You are on page 1of 17

Maaga akong gumising nang araw na ‘yon.

May
nakatakda kasi kaming test sa eskuwelahan. Pero
sinabihan ako ni Nanay na bumalik muna sa higaan.
“Anak, malaki ang baha. Wala raw kayong pasok.”
“Ho? May baha?”
Agad akong dumungaw sa aming bintana. Lampas-
tuhod na nga ang baha! Panay kasi ang pag-ulan
nitong mga nagdaang araw. Ang nakapagtataka , dati
rati namang hindi kami binabaha. Ngayon lang ito
nangyari.
“Siguro po, maraming basurang nakabara sa mga
kanal,” sabi ko kay Nanay.
“Sabi po ni Titser, dapat daw ibukod ang
basurang nabubulok sa di-nabubulok,”
sabad pa ni Kuya Ethan na nagising na rin.
Tumulong na lang kami kay Nanay sa
paglilinis ng aming bahay.
“Aba, kay sisipag!” bati ni Tatay. “Mabuti
pala ang binabaha ang paligid,” biro pa niya.
Ilang araw din bago tuluyang humupa ang
baha. Muli kaming nakapasok sa
eskwelahan. Pero ang daming kaklase ko na
absent. Sabi ni Titser Ligaya, baka nag-
aayos pa raw sila ng mga bahay nila.
“Naku, Aryn, may sakit pala ang best
friend mo. Nilalagnat daw!” balita ni Levy.
“Ha? Kaya pala ilang araw nang hindi
pumapasok si Isabella.
Nagpasama ako kay Levy na dumalaw sa
bahay nina Isabella. Pero hindi ko siya
nadatnan.
“Dinala na siya ng tatay niya sa ospital
kanina. Laging mataas ang lagnat niya
noong mga nagdaang araw. Tapos, kung
kailan nawala ang kanyang lagnat, saka
naman nagdugo ang kanyang ilong!”
kuwento ni Lola Luring.
` Ano kaya ang sakit ni Isabella
Mabilis na kumalat ang balita. Kahit sa
radyo at TV ay nababanggit ang aming
barangay. Nagkaroon daw ng maraming
kaso ng dengue fever sa aming lugar.
Kinabahan kaming lahat. Lalo kaming pinag-
ingat.
Magsuot ng pantalon at damit na
mahahaba ang manggas,” paalala ni Tatay.
“Naku, naku, magpahid ng lotion na ito.
Pangontra ito sa lamok,” sabi ni Nanay.
“Huwag na kaya kayong lumabas ng
kulambo,” payo ni Lola Luring.
“Umiwas tayo sa lamok na may puting
batik,” sabad ni Kuya Ethan.
“Kahit matanda, hindi puwera sa deng-
geh…” hirit pa ni Lolo Lauro.
Nalungkot ako nang malamang
nagkasakit nga ng dengue fever ang aking
kaibigan. Sabi pa ni Titser Ligaya, baka
kailangan pa daw na masalinan ng dugo si
Isabella.
Nang dumalaw kami ni Nanay sa ospital,
hindi ko rin nakausap si Isabella. Natutulog
siya. Kay daming tubo at suwero na
nakakabit sa kanya. Awang-awa ako kay
Isabella.
“Nanay, ganon po ba talaga ‘pag may
dengue fever?”
“Oo, Anak, nauwi sa pagdurugo ang
kanyang dengue fever. Epekto ‘yon ng labis
na pagbagsak ng kanyang platelet count.”
Naalala ko ang turo sa amin ni Titser Ligaya.
Importante raw ang platelets para
mapatigil ang nagaganap na pagdurugo sa
loob ng katawan.
“Hindi ordinaryong lamok ang may dala
ng sakit na ito. Ito ‘yong mga lamok na
nakatira sa tubig na malilinis gaya ng tubig-
ulan. May batik-batik itong puti sa katawan,”
paliwanang pa ni Nanay.
Naku, delikado pala ang mga lamok na
‘yon!
Pag-uwi sa bahay, ikinuwento ko kay
Tatay ang nangyari kay Isabella. Sabi ko sa
kanya, ang sama-sama pala ng lamok na
may dala ng dengue virus. Inuubos nito ang
ating platelets.
“Tatay, puwede po ba kayong mag-
donate ng dugo para kay Isabella? Kasi
kailangan daw po niya ng maraming
platelets.”
Agad namang tumugon si Taty. “Hayaan
mo, Anak at pupunta ako sa ospital para
magpasuri. Isasama ko rin ang dalawang
kumpare ko.”
Pinakiusapan ko rin ang dalawang tita ko.
“Puwede po ba nating bigyan ng dugo si
Isabella?”
“Puwedeng-puwede!”
Noon ko lang nalaman na lagi palang
nagbibigay ng dugo si Tita Leah sa Blood
Center kada ikatlong buwan. Siya rin ang
nangumbinse kay Tita Marvee na subukan
din niyang mag-donate ng dugo.
“Konting tusok lang ‘yun. Saka konting dugo. Pero ang
laki ng maitutulong mo para mabuhay si Isabella o ang
ibang taong nangangailangan ng dugo,” paglinaw ni
Tita Leah.
Kung gaano kabilis ang balita tungkol sa naging
karamdaman ni Isabella, ganoon din kabilis ang
pagtugon ng aming mga kabarangay.
Hindi nagtagal at gumaling si Isabella.
Ikinuwento ko sa kanya kung paanong
kumilos ang aming mga kabarangay para
mailigtas ang buhay niya mula sa dengue.
“Kung nakita mo lang kung gaano karami
ang nagmamahal sa’yo. At naku, nakapila pa
ang gustong maghandog ng dugo sa’yo!”
“Siyanga?” sabi ni Isabella. “ Ang babait
nila Aryn, gusto ko ring makatulong sa iba.”
Nang sumunod na linggo, nagpatawag ng
pulong ang kapitan ng aming barangay. May
mga gagawin daw kaming hakbang para
hindi na muling pamahayan ng mga pesteng
lamok ang aming lugar. Heto ang mga
suhestiyon ng aming mga kabarangay.
 Padaluyin ang mga nabarang kanal.
 Itapon ang mga basyong lata bote, at
gulong na puwedeng pamahayan ng
lamok.
 I-check ang paligid matapos ang
matinding pag-ulan at pagbaha.
 Gawing regular ang paglilinis ng
bakuran.
Kami man sa eskwelahan ay di rin
nagpatalo. Nanguna kami ni Isabella sa
paglilinis sa paligid ng aming classroom.
Naglunsad naman si Titser Ligaya ng
paligsahan para sa poster-making at
slogan-writing tungkol sa pag-iwas sa sakit
na dengue.
Naging mas maingat ang lahat dahil sa
nangyaring ito sa aming barangay. Mga
basura’y itinatapon na sa tamang lalagyan.
Muling dumaloy ang mga tubig sa imburnal.
Lahat ng sisidlang naglalaman ng tubig ay
aming binabantayan.
Pati ang flower vase ni Titser Ligaya ay
hindi napuwera. Walang lamok na dito ay
puwedeng tumira.

You might also like