You are on page 1of 4

TAMBULI 7, TOMO 26 BLG.

3, SY 2022–2023│LATHALAIN 1

Pugot Mamu: Kapampangan Boogeyman


ni Mary Grace H. Manipon

“Takbo na bata, pinagtataguan mo’y matatagpuan na”


Takbo na bata, sapagkat siya’y walang mukha
Takbo na bata, nasa likuran mo na siya
Takbo bata, pugot mamu paparating na”

Palatandaan ng tulang ito ang takot ng mga batang kapampangan. Isa na marahil ang
“Pugot mamu” sa mga kwentong bayan na hanggang sa kasalukuyan ay pinapaniwalaan pa
rin. Kwentong panakot lamang sa mga kabataan noon pero nanganak ng magkakaibang
karanasan mula sa mga taong nakaramdam ng totoong kilabot ng kwentong ito.

Para sa mga Ilokano at Pampango, ang pugot ay isang nilalang na madalas lamang
magpakita tuwing gabi. Kilala sa katangian nitong malaki, maitim, at nakakatakot na itsura.
Inihahalintulad ito sa itsura ng kapre ng katagalugan na kalaunan ay kinilalang pugot ng mga
kapampangan. Kilala rin ang Pugot Mamu sa katangian nitong magbagong anyo. Kadalasan
ay nag-aanyong pusa na may matatalas na mata at pagkalipas ng ilang minuto ito naman ay
mag-aanyong malaking aso. Ang ikatlong anyo nito ay isang mala-taong negro na
naninigarilyo ng isang malaking tabako. At ang huling anyo nito ay isang bola ng apoy na
kung tawagin nila ay “santelmo” bago maglaho at pinaniniwalaang babalik sa tahanan
nitong matandang puno o sa mga abandonadong bahay.

Ang bersyon naman ng Pugot sa para Aeta ng hilagang Luzon ay kilala bilang mga “Goblin” o
ang mga espiritu sa kagubatan. Ang kolokyan na pagkakakilanlan sa Pugot ay yaong mga
nilalang na may maitim na kutis. Para sa ilang alamat ng mga ilokano, ang Pugot ay espiritu
ng mga ninunong aborigibes o ang mga aeta na may tungkulin na bantayan ang kayamanan
ng kagubatan.

Para sa mga kapampangan, ang Pugot Mamu ay ang bersyon ng boogeyman ng Pilipinas.
Ang mga boogeyman ay isang halimaw na panakot sa mga bata noon. Bunsod ng
pagbabago sa mga naipasang kwentong katatakutan sa bawat henerasyon ay nagbago ang
itsura ng pinaniniwalaang boogeyman ng mga Pampango. Ang Pugot ay sinasabing espiritu
ng isang Pugot ang ulo na pari habang ang isang Pugot Mamu ay halimaw na kumakain ng
mga bata. Pero paano nga ba ito kumakain ng bata gayong wala itong ulo? Mayroong
higanteng butas ang pagitan ng kaniyang balikat at leeg na nagsisilbing bibig ng halimaw.
May ngiping puno ng pangil na siyang ginagamit upang kainin ang mga batang ginagabi ng
uwi sa mga tahanan.

Mayroon pa ring kaugnayan hanggang ngayon ang Pugot Mamu sa mga kwentong
kababalaghan ng mga Taga-Pampanga. Kagaya ng takot na dala ng mga aswang sa Bicol ay
ganoon rin ang paniniwala ng mga matatandang Pampango. Kasabay ng mahigpit na
pagbabawal ng mga matatanda na huwag magpagabi ay ang pagbigkas sa tula ang pauli ulit
na sinasabi sa mga bata. At ang kasabihang ito ay hanggang ngayon buhay pa sa ilang
matatandang bayan ng Pampanga.

Ang kwentong Pugot Mamu na mula bayan ng Arayat, Pampanga ay batay sa salaysay ng
kwento ni Anastacia Villegas na galing sa kinukwento ng kanyang namayapang lola. Kwento
ito ng pakikipaglaban ng ilang manlalakbay sa Pugot na naging umpisa sa kilabot na dala nito
sa kasalukuyan para sa mga batang kapampangan.

Sa labanang naganap sa pagitan ng mga manlalakbay at ng Pugot ay nagawa nilang matalo


ang pugot. Naghiganti ang Pugot sa pamamagitan ng pagkain sa mga bata tuwing gabi. Dito
na nag-umpisa ang mga kwentong bayan patungkol sa takot na dala ng isang Pugot Mamu.
Kadalasan na tuwing gabi nagsisimula ang pangamba ng mga bata. Gabing walang taong
ibang nakakakita at madilim na. Ang gabi rin ang kadalasang pinaniniwalaang malalakas ang
kapangyarihan ng mga Pugot Mamu.

Sa ibang bersyon naman ng kwento. Ang Pugot Mamu ay isang multo na walang ulo. Mula sa
salitang “pugot” o pinugutan ng ulo at ng “mamu” salitang pinaiksi para sa multo upang
madaling maipabigkas sa mga bata. Ang ganitong paniniwala ay mayroon nang impluwensya
ng Kristiyanismo dahil ang karaniwang Pugot na alam ng karamihan ay isang pari.

Magkakaibang kwento man ito ng kababalaghan ay hindi pa rin mawawaglit sa kaisipan ng


mga bata noon ang “trauma” na dulot ng Pugot Mamu. Hindi man napatunayan o hindi na
ginustong mapatunayan ang kwento bunsod ng takot na dala nito para sa mga bata ay hindi
pa rin madaling makalimutan ang hatid nitong kilabot sa mga bata. Marahil isa itong paraan
sa pagdidisiplina sa mga makukulit na kabataan noon ngunit ang pangambang kanilang
naranasan mula sa kwentong ito ay hindi matutumbasan ng kahit anumang pampalubag
loob.
Sanggunian:

Clark, Jordan “PUGOT: Evolution of the Headless Filipino Ghoul” The Aswang Project, 20
November 2016
https://www.aswangproject.com/pugot/

Gaverza, Karl “PUGOT MAMU: The Other Philippine Boogeyman” The Aswang Project, 30
August 2016
https://www.aswangproject.com/pugot-mamu/

Gawain: Halina’t Matuto Pa!


Panuto: Paghambingin ang berysong kwento ng Pugot Mamu o Pugot ng Kapampangan,
Ilokano, Aeta at ng mga Katagalugan .

ANG PUGOT MAMU


Kapampangan Katagalugan Ilokano Aeta

Pagsusulit:
A. PUMILI KA.
Panuto: Piliin ang angkop na titik ng sagot para sa mga katanungang batay sa
nabasang akda.

1. Ano ang tawag sa Pugot ng mga Aeta na pinaniniwalaan ring espiritu ng


kagubatan?
a. Goblin c. Pugot
b. Mamu d. Kapre
2. Ito ang tawag sa Pugot na may kahalintulad na katangian sa mga Katagalugan na
malaking nilalang na maitim at humihithit ng tabako at naninirahan sa matandang
puno.
a. Goblin c. Pugot
b. Mamu d. Kapre

3. Sa ibang bersyong kwento ng Pugot Mamu, ito ang tawag sa nilalang na walang
ulo na kadalasang maiugnay sa paring walang ulo.
a. Goblin c. Pugot
b. Mamu d. Kapre

4. Ito ang tawag sa multo o ang pinaiksing tawag sa multo upang madaling bigkasin
ng bata.
a. Goblin c. Pugot
b. Mamu d. Kapre

5. Para sa mga Pampango, kilala ang nilalang na ito sa katangian nitong magbagong
anyo. Kadalasan nag-aanyong pusa na may matatalas na mata at pagkalipas ng
ilang minuto, ito naman ay mag-aanyong malaking aso.
a. Pari c. Pugot Mamu
b. Aswang d. Pugut Mamu

B. PAK o BLAP?
Panuto: Isulat ang PAK kapag ang susunod na pahayag ay tama at BLAP naman kung
ito ay MALI.

1. Ang Pugot Mamu ay isang nakakatakot na nilalang na nanggaling sa bersyon


ng mga katagalugan.
2. Pinaniniwalaan na ang Pugot ay “goblin” o espiritu ng kagubatan ng mga
Aeta.
3. Naging sanhi ng katatakutan ng mga batang kapampangan ang Pugot Mamu
4. Ang Boogeyman ay bersyon ng Pugot Mamu ng Pilipinas partikular na sa
lungsod ng Pampanga
5. Ang tula ng Pugot Mamu ay tanda ng panakot sa mga batang ginagabi ng uwi
sa tahanan.

You might also like