You are on page 1of 1

Ang Atletang Lumpo

​Ipinanganak na putol ang kanang kamay ng dalagitang si Jana subalit ang


kahanga-hanga ay magaling siya sa larangan ng ​volleyball.​ Nasa ika-anim na baitang pa
lamang siya nang matutong maglaro nito sa tulong ng kanyang kuya. Hindi naging hadlang
sng kanyang kapansanan para abuting ang kanyang mga minimithing pangarap.

"Gagawin ko itong paglalaro ng ​volleyball​ upang may masabi ako na mayroon akong
taglay na talento at para hindi ako maliitin ng mga tao." ito ang mga katagang nagtutulak sa
kanyang mag sumikap at maging matatag sa anumang hamon ng buhay.

Dahil sa kagustuhan niyang makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kahirapan at


kapansanan, lakas loob siyang nag-aplay ng iskolarsip sa isa sa mga nangungunang
institusyong pang-edukasyon sa kanilang lalawigan at iyon ay ang "Holy Trinity College"
dahil kilala ang paaralang ito sa kanilang mga magagaling na manlalaro sa larangan ng
isports. Laking tuwa naman niya nang siya ay nabigyan ng pagkakataong makapag-aral
doon at agad siyang napansin hindi dahil sa kanyang kapansanan, kung hindi dahil sa
kanyang talento.

"Malaki ang potensyal niya bilang isang manlalaro dahil magaling siyang
magdepensa…" sambit ng isang ​coach​ sa kanyang sarili.

Dahil sa talentong nakita kay Jana ay naging kabilang siya sa mga manlalaro ng
paaralan. Bukod sa husay niya sa paglalaro, kabilang din siya sa mga magagaling na
estudyante sa kanilang klase. Labis na tuwa ang bakas sa mga mata niya habang tinitignan
ang kanyang mga medalya.

"Salamat sa Diyos at ako ay naging isang trinitaryan. Isang estudyanteng matapat,


responsable, masipag, makabayan, makabago, maagap, mabait, magalang, at marangal.
Laking pasasalamat ko rin sa aking paaralan dahil tinulungan nila akong maging isang
produktibo na may moralidad at responsableng miyembro ng lipunan."

Positibo sa buhay si Jana at gusto niyang patunayan na hindi hadlang ang kakulangan
sa bahagi ng katawan para hindi maging buo ang tiwala sa sariling kakayahan.

You might also like