You are on page 1of 2

ANG SIRENA SA PILIPINAS

May napakagandang mukha ng babae, napakahabang buhok, malamyos na tinig, kalahating tao
at kalahating isda, tagapangalaga ng karagatan o di kaya ay salot at malas sa katubigan. Ito ang
mga nagtutugmang paglalarawan natin sa misteryosong nilalang na sirena. Ano ang masasabi ng
mga kwentong bayan at mitolohiya ng ating bansa tungkol sa nilalang na ito. Maligayang
pagdating KaMisterio. Kung bago ka pa lamang sa channel at page na ito, subscribe at follow na.
Ito ang Misterio.

(Intro)

Ang Pilipinas ay isang archipelago na binubuo ng 7,641 na mga isla. Ang ating bansa ay
napapalibutan ng katubigan ng West Philippines Sea, Pacific Ocean, Philippine Sea, at Sulu Sea.
Kaya’t hindi maalis sa paniniwala ng mga Pilipino ang mga kwentong may kinalaman sa mga
sirena.
Ang Sirena ay isang mitolohikal na nilalang dagat mula sa Kulturang Pilipino. Sa ilang mga
rehiyon ng Pilipinas, partikular ang Bicol at Bisaya, kilala ang Sirenas bilang Magindara, sa
ibang bahagi ng ating bansa, tinatawag naman ito bilang kataw.
Sa Pangasinan, maraming mga mitolohiya ang naglalarawan sa sirena na nanlulunod ng mga
mangingisda at mandirigma na sumasamba kay Apo laki, ang kinikilalang Diyos ng Araw at
Digmaan ng mga sinaunang tao sa Pangasinan at ng mga Tagalog. Sa ilang mga kwento sila ay
tagapag-alaga ng tubig ng "asin-palan".

Bago pa nasakop ang Pilipinas ng mga dayuhan, pinaniniwalaan ng mga sinaunang Pilipino na sa
pagsapit ng kabilugan ng buwan na tinatawag na Dayaw o Kadayawan, ang isa sa mga sagisag
ng buwan na si Bulan ay bumaba mula sa langit upang lumangoy kasama ang mga sirena at na
pinoprotektahan ng mga sirena si Bulan mula sa mga bakunawa at mga halimaw sa dagat.

Sa Pilipinas, isa sa pinakatampok na kwento tungkol sa sirena ay ang sirenang nakikita ng mga
tao na nakaupo sa malaking bato sa Atimonan Quezon, ang rebulto ng Mermaid Queen sa
Angono, Rizal, sa Aurora, Sorsogon, Siargao, Ilocos Region at iba pa.
Di tulad ng mga sirena sa mitolohiyang Griyego na matatagpuan lamang ang mga ito sa dagat o
karagatan, sa Pilipinas, pinaniniwalaang namumuhay rin sila sa mga ilog at lawa.

Sa bayan ng Lambunao sa Probinsya ng Iloilo, may isang istruktura sa kanilang plaza na


nakakuha ng atensyon ng publiko, ang estatwa ng sirena sa isa sa mga man-made lagoons.
Hango ito sa kwento-kwento na may nagpapakitang sirena raw sa isang bahagi ng Maasin Falls
sa Barangay Sagcup, 14 na kilometro ang layo mula sa centro ng bayan ng Lambunao.

Sa kabilang dako, naniniwala ang mga sinaunang Pilipino, na sa dagat sila ay may kaharian na
puno ng kayamanan.
Sinasabi na ang mga sirena ay galit sa tao, dahil patuloy ang paghuli at pagsira sa yamang dagat
na kanilang kinabibilangan.
Sa tuwing bilog ang buwan sila ay lumalabas at naghahanap ng manlalakbay o mangingisda sa
dagat, inaakit nila ito sa pamamagitan ng kanilang malamyos na tinig. Kasama ang iba pang
sirena, nagtatawanan, umaawit at sadyang inaakit nito ang mga lalaki. Hanggang sa tuluyang
mahulog sa patibong ng sirena. Ang lalaki ay tuluyang maaakit dito, patuloy ang kanyang
paghahanap sa tinig, hanggang sa makalapit. Habang naghihintay ang mga sirena, at aakayin
papunta sa knilang kaharian sa ilalim ng dagat. Ang kanilang reyna ay gagawin syang asawa. At
hindi na makakabalik sa lupa.
Sa ibang kwento tungkol dito, kapag sila ay umibig sa tao, ay ipagkakaloob nya dito ang lahat ng
kanyang yaman. Ang luha ng sirena ay mahiwaga, kapag ikaw ay natuluan nito, ikaw ay
mabibiyayaan ng buhay na walang hanggan.
Ang iba pang istorya tungkol dito, ang lalaking nakatakas mula sa mga sirena ay nawawala sa
katinuan o kaya ay namamatay bago pa sya makapaglahad ng kanyang karanasan kasama ang
mga sirena.
Kung ang sirena ay galit sa mga tao, ganundin ang tao. Itinuturing nila itong salot sa karagatan.
Kapag ang isang mangingisda ay walang huli, ibig sabihin nito ay pinarusahan sya ng sirena.
Ang mga kalamidad sa karagatan ay pinaniniwalaang kagagawan ng mga sirena.
Ikaw KaMIsterio, ano ang iyong kwento na may kinalaman sa sirena? Ano ang inyong opinion
sa mga kwento-kwento tungkol sa mga sirena.

You might also like