You are on page 1of 4

Kalikasan Saan Ka

Patungo?
ni: Avon Adarna
Nakita ng buwan itong
pagkasira,
Mundo't kalisakasan ngayoy
giba-giba,
Ang puno putol na,
nagbuwal at lanta,
Ang tubig marumi, lutang
ang basura.
Nalungkot ang buwan sa
nasasaksihan,
Lumuhang tahimik sa sulok ng
damdam,
At nakipagluhaan sa poong
Maylalang,
Pagkat ang tao rin ang may
kasalanan.
Ang hanging sariwa, bilasa na
ngayon,
Nasira ng usok na
naglilimayon,
Malaking pabrika ng goma at
gulong,
Sanhi na ginawa ng
pagkakataon!
Ang dagat at lawa na
nilalanguyan

Ng isda at pusit ay wala nang


laman,
Namatay sa lason saka
naglutangan,
Basurang maburak ang siyang
dahilan!
Ang lupang mataba na bukidsabana,
Saan ba napunta,
nangaglayag na ba?
Ah hindi naroon mga mall
na pala,
Ng ganid na tao sa yaman at
pera.
Mga sapa at ilog
sa Kamaynilaan,
Ginawa na ng tao na
basurahan,
At kung dumating ang bagyo
at ulan,
Hindi makakilos ang bahang
punuan.
Ang tao rin itong lubos na
dahilan,
Sa nasirang buti
nitong kalikasan,
At darating bukas ang ganti
ng buwan,
Uunat ang kamay ng Poong
Lumalang!

KALIKASAN ATING
GINTONG YAMAN

Inuuna Agham at Teknolohiya


Kalikasan ay naisasantabi na

Kapaligiran natin Diyos nagalay

Pati na rin mga sarili nila.

Itoy mahalagang bahagi ng


buhay;

Kalikasan kapag ating


pinagyaman

Sa mundong ito, lahat


magkakaugnay

Dulot nitoy biyaya sa


sanlibutan;

Biyayang bigay, buhay


binigyang kulay.

Ngunit kapag ito ay


pinabayaan

Ito ay isang magandang


kayamanan

Hatid nitoy pinsala sa ating


bayan.

Na dapat nating pagkaingatingatan;

Walang imposible kung


magtutulungan

Ang pundasyon ng ating


kinabukasan

Tiyak pagbabago ating


makakamtan;

Ang ating mahal na Inang


Kalikasan.

Magkaisa gobyerno at
mamamayan

Pag-unlad nasa isip ng bawat


isa

Kung itoy masira tayoy


mawawalan.

Ganti ng Inang kalikasan

Dagundong sa bawat dako ay


di mo ba naririnig?
Sakuna sa paligid ay parang di

mo nababatid
Panaghoy ng mundoy sa
balintataw sumisiksik
Na tila nagbabadyang,
katapusan ay nalalapit
Sa mga nasusulat mundo ay
dating Paraiso
Na nilikha ng Diyos para sa
akin at sa iyo
Upang maging tahanan ng
sangkatauhan
At maging lahat ng may
buhay mula sa Inang
kalikasan
Mabango at sariwang hangin,
datiy iyong malalanghap
Ngayoy mabahong usok at
amoy ng basurang nagkalat
Malinis na ilog at batis na
dating pinagkukunan ng
kabuhayan
Ngayoy wag kang lulusong at

baka maging sanhi ng iyong


kamatayan
Awit ng mga ibon na dati ay
iyong maririnig
Sa mga kagubatan at luntiang
paligid
Matataas na punong kahoy na
nagiging kanlungan
Ngayon ay pawala ng lahat,
pinupuksa ng mga taong
hunghang!
Aking kapatid masdan mo
ngayon ang kalikasan
Tila nagpupuyos ang
damdamin niyang sinasaktan
Pagkat ang mundo nyang
paraiso ay ating niyuyurakan
Dahil lang sa ating mga
pansariling kahungkagan
Kaya ito ang tamang panahon
upang tao ay magbago na
Bigyang halaga ang likha ng
may lalang sa kanya
Huwag na nating hintayin ngit
ngit at galit nya
Sa pagdating ng araw na
tayoy singilin nya

You might also like