You are on page 1of 14

1.

Isang Punungkahoy
Tula ni Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


Ako’y tila isang nakadipang kurus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang ang paa ng Diyos.
Organo sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay
Magdamag na tanod sa aking libingan.
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
At saka ang buwang tila nagdarasal,
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,
Ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,
Batis sa paa ko’y may luha nang daloy.
Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw.
Naging kurus ako ng pagsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha!
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga
Ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa.
At iyong isiping nang nagdaang araw,
Isang kahoy akong malago’t malabay.
Ngayon, ang sanga ko’y kurus sa libingan,
Dahon ko’y ginawang korona sa hukay!

Tugma, at may tig dadalawa, tatlo, apat, at limang pag papantig

1. Kung tatanawin mo sa malayong pook, akoy tila isang nakadipang kurus.


2. habang ang kandila ng sariling buhay, magdamag na tanod sa aking libingan.
3. sa aking paanan ay may isang batis, maghapo't magdamag na nag tutumagis.
4. sa mga sanga ko ay nangakasabit,Ang pugad ng mga ibon ng pag ibig.
5. sa kinislap kislap ng batis na iyan,Asa mo ri'y ng agos ng luhang nanunukal.

Ang tulang pinamagatang " isang punong kahoy" ay batid nitong ipahayag kung ano ang itong sinapit sa
kabila ng kaniyang kagandahan at mga magagandang kaniyang hinahandog, ito pari'y unti unting sinisira
at pinapatay at sa pagkawala nito'y may hindi kaaya ayang maidudulot nito sa mga tao at ito ang ating
nararanasan sa kapanahonan ngayon bagyo at pag guho ng lupa and kadalasan nitong sanhi at labis
nating napagtanto kung gaano kasama ang epekto nito saatin.

2.Ulap
Tula ni Jose Corazon de Jesus

Dati akong panyo ng mahal na birhen


Na isinalalay sa pakpak ng anghel;
Maputi, malinis, maganda, maningning,
Ang lahat sa langit, nainggit sa akin.

At ako’y ginamit sa kung saan-saan,


Pamunas ng noo ni Bathalang mahal;
Kung gabi’y kulambo’t kung araw’y kanlungan,
Lalong pampaganda sa bukang-liwayway.

Kung umaga ako’y ginto sa liwanag,


Karong sinasakyan ng Araw sa sinag;
At kung gabi namang tahimik ang lahat,
Dahilan sa Buwan, nagkukulay pilak.

Dati akong puti, busilak ang ganda,


Sa Dios pamunas sa tuwi-tuwi na;
Sa Birhen ay panyong pamahid sa dusa,
At sa mga tala ay kulambo nila.

Dahilan sa ganyang dami kong gawain,


Ako ay dumumi, lumungkot, umitim,
At ang katawan kong ibig kong basain,
Kapag lumitaw na, ulan ay darating.

At ngayon sa aki’y sawa na ang lahat,


Di na nagunita ang lahat kong hirap,
Dios ang may sabi: Ang aking pamunas
Nang marumihan na’y tinawag kong ulap.
Tugma, at may dalawa at tatlong pagpapantig.

1. Dati akong panyo ng mahal na birhen na isinalang sa Pakpak ng anghel.


2. Kung umaga ako’y ginto sa liwanag,Karong sinasakyan ng Araw sa sinag;
3. kung gabi namang tahimik ang lahat,Dahilan sa Buwan, nagkukulay pilak.
4. Kung gabi’y kulambo’t kung araw’y kanlungan,Lalong pampaganda sa bukang-liwayway.
5. Sa Dios pamunas sa tuwi-tuwi na;

Sa tulang ito sinasabi na kung gaano kalinis ang ulap kusang nagpapaulan ngunit dahil sa pabreka, at
maalikbok usok ay nasisira ang ulap. Bumabagyo at nagsilbing taga linis ng dumi ng kapaligiran ng tao.

3.Gubat
Tula ni Moises Santiago

Malawak na dibdib
ng sangkalikasan
may pusong maliblib
ng kahiwagaan;
madawag sa tinik
ng kasiphayuan;
mababa, matarik
ang mga halaman;
may mahalumigmig
na himig ng buhay.
May sapa at batis
na umaaliw-iw
sa kristal na tubig
ang buntong-hinaing;
sarisaring tinig
ng galak at lagim;
may lamig at init
ng dusa at aliw.

Anupa’t kinapal
na napakalawak
ang kahiwagaang
hindi madalumat;
sa sangkatauhan
ay guhit ng palad
ng bawat nilalang
ang nakakatulad;
ganda’t kapangitan
ang buhay sa gubat.

Tuluyan, at may dalawa at limang pagpapantig

1. Malawak na dibdib ng sangkalikasan.


2. May pusong maliblibng kahiwagaan.
3. May sapa at batisna umaaliw-iwsa kristal na tubig
4. Sarisaring tinigng galak at lagim.
5. Anupa’t kinapalna napakalawak ang kahiwagaang hindi madalumat.

Sa tulang ito sinasabi ang kagandahan ng gubat at ang makikita rito. Iba’t ibang naririnig dito na kung
saan sa gubat mo lamang maririnig. Ang anyong tubig rito na nakakaakit sa mata na malinis tignan.
Maaaring may kagandahan at kapangitan ngunit may pakinabang.

4.Sa Paglubog ng Araw


Tula ni Jose M. Villena

Nagbabagang bolang ginto’y gumugulong sa kanluran,


Dahan-dahan kung ibuyog sa maulap na hantungan;
Ang katalik na maghapon ay aayaw na paiwan,
Nakabuntot sa pag-isod mula roon sa silangan.

Kadilimang naghuhunab sa mababang panginori’y


Pasalunong sumusunson sa luhaang takipsilim;
Ang daluyong ay pataghoy kung humalik sa pampangin,
Habang doon sa tumana’y dumadalit yaong hangin.

Ang akasya sa libingan ay nagtuping mga dahon


At ang hayop na nagligaw sa pastula’y nagsiyaon;
Alaala’y tiklop-tuhod sa bisitang nasa nayon,
Samantalang ang dupikal sa simboryo’y lumulungoy.

O kaylungkot na tanawing iginuhit ng tadhana…


O kaygandang panimdiming napupuntos ng hiwaga;
Sa masining na damdami’y likhang-guro ni Bathala…
Talinhaga’t salamisim sa daigdig ng Makata!

Tugma, at may dalawa, tatlo at apat na pagpapantig.


1. Nagbabagang bolang ginto’y gumugulong sa kanluran.
2. Ang katalik na maghapon ay aayaw na paiwan.
3. Pasalunong sumusunson sa luhaang takipsilim.
4. Alaala’y tiklop-tuhod sa bisitang nasa nayon.
5. kaygandang panimdiming napupuntos ng hiwaga.

Sa tulang ito sinasabi ang direksyon ng araw simula sa paglitaw at sa paglubog nito. Kung saan naiiba ang
sinag ng araw sa umaga maningning at sa tanghali ay nakakasilaw at tuluyang nawawala ito sa pagdating
ng gabi.

5.Lupa
Tula ni Manuel Principe Bautista

Lupa, narito ang lupa!


ikaw ay dumakot sa nakalahad mong palad
na makapal ay iyong timbangin at madarama
mo ang buong sinukob. diyan nakatanim ang
ugat ng buhay; umusbong sa patak ng masinsing
ulan. batis ay dumaloy na tulad ng ahas
na pakiwang-kiwang sa paa ng bundok. ang
halik ng araw sa dapit-umaga: naiiwang
sanlang hiyas na makinang na nakasisilaw
sa maraming mata ang magandang tampok.
nag-iwan ng sugat ang maraming daan.
dunong ay nanaig, nabuksan ang dibdib,
gaputok mang daing ay di mo naringgan.
ang pasalubong pa’y malugod na bating —
“tuloy, kabihasnan!”

Lupa, narito ang lupa!


ang buhay mong hiram ay diyan nagmulang
bigay-bawi lamang. sa mayamang dibdib:
diyan napahasik ang punla ng buhay na
kusang susupling sa pitak ng iyong hirap
at paggawa. katawang-lupa ka. narito
ang lupang karugtong ng iyong buhay at
pag-asa. dibdib. puso. bait. ang katauhan
mo’y lupa ang nagbigay. ang kasiyahan mo,
tamis ng pag-ibig at kadakilaan.
sapagka’t lupa ka, katawang-lupa ka —
ganito ring lupa. diyan ang wakas
mong galing —
sa simula!
Tuluyan, at dalawa, tatlo, at apat na pagpapantig

1. Umusbong sa patak ng masinsing ulan.


2. Ang halik ng araw sa dapit-umaga.
3. Batis ay dumaloy na tulad ng ahas na pakiwang-kiwang sa paa ng bundok.
4. katawang-lupa ka.
5. Sanlang hiyas na makinang na nakasisilaw sa maraming mata ang magandang tampok.

Sa tulang ito sinasabi na ang tao ay nagmula sa lupa. Na an gating buhay ay hiram lamang dahil pag-aari
ito ni Bathalang may kapal. Ang lupa ay karugtong ng buhay ng tao dahil ditto nakukuha ang
pangangailangan ng isang tao.

6.Kalikasan – Saan Ka Patungo?


Tula ni Avon Adarna

Nakita ng buwan itong pagkasira,


Mundo’t kalisakasan ngayo’y giba-giba,
Ang puno – putol na, nagbuwal at lanta,
Ang tubig – marumi, lutang ang basura.

Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan,


Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam,
At nakipagluhaan sa poong Maylalang,
Pagkat ang tao rin ang may kasalanan.

Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon,


Nasira ng usok na naglilimayon,
Malaking pabrika ng goma at gulong,
Sanhi na ginawa ng pagkakataon!

Ang dagat at lawa na nilalanguyan


Ng isda at pusit ay wala nang laman,
Namatay sa lason saka naglutangan,
Basurang maburak ang siyang dahilan!

Ang lupang mataba na bukid-sabana,


Saan ba napunta, nangaglayag na ba?
Ah hindi… naroon… mga mall na pala,
Ng ganid na tao sa yaman at pera.

Mga sapa at ilog sa Kamaynilaan,


Ginawa na ng tao na basurahan,
At kung dumating ang bagyo at ulan,
Hindi makakilos ang bahang punuan.

Ang tao rin itong lubos na dahilan,


Sa nasirang buti nitong kalikasan,
At darating bukas ang ganti ng buwan,
Uunat ang kamay ng Poong Lumalang!

Tugma, dalawa, tatlo, at apat na pagpapantig

1. Mundo’t kalisakasan ngayo’y giba-giba.


2. Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan,Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam.
3. Nasira ng usok na naglilimayon.
4. Basurang maburak ang siyang dahilan.
5. Hindi makakilos ang bahang punuan.
6.
Sa tulang ito sinasabi na ang kalikasan ay nasisira gawa ng tao dulot ng pagbabago at pag gigiba ng
kapaligiran na ikinamamatay ng mga tanawin ng kalupaan, katubigan, at kalangitan at tuluyang nasisira
dahil sa maling Gawain ng tao. Hindi iniingatan ngunit sinisira lamang binabaliwala na hangga’t sa ma
wala na sa paningin ng tao. Realidad ang nais ipahiwatig ng tulang ito masakit ngunit totoo. Unti unting
namamatay ang inang mundo.

7.Kalikasan
Ang tulang ito ay galing sa Filipino-tula.blogspot.com

Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman


Bahagi na ito ng aking kabataan.
Ito ang pundasyon nang ating kinabukasan.
Kaya’t pagsisikapan kong ito’y pagkainggatan.

Ang gubat sa bundok ay gubat ng yaman.


Pagkat sari-saring buhay dito matatagpuan.
Ang sinag ng araw ditto ay walang kasing kinang.
Ang himig ng hangin may dalang katahimikan.

Ang lambak ang aking hardin.


Punong-puno ito nang iba’t-ibang pananim.
Madaming bulaklak kahit saan tumingin.
Masustansyang pagkain ang kaniyang hain.

Ang hanging sariwa, naglilinis ng pang-unawa.


Libre lang langhapin, hindi nakakasawa.
May dalang himig sa musikero’t makata,
Na ang alay ay himig at tula.

Ang pagbabago ay hindi makakamtan,


Kung ang kalikasan ay mapababayaan.
Ito ang lakas ng isip at ng ating katawan.
Kapag nasira, tayo din ang mawawalan.

Tugma, at may dalawa, tatlo, apat, lima, at anim na pagpapantig

1. Ang hanging sariwa, naglilinis ng pang-unawa.


2. Ang lambak ang aking hardin.
3. Ang himig ng hangin may dalang katahimikan.
4. Ang sinag ng araw ditto ay walang kasing kinang.
5. May dalang himig sa musikero’t makata, Na ang alay ay himig at tula.

Sa tulang ito sinasabi na ang kalikasan ay yaman ng tao. Kung ito ay sirain at pabayaan tayo din ang
mawawalan. Dahil kailangan natin ito upang matugunan ang pang-araw araw na pangangailangan upang
mabuhay ng masagana at tahimik.

8.Puno at Ikaw
Tula ni Jasonhamster mula sa jasonhamster.wordpress.com

I
Nakalimutan mo na bang ako’y iyong itinanim
Nang minsan ikaw ay walang makain?
Kay tagal mong nag-intay ikaw man ay nainip
Panahon na lumipas ako’y di mo man lang sinilip.
II
Ako ay mag-isang lumalaki na ayon sa kapalaran,
Ikaw ay nainip, bumaling sa ibang halaman.
Hindi ko kaagad naihandog sayo ang aking prutas
Ikaw ay nagtampo, sa ibang puno ka namitas.
III
Marami kami ngayon na naglipana sa gubat,
Tignan mo muna ang hawak mong patpat.
Sa akin ba galing yang hawak mo?
O napapaisip lang ako ng todo-todo.
IV
Ang sa akin lang naman munting kaibigan
Maaari sana’y mga kababayan mo ay pagsabihan.
Putulin man nila kami ng walang habas
Palitan naman ng bagong punlang pupungas-pungas.
V
Inalagaan ka ng iyong inay tama ba ako?
Sana’y madama mo na ganoon din ang nais ko.
Mumunti ako noon sa iyong paningin,
Sa paglipas ng panahon ako’y iyong titingalain.

Tugma, at may isa, dalawa, tatlo, apat, limang pagpapantig pantig

Ako ay mag-isang lumalaki na ayon sa kapalaran.


Ikaw ay nainip, bumaling sa ibang halaman.
Marami kami ngayon na naglipana sa gubat.
Putulin man nila kami ng walang habas.
Palitan naman ng bagong punlang pupungas-pungas.

Sa tulang ito sinasabi na ang nararamdaman ng puno kung paano siya binabaliwala na siya ay kailangan
din ng tao. Nasa gubat man sila pero walang silbi kahit may bunga, pinuputol lamang panggamit sa
bawat kailangan ng tao ngunit nawawalan ng kahalagaan ang prutas na bunga nito. Dapat din natin
pagbigyang pansin ang yaman ng gubat dahil ang gubay ang yaman ng bundok at pinagmumulan ng
malaking supply na kailangan ng tao.

9.Tubig, Tubig, Tubig


Tula ni Jasonhamster mula sa jasonhamster.wordpress.com
I
Ako’y tumungo sa banyo at nagbukas ng gripo,
Laking gulat ko sa aking harapa’y may kung ano!
Maitim, marumi at mabaho ang sumorpresa
Gripong aking hawak ay agad-agarang isinara.
II
O Diyos ko, ano ba ang nangyayaring ito!
Saan man ako magtungo ang nakikita ko’y pare-pareho.
Sa kusina, sa kapitbahay, maging sa mga gusali.
Maruming tubig ay umaagos at tila nawiwili.
III
Ako’y hindi nawalan ng pag-asa sa aking nakita
Dalian akong dumako sa may ilog at sapa.
Ikinalambot ng aking puso at tuhod ang aking nadatnan.
Mga anyong tubig natin ay ginagawang basurahan.
IV
Nagtatakbo ako sa mga taong mga basura’y kinakalap,
Ngunit mga tao’y bingi-bingihan sa aking pakiusap.
Ako’y hinawi na parang laruan at tumilapon,
Nalaglag sa itim na tubig at hindi makaahon.
V
O Diyos ko, paano na ang tubig na walang kalinisan?
Pakiusap, mga taong iyon ay inyo pong tulungan…
Laking gulat ko ng ako’y magising sa higaan,
Huwag sanang maganap ang aking napanaginipan.

Tugma, at may tig dadalawa, tatlo, apat, at limangpag papantig

1. O diyos ko, ano ba ang nanguayaring ito!


2.maruming tubig ay umaagos at tila nawiwili.
3.ako'y hinawi na parang laruan at tumilapon.
4.o diyos ko, paano na ang tubig na walang kalinisan?
5. Ikinalambot ng aking puso at tuhod ang aking nadatnan.

Ang tulang ito'y nag sasabi kung gaano ang apekto ng pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig. Na
kung saan ito'y nagiging madumi, maitim at mabaho sa kadahilanan ng mga basurang naitatapon dito at
may masamang epekto ito sa mga tao lalo na yung mga tao na sa mga ilog o dagat komokoha ng tubig sa
pang araw araw.

10.Trahedya
Ang tulang ito ay mula sa panitikanatbp.wordpress.com

1.
Literal na paliligo sa dagat ng basura
Pagkaanod ng sariling bangkay
Sa rumaragasang ilog, bukal at sapa.

Ang tubig na noo’y bumubuhay


Sumisingasing, bumubugso, pumapatay
Uli-uling lumalamon sa sangkatauhan!
2.
Lupang pinagmulan ng lahi ni Adam
Lupang kayumangging biyaya ng buhay
Lupang paglilibingan ng lupang katawan.

Alog ng daigdig, badya ng trahedya


Bitak na animo’y bungangang nagnganga
Matibay na muog ay panlaman sa sikmura.
3.
Araw na siyang liwanag sa umaga
Araw ding sumusupok sa gubat at lupa
Patalim na balaraw sa bawat hininga.

Hanging hininga ni Inang Kalikasan


Hanging kailangan ng tao para mabuhay
Hangin ding lasong sa’yo ay papatay!
4.
Ano itong nangyayari sa daigdigan?
Sino ang sisihin sa bangis ng Kalikasan?
Ano nga ba ang trahedyang tunay:

Pagkabog ng lupa’t pagkatuyo ng dagat


Alulong ng hangi’t pagkaagnas ng gubat—
O kasakiman ng taong ugat ng lahat?

Tugma, at may tig dadalawa, tatlo, apat, at limangpag papantig

1. Literal na paliligo sa dagat ng basura.


2.ang tubig na noo'y bunubuhay, sumisigasing, bumobogso.
3.bitak ng animo'y bungangang nagnganga.
4.patalim na balaraw sa tuwing humihinga.
5.hanging hinihinga ni inang kalikasan.

Ang tulang ito'y nais ipahiwatig na ang daigdigang ito'y dating bumibigay ng buhay sa mga tao ay naging
ito ang sanhin ng pag kitil ng buhay ng mga tao sa kadahilanan din ng mga taong sinisira ang kalikasan na
bumigay ng buhay mula pa nong panahon ni adam subalit sa kapanahonan ngayon na ang kalikasan na
nag bubuga ng magandang hangin ay unti unting nagiiba ang binobuga at nagiging masama na ang
epekto sa mga tao.

11.Pag-ahon
Ang tulang ito ay mula sa panitikanatbp.wordpress.com

Anong lakas mayroon ka, o Pinay/Pinoy?


Sa anumang hagupit ng buhay:
Hirap man o gutom, baha man o lindol
Epidemya man o pagguho ng burol—
Sa iyong pagkakalugmok agad kang bumabangon?

Anong anting-anting, pangontra’t orasyon


Ang mayroon ka, o lahing kung tawagin ay Pinoy?
Sa halip na magmukmok, buong buhay magbaoy—
Bukas ay ngingiti, bukas ay babangon
Kahit pa ang luha sa ngayo’y bumabalong?

Marahil ay marunong ka lamang magdala


Ng sanglaksang problemang nagsisilang ng problema;
Marahil, sa haba ng panahon na binayo ka ng trahedya’y
Nasanay na ang katawan, puso mo’t kaluluwa
Kaya ang laging sabi sa sarili’y “May bukas pa!í”

Pero higit kayang maganda, higit kayang mainam


Na sa bawat pag-ahon sa mga bitak ng buhay
At bawat pagtayo sa iyong pagkakaratay
Itimo nang malalim sa puso’t isipan
Ang aral ng nagdaang mga kasaysayan—
Upang sa iyong pagbangon sa pagkakalugmok, pagkakahimlay
Ay hindi na parapara pang muling mabubuwal?

Tugma, at may tig dadalawa, tatlo, apat, at limangpag papantig

1. And mayroon ka, o lahing tawagin ay pinoy?

2.bukas ay ngigiti.

3. Sa bawat pag ahon sa mga bitak ng buhay.

4. Kahir pa ang luha sa ngayo'y bumabalong.

5.sanglaksang problemang nag sisilang ng problima.

Ang tulang ito ay naglalaman ng isang inspirasyon sa mga taong nasasalanta ng trahidya na sa bawat pag
lubog ay may pag ahon at sa pag ahong iyon ay may bagong buhay na matatamasa.

12.“Na-Ondoy, Na-Pepeng”
Ang tulang ito ay mula sa panitikanatbp.wordpress.com

Bugtung-bugtong, anak ng pungapong


Aral ni Tandang Pepeng at Ondoy
Pakinggan, pakinggan, mga Ineng at Utoy
Upang tumalino sa susunod na panahon:

Unang aral na dapat matutunan


Hindi dapat ginagahasa si Inang Kalikasan
Sapagkat kapag nagbuntis ang sinapupunan
Hindi biyaya ang supling kundi kamatayan!

Ikalawang aral na dapat tumimo


Sa kukute natin at ating pangkuro:
Upang sa trahedya tayo’y malayo
Kahandaan lamang ang sagot katoto.

Ikatlong bertud ni Ondoy at Pepeng


Isang anting-anting walang mintis ang galing:
Matutong magsuri sa paligid natin
Upang makita ang tanda ng lagim:

Bitak sa lupa, mga guhit sa dingding


Kalbong gubat, banging malalim
Ilog na rumaragasa, dam na umaangil
Sirenang panawag sa paglikas natin.

Ikaapat na aral ni Ondoy at ni Pepeng


Na dapat na dapat, isabuhay natin:
Ating tutulang mahigpit at matining
Ang proyektong lalaspag sa kalikasan natin!

Huwag pabayaang magmina nang magmina


Huwag pabayaang gubat ay ipagahasa
Ipagtanggol ang tubig, hangin, at isla
Laban sa mapandambong na kapitalista!

Huling tagubilin nina Ondoy at Pepeng


Sa lahing Pilipinong piniste mandin:
Huwag pabayaang maghari ang sakim
Ugat ng demonyo’y putulin mandin!

Tugma, at may tig dadalawa, tatlo, apat, at limangpag papantig

1.hindi dapat ginagahasa si inang kalikasan.

2.hindi biyaya ang supling kundi kamatayan.

3.kalbong gubat

4.anak ng pungapong
5. Dam na umaanggil.

Ang tulang ito'y nag sasabi na dapat nang matoto sa mga nagdaan mga trahidya, na dapat mapag isipan
ang mga kadahilanan kung bakit nangyari ang mga di kaaya ayang mga sakona na sumira at kumitil ng
maraming buhay at ito dapat ay mag selbing aral sa mga tao.

13.Paglalanggas
Ang tulang ito ay mula sa panitikanatbp.wordpress.com

Sugat sa puso ni Inang Daigdig


Na dulot nang labis na pagkaganid
Mawawala lamang ang naknak at sakit
Kung lalanggasin ng pagkalinga’t pag-ibig.

Bawat pagmamalabis, bunga ay kakulangan;


Bawat pagkukulang, ariing kasalanan;
Walang hustisyang iginawad, nang walang babayaran
Walang buhay na inutang, na buhay din ang kabayaran!

Kaya ang paglalangas, sa puso ni Ina


Ay hindi bukas, o kaya sa makalawa
Ikaw na matalino, nagsasabing pantas ka—
Dapat mong mapagkuro ang panaho’y ngayon na!

Tugma, at may tig dadalawa, tatlo, apat, at limang pag papantigS


1.sugat sa puso ni inang daigdig.
2.bawat pagmamalabis, bungay kakulangan.
3.walang hustisyang iginawad, nang walang kabayaran.
4.walang buhay na inutang, na buhay rin ang kabayaran.
5.kaya ang paglalangas, sa puso ni ina.

Ang tulang ito'y nagsasabi kung gaano nasasaktan ang kalikasan sa kadahilanan ng mga kagagawan ng
mga tao, ito'y maaring maibalik kung maibabalik natin ang pagaalaga at pagmamahal natin sa kalikasan
at ito'y uusbong ulit kung ang mga tao na mismo ang gumawa ng paraan.

You might also like