You are on page 1of 5

Ang Sirena at si Santiago

Noong unang panahon, pinaniniwalaan ng mga ninuno natin ang mga sirena, mga mahiwagang nilalang
na kalahating tao at kalahating isda. Patok rin noon ang pinag-uusapang gantimpala sa sinumang makakahuli ng
sirena, patay man o buhay.

Maraming siglo na ang nakaraan, mayroong namuhay na isang makisig na mangingisdang


nagngangalang Santiago. Sa mga dagat ng Pagadian, siya ay nakikipagsapalaran kasama ang bawat alon ng
tubig upang makarami ng huli kada araw.

Isang hapon, habang siya’y nag-iisang nangingisda, mayroon siyang narining na napakagandang tinig.
Sinundan niya ang boses hanggang natagpuan niya ang isang babaeng mahiwaga ang ganda sa likod ng mga
malalaking bato. Hindi siya makapaniwala sa kanyang natanaw, mala-diyosang tinig at ganda ang angking
galing ng babaeng ito. Ngunit mayroong napansin ang binata, mayroong buntot na parang isda ang dalagang
nasa harap niya.

Nang napansin ng dalaga na beach-love-mermaid-picture-moment-Favim.com-770317may taong


nakakita sa kanya, kinabahan ito at dali-daling lumangoy, ngunit nabihag niya ang puso ng lalaki na agad-agad
din namang sumagwan para mahabol niya ito.

Nakumbinsi ni Santiagong mag-usap silang dalawa at dahil dito ay naging malapit sila sa isa’t-isa.
Nagpakilala naman ang sirenang si Clara sa binata. Pagkatapos nang nangyari, araw-araw na silang nagkikita at
nag-uusap sa lugar na iyon hanggang sa nahulog sila sa isa’t-isa.

Nag-aminan ang dalawa sa kanilang dinaramdam at kalaunan ay naging magkasintahan na sila. Sa


sobrang pagmamahal ni Santiago kay Clara ay naisipan niyang sumama sa kaharian ng kanyang mahal upang
doon na manirahan. Noong una, hindi sumang-ayon si Clara sa gusto ng binata ngunit nagpumilit ito kaya’t
pumayag na lang siya.

Pagkalipas ng tatlong araw ng hindi pag-uwi ni Santiago, nagtaka na ang kanyang pamilya at
nagsimulang mangamba. Sa pag-aalala ay pinatawag ng kanyang mga magulang ang ibang mga mangigisda
para hanapin ang kanilang anak.

Sa kabilang dako ay naroon sina Santiago at Clara sa lugar na nakasanayan nilang puntahan, sa likod ng
malaking bato kung saan silang unang nagkita. Nakikipaglaro ang magkasintahan sa mga isda nang biglang
dumating ang grupo ng mga mangingisda na nagulat sa kanilang nakita. Sinulong nila ito dahil akala nila’y
ginayuma niya si Santiago upang maging isa sa mga sinasabing bihag ng mga sirena. Agad namang
pinrotektahan ng lalaki ang kanyang minamahal at sa kasamaang palad ay natamaan ito ng balsa at namatay.
Sinikap ng sirenang makaalis ngunit naabutan din siya at sunod na pinatay.

Sinabi ng mga isda ang katsunami_1nilang nakitang marahas na pagpatay sa dalawa sa puno ng kaharian ng
mga sirena na napuno ng galit kaya’t gustong bigyan ng parusa ang mga tao upang matuto ang mga ito.
Nagpakawala sila ng napakalakas na alon, o tinatawag na “tsunami” sa kasalukuyan, na naglunod at pumatay sa
mga mangingisda at nagdulot ng malaking pagkakasira sa buong lungsod ng Pagadian.

Nag-iwan ang tsunaming ito ng isang bangin na nagsisilbing palatandaan sa kasakiman ng mga tao noon na
nagdulot sa nangyari sa magkasintahan. Ngayon, naging napakabait na ng mga tao sa dagat, mga isda, sa kapwa
nila, at hindi na mang-aapi ng sirena sakaling makakita sila nito.
Ang Alamat ng Pagkawala ng mga Sirena
Makapangyarihan ang diyos ng karagatan na si Neptuno.

Kaya niyang pakalmahin ang alon ng dagat kung kanyang nanaisin at sinusunod din siya ng karamihan
sa mga isda at nilalang ng karagatan. Sakop ng kanyang kaharian at kapangyarihan ang sinumang naninirahan
dito — mga isda, balyena, pating, lumba-lumba, alimango, dikya, sireno at sirena at iba pang hindi na
mapangalanang lamang-dagat sa dami ng uri.

Kaisa-isang anak ni Neptuno si Ariela — isa itong sirena.

Payapa, marilag at mayaman pa noon ang karagatan sa pangangalaga ni Neptuno.

Kulay asul ang malinis na tubig, malayang lumalangoy sa ibabaw nito ang laksa-laksang uri ng lamang-
dagat, ang mga corals sa ilalim nito na nagsisilbing tahanan ng mga maliliit na isda ay kay gaganda, ang mga
halamang dagat na kanilang pagkain ay tila hindi nauubos sa sobrang sagana.

Sa maiksing salita, ang karagatan ay makulay at maganda.

Bagama’t limitado lamang ang dami at uri ng mga isda na nahuhuli ng mga mangingisda noon, hindi
naman sila umuuwing walang bitbit o huli para sa pamilya, mayroon pa ngang natitira upang may maitinda para
sa pamilihang bayan. Ngunit ang tao ay sadyang mapaghangad ng sobra sa kanyang pangangailangan.

Si Greko ang lider ng grupong namamalakaya sa dagat pasipiko ay niyakag ang kanyang mga
kasamahang mangingisda sa lugar kung saan mas maraming uri ng isda ang mahuhuli.

“Magtungo tayo sa banda roon, napakakaunti ng isdang ating nahuhuli rito. Masyadong mababa ang
presyo ng ating itinintidang isda marahil nagsasawa na ang mga mamimili sa paulit-ulit na isdang ating inaalok
sa kanila.” pagyakag at mahabang paliwanag ni Greko sa mga kasama. Ang tinutukoy na lugar ni Greko ay ang
Isla Orakulo – lugar kung saan hitik sa napakaraming uri at bilang ng isda ang makikita.

“Ngunit hindi ba’t ipinagbabawal sa atin ang magtungo roon? Magagalit ang diyos ng karagatan na si
Neptuno ‘pag ginawa natin yaon…” alinlangang sagot ng kasamang mangingisda ni Greko na si Milan.

“Kung gusto ninyong magkaroon ng karagdagang kita para sa inyong pamilya sasama kayo sa akin! At
‘wag kayong maniniwala na mayroong diyos ang dagat, hindi totoo si Neptuno! Hindi totoong may diyos ang
dagat!” pagmamatigas ni Greko.

“Sino sa inyo ang nais na sumama sa akin upang mangisda sa Orakulo?“

Agad na nagtaas ng kamay ang walo sa siyam na mangingisda. Samantalang si Milan ay alanganin kung
sasang-ayon o hindi, sa bandang huli’y nagpasya na rin siyang hindi sumamang magtungo sa Orakulo.

Gamit ang kani-kanilang mga bangka ay nagtungo ang walong mangingisda sa isla ng Orakulo. Maliban
kay Milan na nakuntento na lamang sa kanyang nahuling isda at umuwi na lamang sa Bayan ng Maui.

Dis-oras ng gabi ng makarating ang grupo ni Greko sa Isla Orakulo.


Hindi nga nagkamali si Greko sa kanyang hinala. Napakarami ngang uri ng lamang-dagat at kanilang
natagpuan sa Isla Orakulo! Kanya-kanyang hagis ng lambat ang mangingisda — walang hindi natutuwa sa dami
ng isdang kanilang nahuhuli. Walang hindi nasisiyahan sa posibleng napakaraming perang kanilang kikitain.

Halos lumubog na ang mga bangka ng grupo ni Greko sa sobrang dami ng lamang-dagat na kanilang
huli. Hindi maipaliwanag ang labis na kasiyahan na nadarama ng mga mangingisda. Hindi pa sila nakararating
sa dalampasigan ay alam na nilang pagkakaguluhan sila ng mga negosyanteng namamakyaw ng mga huling
isda.

“Sabi sa inyo e! Sa dami at espesyal na isdang nahuli natin sigurado malaki ang kikitain natin ngayong
araw na ito!” pagmamalaki ni Greko sa kanyang grupo.

“Oo nga, oo nga! Whoo!” pagsang-ayon ng lahat habang sila’y malakas na pumapalakpak.

Saglit lang ay agad nang naibenta ang mga huling lamang-dagat ng grupo ni Greko. Kumita sila ng higit
sa triple kumpara sa dati nilang kinikita. Malaki-laking halagang maiuuwi para sa pamilya. Bagama’t si Milan
ay nakararamdam ng kaunting inggit dahil sa malaking kinikita ng kanyang mga kasama hindi naman siya
nagpatalo sa inggit na ito. Nagpatuloy lang siya sa nakagawiang pangingisda — sapat na para sa kanya ang may
maiuwing pagkain para sa pamilya at sapat na para sa kanya ang perang magtutustos para sa pangangailangan
ng pamilya.

Samantala, maraming gabi ring nagpapakasasa ang grupo ni Greko sa pangingisda sa Isla Orakulo.
Nangingisda sila ng labis-labis sa kanilang pangangailangan at sa katunayan, gumamit pa sila ng mas malaking
bangka upang mas marami silang mahuling mga isda at iba pang lamang-dagat. Kalaunan, hindi na lang grupo
nina Greko ang nangingisda sa Isla Orakulo kundi marami na ring ibang grupo pa ng mga mangingisda ang
nagtutungo rito na nagresulta sa pagkasaid at pagkaubos ng mga lamang-dagat sa lugar na iyon.

Hindi nagtagal, ang pang-aabuso at kaganapang ito ay nakarating sa kaalaman ni Neptuno — ang
kalabisang ginagawa ng mga mangingisda, ang pagkasaid ng mga isda roon na kahit hindi pa lubos ang laki’y
hinuhuli na at ang pagkawasak ng koral sa Isla Orakulo at kalapit na mga isla nito.

Nagalit ang diyos ng karagatan na si Neptuno.

At dahil sa pagkayamot na ito ay inutusan niyang magbantay ng karagatan ang anak na si Ariela kasama
ang ilan pang sirena at mga sireno. Pinakalat ni Neptuno ang mga bantay ng karagatan at pinalakas ang hampas
ng alon sa dagat upang mahirapang makapangisda ang lahat ng mangingisda.

“Magsikalat at magbantay kayo!” utos ni Ariela sa kapwa niya sirena at sireno. “Wag niyong hayaan
ang mga tao na maubos ang mga kasamahan natin.”

Hindi naging madali para sa mangingisda ng Bayan ng Maui ang pangingisda. Malakas at mataas ang
alon kahit walang bagyo na kahit sa dati nilang lugar na pinangingisdaan ay wala na ring isdang mahuli. Naging
mailap sa tao ang anumang uri ng lamang-dagat. At sa halip na humingi ng kapatawaran sa diyos ng karagatan
ay naging marahas pa sila. Gumagamit na sila ng dinamita.

“Huwag kayong gumamit niyan! Mas maraming mapapahamak sa gagawin niyong iyan! Mas
makabubuti para sa atin na humingi ng kapatawaran sa diyos ng dagat na si Neptuno!” pagpigil ni Milan kina
Greko.
Ngunit walang narinig ang grupo ng mangingisda na pinangungunahan ni Greko. Muli silang nakakahuli
ng isda bagama’t mas lalo lang nitong pinaigting ang galit ni Neptuno!

Sa pagkagalit na ito ni Neptuno’y naging mabangis ang marami sa mga hayop na naninirahan sa
katubigan kabilang na rito ang mga piranha, barracuda, igat, buwaya, pating at iba pa. Lumalaban na sila sa mga
tao.

Lalong lumalakas ang hampas ng mga alon na minsa’y nagiging dahilan ng tsunami sa maraming lugar.
Namuhay sa pinakamalalim na pusod ng dagat ang maraming uri ng lamang-dagat upang hindi na sila mahuli
ng mga mangingisda.

Isang gabing pagbabakasakali na may mahuhuling maraming isda, ‘di sinasadyang nasilo ni Greko ang
sirenang anak ni Neptuno na si Ariela — saka pa lamang siya nakumbinsi na totoo ngang may sirena at totoo
nga si Neptuno!

Nakarating kay Neptuno ang balitang nabihag ng isang mangingisda ang sirenang anak at dahil dito’y
nagpadala siya ng mensahe kay Greko na gagawin niya ang lahat mapakawalan lang ang bihag na si Ariela.

“Sabihin mo kay Neptuno, hayaan kaming makapangisda sa kahit saang lugar namin naisin, kahit anong
uri ng lamang-dagat na aming gustuhin at kahit anong dami ng bilang na aming huhulihin! ‘Pag pinabayaan
niya kaming maghari dito sa dagat pakakawalan ko ang anak niyang si Ariela!” kausap ni Greko ang isang
lumba-lumba na magdadala ng mensahe sa diyos ng karagatan.

Labag man sa kalooban ni Neptuno. At kahit batid niyang mapapariwara at masasalaula ang kalikasan at
karagatan sa kamay ng mga tao kung sakaling siya’y pumayag sa kagustuhan ni Greko wala siyang magagawa.
Mahal niya si Ariela at kailangang makalaya ang kaisa-isa niyang anak.

Ang diyos ay diyos at si Neptuno ay isang diyos na may isang salita na ‘di tulad ng tao. Ang kanyang
salita ay batas, ang kanyang salita ay katumbas ng kanyang dangal.

Kaakibat ng mabigat na desisyon na gagawin ni Neptuno ay ang pagbitaw sa responsibilidad na


mapangalagaan niya ang kayamanan ng karagatan. Mahalaga ang karagatan ngunit mahalaga rin para sa kanya
ang anak na si Ariela. Kung susuwayin niya ang kanyang sariling salita at paninidigan ay wala na rin siyang
pinagkaiba sa mga tao na hindi tumutupad sa kanyang pangako at gagawin ang lahat para lamang sa
makasariling ambisyon.

Sa paglaya ni Ariela sa kamay ni Greko ay nagpasyang manirahan sa pinakamalalim na bahagi ng dagat


si Neptuno at ang kanyang anak na si Ariela kasama ng iba pang mga sireno at sirena — tagong lugar kung saan
hindi kayang abutin, marating at sisirin ng mga tao at ng anumang uri ng sasakyang pangdagat.

Ilang panahon pa ang lumipas magmula nang hayaan ni Neptuno ang karagatan sa kamay ng mga tao,
ang karagatan ay nag-umpisa nang maging maitim at marumi.

Dahan-dahang kumakaunti ang bilang ng yamang-dagat at mga lamang-dagat.

Nasisira na ang mga koral na tahanan ng napakaraming mga isda.

Naubos at tuluyang nawala ang maraming uri ng isda dahil sa labis-labis na panghuhuli.
Kabilang na rin ang mga tulad ng dolphin, balyena at pating sa hinuhuli at kinakatay ng mga
mangingisda.

Naging mailap at lalong bumangis ang maraming hayop sa dagat. Natuto silang lumaban sa mga tao
dahil sa panganib na kanilang kinakaharap.

Dahil sa kalabisan ng tao at kagustuhang magkamal ng maraming pera — ang nakagisnan nating
kariktan ng karagatan ay unti-unti nang nawawala. Hindi na rin natin alintana ang kapabayaang ginagawa ng
mga tao sa dagat at tuluyan na ngang hindi ito nabantayan at naalagaan.

At tuluyan na ring naglaho at hindi na nagpakita sa lahi ng mga tao sina Neptuno – ang diyos ng
karagatan, si Ariela at iba pang mga sirena at sireno ng dagat.

You might also like