You are on page 1of 9

Asin Lyrics

Track "Asin"

on Bandsintown

"Masdan Mo Ang Kapaligiran"

Wala ka bang napapansin

Sa iyong mga kapaligiran

Kay dumi na ng hangin

Pati na ang mga ilog natin

Hindi nga masama ang pag-unlad

At malayu-layo na rin ang ating narating

Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat

Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim

Ang mga duming ating ikinalat sa hangin

Sa langit, 'wag na nating paabutin

Upang kung tayo'y pumanaw man

Sariwang hangin, sa langit natin matitikman

Mayro'n lang akong hinihiling

Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan

Gitara ko ay aking dadalhin

Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

Ang mga batang ngayon lang isinilang


May hangin pa kayang matitikman

May mga puno pa kaya silang aakyatin

May mga ilog pa kayang lalanguyan

Bakit 'di natin pag-isipan

Ang nangyayari sa ating kapaligaran

Hindi nga masama ang pag-unlad

Kung hindi nakakasira ng kalikasan

Darating ang panahon, mga ibong gala

Ay wala nang madadapuan

Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag

Ngayon'y namamatay dahil sa ating kalokohan

Lahat ng bagay na narito sa lupa

Biyayang galing sa Diyos kahit no'ng ika'y wala pa

Ingatan natin at 'wag nang sirain pa

'Pagkat 'pag Kanyang binawi, tayo'y mawawala na

Mayro'n lang akong hinihiling

Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan

Gitara ko ay aking dadalhin

Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

Ang lahat ng bagay sa lupa ay biyaya ng diyos sa atin, na dapat natin ingatan ito ay ibinigay sa atin ng
diyos upang mapakinabangan ngunit wag nating abusuhin. Kung ating pagmamasdan ang kapaligiran,
tulad ng dagat, ilog, kabundukan, kagubatan at kapatagan ating makikita ang kasiraan na idinulot ng labis
at hindi wastong paggamit ng tao sa ating likas na yaman. Ang kagandahan ng kalikasan ay dapat natin
panatilihin at paabutin sa mga susunod na henerasyon. Tayo'y binigyan ng diyos ng karapatan sa likas na
yaman, ito'y ating ingatan.

Masdan mo ang Kapaligiran"

Lyrics and music : Saro Banares jr. / Lolita Carbon

Performed by : ASIN

From the album : Masdan mo ang Kapaligiran

Sumikat noong 2007

"Bayan Ko"

Ang bayan kong Pilipinas

Lupain ng ginto't bulaklak

Pag-ibig na sa kanyang palad

Nag-alay ng ganda't dilag

At sa kanyang yumi at ganda

Dayuhan ay nahalina

Bayan ko, binihag ka

Nasadlak sa dusa

Ibon mang may layang lumipad

Kulungin mo at umiiyak

Bayan pa kayang sakdal-dilag

Ang 'di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya


Pugad ng luha at dalita

Aking adhika

Makita kang sakdal laya

Ibon mang may layang lumipad

Kulungin mo at umiiyak

Bayan pa kayang sakdal-dilag

Ang 'di magnasang makaalpas

Pitong Gatang Lyrics

Pitong Gatang

OPM Back to Back Hits of Yoyoy Villame & Fred Panopio

NA

Pitong Gatang Song Lyrics

Yodelehihoo... 2x

Dito sa Pitong Gatang, sa tabi ng Umbuyan

May mga kasaysayan akong nalalaman

Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang

Yo de le hi ho, walang labis, walang kulang

May isang munting tindahan sa bukana ng Umbuyan


At sa kanto ng kalye Pitong Gatang

Dito ay nag-uumpukan ang ilang pilyong istambay

Na walang hanapbuhay kundi ganyan

Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang

Yo de le hi ho, walang labis, walang kulang

Ngunit bakit mayroong tao na katulad kong tsismoso

At sa buhay ng kapwa'y usisero

Kung pikon ang iyong ugali at hindi pasensiyoso

Malamang oras-oras basag-ulo

Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang

Yo de le hi ho, walang labis, walang kulang

Yodelehihoo... 2x

Imposible ang maglihim, kung ikaw ay mayroong secret

Sa Pitong Gatang lahat naririnig

At kung ibig mong mabuhay nang tahimik na tahimik

Mag-patay-patayan ka bawat saglit

Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang Yo de le hi ho, walang labis, walang kulang

Itong aking inaawit, ang tamaa'y huwag magalit

Ito naman ay bunga lang n'yaring isip


Ang Pitong Gatang kailanman ay di ko maiwawaglit

Tagarito ang aking iniibig

Yodelehihoo...

Yodelehi, yodelehi, oh ho yodel

"Anak"

Noong isilang ka sa mundong ito

Laking tuwa ng magulang mo

At ang kamay nila ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo'y

Di malaman ang gagawin

Minamasdan pati pagtulog mo

At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay

Sa pagtimpla ng gatas mo

At sa umaga nama'y kalong ka

Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo

Ngayon nga ay malaki ka na

Nais mo'y maging malaya

Di man sila payag

Walang magagawa

Ikaw nga ay biglang nagbago

Naging matigas ang iyong ulo


At ang payo nila'y sinuway mo

Di mo man lang inisip na

Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo

Pagkat ang nais mo'y

Masunod ang layaw mo

Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw

At ang landas mo'y naligaw

Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan

Ang iyong inang lumuluha

At ang tanong,"anak, ba't ka nagkaganyan"

At ang iyong mga mata'y biglang lumuha ng di mo napapansin

Nagsisisi at sa isip mo'y

Nalaman mong ika'y nagkamali

Nagsisisi at sa isip mo'y

Nalaman mong ika'y nagkamali

Nagsisisi at sa isip mo'y

Nalaman mong ika'y nagkamali...

Home » Artists » Coritha » Sierra Madre


Sierra Madre lyrics

Album: siera madre

Track "Coritha"

on Bandsintown

Nakatanggap ako ng sulat mula sa amin

Nakalarawan doon ang maraming kong alaala

At bigla akong lumuha dahil ako'y sabik na

Sa lalawigan kong minumutya

Naghihintay pa rin ang irog ko doon sa amin

Mga magulang nama'y nag-aalala sa akin

O, masilayan ko man lamang bundok, parang at batis

Gumagaan ang hirap ko at pasakit

Chorus:

Awitin ko, awitin ko'y makauwi na

Sa duyan ng aking kamusmusan

Sa piling mo, o, Sierra Madre

Kandungan mo'y laging hinahanap

Ano kaya ang gagawin ko ngayong wala nang

Natitirang pag-asa sa aking mga pangarap

Kaya't kung mayro'n mang nakikinig sa aking damdamin

Ay dalhin mo na ang awit ko sa amin


Chorus:

Awitin ko, awitin ko'y makauwi na

Sa duyan ng aking kamusmusan

Sa piling mo, o, Sierra Madre

Kandungan mo'y laging hinahanap

Coda:

Kandungan mo'y laging hinahanap [2x]

You might also like