Professional Documents
Culture Documents
Noong unang panahon, pinaniniwalaan ng mga ninuno natin ang mga sirena, mga mahiwagang
nilalang na kalahating tao at kalahating isda. Patok rin noon ang pinag-uusapang gantimpala sa
sinumang makakahuli ng sirena, patay man o buhay.
Nakumbinsi ni Santiagong mag-usap silang dalawa at dahil dito ay naging malapit sila sa isa’t-
isa. Nagpakilala naman ang sirenang si Clara sa binata. Pagkatapos nang nangyari, araw-araw na
silang nagkikita at nag-uusap sa lugar na iyon hanggang sa nahulog sila sa isa’t-isa.
Pagkalipas ng tatlong araw ng hindi pag-uwi ni Santiago, nagtaka na ang kanyang pamilya at
nagsimulang mangamba. Sa pag-aalala ay pinatawag ng kanyang mga magulang ang ibang mga
mangigisda para hanapin ang kanilang anak.
Sa kabilang dako ay naroon sina Santiago at Clara sa lugar na nakasanayan nilang puntahan, sa
likod ng malaking bato kung saan silang unang nagkita. Nakikipaglaro ang magkasintahan sa mga
isda nang biglang dumating ang grupo ng mga mangingisda na nagulat sa kanilang nakita.
Sinulong nila ito dahil akala nila’y ginayuma niya si Santiago upang maging isa sa mga sinasabing
bihag ng mga sirena. Agad namang pinrotektahan ng lalaki ang kanyang minamahal at sa
kasamaang palad ay natamaan ito ng balsa at namatay. Sinikap ng sirenang makaalis ngunit
naabutan din siya at sunod na pinatay.
Sinabi ng mga isda ang katsunami_1nilang nakitang marahas na pagpatay sa dalawa sa puno
ng kaharian ng mga sirena na napuno ng galit kaya’t gustong bigyan ng parusa ang mga tao upang
matuto ang mga ito. Nagpakawala sila ng napakalakas na alon, o tinatawag na “tsunami” sa
kasalukuyan, na naglunod at pumatay sa mga mangingisda at nagdulot ng malaking pagkakasira
sa buong lungsod ng Pagadian.
Nag-iwan ang tsunaming ito ng isang bangin na nagsisilbing palatandaan sa kasakiman ng mga
tao noon na nagdulot sa nangyari sa magkasintahan. Ngayon, naging napakabait na ng mga tao sa
dagat, mga isda, sa kapwa nila, at hindi na mang-aapi ng sirena sakaling makakita sila nito.