You are on page 1of 7

Si Buboy at ang

Basket
May sikreto si Buboy at
ang basket ng kaniyang nanay.
Sa umaga, ginagamit ito ng
Nanay sa pamamalengke. Araw-
araw umaalis si Nanay nang
walang laman ang basket.
Pagbalik niya, puno na ito ng
prutas, gulay, at kung ano-
anong pinamili .
Ngunit sa hapon,
habang
nagpapahinga ang
nanay ni Buboy,
nagbabago ang
gamit ng basket.
• Minsan, nagiging
helmet ito ng isang
sundalong
sumusugod sa
giyera.
Minsan naman,
isa itong maliit na
bangkang
sumasalubong sa
malalaking alon.
At minsan,
nagiging
isang palpak
na taguan.
•Wakas

You might also like