You are on page 1of 19

Filipino 5

Mark Anthony M. Ramos


Paano mo maipakikita ang
pagmamahal sa kalikasan?
Alam niyo ba kung paano basahin
ang tula?
Alamin ang kahulugan ng mga sumusunod na
salita.Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
1. lanta tuyot
2. bilasa hindi na sariwa
3. naglilimayon umiikot o kumikilos
4. maylalang lumikha

hindi na sariwa tuyot


lumikha umiikot o kumikilos
Kalikasan – Saan Ka Patungo?
ni: Avon Adarna
Nakita ng buwan itong pagkasira
Mundo’t kalikasan ngayo’y giba-giba, Ang puno – putol
nagbuwal at lanta Ang tubig – marumi lutang ang basura
 
Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan
Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam At
nakipagluhaan sa Poong Maylalang
Pagkat ang tao rin ang may kasalanan.
Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon
Nasira ng usok na naglilimayon
Malaking pabrika ng goma at gulong
Sanhi na ginawa ng pagkakataon!

Ang dagat at lawa na nilalanguyan


Ng isda at pusit ay wala nang laman
Namatay sa lason saka naglutangan
Basurang maburak ang siyang dahilan!
Ang lupang mataba na bukid-sagana,
Saan ba napunta, nangaglayag na ba?
Ah hindi.... naroon... mga mall na pala
Ng ganid na tao sa yaman at pera.

Mga sapa at ilog sa Kamaynilaan,


Ginawa na ng tao na basurahan
At kung dumating ang bagyo at ulan
Hindi makakilos ang bahang punuan.
Ang tao rin itong lubos na dahilan,
Sa nasirang buti nitong kalikasan,
At darating bukas ang ganti ng buwan,
Uunat ang kamay ng Poong Lumalang!
1. Tungkol saan ang binasang tula?
2. Ilan saknong mayroon ang tula?

3. Ilan sukat mayroon sa isang taludtod?


4. May tugma ba ang bawat taludtod?
5. Paano dapat bigkasin ang tula?
6. Paano mo maipapakita ang
pagmamahal sa kalikasan?
Mga dapat tandaan sa pagbigkas ng tula
Tono – Ang taas o baba ng tinig na inuukol sa pagbigkas ng pantig ng
isang salita, parirala, o pangungusap upang higit na maging mabisa at
maunawaan ang pagsasalita.

 Diin – Ang bigat o lakas ng bigkas sa pantig ng salita na maaaring


makapag-iba sa kahulugan ng salita kahit sa salitang magkapareho
ang baybay.
 Antala – Saglit na pagtigil o paghinto sa pagsasalita
upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig
ipahatid sa kausap. Ginawa ito upang ihiwalay ang
ideya o kahulugan ng nais ipahayag. Kuwit (,) ang
ginagamit sa antalang ito na simbolo ng /.
A. Tugma- nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin
mang paraan ng pagtutugma
Mga Dapat
B. Sukat – tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat
Tandaan taludtod

sa C. Saknong – tumutukoy sa grupo ng mga linya o


Pagsulat taludtod

ng Tula D. Taludtod – linya sa loob ng saknong

E. Talinghaga – malalalim na salita


Kalikasan – Saan Ka Patungo?
ni: Avon Adarna
Nakita ng buwan itong pagkasira
Mundo’t kalikasan ngayo’y giba-giba, Ang puno – putol
nagbuwal at lanta Ang tubig – marumi lutang ang basura
 
Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan
Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam At
nakipagluhaan sa Poong Maylalang
Pagkat ang tao rin ang may kasalanan.
Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon
Nasira ng usok na naglilimayon
Malaking pabrika ng goma at gulong
Sanhi na ginawa ng pagkakataon!

Ang dagat at lawa na nilalanguyan


Ng isda at pusit ay wala nang laman
Namatay sa lason saka naglutangan
Basurang maburak ang siyang dahilan!
Ang tao rin itong lubos na dahilan,
Sa nasirang buti nitong kalikasan,
At darating bukas ang ganti ng buwan,
Uunat ang kamay ng Poong Lumalang!
Anu-ano ang mga dapat tandaan sa
pagbigkas ng tula?
tono
diin
antala
Sana Ganito ang Bayan Ko
Sana, ang bayan ko’y maging paraiso,
May payapang lugar, tahimik ang tao;
May ibong Malaya, may hanging mabango,
May diwang makabayan, di kayang matukso.
 
Sana, ang bayan ko’y sagana sa tanim
Ng mga produktong tanging likas sa’tin,
Sa bundok at parang lupa’y bubungkalin,
Masaganang ani ang pagyayaymanin.
Sana, sa bayan ko, gusali’y marikit
Mataas na parang abot hanggang langit;
Bangko’t pamilihan, dito’y nakasandig
Upang kabuhayan ng bansa ay lumawig.
 
Sana ang bayan ko ay aking matanaw
Na papaunlad na sa pangkabuhayan.
May trabahong lahat mga mamamayan
At sumagana itong ating pamumuhay.
Panuto: Sumulat ng maikling
tulang binubuo ng dalawa
hanggang tatlong saknong na
may apat na linya tungkol sa
Wastong Pagkain.
Takdang-Aralin
Humanap ng iba pang tula at basahin sa
klase .

You might also like