You are on page 1of 2

AWIT NG NUEVA ECIJA

Sa ubod nitong Luzon


Ay may lupang hinirang
Sa likas niyang kagandahan
Ay walang papantay

Dito ang bukirin


Na pinag-aanihan
Ng gintong butil ng buhay
Na pagkain ng tanan

Isang lalawigan
Ang diwa at damdamin
Pinagtali ng maalab
At dakilang mithiin

Dito ang balana’y


May pusong magiting
Na patnubay at sagisag
Ng banal na layunin

Aming Nueva Ecija


Ang loob mo’y tibayan
sa landas ng pita
ng pagbabagong buhay

Taglayin sa puso
And dakilang aral
Ng mga bayaning
Naghandog ng buhay

Aming Nueva Ecija


Sa iyong pagsisikap
May gantimpala ka
Sa pagdating ng oras

Aming Nueva Ecija


Hayo na’t ikalat
Ang mga silahis
Ng ‘yong pangarap

You might also like