You are on page 1of 6

La salle Academy

Night high School Department

“ Pagsusuri ng maikling kwento”

Submitted By:

Depero, Janna Caryl

Magallanes, Jonand

Salon, Francis

Valderama, Angela

Submitted to:

Jestoni cabalihin
Pamagat: Little Red Riding Hood (La petit Chaperon Rouge)
“Little Red Riding Hood” ang naging pamagat dahil ito ang pangalan/tawag sa
pangunahing tauhan.

May Akda: Charles Perrault


Siya ay isang pranses na manunulat na tanyag sa kanyang mga akdang pambata o
fairy tail gaya ng sarili niyang bersyon ng little red riding hood, Cinderela, Sleeping beautiful,
maleficent at iba pa.

Mga Tauhan sa Kwento:


1. Little Red Riding Hood
Tinawag na little red riding hood dahil parati itong nakasuot ng pulang hood.
Isa siyang masayahin at inosenteng bata ngunit matigas ang kanyang ulo at
mabilis/madali lamang siyang mawala sa pokus.
2. Lobo
Isang mapagkunwari, mapanlinlang at mapag panggap na lobo. Tuso ito
sapagkat nagawa niya ang kanyang plano ng matagumpay.
3. Ina ni Little Red Riding Hood

Isang maaalahanin na ina at mapagmahal na ina.

4. Lola ni Little Red Riding Hood


Isang mapagmahal na ina at lola, mapaghalaga sa kanyang pamilya at tinuturing
kayamanan si little red riding hood.

Tagpuan:

1. Kagubatan
Dito unang nagtagpo ang bida na si little red riding hood at ang kontrabida na
ang lobo.
2. Bahay ng lola
Dito nasagawa ang kanyang plano at dito rin nagtapos ang kwento.
Buod o Lagom:
May isang batang babae na nakatira sa isang nayon kasama ang kanyang ina. Siya ay
laging nakasuot ng pulang hood kaya tinagurian siyang Little Red Riding Hood. Isang araw,
inutusan siya ng kanyang ina na dalawin ang lola nito na nakatira sa ibang nayon dala ang
isang pagkain gaya ng cake at mantikilya. Sa paglalakbay niya ay dumaan siya sa isang gubat
at nakilala ang isang lobo na may masamang balak. Tinanong siya ng lobo kung saan siya
patungo. Sinagot naman siya nito at dahil dito’y nalaman ng lobo ang tirahan ng lola. Nauna
nga ang lobo sa bahay at nagpanggap bilang si little red riding hood. Nagawa niyang lokohin
ang matanda para makapasok siya sa loob. Pumunta siya sa kwarto at isinagawa ang
masamang plano nito. Pagkatapos ay nagbihis ito, humiga sa kama at naghintay. Isang
sandali, ang inosenteng bata ay nakarating na sa bahay. Kumatok siya na pinapasokan ng
lobo. Dumeritsyo siya sa kwarto at nakita ang nakahiga sa kama ngunit napansin niyang
mabalahibo ang mga braso nito, malaki ang binti, tinga at mata at may mga pangil. Huli na ng
mapagtanto niya ito ng dambahin at kainin siya ng lobo.

Pagsusuri ng buod:
Organisado ito at kahit pinaiksi nito ang kwento ay makikita parin ang mga
pinakamahalagang impormasyon ng kwento. Ang kakaiba lamang ay ang wakas sapagkat
hindi gaya ng ibang maikling kwento na ang wakas ng little red riding hood ay hindi masaya
o isang trahedya.

Aral ng Kwento:
Ang kwentong ito ay kagaya lamang sa ating paglalakbay sa buhay. Hindi
maiiwasan na makaharap tayo ng mga distraksyon at mga problema na inisimbolo ng lobo.
Minsan natatalo o nakakain tayo ng ating problema kaya para maiwasang mangyari ito ay
dapat maging handa tayo at maging matalino upang malampasan at matalo natin ang lahat
ng problema sa ating buhay.

Tema ng kwento:
1. Huwag kailanman magtiwala sa mga estranghero o huwag makipagusap sa
mga hindi kakilala kahit na mabait o palakaibigan ang dating ng estranghero ay maari paring
may masamang balak ito sa iyo. Huwag magbigay ng impormasyon sa mga hindi kakilala
dahil maaring magamit nila ito laban sayo gaya ng bida na nadala ang sarili sa kapahamakan
dahil dito.

2. Sundin natin ang utos ng ating mga magulang dahil mahalagang sundin natin ang
utos o payo ng ating mga magulang sapagkat mas nakakaalam sila sa kung ano ang mabubuti
sa atin. Kung sinunod lamang ni little red riding hood ay posibleng hindi siya malalagay sa
isang masamang sitwasyon pati narin ang lola nito.

3. Huwag pabayaan ang inyong mga anak o mga bata dahil bilang isang magulang,
hindi dapat nating hayaan ang ating mga anak na mag isa sa buhay. Bata man yan o matanda,
nangangailangan parin iyan ng gabay ng isang magulang. Huwag dapat tayong maging
kampante pagdating sa ating mga anak at laging bigyang pansin ang mga ito.

Repleksyon ng akda sa bansang pransiya:


1. Ang pransiya ay mayroong napakaraming kagubatan.

2. Makikita rin sa kwento kung gaano ka hilig ang mga pranses na gumamit ng
tawkbong o “hood” sa ingles.

3. Base sa akda, malalaman nating kung gaano ka hilig ang mga pabula ng mga
pranses. Sikat ang mga kwentong may tauhan na nagsasalitang hayop sa bansang pransiya.

4. Sa panahong naisulat ang akda ay mayroong mga lobong gumagala sa europa na


maaaring nagdulot ng kapahamakan kaya ginamit ito upang maiwasan ang paglabas sa
tahanan.

5. Dito naisasalamin ang kahiligan ng mga pranses na maghurno/bake ng mga


panghimagas gaya ng cake.

Pagsusuri:

1. Panahong kinabibilangan
Naisulat ang la petit chaperon rouge (little red riding hood) noong taong 1697.
Halos isang siglo makalipas ang pagtatapos ng renaissance period. Sa panahong naisulat ang
akda ay maraming mga pangyayari ang naganap ng hindi maganda kaya ang ginawa ng may
akda ay mag publish ng mga “cautionary tales” para maiwasan ito.

2. Sariling puna
Para sa amin, masasabing hindi masyadong angkop ang akda sa mga masyadong
bata na mambabasa dahin may pagkabayolente ito kahit sinasabing kwentong pambata ito
o hindi makatotohanan. Ngunit, sa kabilang banda ay masasabi naming napakaganda ng
kwento dahil sa mga aral na naipaloob dito para sa mga anak o batang angkop na para
bumasa sa akdang ito at maging ang mga magulang rin sa madaling salita, magagamit ito
upang solusyonan ang ilang problema ng mga magulang at mga anak nito.
3. Bisa

a. Bisang pangkaisipan – Ang naitanim ng akda sa aming kaisipan ay ang kahalagahan ng pagiging
matalino at pagiging obserbatibo. Dapat maging matalino tayo sa pagbuo ng desisyon o paggawa ng
kilos o kung ano rin ang dapat lumabas sa bibig mo. Mahalaga rin ang pagiging obserbatibo upang
mapansin natin kung mayroon bang masamang balak ang isang tao sayo.

b. Bisang pandamdamin – Ang aming naramdaman matapos mabasa ang akda ay malingkot.
Malungkot kami sapagkat gaya ng bata ay may mga taong nakakain o natatalo ng kanilang mga
problema na nagresulta sa kanilang kapahamakan o ang pinakamasamang pwedeng mangyari sa
kanila ay ang kamatayan.

c. Bisang pangkaasalan – Isa sa mga epekto amtapos namin itong basahin ay ang pagbabago sa
pananaw namin sa lahat ng babae ay ligtas na. Dito ipinapakita na naabuso ang kainosentehan ng
bata at ginamit ito laban sa kanya. Kahit ngayon, maraming mga babae lalong lalo na ang mga bata
ang minamanipula o mababa ang tingin nila dito. May mataas ang tiyansa nila sa kapahamakan.

You might also like