You are on page 1of 6

Canencia, Diana Jean B.

2016
B.A.Filipino IV
Rehiyunal

Agustu 17,
Literaturang

Severino Reyes
Si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola
Basyang, ay itinuturing na Ama ng Sarsuwela.
Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng
dula.
Ipinaganak siya noong 11 Pebrero 1861 sa
Santa Cruz, Maynila at supling nina Rufino
Reyes, isang iskultor, at ni Andrea Rivera. Siya ay
ikinasal kay Maria Paz Puato at biniyayaan ng 17
anak.
Sinimulan niya ang kanyang pag-aaral sa
Catalino Sanchez, tinapos ang kanyang hayskul at batsilyer sa sining sa Colegio de San
Juan de Letran, at kumuha rin ng kurso sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Sa edad na 41, si Reyes ay nagsimulang magsulat ng mga dula. Ang R.I.P., noong
1902 ang una niyang dula. Sa parehong taon, isinulat niya ang Walang Sugat (Not
Wounded), na masasabing isa sa mga pinakakilala niyang akda. Ang Walang Sugat din ay
naging simula ng ginintuang panahon ng sarsuwela sa bansa.
Noong 1902 itinatag niya ang Gran Compaia de la Zarzuela Tagala upang
maitanghal ang kanyang mga dula sa mga teatro sa Maynila pati na rin sa mga entablado
sa mga kalapit probinsiya.
Ang mga dula ni Reyes ay naisapelikula rin, tulad ng Walang Sugat noong 1939 at
1957; at Minda Mora noong 1929.
Nang itinatag ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang patnugot
nito. Siya rin ay nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at ginawang kasapi ng Ilaw at
Panitik, kapwa mga samahan ng mga manunulat. Si Reyes ay naging kilala sa mga
kwentong isinulat niya tungkol kay Lola Basyang.

Kinalaunan, si Reyes ay naging kilala sa mga kwentong isinulat niya tungkol kay
Lola Basyang. Nagsimula ang Lola Basyang noong siya ay naging punong-patnugot sa
Liwayway. Nang sinabihan siya ng kanyang mga patnugot na wala ng natitirang
materyales upang punuin ang isang maliit na ispasyo sa isang pahina ng magasin,
kinailangan niyang magsulat ng isang kwento upang umabot sa takdang oras. Matapos na
maisulat ang kwento, nag-isip siya ng ibang pangalan na maaaring ilagay bilang mayakda ng istoryang ito. Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng kanyang
kaibigan sa Quiapo, Maynila. Ang pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de Zamora o
mas kilala sa Tandang Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon, magsasama-sama ang mga
kabataan sa kanilang lugar at makikinig sa mga kwento ni Tandang Basyang. Kaya
naman, matapos nito, ang mga kwento na sinusulat ni Reyes ay may pirma na Lola
Basyang. Unang nailathala ang kwento ni Lola Basyang sa Liwayway noong 1925.

Mga Akda
Sarsuwela
Siya ay nakapagsulat ng 26 na sarsuwela.
Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

Minda Mora (Minda The Moor),


1904
Filipinas para los Filipinos
(Philippines For The Filipinos), 1905

Ang Pagbibili ng Pilipinas sa Hapon,


1906

Ang Bagong Fausto, 1907

Ang Opera Italiana, 1907

Ang Tatlong Babae, 1914

Ave Maria, 1919

Ang Tatlong Bituin, 1921

Ang Bayani ng Puri, 1922

Ang Bihag ni Kupido, 1923

Ang Puso ng Isang Pilipina, 1923

Walang Sugat

Drama
22 drama naman ang kanyang mga naisulat.
Ito ang ilan sa kanila:

Sigalot ng mga Filipino at


Americano1898, 1910

Ang Sigaw ng Balintawak, 1911

Los ramitos de flores (Flowered


Boughs), 1908

Cablegrama fatal (Cablegram of


Death), 1916

Nobela

Walang Puno at Walang Dulo, 1910

Parusa ng Diyos, 1911

Mga Bayani ng Pag-ibig, 1923

Ang Puso ng Isang Ina, 1923

Lihim na Kaaway

Luha, Ngiti, Halakhak

Iba pang mga gawa

Ang Plautin ni Periking

Maryang Makiling

Ang Tatlong Prinsipe

Ang Sirena sa Uli-Uli ng Pasig

Ang Pag-ibig ni Mariang Sinukuan

Ang Orakulo ni Lola Basiang

Mga Sanggunian;

http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Severino_Reyes

https://www.scribd.com/doc/24473158/Lola-Basyang

Ang Alamat ni Mariang Sinukuan


Sa kalagitnaan Luzon ay may kaisa-isang bundok, ito ay ang baundokng
Arayat. Mala-maharlika ang tindig ng bundok na ito. Dito nagmula ang
magandang alamat ni Mariang Sinukuan.
Noong unang panahon, sagana sa bungang kahoy at malulusog na hayop
ang bundok ng Arayat. Sa paligid nito ay mayabong ang mga halaman at
masagana ang ani.
Ang may-ari ng bundok na ito ay si Maria. Siya ay ubod ng ganda,
kayumanggi, mahaba ang buhok, matangos ang ilong ngunit mahiwagang
babae. Marami siyang alagang hayop tulad ng manok, ibon, baboy, kambing at
iba pa. Siya ay matulungin sa mga tao. Sa tulong ni Maria ang mga tao doon ay
masayang namumuhay. Paminsan-minsan, makikita ng mga taga Arayat at
karatig pook si Maria na namamasyal kung hatinggabi. Madalas, kapag may
kinakapos ng pagkain, nagigisnan na lang nila ito sa kanilang punong hagdan.
Isang araw, may mga sakim at mga tamad na tao ang nangahas na
manguha ng prutas at manghuli ng hayop sa bundok ni Maria. Malalaking supot
at sako ang kanilang dala. Kumain sila ng maraming prutas, Dumating si Maria at
nagwikang "Sige, kumain kayo ng magugustuhan ninyo, nguni't huwag kayong
mag-uuwi."
Pagkaraan ng isang oras, akala ng masasamang-loob ay umalis na si
Maria. Nanghuli sila ng mga hayop at pinuno nila ng prutas ang mga supot. May
natakot na baka magalit sa kanila si Maria nguni't dala ng kasamaan ay
nakisama na rin sa pangungulimbat. Hindi nagtagal at napuno na ang kanilang
mga lalagyan at dali-daling lumisan sa pook na iyon. Ni hindi nila pinansin si
Maria na noon ay dumarating bagkus ay binilisan pa nila ang kanilang mga
hakbang.
Hindi nila namamalayan na pabigat nang pabigat ang kanilang mga
dalahin at nang ito ay kanilang buksan, wala silang makita kungdi mga bato.
Nakita sila ng isang matanda, "Aanuhin ninyo ang mga batong iyan?"
Napag-alaman niya na galing sila sa bundok. "Uli-uli huwag kayong kukuha ng
hindi sa inyo at lalong masama kung walang pahintulot. Kung sabagay mabait si
Maria, hindi nga kayo sasaktan. Igalang naman sana natin siya. Marami na
siyang nagawang kabutihan sa atin."
Marami pa ang sumunod na nagtangkang magnakaw kay Maria. Dahil
dito, nagtampo at nagalit na si Maria. Dumating ang panahon na hindi na siya

nakikita ng mga tao. Hindi na rin siya tumutulong sa mga tao. Unti-unting humina
ang mga hayop, ang mga halaman ay nalalanta. Ang mga tao ay kinapos at
nagutom.
Nagtipun-tipon ang lahat at napagkaisahan nilang sumuko na kay Miria.
Kailangan nilang humingi ng tawad sa mabait na mahiwagang babae. Nguni't
ang lahat ng kanilang pagsisikap na makahingi ng tawad kay Maria ay balewala
nang lahat pagka't ang kanilang sinukuan ay hindi na nagbalik pa. Kaya,
kinailangan na nilang magpatulo ng maraming pawis upang sila ay mabuhay.

You might also like