at tinawag ang Inang daga. Kinain ng mag-ina ang pagkian at naubos nila lahat.

Nang magising ang kuting, nagpumilit siyang pumunta sa kusina at nakita na ubos na lahat ang
kanilang pagkain. Tinawag niyang matakaw ang mag-ina.

Nagalit ang bubwit sa sinabi ng kuting at kinagat sa paa ang pusa. Gumanti ang kuting sa
bubwit at nakalmot nito ang mukha ng daga. Nagalit ang Inang daga at kinagat sa paa ang
kuting. Tumakas ang mag-inang daga at nagtago sa kanilang lungga.

Pag-uwi ng Inang pusa, wala sa higaan ang kanyang anak. Nakita niya sa kusina ang kuting na
sugatan. Ginamot niya ang mga sugat ng anak. Nang makapagsalita ang kuting, ikinuwento ng
anak ang mga pangyayari. Nagalit ang Inang pusa at sinugod ang mag-inang daga.

Sabi ng Inang pusa, Daga, daga .... lumabas ka dyan sa lungga .... ngunit hindi lumabas ang
mag-ina dahil sa takot.

Tinawag ng Inang pusa ang kanyang mga kaanak at ikinuwento ang pangyayari. Simula noon,
lagi na lamang nag-aaway ang pusa at daga.
Mga Kasabihan/Salawikain

Ano ang Kasibahan/Salawikain?

Ang mga kasabihan at salawikain ay naglalayong magbigay payo at patnubay sa ating pangaraw-araw na
pamumuhay. Ang mga kasabihang Pilipino at salawikaing Tagalog ay isinasaad sa mga maiiksing
pangungusap lamang subalit ang mga eto ay makahulugan at makabuluhan. Eto ay kadalasang
tumatalakay din sa mga karanasan ng ating mga ninuno at nakatatanda at naglalayong ituwid ang ating
pamumuhay ng naaayon sa kanilang mga naging karanasan.

Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.

Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahas na hakbang na maaaring maging
dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan sa
pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5-6, na nagiging dahilan upang siya ay mabaon
sa utang at lalu pang maghirap.

Kahit saang gubat, ay mayruong ahas.

Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o
nakasisira sa samahan ng bawat isa.

Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin.

Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa, kung
naging matulungin ka sa kapuwa mo ay tutulungan ka rin nila.

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.

Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang
humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-
uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti
(o masamang) mga magulang.

Kung hindi ukol, hindi bubukol.

Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi talagang nakalaan para sa iyo.

Kung may isinuksok, may dudukutin.

Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang makukuha sa sariling ipon
upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.

Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.

Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali. At kung sino pa ang
nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may sala.
Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.

Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mga bagong mag-asawa upang
mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawad
ang mga
pagkukulang ng sariling anak.

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marining iba nang hindi mo nalalaman dahil may mga taong
tsismoso at mahilig magkalat o gumawa ng kuwento sa ibang tao.

Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.

Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin ang magsikap at gumawa upang
matamo ang minimithing biyaya

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Sa tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa kabila ng maaaring maging balakid sa


kanilang pagmamahalan, sa bandang huli ay hahantong din sa kasalan ang kanilang samahan kung sila
ay talagang nakalaan para sa isa't-isa.

Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.

Tayo ay dapat mamuhay nang naaayon sa ating sariling kakayahan. Dapat magtipid at mamuhay ng
payak kung eto lang ang kaya ng ating kabuhayan. Huwag nating tularan ang pamumuhay ng mga mas
nakiririwasa sa atin.
Epiko: Indarapatra at Sulayman
Noong unang panahon ay may isang dakilang hari. Siya ay si Indarapatra, hari ng Mantapuli. Ang
Mantapuli ay matatagpuan sa bahaging kanluran ng Mindanao, doon sa malayong lupain kung saan ang
araw ay lumulubog. Si Indarapatra ay nagmamay-ari ng isang makapangyarihang singsing, isang
mahiwagang kris at isang mahiwagang sibat. Hinagud, aking sibat, magtungo ka sa bahaging silangan at
lupigin moa ng aking mga kaaway! ang makapangyarihang utos ng hari. Pagkatapos magdasal, inihagis
niya ang sibat na si Hinagud nang ubod lakas. Nang makarating na ito sa Bundok Matuntun, agad na
bumalik ito sa Mantapuli at nag-ulat sa kanyang hari.

Aking dakilang hari, maawa kayo sa mga taga Maguindanao. Silay pinahihirapan at kinakain ng mga
walang awing halimaw. Sinisira ng mga halimaw ang kanilang mga pananim at ang mga kabahayan.
Binabalot ng mga kalansay ang kalupaan! ulat ni Hinagud.

Nagalit si Indarapatra sa narinig. Sino ang mga halimaw na iyon na walang awing pumapatay sa mga
walang kalaban-laban na mga taga-Maguindanao? galit na tanong ni Indarapatra.

Ang una po ay si Kuritang maraming paa at ganid na hayop sapagkat sa pagkain, kahit limang taoy
kayang maubos, sagot ni Hinagud. Ang ikalaway si Tarabusao. Isa siyang halimaw na mukhang tao na
nakatatakot pagmasdan. Ang sinumang tao na kanyang mahuliy agad niyang kinakain. Ang ikatloy si
Pah, isang ibong malaki. Ang bundok ng Bita ay napadidilim sa laki ng kanyang mga pakpak. Ang lahat
ng taoy sa kweba na naninirahan upang makaligtas sa salot. Ang ikaapat ay isa pang ibon na may pitong
ulo, si Balbal. Walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na mata pagkat maaari niyang matanaw
ang lahat ng tao. Sunud-sunod na paliwanag ni Hinagud.

Nang marinig ito ni Indarapatra, nagdasal siya at inutusan ang kapatid na si Sulayman, ang
pinakadakilang mandirigma ng kaharian. Mahal kong kapatid, humayo kayo at tulungan ang mga taga-
Maguindanao. Heto ang aking mahiwagang singsing at si Juru Pakal ang aking mahiwagang kris.
Makakatulong sa iyong pakikidigma ang mga ito. Kumuha si Indarapatra ng isang batang halaman at
ipinakiskis niya ang singsing na ibinigay kay Sulayman sa halaman at kanyang sinabi,Ang halamang ito
ay mananatiling buhay habang ikaw ay buhay at mamamatay ito kung ikaw ay mamamatay.

At umalis si Sulayman sakay ng kanyang vinta. Lumipad ang vinta patungong silangan at lumapag sa
Maguindanao. Biglang dumating si Kurita. Biglang tumalon si Juru Pakal, ang mahiwagang kris, at
kusang sinaksak si Kurita. Taas-baba si Juru Pakal hanggang mamatay si Kurita.

Pagkatapos nito ay kinalaban naman si Tarabusao. Lisanin mo ang lugar na ito, kundi ay mamamatay
ka! ang malakas na utos ni Sulayman.

Lisanin ang lugar na ito! Nagkasala ang mga taong ito at dapat magbayad! sagot ni Tarabusao.

Narito ako upang tapusin na ang inyong kasamaan ang matapang na sabi ni Sulayman.

Matalo man ako, mamamatay akong martir! sagot ni Tarabusao. Naglaban sila at natalo ni Sulayman si
Tarabusao.

Naglakad si sulayman sa kabilang bundok upang sagupain si Pah. Ang bundok Bita ay balot ng mga
kalansay at ng mga naaagnas na bangkay. Biglang dumating si Pah. Inilabas ni Sulayman si Juru Pakal
at pinunit nito ang isang pakpak ni Pah. Namatay si Pah ngunit nahulog ang pakpak nito kay Sulayman.
Namatay si Sulayman.

Sa Mantapuli, namatay ang tanim na halaman ni Indarapatra. Agad siyang nagtungo sa Maguindanao at
hinanap ang kapatid. Nakita niya ito at siyay nagmakaawa sa Diyos na buhayin muli ang kapatid.
Tumagis siya ng tumangis at nagdasal kay Allah.
Biglang may bumulwak na tubig sa tabi ng bangkay ni Sulayman. Ipinainom ito ni Indarapatra kay
Sulayman at biglang nagising pagkainom. Huwag kang umiyak, aking kapatid, nakatulog lang ako nang
mahimbing, sabi ni Sulayman. Nagdasal sila Indarapatra at Sulayman upang magpasalamat sa Diyos.
Umuwi ka na, aking kapatid, at ako na ang tatapos kay Balbal, ang huling halimaw, utos ni Indarapatra.
Umuwi si Sulayman at nagtungo si Indarapatra sa Bundok Guryan at doon nakipaglaban kay Balbal.

Isa-isang pinutol ni Indarapatra ang mga ulo ni Balbal hanggang isa na lamang ang natira. Dahil ditto,
lumisan si Balbal na umiiyak. Inakala ni Indarapatra na namatay na si Balbal habang tumatakas. Ngunit
ayon sa matatanda ay buhay pa si Balbal at patuloy na lumilipad at humihiyaw tuwing gabi.

Pagkatapos ng labanan, naglakad si Indarapatra at tinawag ang mga taong nagsipagtago sa kweba
ngunit walang sumasagot. Naglakad siya nang naglakad hanggang siyay magutom at mapagod. Gusto
niyang kumain kayat pumulot siya ng isda sa ilog at nagsaing. Kakaiba ang pagsasaing ni Indarapatra.
Inipit niya ang palayok sa kanyang mga hita at umupo siya sa apoy upang mainitan ang palayok. Nakita
ito ng isang matandang babae. Namangha ang matandang babae sa taglay na kagalingan ni Indarapatra.
Sinabihan ng matanda na maghintay si Indarapatra sa kinalalagyan sapagkat dumaraan doon ang
prinsesa, ang anak ng raha. Umalis ang matandang babae dala ang sinaing ni Indarapatra.

Paglipas ng ilang sandali ay dumaan nga ang prinsesa at nakuha ni Indarapatra ang tiwala nito. Itinuro ng
prinsesa kung saan nagtatago ang ama nito at nalalabi sa kaharian nila. Nang Makita ni Indarapatra ang
raha, inialay ng raha ang kanyang pag-aari kay Indarapatra. Ngunit tinanggihan ito ni Indarapatra bagkus
kanyang hiningi ang kamay ng prinsesa.

Sa maikling panahong pananatili ni Indarapatra sa Maguindanao, tinuruan niya ang mga tao kung paano
gumawa ng sandata. Tinuruan niya kung paano maghabi, magsaka, at mangisda. Pagkalipas ng ilang
panahon pa, nagpaalam si Indarapatra. Tapos na ang aking pakay rito sa Maguindanao. Ako ay lilisan
na. Aking asawa, manganak ka ng dalawa, isang babae at isang lalaki. Sila ang mamumuno rito sa
inyong kaharian pagdating ng araw. At kayong mga taga-Maguindanao, sundin ninyo ang aking kodigo,
batas, at kapangyarihan. Gawin ang aking mg autos hanggang may isang mas dakilang hari na dumating
at mamuno sa inyo, paalam ni Indarapatra.
Alamat ng Mindanao

Si Sultan Kumpit ay isa sa mga naging pinuno ng isang malaking pulo. Siya ay matalino nguni't ang mga
Muslim ay takot sa kanya dahil sa siya raw ay masungit. Ang sultan ay may kaisa-isang anak na dalaga.
Ang pangalan niya ay Minda.

Si Minda ay ubod ng ganda. Dahil sa kagandahan ng prinsesa ay marami ang nanliligaw dito. Kabilang
na ang mga sultan, raha, datu at prinsipe ng iba't ibang pulo. Bawat manliligaw ni Prinsesa Minda ay may
kani-kaniyang katangian kung kaya't nagpasiyang magbigay ng tatlong pagsubok si Sultan Kumpit. Ang
mananalo sa
tatlong pagsubok na ito ang siyang mapalad na makaka-isang dibdib ng kanyang anak.

Ang unang pagsubok ay kung sino ang makapagsasabi ng kasaysayan ng kanyang angkan hanggang sa
ikasampung salin nito. Ang ibig sabihin nito ay kung sino at ano ang naging buhay ng ama, nuno, ama ng
nuno, nuno ng nuno at mga kanunununuan hanggang sa ikasampung salin.

Ang ikalawang pagsubok naman ay kinakailangang malagpasan ang kayamana ng hari upang maging
daan patungo sa ikatlong pagsubok. Nguni't ang higit na mayaman ang siyang magmamay-ari ng
kayamanang natalo.

Marami ang nakipagsapalaran at natalo sa unang pagsubok. Isa na rin ang kilalang si Prinsipe Kinang.
Siya ay nakapasa sa unang pagsubok nguni't natalo sa ikalawang pagsubok sapagkat ang kanyang
tatlong tiklis na ginto ay nahigitan ng apat natiklis na ginto ng hari. Lalong yumaman si Sultan Kumpit.
Alam ng lahat na marami pang ginto si Sultan Kumpit at ngayon nga ay nadagdagan pa ng tatlong tiklis
na tinalo kay Prinsipe Kinang.

Isang matalinong prinsipe ang nais na sumubok. Ngunit bago niya ito gawin ay nag-isip siyang ma buti
kung papaano niya matatalo ang kayamanan ng Sultan. Nanghiram siya ng ginto sa kanyang mga
kaibigang maharlika hanggang sa makatipon siya ng
labintatlong tiklis ng ginto.

Nagbihis at nag-ayos ng buong kakisigan si Prinsipe Lanao. Una niyang nakausap si Prinsesa Minda. Sa
unang pagkikita pa lamang ay sumang-ayon agad ang prinsesa sa binatang prinsipe. Lihim na natuwa
ang puso ni Prinsipe Lanao sapagkat nasiguro niyang may pagtingin din sa kanya Prinsesa.

"O, ano ang masasabi mo sa iyong angkan?" ang unang pagsubok ng sultan kay Lanao. Mabilis na
isinalaysay ni Lanao ang kanyang lahi ngunit muntik na itong mabuko sa ikasampung salin. Nakaisip siya
ng pangalan at nag-imbanto ng kagitingan nito. Laking pasasalamat niya nang siya ay makapasa sa
unang pagsubok. Sa ikalawang pagsubok ay, "Ilang tiklis na ginto ang dala mo, Mayroon akong pito, iyon
ba ay iyong mahihigitan? ang pagmamalaking tanong ng sultan.

"Mayroon akong labintatlong tiklis ng ginto rito ngayon nguni't kung kulang pa ito ay handa akong, ilabas
ang mga nakatago pa sa aming kaharian," ang tugon ni Prinsipe Lanao.

"Hindi na bale, iyo na ang pitong tiklis ko. Ganito naman ang ikatlong pagsubok. Ikaw ay tutulay sa isang
lubid sa may malalim na bangin. Pag ito'y nagawa mo ay ikakasal kayo ng aking mahal na prinsesa sa
pagbibilog ng buwan," ang sabi ng sultan. "Ang ikatlong pagsubok ay kinabukasan na natin itutuloy."

Umalis si Lanao napunong-puno ng pag-asa. Nagsanay siyang tumulay sa baging na sampayan. Ngunit
lingid sa kanya ay may masama palang balak ang sultan sa pagtulay niya sa lubid. Natunugan ito ni
Minda at laki ng kanyang pag-ibig sa binata ay gumawa siya ng paraan. Inutusan niya ang kanyang
katulong na putulin ang matibay at manipis na sinulid na nakakabit sa tulay na tatawiran ni Lanao. Ang
sinulid palang ito ay hahatakin upang malaglag sa bangin si Lanao. Mabilis na natupad ang ipinag-utos
ni Minda sa kanyang katulong.

Kinabukasan ay maluwalhating nakatawid si Lanao sa lubid at ang kanilang kasal ni Prinsesa Minda ay
naganap. Namuno ang mag-asawa sa kaharian ni Sultan Kumpit. Dahil sa kabaitan ay napamahal sa
mga tao ang dalawa kaya't ang malaking pulong iyon ay pinangalanang Minda-Lanao na di nagtagal ay
naging "Mindanao."

You might also like