You are on page 1of 1

I.

Pagbibigay ng Angkop na Wakas ng Kwento

Punan ng pinakaangkop na wakas ng kwento ang bawat talata sa ibaba. Magsulat ng tatlo o higit
pang pangungusap sa patlang.

1. Tuwing umaga, magkasabay na pumapasok si Annie at Greg sa paaralan. “Tara, maglakad na


tayo para hindi ayo mahuli sa klase,” yaya ni Greg. “Sige” sagot ni Annie. “Meron nga pala tayong
pagsusulit ngayon sa Filipino. Nag-aral ka ba?,” sabi ni Greg. “Oo naman, pinaghandaan ko ang
araw na ito.
______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________

2. Sa Bayan ng San Andres may isang lalaki na nilalayuan ng mga tao dahil siya ay napaka itim,
dahil dito laging malungkot ang lalaki at laging nag-iisa. Isang araw may isang babae na lumapit
sa kanya at laking gulat niya ng siya ay kinausap nito, “Kamusta? Ako nga pala si Jackie, at ikaw
si?” tanong ng babae. “Ako si Fred, bakit mo ako kinakausap?” sagot ni lalaki. “Gusto ko kasi
makipag kaibigan sayo.” Tugon ng babae. “Hindi naman at naniniwala dyan sa sinasabi mo.”
Nagtatakang sagot ng lalaki. “Ayos lang kung hindi ka maniwala Fred, gusto lang talaga kita
maging kaibigan dahil alam ko malungkot ka at mukhang mabait ka naman kaya bakit ako
tutulad sa kanila na nilalayuan ka?” sagot ng babae.

__________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________________
___________________________________

3. Isang araw naglalakad si Jessica pauwi mula sa trabaho. Laking gulat niya nang marinig ang
mahinang iyak ng bata. Muntik na niyang lampasan ang bata, Nang buhatin ni Jessica ang bata,
ang munting sanggol ay may mga sugat sa katawan. “Aba kawawa naman ang batang ito.Iuwi
muna kita upang gamutin,” sani ni Jessica.

Pagdating niya sa bahay, ibinigay ni Jessica ang sangol sa kanyang ina. Ginamot nila ang sugat nito,
binihisan at pinainum ng gatas. Nagdesisyon ang mag-ina na isauli ang bata ngunit walang
kumukuha sa kanila.
__________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________________
___________________________________

4. Binigyan ng pera si Bea ng kanyang ina para ipambayad sa kanyang proyekto. Ngunit hindi
inaasahang nagastos ni Bea ang pera sa walang kwentang bagay, dahil dito hindi alam ni Bea saan siya
kukuha ng pera para mabayaran ang kanyang proyekto. Naisip ni Bea na kumuha sa wallet ng
kanyang ina ng walang paalam. Kaya’t pag-uwi niya ay pumasok siya sa kwarto ng ina at dahan-dahan
kumuha ng pera, ngunit nakita siya ng kapatid na bunso.

__________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________________
___________________________________

5. Si Aling Luding ay madalas mamili sa groseri. Namimili siya ng mga de lata tulad ng sardinas, karne norte,
salmon, tuna at kondensada. Namimili rin siya ng mga prutas, mantika, aukal, kape, toyo, patis at suka. Pauwi na
siya nang magtaka siya dahil marami pa rin siyang pera kahit napakarami na ng napamili niya. Naisip niyang
marahil ay sobra ang isinukli sa kanya doon sa kanyang suking tindahan.
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

You might also like