UNANG TAGPO (Madaling-araw. Ibinabaon sa buhangin at muling hinuhukay ng Pipi ang bangkay na natagpuan niya sa dalampasigan. Umaawit siya ng Mamamalakaya.) PIPI Itong alon sa dagat tulad n gating buhay Kung minsan ay tahimik, kung minsay magalaw Ganyan an gating buhay kung mayroong kalungkutan Paglipas ng hilahil mayroong kaligayahan Itong alon sa dagat itulak man ng hangin Hindi makalampas sapagkat mabuhangin Kahit may suliranin away dumarating din Upang itoy bathin at itoy ating lutasin Itong alon sa dagat tinig na tumatawag Habang naghahayuma o namamalakaya Lambat ng aking buhay maaari bang iwanan Upang mamalakaya ng taong iyong hirang Humayo ka sa laot ng ating kalawakan Ang lambat ay ihulog sa dakong kalaliman Sa iyong salita at kung ikay kapiling Mga alon sa dagat au huhulihin. (Anyong mananalangin ang Pipi.) Inang dagat na nagluluwal ng araw sa bukangliwayway, Sa iyong sinapupunan natutulog ang daigdig. Ginigising mo ito sa yapos ng mga alon at halik ng hangin, Hawak mo sa iyong mga palad ang mga bangka sa laot, Sa iyong kumpas sisiping ang mga ito, Sa iyong mga nilalang sa kalaliman. O huwag mong limutin ang iyong mga anak, dakilang karagatan. Bigyan mo kami ng aming kakanin At karampatang parusa kung kamiy nagkakamali.
Kung kamiy mamatay, kupkupin mo rin
Ang aming bangkay. Dakilang karagatan, Ikaw na pumapatay sa apoy ng araw Sa paglapit nito sa iyong dibdib, O karagatang makapangyarihan, Mangyari ang iyong utos sa alon, Ang iyong hiling sa hangin. Siya nawa. (Sa manonood.) Ang buhay sa islay nakatali sa mga alon ng dagat. Parang mga manyika, kamiy sumasayaw sa saliw ng ihip ng hangin. Sunud-sunuran kami sa panahon. Maaraw. Maulan. Mainam na mangisda ngayon. Mahina ang huli kahapon. Dala ng mga unang dayo sa isla ang mga babasahing Latin at rebulto ng ilang santo. Subalit isang daang taon pa ang lumipas bago dumating sa isla ang isang misyunaryo. Ipinaalala niya sa lahat kung ano ang katuturan ng mga dasal, kung ano ang pangalan ng mga santong nakaukit sa bato. Sa araw na iyon, sabi ni Lola, nagbago ang buong isla. Nagkaroon ng maliit na kapilya. Lumaganap sa isla ang mga estampita. Hanggang ngayoy palaging dumadalaw ang pari ng bayan dito sa amin. Siya nga pala, ako ang Pipi, ang tagapagsalaysay ng dulang ito. May regalong malilinaw na mata mula sa karagatan at sa biyaya ng buwan. Ay, ang makakita ng Mundo sa sang Butil ng Buhangin at Langit sa Ligaw na Bulaklak, Hawakan ang Walang Hanggan sa aking palad At ang Habang Buhay sa sang oras. Ngayon lamang ay may bangkay akong natagpuan sa dalampasigan. Akala ko noong unay balyena. Tao pala. Hindi karaniwang araw ang araw na ito. Ang mabagal na araw na sumisikat at lumulubog sa islay pinalitan ngayon ng sang mabilis. Mula sa lupa, babalik ka rin sa lupa. Mula sa dagat, babalik ka rin sa dagat. Mula sa langit, isang dalit. Galit ang mga danggit. Mabait ang mga pusit. Ang putik ay lupa at tubig. (Bigla siyang mauutal, saka tuluyang mag-aanyong Pipi. Papasok ang Buntis.)