You are on page 1of 3

Pagkakilanlan ni Sinukuan

ni Mary Grace H. Manipon

Ang kwento ni Sinukuan para sa mga Kapampangan ay matagal ng kwentong bayan na


nilangkapan ng magkakahalong bersyon. Mga bersyon ng kwento na nagpalabo sa
pagkakakilanlan ni Sinukuan, siya ba ay diwata ng kagubatan? Diyosa ng mga Pampango?
Totoong taong namuhay na noon? At iba pang pagkakakilala na halos hindi na nasundan ng
mga tao.

Marahil ang alam ng karamihan sa kwento ni Sinukuan ay ang kwentong pambatang Ang
Alamat ni Maria Sinukuan. Mula sa kwentong pambatang ito ay nabuo pagkakakilanlan ni
Sinukuan. Kasabay ng kwentong ito ang Alamat ni Maria Makiling ng Laguna at Alamat ni
Maria Cacao ng Cebu. Sila ang mga magagandang diwata ng bundok na kanilang
binabantayan. Sa ganitong mga kwento nabuo ang imahen ng isang magandang engkantada
para kay Sinukuan, pero sino nga ba si Sinukuan ng mga Taga-Pampanga?

Si Sinukuan o “Suku” ay panganay na anak nina Calupit at Matungcu. Sila ay malapit na


kamag-anak nina Adan at Eba na naglakbay patungong Asya at nanirahan sa Bundok ng
Alaya (Bundok Arayat) sa Pampanga. Ang mag-asawa ang nag-alaga sa bundok na ito at
pagkatapos matalo mula sa digmaan laban sa pinuno ng Zambal ang ama ay si Sinukuan ang
nagmana sa pangangalaga ng bundok Alaya.

Babae ang nauna nating pagkakakilala kay Sinukuan ngunit ayon sa mga naunang salaysay
patungkol sa makapangyarihang nilalang na ito ng Pampanga, siya ay lalaki. May matikas na
pangangatawan, mabilis mag-isip, at hindi mapapantayan ang lakas ng sinuman sa Luzon. Sa
ibang salaysay naman sinasabing siya ay diyos na may kakayahang gumawa ng lindol at
haring naninirahan sa bundok ng Arayat. Para kay Macario Naval noong 1916, tinukoy niya si
Sinukuan bilang asawang babae ni Minga na kaiba naman sa istorya ni Don Isabelo delos
Reyes noong 1899 na sinasabing si SInukuan ay asawang lalaki ni Minga, kung kaya naman
dito na nagsimula ang pagkakakila kay Sinukuan bilang lalaki at hindi babae.

May pagkakahawig daw si Sinukuan kay Eros, ang diyos ng pag-ibig ayon sa romanong
mitolohiya pero batay muli sa ilang salaysay noon siya ay nagkatawang tao noong
nakapangasawa ng mortal at pinalitan ang kaniyang anyo.
Ang napangasawa ni Sinukuan ay pinaniniwalaang ngalan ay si “Marianusep de Sinucuan” at
sila’y nagkaroon ng anak na sina Calibangut at Calikangutabak ay mayroong magkaibang
ugali. Si Calibangut ay tuso habang ang kapatid ay tahimik lamang.
Nanatiling bundok Alaya ang tirahan ni Sinukuan. Ang bundok Alaya o mas kilala ngayon
bilang bundok Arayat ay siyang nagsilbing tirahan ng mag-anak ni Sinukuan. Si Sinukuan rin
ay may espesyal ugnayan sa mga hayop ng kagubatan dahil na rin sa pinaghaharian niya ang
kabundukan. Ito ang ginawang ugnayan ng kaniyang mga anak upang ipagpalit ang kanilang
gintong ani para sa “darak” o ang pagkain para sa baboy.

May kakayahan din na magbagong anyo si Sinukuan at ang kadalasang anyo ay isang lamok
upang palihim na sundan ang tao. Ginawa niya ito dahil sa anak na minsang nakipagtipan sa
lalaki at ginawa niyang baboy ang lalaking kinatagpo ng anak. May pambihirang lakas din si
Sinukuan – may kakayahan siyang kontrolin ang hangin at bagyo na nakakapinsala ng lubos
sa mga tao.

Kasama sa mga pambihirang kaganapan ng kaniyang lakas ay paglilipat ng bundok Candaba


patungo sa lugar nito ngayon. Inilipat din ni Sinukuan ang bundok ng Arayat mula sa dati
nitong lugar sa Nueva Ecija patungong San Miguel, Bulacan pakatapos ay inilipat muli
patungong bayan ng Arayat, Pampanga – ang kasalukuyang nitong lugar sa Pampanga.
Sinasabi na ang paglilipat ng mga bundok na ito ay nagresulta ng malalang pagbaha sa bayan
ng Candaba. Bilang solusyon sa pagbahang ito ay gumawa si Sinukuan ng batong tulay sa
pagitan ng bundok Candaba kung saan siya rin ang nagbibigay ng mga ginto at pilak sa mga
mamamayan ng Candaba ngunit mayroong kwento na hindi niya tinapos ang tulay na ito
bilang parusa sa mga taong nagsinungaling at walang utang na loob sa kaniya.

Mula sa mga kwentong ito ni Sinukuan ay nagbunga ito ng magkakaibang produktong


Pampanga na naging kabahagi na rin ng kulturang Kapampangan. Ang pagdiriwang ng
Sinukwan Festival na inoorganisa ng Save Pampanga Movement at ito’y isang linggong
pinagdiriwang sa San Fernando, Pampanga. Ito ay para bigyang pugay si Aring Sinukwan,
bilang diyos ng mga Kapampangan. Ang ilang water stations, pelikula, komiks, libro sa
Pampanga ay pinangalanan din kay Sinukuan.

Marami man ang naging pinag-ugatan ang pagkakakilanlan ng Sinukuan ay hindi


maipagkakaila ang impluwensya nito sa kulturang kapampangan. Kulturang hanggang sa
kasalukuyan ay buhay pa rin sa kaisipan ng karamihan. Ngayon, kilala na ba natin si Sinukuan
ng Pampanga?
Sanggunian:

Tantingco, Robby “The Magical, Mystical Suku Of Mount Arayat: Was Suku A Historical
Figure Who Merely Assumed Mythical Proportions With The Re-Telling Of His Story In
Each Passing Generation?” Singsing Magazine WordPress; Pampanga’s Folk Arts and Crafts
Going, Going . . . Gone? , 24 July 2007
https://siwalangsinukuan.files.wordpress.com/2019/06/arts-and-crafts.pdf

“10 Things You Should Know About The Legendary Sinukuan” The Kapampangan Listorian,
26 July 2017
http://kaplistorian.blogspot.com/2017/07/55-10-things-you-should-know-about.html

You might also like