You are on page 1of 1

FILIPINO

4 WORKSHEET
PAGBIBIGAY NG ANGKOP NA WAKAS

Panuto: Bigyan ng angkop na wakas ang kuwento. Sumulat ng dalawa hanggang tatlong pangungusap.

1. May mga dalang lumang damit at laruan si Armand nang pumasok siya sa paaralan. Ang mga
damit ay mga napaglakihan na niya ngunit maaayos pa. Ang mga laruan naman ay hindi na niya
masyadong nagagamit. Sa oras ng recess, siya ay pumunta sa Christmas tree sa kanilang
paaralan. Doon ay may mga malalaking kahon. Inilagay niya ang mga gamit na dala niya sa loob
ng isang kahon.
_________________________________________________________________________________________________________________

2. Matalik na magkaibigan at magkapitbahay sina Rachel at Mia. Malapit na malapit sila sa isa’t-isa.
Nagbabahagian sila ng kanilang mga problema at sikreto sa buhay. Isang araw, nagkaroon ang
dalawa ng bagong kapitbahay na ang anak ay kaedad rin nila. Si Isabel ay mabilis na napalapit
sa dalawa. Isang araw, natuklasan ni Mia na sinabi ni Rachel ang isang pinakatatago niyang
sikreto kay Isabel.
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________

3. Tanghali na ngunit hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Benjie. Ilang beses na siyang tinatawag ng
kanyang nanay upang kumain ngunit hindi pa rin siya bumababa. Nang matapos nang kumain ng
tanghalian ang pamilya, inutusan ng nanay si Eileen na tawagin ang kanyang kuya. Pagpasok niya
sa kuwarto, nakita niya si Benjie na nakatalukbong ng kumot. Nilapitan niya ito at nakitang
nanginginig ito at parang lamig na lamig kahit na nakapatay naman ang bentilador.
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________

4. Si Markus ay masipag at matalinong mag-aaral. Nakikinig siyang mabuti sa kanyang mga guro at
lahat ng kanyang takdang-aralin at proyekto ay ipinapasa niya sa tamang oras. Matataas ang
mga marka niya sa lahat ng pagsusulit. Madalas siyang lumalahok sa mga paligsahan sa kanilang
paaralan. Matulungin rin siya sa kanyang mga guro at kaklase. Sa araw ng pagtatapos, nasa
pinaka harap na hanay ang kanyang mga magulang. Tuwang-tuwa sila.
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________

Teacher Abi’s Worksheets

teacherabiworksheets.blogspot.com

You might also like