You are on page 1of 20

ANG PILIPINO AY TAYO

Pagmasdan ang bahaghari


Supling ng araw at ulan
Kulay niya ay sari-sari
Mga bahagi ng isang kabuoan
Tulad nito ang Pilipino
Iba't-iba ang kalinangan
Lahi, tribo, pulo at probinsya
Bahagi lamang ng isang bayan
Ang Pilipino ay tayo
Ang Pilipino ay tayo
Pinagisa ng kasaysayan
Ang Pilipino ay tayo
Ang Pilipino ay tayo
Narito ang ating lakas
Sa pagkakaiba-iba
Tahakin ang ating landas
Sa pagkakaisa
Ang Pilipino ay tayo
Ang Pilipino ay tayo
Ang Pilipino ay tayo
Ang Pilipino ay tayo

MGA NINUNO
Mga ninuno sa kagubatan
Gabayan ang inyong angkan
Nanlilito at Nanliligaw sa kung saan saan
Naghahanap ng kalayaan
Ligaya at kapayapaan

Ilang laksang tagaraw na ang nakaraan


Ang mga puno ay binuwal
Ilog at dagat ay sinakmal
Ngunit wala rooroorooroong ang kasagutan

Ang Inang Lupa ay hinukay


Ginto at pilak hinalukay
Ngunit wala rooroorooroong ang kasagutan
Mga Ninuno sa kagubatan
Gabayan ang inyong angkan
Nanlilito at Nanliligaw sa kung saan saan
Naghahanap ng kalayaan
Ligaya at kapayapaan
Ilang laksang tagaraw na ang nakaraan
Ang kabilugan ng buwan
Lipahang tinungtungan
Ngunit wala rooroorooroong ang kasagutan
Mga sandata'y pinalaksan

Nagdalubhasa sa digmaan
Ngunit wala rooroorooroong ang kasagutan
Magkapatid ang nagkaawayaway
Pulang dugo ang nasa kamay
Ngunit wala rooroorooroong ang kasagutan
Mga Ninuno sa kagubatan
Gabayan ang inyong angkan
Nanlilito at Nanliligaw sa kung saan saan
Ang kalipasa'y sinasamsam
Kalwaka'y kinakamtan
Ang kapwa tao'y itinakwil
Ngunit wala rooroorooroong ang kasagutan
Ngunit wala rooroorooroong ang kasagutan

Mga angkahan pinaunlad


Ang karunungan bumukadkad
Ngunit wala rooroorooroong ang kasagutan

KARANIWANG TAO
Kayod-kabayo, 'yan ang alam
Karaniwang hanap-buhay
Karaniwan ang problema
Pagkain, damit at tirahan
'Di ko kabisado 'yang siyensiya
Ako'y nalilito sa maraming salita
Alam ko lang na itong planeta'y
Walang kapalit at dapat ingatan
Kapag nasira, sino ang kawawa
CHORUS
Karaniwang tao, saan ka tatakbo
Kapag nawasak iisang mundo

Karaniwang tao, anong magagawa


Upang bantayan ang kalikasan
Karaniwang bagay ay 'di pansin
Kapag naipon ay nagiging suliranin
Kaunting basura ngayo'y bundok
Kotseng sira ay umuusok
Sabong panlaba'y pumapatay sa ilog
May lason na galing sa industriya
Ibinubuga ng mga pabrika
Ngunit 'di lamang higante
Ang nagkakalat ng dumi
May kinalaman din ang tulad natin
[Repeat CHORUS twice]
Karaniwang tao [4x]
[Repeat CHORUS]
Karaniwang tao
[Repeat till fade]

MAGKAUGNAY
Lupa, laot, langit ay magkaugnay
Hayop, halaman, tao ay magkaugnay
CHORUS
Ang lahat ng bagay ay magkaugnay
Magkaugnay ang lahat
Tayo ay nakasakay sa mundong naglalakbay
Sa gitna ng kalawakan
Umiikot sa bituin na nagbibigay-buhay
Sa halaman, sa hayop at sa atin
[Repeat CHORUS]
Iisang pinagmulan
Iisang hantungan ng ating lahi
Kamag-anak at katribo ang lahat ng narito
Sa lupa, sa laot at sa langit
[Repeat CHORUS]
[Repeat 1st stanza]
[Repeat CHORUS]

MAGKABILAAN
Ang katotohanan ay may dalawang mukha
Ang tama sayo ay mali sa tingin ng iba
May puti, may itim, liwanag at dilim
May pumapaibabaw at may sumasailalim
Ang tubig ay sa apoy, ang lupa ay sa langit
Ang araw ay sa gabi, ang lamig naman ay sa init
Kapag nawala ang isa ang isay di mababatid
Ang malakas at ang mahinay magkapatid
Magkabilaan ang mundo
Ang hirap ng marami ay sagana ng ilan
Ang nagpapakain, walang laman ang tiyan
Ang nagpapanday ng gusali at lansangan
Maputik ang daan tungo sa dampag tahanan
May mga haring walang kapangyarihan
Mayroon ding alipin na masmalaya pa sa karamihan
May mga sundalo na sarili ang kalaban
At may pinapaslang na nabubuhay ng walang hanggan
Magkabilaan ang mundo
May kaliwat may kanan sa ating lipunan
Patuloy ang pagtutunggali patuloy ang paglalaban
Pumanig ka, pumanig ka, huwag ng ipagpaliban pa
Ang di makapagpasiya ay naiipit sa gitna
Bulok na ang haligi ng ating lipunan
Matibay ang pananalig na itoy palitan
Suriin mong mabuti and iyong paninindigan

Pagkat magkabilaan ang mundo


Magkabilaan ang mundo

AGILA
Nais kung lumipad tulad ng agila
At lumutanglutang sa hangin
Magkaroon ng pugad sa puso ng kagubatan
Ngunit ito ay panaginip lang at maaring di matupad
'Pagkat ang kagubatan ay unti-unting nawawala
Mga puno nito'y nangingibang bayan
At 'pag walang puno wala na ring mapupugaran
Kapag ang agila'y walang pugad
Wala na siyang dahilang lumipad
Oh haring ibon, hari kung tunay
Nais kung tumulong ng kaharian mo'y muling mabuhay
Kung nais mong makakita ng agila
H'wag kang tumingala't tumitig sa langit
'Pagkat ang mga agila nitong ating bayan
Ang iba'y nabihag na
Ang natitira'y bihirang magpakita
Tiniklop na nila ang kanilang mga pakpak
Hinubad na nila ang kanilang mga plumahe
At sila'y nagsipagtago sa natitirang gubat
Ang lahi ba nila'y tuluyan ng mawawala
Oh haring ibon, hari kung tunay
Nais kung tumulong ng kaharian mo'y muling mabuhay (2X)
P

PANGANAY NG UMAGA
Ang panganay ng umagay
Sumilip sa bintana
Akoy dumilat at nagulat
Sa lawak ng mundo
Mga buron at kabundukan
Nakahanay sa abot-tanaw
Bughaw na langit at kapatagan
Magkasintahang nagtatagpo
Lawa , ilog, dagat
Lamig, tamis, alat
Ulan, agos, alon
Haplos sa pisingi ng panahon
Sanlibong ulap nagliliparan
Kasabay ng agila at lawin
Bulong ng simoy awit ng hangin
Sigaw ng buhawi
Akoy tao lamang
Taga-bigay ng pangalan
Taga-sukat, taga-bilang
Munting butil ng sanlibutan
Ang panganay ng umagay
Sumilip sa bintana
Akoy dumilat at nagulat
Sa lawak ng mundo

BASTA MAY SAGING


Basta may saging, loving
Sarap ng banana na saging
Hanap-hanap ay palaging saging
Sampiling ng matamis na saging
Basta may saging, loving
Basta may saging

I wanna eat banana


Gusto kong kainin siya
Lakatan, Latundan
Senyorita o Saba
Pinirito o nilaga
May asukal o gata
May busog, may lusog
Sarap ng baon ko
Kainin ng deretso
O ihalo sa pochero
Gawing banana chips
Turon, banana-cue
Lagyan ng tsokolate, o ihalo sa mani
May busog, may lusog
Sarap ng baon ko
Pag-kain ng artista
Mang-aawit, gitarista
Nars, Doctor
Titser at karatista
Estudyante, negosyante
Manggagawa at turista
May busog, may lusog
Sarap ng baon ko
Puno ng bitamina
Lakas at enerhiya
Pantakbo, panlukso
Pang-eskwela, pantrabaho
Sa bulsa ay magaan
Mabigat naman sa tiyan
May busog, may lusog
Sarap ng baon ko

AWIT NG MAGDARAGAT
Tinawid ng ninuno ko ang karagatan
Dumaong sa aplaya, nagtatag ng tahanan
Umibig at inibig at nabuhay ang angkan
Ng magdaragat
Dumaan ang panahon, at ngayon, heto ako
Tahanan ay aplaya tulad ng aking ninuno
Na-pukot ng pag-ibig, may pamilyat inapo
Ng magdaragat
Nakalulan -- sa paraw ng kasaysayan

Lumalayag -- sa agos ng panahon


Lumulutang -- sa kandungan ng alon
Ito ang buhay magdaragat
Buhay ay nababago ayon sa pangitain
Kay raming mga hamon at kay raming gagawin
Magpayabong ng buhay at siyang aanihin
Ng magdaragat
Magmasid, magbantay
Magpayabong ng buhay
Magmasid, magbantay
Magpayabong ng buhay
Ito ang buhay magdaragat

WAlA NANG TAO SA STA. FILOMENA

Anino niyay tumatawid sa nanunuyong


palayan
Tanging sagot sa sigaw niya ay
katahimikan
At kaluskos ng hangin sa dahon
Sang ikot pa, huling sulyap mula sa
ibabaw ng bayan
Mga kubong pinatatag ng lupa at kawayan
Paalam na, paalam na ang awit ng langaylangayan
Ngunit walang nakasaksi sa palayo niyang
lutang

Pagkat wala nang tao sa Sta. Filomena


Walang aani sa alay ng lupa
Nakayuko ang palay, tila bang nalulumbay
Tila bang naghihintay ng karit at ng kamay
Nahihinog ang bunga ng manggat bayabas
Pinipitas ng hangin at sa lupay
hinahampas
Sinisipsip ng araw ang tamis at katas
Iniiwan ang binhing umaasa
At pagdating ng tag-ulan sa pinaghasikan
Upang hugutin ang buhay mula sa
kamatayan
Muling dadaloy ang dugo sa ugat ng

parang
Subalit ang lahat na toy masasayang
Pagkat wala nang tao sa Sta. Filomena
Walang aani sa alay ng lupa
Ang palay ay nakayuko, tila bang
sumusuko
Naghahandog ng buhay sa karit at kamao

Lumilipad, sumisigaw ang langay-langayan


Nasaan ka at bakit ka nagtatago
taumbayan
Panahon na, panahon nang balikan ang
iniwan
Dinggin natin ang tangis ng abang langaylangayan
Dinggin natin ang tangis ng abang langaylangayan

PADAYON
Isang basong tubig galing sa poso
Inutang na kanin at malamig na ginamos
Kaunting asin sa plastik na platito
Busog na bay, pwde ng magtrabaho
Sa aking balikat ay papasanin
Tatlong-daang kilo ng asukal
Limangdaang sako ng denorado
Sanlibong kaha ng delata
Sampung tonelada ng arena
Kalawanging bubong, pader na may butas
Posteng pilay at sahig na paduyan-duyan
Ang aking palasyoy pagkatibay-tibay
Pero pwede na pre - tuloy ang hanapbuhay
Ngayon araw ay tatapusin ko
Isang subdibisyon, limampung hektarya
Tatlong dosenang mansion na magara
Higanteng gusaling likha sa semento
Kilo-kilometro ng kalsada
Oo, kay tamis ng buhay
Oo, kay daling umasenso
Hangarin koy makatikim nga kaunting hayahay

Subalit kailangan ipagpatuloy ang hanapbuhay


Pagkat walang ibang
Makagagawa nito
Paandarin ang makinarya
Bigyan ng buhay ang industriya
Patakbuhin ang ekonomiya
Padayunon ang pagpangita
Padayon

TUBIG
Ang tubig ay buhay
Ang tubig ay buhay
Mahilig maglaro
Hindi mapalagay
Umaagos dumadaloy
At patalon-talon
Maririnig ang tawa
Sa ilog at balon
Ang tubig ay buhay
Ang tubig ay buhay
Anyoy pabagobago
Hindi mapalagay
Hamog sa umaga
Singaw pag nainitan
Umaakyat sa langit
At nagiging ulan
Tubig, tubig, tubig, tubig
Inuming pag nauhaw
Higupin pag sabaw
Pasok sa katawan
Nagiging bahagi ng laman
Hulog ng langit
Kilig ng palayan
Yakap ng mundo
Yapos ng kalikasan
Tubig, tubig, tubig, tubig

TUNGO SA LIWANAG
Halina, halina tungo sa liwanag
Liwanag, halina tungo sa liwanag
Liwanagan sang ang mga naglalakbay
Tungo sa liwanag
Sa paglalakbay ilaw ang gabay
Sa paglalakbay, liwanag
Galing sa Inyo, tungo sa Inyo
Pagnanais ko patungo
Kahit nasa kadiliman
May liwanag sa daan
Laging nasa Inyong kandungan
Kahit na sa kadiliman
Galing sa Inyo, tungo sa Inyo
Nakikita ko ang Inyong Anyo
Dito sa Aking kalooban
Nakikita ko ang pagkilos Niyo
Dito sa kapaligiran
Kahit nasa kadiliman
May liwanag sa daan
Laging sa Inyong kandungan
Kahit nasa kadiliman
Galing sa Inyo, tungo sa Inyo

ISLA
Supling ng langit, supling ng dagat
Sa yakap ng lambat
Halik ng araw, halik ng tuso
Walang pagmamahal kay Isla, Isla
Mga damdamin, mga hangarin
Sa hangin at bula
Mga pangakong may katuparan
Madadaungan ba si Isla, Isla
Bukas, bukas kaya
O Isla, Isla
Hanggang saan ang dalampasigan
Hanggang saan kaya
Kung lalangoy ng tuloy-tuloyan
Duloy mararating ba ni Isla, isla
Buhangin sa pisngi ni Isla, Isla
Sabutil ng ngiti
Sa dapithapon, sa takipsilim
Mayroong madarama
Wisik ng dagat na kasing alat
Ng luha ng mata ni Isla, Isla
Katahimikan sa kailaliman ay sisirin
Kaunting kapayapaan
At kaligayahan ang hahanapin
Ibang aplaya, ibang pasigan
Ang nais marating ni Isla, Isla
Marating kaya ni Isla, Isla
(Mga hangarin niya, o Isla, Isla)

PUSONG BULALAKAW
Pusong bulalakaw gumuhit sa dilim
Sabay tayong kumapit walang kinikimkim
Liwanag mot liwanag koy biglang naging isa
Nang pusong bulalakaw ay nagpakita
Tahimik ang pagitan sa unang pagtatagpo

Di mabigkas ang laman ng puso


Damdamin mot damdamin koy biglang naliwanagan
Nang pusong bulalakaw ay namagitan
Tao ay tulad niyang punla sa langit
Punla sa kalawakan ng lupa
Sisibol, sisibol ba, binhing inihasik
Bituing itinanim ng bituin
Tayo ay katulad niyang punla ng langit
Punla sa kalawakan ng lupa
Sumibol, sumibol ka
Binhing inihasik
Bituing itinanim ng bituin
Pusong bulalakaw
Sa atiy nagbigkis
Tindi ng pagnanasa ay di matiis
Ang init mot and init koy
Humanap ng daan at pusong bulalakaw ay isinilang

WALANG HANGGANG PAALAM


Di ba tayoy narito

Papalapit pa rin ang puso

Upang maging malaya

Kahit na magkahiwalay

At upang palayain ang iba

Tayo ay magkasama

Akoy walang hinihiling

Sa magkabilang dulo ng mundo

Ikay tila ganoon din


Sadyay bigyang-laya ang isat-isa

Ang bawat simula ay


Siya ring katapusan

[chorus]

May patutunguhan ba

Ang pagibig natin ay

Ang ating pagsinta

Walang hanggang paalam

Sa biglang tingin

At habang magkalayo

Kitay walang kinabukasan

Subalit di-malupig ang pag-asa


[chorus]
[chorus]

Ang pagibig natin ay

Ang pagibig natin ay

Walang hanggang paalam

Walang hanggang paalam

At habang magkalayo

At habang magkalayo

Papalapit pa rin ang puso

Papalapit pa rin ang puso

Kahit na magkahiwalay

Kahit na magkahiwalay

Tayo ay magkasama

Tayo ay magkasama

Sa magkabilang dulo ng mundo

Sa magkabilang dulo ng mundo

Sa magkabilang dulo ng mundo

PISO
Ang tunay na paraiso
Ay wala naman sa piso
Ngunit bakit naman may mga taong
nagkakagulo dahil dito

Ngunit bakit naman may mga taong


nagkakagulo dahil dito

May nagbabangayan sa isang bayan


Mga takam sa kapangyarihan
Gusto nilang maghariharian
Para lang sa pangsariling pakinabang

Tahimik ang ilang naabutan


Ang iba nama'y nag-iingay pagka't may
kulang
Tinabunan ang katotohanan
Kaya't nagdusa ang walang kasalanan

Saan na ba papunta ang kinabukasan


Ng mga taong nalasing sa karangyaan
Kung hindi na liliwanag ang isipan
O kay pait ng kanilang huling hantungan
KORO:
Ang tunay na paraiso
Ay wala naman sa piso

(Ulitin muli ang KORO)

Meron bang naghihintay na kapalaran


Sa nahumaling na sa kayamanan
Ang salaping iyong iniingatan
Madadala mo ba sayo'ng libingan
Ang tunay na paraiso
Ay wala naman sa piso

Ngunit bakit naman may mga taong


nagkakagulo dahil dito

Wala, wala, wala


Ang paraiso'y wala sa piso

(Ulitin muli ang KORO ng tatlong beses)

Wala, wala, wala


Wala, wala, wala
Ang paraiso'y wala sa piso

KODA:
Wala, wala, wala

PAPEL
Ikaw ba'y may papel
Asan ang 'yong papel
Ano ang 'yong papel
Papel, papel, papel, papel
Magmula pagsilang, tayo ay pumapapel
Ang timbang at alay ini-record sa papel
Birthday at magulang sa papel masusulyap
Ito ang katibayan na tayo nga ay taong mapapel
Pagpasok sa eskwela, ang bitbit nati'y papel
Natutong magbasa at sumulat sa papel
Ilang taong tinahak ang papel na daanan
Patungong graduation na diplomang nakalukot na papel, papel
Paghanap ng trabaho, ang hanap ay papel
At ng matanggap abay kay bosing pumapel
Nang magtagumpay ay lumapad ang papel, papel
Tuwing kinsena at trenta may pasweldo na papel
Nagkaroon ng credit card, pautang na papel
At ng di nakabayad, ang papel ay nabasa
Kumayod, nagsumikap ng maayos at ng dumami ang papel
Nang may mapusuan, nag-I love you sa papel
Nang magkatuluyan, nagpirmahan sa papel

At nang magkapamilya ang papel nadagdagan


May lupa, bahay, tubig at kuryeteng babayaran ng papel
Pag wala kang papel, wala kang papel
Hindi ka makaporma, di ka makapapel
Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell
Pag wala kang papel, wala kang papel
Hindi ka makaporma, di ka makapapel
Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell, papel
Kapag nagkasakit, ang reseta ni dok ay sa (oh)
Pag naoospital ay kailangang lagdaan ang (oh)
Kung masasawi, pangalan ng patay ay nasa (oh)
Sige basahin mo kung sino ako sa libro na gawa sa (oh)
Tsike, pasaporte, lisensya (oh)
Rehistro, titulo, sedula (oh)
Resibo, selyo, balota (oh)
Pati tissue pamahid sa lungkot man o ligaya (oh)
Hindi maiwasang maalipin sa papel
Diwa mo't damdamin ay linawin sa papel
Kapag ang iyong hangarin ay sa papel tinapat
Ito ang susundin ng kaganapang uikot sa papel,
Papel, papel, papel
Ang nais makamtan ay i-drawing sa papel
Ang nais marating ay i-mapa sa papel
Ang mga hakbangin ay sa papel ihakbang, papel
Papel mo sa sarili, papel mo sa agham
Papel mo sa bayan at sa sanlibutan
Kung ikaw ay maligaw, papel ay balikan, papel
Pag wala kang papel, wala kang papel
Hindi ka makaporma, di ka makapapel
Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell, papel, papel ,hey
Kontrata sa gobyerno, negosyo (oh)
Pasado o bagsak man na grado (oh)
Lahat ng balita sa dyaryo (oh)
Lalo na ang mga pera mo sa bangko (oh)

IKAW NA MAY BARIL

Ikaw na may baril


Mabigat ang yong pasanin
Pagpisil mo ng gatilyo
Ilang buhay ang kikitilin
Ilang anak ang iiyak
O di kayay di maisisilang
Pagpisil mo ng gatilyo
Isip-isipin mo lang
Ang balang tingga
Ay walang mata
Kung saan ka nakaturo
Doon siya pupunta
Kaya ikaw na may baril
Tiyakin mo ang iyong layunin
Pagpisil mo ng gatilyo
Ano ang nais mong abutin
Ikaw bay tagapagligtas
O di kayay isa lamang mandarahas
Pagpisil mo ng gatilyo
Isip-isipin mo lang
Ang balang tingga
Ay walang mata
Kung saan ka nakaturo
Doon siya pupunta

JOEY AYALA

Si Jose Iigo Homer Lacambra Ayala o mas kilala sa tawag na Joey Ayala ay isang sikat na makata at Filipinong
mang-aawit. Nakilala siya sa mundo ng musikang Filipino dahil sa kaniyang paggamit ng mga katutubong elemento
mula sa titik ng awit hanggang sa instrumentong musikal tulad ng Maranao kulintang, ang Tboli lute hegalong at
ang walong pirasong set ng gong. Gumagamit din siya ng makabagaong instrumento tulad ng electric guitar, bass
guitar, at tambol. Siya ay napupuri sa kaniyang galing sa pagsama ng katutubo at makabagong musika gamit ang
mga etnikong instrumento.
Isang tagasulat ng titik ng kanta at kolumnista, si Ayala ay nagtapos ng kursong Economics sa Ateneo de Davao
University. Siya ay lumaki sa isang makasining na pamilya. Ang kaniyang ama na si Jose Ayala ay isang pintor at
ang kaniyang ina na si Tita Lacambra naman ay isang makata.
Ang kaniyang mga kanta ay madalas na tumatalakay sa pagmamalasakit sa kapaligiran, pagmamahal, pansariling
kapakanan, kalikasan, at lipunan. Ang estilo at kumposisyon ni Joey Ayala sa musika ay makikita sa kaniyang
pagsama sa iba't-ibang anyo ng musika. Sumulat siya ng mga awiting para sa konsiyerto at rock operastulad ng Sa
Bundok ng Apo (1977), May-I (produksyon ng PETA) noong 1979, Nukleyar I noong 1983 at Nukleyar II noong
1985. Noong 1990, itinanghal siya bilang isa sa Ten Outstanding Young Men ng Philippine Jaycees. Siya rin ang
lumikha ng awitin na kinanta ni Martin Nievera na may pamagat na "Pag-Uwi" na nanalo bilang Grand Prize ng
Metropop Song Festival.
Si Ayala ay napagkalooban ng Datu Bago award, isang parangal na nakuha niya sa mga awitin niyang "Walang
Hanggang Paalam" mula sa kaniyang album na "Magkabilaan" at "Wala Nang Tao Sa Santa Filomena." Hindi
nagtagal ang dalawang kantang ito ay naging theme song sa kahanga-hangang obra ni Lino Brocka, ang
"Orapronobis" at kay Marilou Diaz Abaya na "Bagong Buwan.

Joey Ayalas
Compositions
Submitted by:
(Grade 7-Phoenix)

Evette Moira A. Mag-alasin


Julia Francheska Borromeo
Francheska Vasquez
Christchelle V. Resulto
Daniella Patajo
Yajaira Lilledeshan De Leon
Shannen Marie dela Passion
Claridel Orallo
Gabriel Salamat

You might also like