You are on page 1of 21

7

Filipino
Unang Markahan – Sariling
Linangan Kit 1:
Kuwentong - Bayan
Filipino – 7
Unang Markahan –Sariling Linangan Kit 1: Ang Kuwentong-Bayan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa sariling
linangan kitl na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa sariling linangan kit na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Sariling Linangan Kit


Manunulat: Phelma O. Camacho, EdD at Fardia C. Pawai
Editor: Yvette Rosanna P. Escalera
Tagasuri: Rene P. Sultan, EdD
Tagaguhit: Hareld O. Candari
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Aris B. Juanillo, PhD (EPS LRMS)
Alma C. Cifra, EdD (Chief, CID)
Reynaldo M. Guillena, CESO V (Schools Division Superintendent)

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon XI


Sangay ng Lungsod ng Davao
Daang E. Quirino, Davao City
Paunang Salita
Ang Sariling Linangan Kit (SLK) na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral ng
ikapitong baiting ng asignaturang Filipino. Lubos naming pinasasalamatan at
pinahahalagahan ang mga magulang, mga kapatid ng aming mga mag-aaral o ang
kanilang mga kamag-anak na nagging katuwang namin sa pagtuturo sa aming mga
mag-aaral.
Makikita sa SLK na ito ang tekstong babasahin, mga pagsasanay at
paglalahat para sa isang tiyak na aralin. Mangyaring isakatuparan ang mga gawain
nang may pagkukusa at katapatan. Isulat ang inyong mga sagot sa bukod na papel.
Huwag kailanman sulatan ang alinmang bahagi ng SLK. Kung may katanungan o
agam-agam sa alinmang bahagi ng SLK, itanong sa inyong mga guro. Makipag-
ugnayan sa kaniya sa telepono bilang __________.

Para sa mag-aaral:
Malugod naming kayong tinatanggap sa Filipino sa Ikapitong Baitang upang
pag-aralan ang panitikang panrehiyon ng Mindanao sa Unang Markahan.

Ang SLK na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto. Ang SLK na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Ito ay nilikha para sa iyong kagalingan. Matutulungan ka nitong matutuhan


ang mga kuwentong-bayan na nagmula sa Mindanao. Dito sa Mindanao naninirahan
ang karamihan sa mga kapatid nating mga Muslim. Sa panitikang Mindanao
masasalamin ang kaugalian, paniniwala at kultura ng mga Muslim at iba pang mga
pangkat-etnikong naninirahan dito. Ang malimit na paksa ng kanilang mga panitikan
ay patungkol sa kanilang relihiyon at paniniwala.

Ang kuwentong-bayan ay bahagi ng ating katutubong panitikan na nagsimula


bago pa man dumating ang mga kastila sa Pilipinas. Ito ay lumaganap at
nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalita o pasalindila. Nasa
anyong tuluyan ang mga kuwentong-bayan at karaniwang naglalahad ng kaugalian
at tradisyon ng lugar kung saan ito nanggaling.

ii
Alamin Natin

Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo ang


sumusunod na kasanayang pampagkatuto:

1. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan


ng kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.
2. Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.

Subukin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang katanungan. Maghinuha ng kaugalian at


kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan batay
sa mga pangyayari o usapan ng mga tauhan. Isulat sa sagutang papel ang
tamang sagot.

1. Ang binatang si Usman ay pumunta sa isang palengke malapit sa palasyo ng


sultan. Mahihinuhang ang lugar ng sultan ay _______.
a. mas maunlad at may mas malaking palengkeng dinarayo ng mga tao.
b. ginagawang pasyalan ng iba pang mga tao.
c. katatagpuan ng kayamanan at mahahalagang pilak.
d. tirahan ng mga kamag-anak at mga kaibigan ng binatang si Usman.

2. “Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang


kasalanan,” ang pagmamakaawa ni Potre Maasita sa kaniyang ama subalit
hindi man lang siya pinansin nito. Mahihinuhang si Sultan Zacaria ay ______.
a. matigas ang kalooban.
b. mapaghiganti
c. mapagtimpi.
d. matalino.

3. Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang


kamatayan ng lalaking labis niyang iniibig. Mahihinuha sa ginagawang ito ng
dalaga na ________.
a. matatakutin siya at madaling sumuko sa mga pagsubok.
b. mapaghiganti siya at mahigpit kung kinakailangan.
c. mapagmalaki siya at hindi basta nakikinig sa magulang.
d. malakas ang kaniyang loob at hindi siya basta sumusuko.

1
4. Ang Pandemic na Covid 19 ay nagbabanta sa seguridad ng buhay at
sa kalusugan ng mga mamamayan sa buong mundo ayon sa World
Health Organization.
a. Ang pahayag ay nagbibigay patunay.
b. Ang pahayag ay di nagbibigay ng patunay.

5. Maraming Pilipino ang nahihirapan sa buhay ngayon.


a. Ang pahayag ay nagbibigay ng patunay.
b. Ang pahayag ay di nagbibigay ng patunay.

Aralin Natin

Nakabasa ka na ba ng kuwentong-bayan? Basahin mo at intindihin ang


kuwento na ito upang lumawak ang iyong kaalaman at maunawaan mo ang mga
kaisipang nais mong malaman sa araling ito.
Ang Munting Ibon
Isang Kuwentong-Bayan ng mga Mȅranao

Noong unang panahon, may mag-asawang naninirahan sa malayong bayan


ng Agamaniyog. Sila sina Lokes a Babay at Lokes a Mama. Pangangaso ang
ikinabubuhay ng mag-asawa subalit hindi lang ang lalaking si Lokes a Mama ang
nangangaso kundi maging ang kaniyang maybahay na si Lokes a Babay. Bago
sumapit ang takipsilim ay inilalagay na ng mag-asawa ang kani-kanilang bitag sa
gubat at ang mga ito’y kanilang binabalikan sa madaling araw.

Isang gabi, habang nahihimbing si Lokes a Babay ay dahan-dahang lumabas


ng bahay si Lokes a Mama upang tingnan ang kanilang bitag. Anong laking gulat niya

2
nang makitang ang kaniyang bitag na nakasabit sa puno ay nakahuli ng isang
munting ibon samantalang ang bitag ng kaniyang asawang nasa lupa sa tabi ng ugat
ng isang malaking puno ay nakahuli naman ng isang malusog na usa. “Hmmm, hindi
maaari ito,” ang sabi ni Lokes a Mama sa sarili. “Matabang usa ang nahuli ng bitag
niya samantalang ang sa aki’y isang munting ibon lang ang nadale. Alam ko na.
Pagpapalitin ko ang mga hayop na nahuli ng aming mga bitag,” ang nakangising wika
ni Lokes a Mama habang inilalapit ang usa sa kaniyang bitag at saka itinali ang ibon
sa bitag ng asawa. Umuwi si Lokes a Mama nang nasisiyahan sa kaniyang ginawa
kahit alam niyang isang panloloko ito sa kaniyang asawa.

Kinabukasan, maagang ginising ni Lokes a Mama ang asawa. Gusto niya


kasing sabay silang magtungo sa kagubatan upang sabay ring makita ang mga huli
ng kani-kanilang mga bitag. Gulat na gulat si Lokes a Babay nang makita ang
matabang usang nakasabit sa bitag na nasa tabi ng puno ay nakahuli lang ng isang
maliit na ibon. Ipinagtataka niya kung paanong ang bitag na nasa itaas ng puno ang
nakahuli ng isang usa subalit hindi lang siya kumibo. Sa halip, iniuwi niya ang
munting ibon at inilagay ito sa isang hawla.
Samantalang, iniuwi naman ni Lokes a Mama ang kaniyang huli at saka iniluto.
Umaamoy sa kapaligiran ang nakagugutom na amoy ng nilulutong usa subalit nang
handa na’y agad itong nilantakan ng lalaki nang hindi man lamang nag-aalok sa
kaniyang asawa. Sinolo niyang kainin ang buong usa sa loob ng tatlong araw kahit
alam niyang gusto rin ito ng kaniyang asawa. Isa pa’y ang bitag naman talaga ni
Lokes a Babay ang totoong nakahuli sa usa. Likas siyang maramot at walang
pagpapahalaga sa asawa kaya hanggang sa maubos ang usa ay hindi niya binigyan
si Lokes a Babay na nanatiling walang kibo sa kabila ng ginagawa ng asawa.

Nang maubos niya ang nilutong usa ay muling niyaya ni Lokes a Mama ang
asawa. “Gusto ko uling makatikim ng matabang usa. Halika, maglagay tayong muli ng
bitag sa gubat,” ang kaniyang paanyaya sa asawa. Muli, naglagay ang dalawa ng
kani-kanilang mga bitag. Subalit hindi marunong umakyat ng puno si Lokes a Babay
at hindi lamang siya tinulugan ni Lokes a Mama ay inilagay na lang niya uli ang
kaniyang bitag sa tabi ng puno kung saan siya dating naglalagay.

Hatinggabi nang namalayan ni Lokes a Babay ang kaniyang asawang


bumangon at dahan-dahang lumabas ng pinto. Nagkunwari siyang tulog. Matalinong
babae si Lokes a Babay nahulaan niya ang ginagawa ng asawa. Subalit wala siyang
intensyong sundan ito. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan,”
ang tahimik niyang naibulong sa sarili at saka niya pinilit makatulong kahit pa siya’y
nagdaramdam sa ginagawang pagtrato sa kaniya ng asawa.
Nang siya’y makatulog ay nanaginip siya. Napanaginipan niyang pinakakain
daw niya ng palay ang kaniyang alaga at anong laking gulat niya nang mangitlog ito
ng isang montias o isang mamahaling hiyas.
Nagising na lang siya dahil tinatawag na pala siya ni Lokes a Mama para
tingnan ang kanilang mga bitag. Subalit wala na siyang interes sa bitag. “Ikaw na lang

3
ang pumunta,” ang sabi niya sa asawa. “Masakit ang ulo ko at mas gusto ko pang
magpahinga na lang,” ang dugtong pa niya.
“Bahala ka. Basta’t pag may nahuli ako ay hindi uli kita bibigyan. Kaniya-kaniya
tayo,” ang sabi ni Lokes a Mama habang pababa ng hagdan. Hindi sumagot si Lokes
a Babay. Sanay na siya sa pagiging tuso at madamot ng kaniyang asawa. Wala rin
itong pagpapahalaga sa kaniya at hindi niya naramdamaang mahal nito.

Pagkaalis ng kaniyang asawa ay agad niyang pinuntahan ang kaniyang


munting ibon. Kumuha siya ng palay at ipinatuka sa ibon. Gayon na lang ang
kaniyang panggigilalas nang makitang pagkalunok nito sa palay ay biglang nangitlog
ng isang maningning na diyamante. “Mayaman na ako! Mayaman na ako!” ang paulit-
ulit niyang sabi sa sarili habang itinatago ang mamahaling bato.
Tulad nang dati, pag-uwi ng kaniyang asawa ay iniluto nito ang kaniyang huli at
mag-isang kumakain nang hindi man lang nag-aalok. Subalit hindi na ito pansin ni
Lokes a Babay ngayon. Sa halip ay masaya siyang humuhuni ng paborito niyang
himig habang gumagawa sa bahay na labis namang ipinagtataka ng kaniyang asawa.

Araw-araw nga, pagkaalis ng kaniyang asawa upang kunin ang anumang


nahuli ng kanilang bitag ay pinakakain naman niya ng palay ang ibon at saka mag-
aabang sa ilalabas nitong diyamante. Walang kamalay-malay si Lokes a Mama na
marami na palang naiipong diyamante si Lokes a Babay.
Isang araw, habang mag-isa na naming kinakain ni Lokes a Mama ang
kaniyang inilutong huli ay nagsalita si Lokes a Babay “Hindi ko na matiis ang
pakikitungo mo sa akin. Alam ko na ang ginagawa mong panloloko sa akin. Bukod pa
riyan hindi ko na rin kayang tiisin ang pagiging maramot mo at kawalan mo ng
pagpapahalaga sa akin,” ang buong kapaitan niyang sabi sa asawa na hindi man lang
tumingala mula sa pagngasab sa niluto niyang ligaw na pato. “Payag na ako sa dati
mo pang sinasabing pakikipaghiwalay sa akin. Magmula ngayon, lilipat na ako ng
tirahan at hindi na kita aabalahin subalit huwag mo na rin akong aabalahin,” ang
pangwakas na sabi ni Lokes a Babay.
Medyo nakonsensya naman ang lalaki dahil totoong lahat ang sinabi sa kaniya
ng asawa. Pero ito na ang pinakahihintay niyang pagkakataon. Ngayon ay malaya na
siya. Matagal na niyang sinasabi lay Lokes a Babay na gusto na niyang
makipaghiwalay subalit hindi ito pumapayag. Ngayon ay heto at pumapayag na siya
sa kaniyang kagustuhan.

Nag-impake si Lokes a Babay ng kaniyang mga gamit at dala ang pinakamahal


niyang ibon at umalis siya ng bahay. Naiwan naman si Lokes a Mama at
ipinagpatuloy lang ang kaniyang pangangaso.
Samantala, si Lokes a Babay ay bumili ng isang malawak na lupain at
nagpatayo ng isang torogan o malapalasyong tahanan. Kumuha siya ng mga
guwardiya at mga katulong na magsisilbi sa kaniya. Naging maayos at masagana ang
kaniyang pamumuhay. Nabalitaan ni Lokes a Mama ang napakagandang kalagayan
4
sa buhay ng kaniyang dating asawa kaya’t muli siyang nagplano.
“Babalikan ko si Lokes a Babay para makasalo rin ako sa kaniyang
kayamanan. Hindi ko alam kung saan niya kinuha ang kaniyang kayamanan subalit
dapat lang na makinabang din ako,” ang sabi sa sarili ng tusong lalaki.
Subalit napaghandaan na pala ito ni Lokes a Babay. Kilala niya kasi ang
pagiging tuso at manloloko ng asawa kaya’t pinabilinan niya ang kaniyang mga
guwardiya na huwag na huwag itong papalapitin man lang sa kaniyang magarang
tahanan. Kahit anong gawin ni Lokes a Mama ay hindi na nagpaloko sa kaniya ang
asawa.

At magmula noon, namuhay sa bayan ng Agamaniyog si Lokes a babay nang


maligaya, masagana, at payapa.
Isang malayang pagsasalin ng “Tiny Bird” mula
sa The Agamaniyog Folktales. Mindanao Art and
Culture, Number One, 1979. Marawi City: University
Research Center Mindanao State University

Upang lubos mong maunawaan ang akda sagutin mo ang mga tanong.

A. Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng iyong
tamang sagot.
1. Ano ang hanapbuhay ng mag-asawa sa ating binasang kuwentong-
bayan?
A. pangingisda
B. pagsasaka
C. pangangaso

2. Sa paanong paraan niloko ni Lokes a Mama ang asawa niyang si


Lokes a Babay?
A. Pinakawalan ni Lokes a Mama ang huli ng bitag ni Lokes a Babay.
B. Pinagpalit ni Lokes a Mama ang kanilang mga huli.
C. Pinamigay ni Lokes a Mama ang kanilang mga huli sa
kanilang mga kapitbahay.

3. Ano-ano ang hindi makatarungang bagay ang ginagawa niya sa


asawa?
A. madamot, makasarili, mapanlamang, kawalan ng malasakit sa
asawa
B. lasinggero, sugarol, iresponsable, kuripot
C. pinagbubuhatan ng kamay ang asawa, hindi pinakakain, tamad

5
4. Anong magandang kapalaran ang nangyari kay Lokes a Babay?
A. Marami siyang huling hayop lagi.
B. Naging mabait sa kaniya ang kaniyang asawa.
C. Nangitlog ng ginto ang kaniyang alagang ibon.

5. Kung ikaw si Lokes a Mama, ano ang gagawin mo sa sitwasyong iiwan


ka na ng iyong asawa nang dahil sa mga hindi mabubuting bagay na
ginagawa mo sa kaniya?
A. Magmamakaawa akong bibigyan niya ako ng ikalawang
pagkakataon.
B. Hahayaan ko siya sa kaniyang desisyon.
C. Ibibigay ko sa kaniya ang kaniyang kalayaan.

6. Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba sa naging pasya ni Lokes a


Babay na umalis na sa kanilang tahanan at mamuhay nang malayo sa
kaniyang asawa? Ipaliwanag.
A. Sumasang-ayon ako sa kaniyang naging desisyon upang
maranasan din niyang maging malaya.
B. Sumasang-ayon ako dahil hindi naging makatarungan ang pagtrato
ng kaniyang asawa sa kaniya.
C. Sumasang-ayon ako dahil mayaman na siya.

Sa pagbibigay patunay sa isang bagay ay mahalagang masundan ito ng


ebidensiya o datos. Narito ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay-patunay.

Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay


May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang
bagay. Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo ay makapagpatunay at
ang ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa mga
tagapakinig. Karaniwang ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan na rin ng datos
o ebidensya na lalo pang makapagpapatunay sa katotohanan ng inilalahad.

Narito ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay:


• May dokumentaryong ebidensya – ang mga ebidensyang
magpapatunay na maaring nakasulat, larawan, o video.
• Kapani-paniwala – ipinakikita ng salitang ito na ang mga
ebidensiya, patunay, at kalakip na ebidensiya ay kapani-paniwala at
maaaring makapagpatunay.
• Taglay ang matibay na kongklusyon – isang katunayang pinalakas
ng ebidensiya, pruweba, o impormasyon na totoo ang
pinatutunayan.

• Nagpapaliwanag – hindi direktang makikita, maririnig, o mahihipo


ang ebidensiya subalit sa pamamagitan ng pahiwatig ay

6
masasalamin ang katotohanan.
• Nagpapakita – salitang nagsasaad na ang isang bagay na
pinatutunayan ay totoo o tunay.
• Nagpapatunay/katunayan – salitang nagsasabi o nagsasaad ng
pananalig o paniniwala sa ipinahahayag.
• Pinatutunayan ng mga detalye – makikita mula sa mga detalye ang
patunay sa isang pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye para
makita ang katotohanan sa pahayag.

Pagkatapos mong masagot ang talakayan hinggil sa kuwentong-bayang


binasa, magpatuloy ka sa susunod na gawain nang mapagtagumpayan mo ang
kasanayang nararapat mong matutunan sa SLK na ito. Sa lalawigan ng Lanao Del
Sur nagmula ang binasa nating kuwentong-bayan. Matatagpuan sa lalawigang ito
ang Lawa ng Lanao na siyang paksa ng isang balita. Magkakaroon ka ng ideya mula
sa balitang ito kung ano na ngayon ang kondisyon ng lugar na pinagmulan ng binasa
mong kuwentong-bayan.

Mindanao, Maisasalba ng Lake Lanao


Mario Kasayuran

Dapat na maipasa na ng Kongreso ang panukala sa pagtatatag ng Lake Lanao


Development Authority na lilikha ng malinaw na framework sa pangangasiwa sa Lake
Lanao at sa watershed resources nito upang matugunan ang pagpapatuloy ng
rotational brownout sa Mindanao, na tinaguriang” land of promise”.
Ayon kay Senator Loren Legarda, awtor ng panukala, ang talamak at
lumalalang deforestation sa mga watershed, kabilang ang nasa Lake Lanao, at ang
siltation sa mga ilog ay kabilang sa mga dahilan kung bakit kinakapos ang suplay ng
koryente sa Mindanao.

Samantala, ang panukalang pagtatayo ng 300-megawatt (MW) fossil fuel-


powerd electric plant ang nakikita ng gobyerno na pansamantalang solusyon sa kapos
na suplay ng koryente sa rehiyon.

Iginiit naman ni Legarda na ang patuloy na pagkatuyo ng Lake Lanao ay


nakaapekto sa suplay ng tubig mula sa lawa para sa anim na hydroelectric power
plant sa Mindanao, kabilang ang Agus, na ang kabuoang sinu-suplay ay responsible
sa 70 porsiyento ng pangangailangan sa koryente ng buong rehiyon.
Ayon sa senadora, inaasahan na niya ang kakapusan ng koryente sa
Minadanao, kaya naman inihain niya ang Senate Bill 3097 para sa Lake Lanao, sa
pamamagitan ng Lake Lanao Development Authority.

7
“The Lake Lanao Development Authority shall have the exclusive jurisdiction to
issue Environmental Compliance Certificates (ECCs) Certificate of Non-Coverage
(CNCs) and grant permits for any projects or activities in or affecting the Lake Lanao
Area.” Ani ni Legarda.
Sa kasalukuyan, umaabot sa 1,484 MW’s ang demand sa koryente sa
Mindanao, ngunit nasa 1,181 MVs lang ang kayang ipagkaloob ng mga power plant sa
rehiyon, kaya kulang ng 300 MWs ang kabuong suplay, na nagresulta sa rotational
Brownouts.
Mula sa Online Balita, April 4, 2013

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

• Ano ang tila nasasalamin mo sa kasalukuyang kalagayan ng lugar kung saan


nagmula ang binasa nating kuwentong-bayan? Ano-anong detalye mula sa
balita ang makapagpapatunay sa iyong sagot?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_____________________

• Batay sa balita ano-ano ang magpapatunay na may problema nga sa


kakulangan ng koryente ang Mindanao?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
____________________________

• Anong ebidensya mula sa binasa ang magpapatunay na ang pagkasira ng


kapaligiran ay maraming masamang epekto sa buhay ng tao?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
____________________________

8
Para mapatunayan ang katotohanan sa mga isasagot sa mga tanong sa
itaas, ano ang kailangang ibigay ng taong sasagot nito? _______________________
Kung ebidensiya o datos ang sagot mo ay tama ka. Sa pagpapatunay
ng isang bagay ay mahalagang masundan ito ng ebidensya o datos. May iba pang
mga gawain ang inihanda upang lubos mong maunawaan ang paksa.

Gawin Natin

Panuto: Maghinuha ng kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na


pinagmulan ng kwentong-bayan batay sa mga pangyayari o usapan ng mga tauhan.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang mag-asawa ay kapwa nabubuhay sa pangangaso. Mahihinuhang


ang kanilang lugar ay______.
A. magubat at mapuno. C. nasa lungsod.
B. nasa tabing-dagat. D. nasa kapatagang taniman ng palay.

2. Iniluto ni Lokes a Mama ang matabang usa at ito’y kaniyang kinaing


mag-isa nang hindi man lamang inaalok ang kaniyang tahimik lang at
hindi umiimik na maybahay. Mahihinuha sa pahayag na _______.
A. ang lalaki ay pinuno o lider ng sambayanan kaya’t mas nagagawa
niya ang nais kaysa sa babae.
B. ang lalaki ay siyang tagapagluto at tagapamahala sa kusina.
C. ang babae ay hindi hinahayaang kumain ayon sa paniniwala.
D. ang babae ay kailangan munang may mahuli ring hayop bago
makakain.

3. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan”, ang
tahimik niyang naibulong sa sarili. Mahihinuhang ang babaeng tulad ni
Lokes a Babay ay _______.
A. matampuhin. C. magagalitin.
B. mapagtimpi. D. masayahin.

4. “Magmula ngayon, lilipat na ako ng tirahan at hindi na kita aabalahin


subalit huwag na huwag mo na rin akong aabalahin,” mahihinuha sa
sinabing ito ni Lokes a Babay na _______.
A. ang babae, gaano man kabait ay napupuno rin at natututong
ipagtanggol ang sarili.
B. ang babae ay naghahanap na ng kalinga at pagmamahal mula sa
asawa.
C. ang lalaki ay siyang hari sa kanilang tahanan.
D. ang babae ay maaaring umalis kahit walang matibay na dahilan.

9
5. Pinabilinan ni Lokes a Babay ang kaniyang mga guwardiya na huwag
na huwag palalapitin man lang sa kanyang magarang tahanan ang
kaniyang asawa. Mahihinuhang si Lokes a Babay ay _______.
A. mapaghiganti at ikinatutuwa ang kapahamakan ng iba tulad ng
kaniyang asawa.
B. may itinatagong lakas ng kalooban at hindi kasinghina ng inaakala
ng kaniyang asawa.
C. mahirap pakisamahan at walang nakakasundong tao.
D. naging masama na rin ang ugali dala ng kinang ng kanIyang
kayamanan o salapi.

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang tsek (/) sa inyong
sagutang papel kung ang ay pahayag na nagsasaad ng patunay o
ebidensiya at (X) naman kung hindi.

____________1. Ayon sa PAG-ASA malakas ang bagyong papasok sa


Philippine Area of Responsibility o (PAR).
____________2. Suliranin ng mga magulang sa kasalukuyan ang
pagkalulong ng kanilang mga anak sa paglalaro ng
Mobile Legend.
____________3. Umaasa ang karamihan na magiging kaaya-aya ang
buhay nila sa taong ito.
____________4. Ang mga magulang ay dapat sundin ng mga anak dahil
sila ang nakaaalam nang tama para sa kanila.
____________5. Hindi ligtas ang Pilipinas sa pagyanig ng malalakas na
lindol dahil sa lokasyon nito na nasa Pacific Ring of Fire.
____________6. Ayon sa Pangulong Duterte dapat na maging mulat ang
mga Pilipino sa mga nangyayari sa bansa.
____________7. Ang Department of Agriculture ay nagpalabas ng
alituntunin upang maiwasan ang pagkalat ng African
Swine Fever sa bansa.
____________8. Ang pagtaas ng lebel ng tubig sa mga karagatan ay isang
indikasyon ng lumalalang problema ng climate change.
____________9. Mananagot ang mga mataas na opisyal ng Philippine
Military Academy dahil sa pagkamatay ni Cadet 4th Class
Darwin Dormitoryo dahil sa hazing.
____________10. Paiigtingin ng pamahalaan pagpapatupad ng Anti
Hazing Law dahil sa pagtaas ng kaso ng mga biktima ng
hazing sa bansa ayon sa mambabatas.

10
Sanayin Natin

Panuto: Maghinuha ng mga kaugalian at kalagayang panlipunan ng kuwentong-


bayan batay sa mga pangyayari o usapan ng mga tauhan. Isulat ang tamang sagot
sa inyong sagutang papel.
1. Ang binatang si Usman ay pumunta sa isang palengke malapit sa palasyo ng
sultan. Mahihinuhang ang lugar ng Sultan ay _____.
A. mas maunlad at may mas malaking palengkeng dinarayo ng mga tao.
B. ginagawang pasyalan ng iba pang tao.
C. katatagpuan ng kayamanan at mahahalagang pilak.
D. tirahan ng mga kamag-anak at mga kaibigan ng binatang si Usman.

2. Dahil hindi matanggap ng sultan ang kaniyang itsura, nagpatupad siya ng


kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kaniya ang pisikal na anyo
ay dapat kitlin at maglaho. Sinusunod lahat at hindi man lang ito tinutulan ng
kaniyang mga tauhan. Mahihinuha sa pahayag na ito na ______.
A. malapit sa kaniyang mga tauhan ang sultan.
B. kinatatakutan at sinusunod ang makapangyarihang sultan.
C. mayaman at maraming ari-arian ang sultan.
D. masipag at mapagmalaki ang sultan.

D. Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat sa inyong sagutang


papel ang P kung ang mga pahayag ay nagsasaad ng patunay at DP kung ang
mga pahayag ay hindi nagsasaad ng patunay.

________ 1. Ang mga kabataan sa kasalukuyan ay mga matatalino dahil sa


tulong ng mga makabagong teknolohiya.
________ 2. Ayon sa Bagong Bureau of Corrections (BUCOR) Chief Director
General Gerald Bantag mahigpit niyang ipinagbabawal ang
pagdadala ng cellphone sa loob ng Bilibid.
________ 3. Naaapektuhan ang Pilipinas ng usok na nagmula sa nasusunog na
kagubatan ng bansang Indonesia na nakaaapekto sa kalusugan ng
mga mamamayan.
________ 4. Marami ang gustong manirahan sa lungsod ng Davao dahil sagana ito
sa mga prutas at iba pang mga pananim katunayan, iniluluwas sa
ibang panig ng kapuluan at maging sa ibang bansa.
________ 5. Payapa at maayos ang pamumuhay ng mga taong nakatira sa Lungsod
ng Davao.

11
Tandaan Natin

Ang bawat rehiyon sa bansa ay nagtataglay na kani-kaniyang kultura,


tradisyon at paniniwala na nagpakikilala sa kanilang pagkakilanlan bilang mga
Pilipino. Makulay ang kultura at tradisyon ng mga kababayan nating mga Muslim sa
Pilipinas. Magkaiba man tayo ng relihiyong pinaniniwalaan kailangan nating igalang
ang bawat isa dahil tayo ay mga Pilipino

Sa pagpapahayag natin sa araw-araw mas lalong paniniwalaan ang ating


mga ideya at opinyon kung ito ay may patunay o ebidensiya. Makatutulong ang mga
pahayag na ito upang tayo ay makapagpapatunay sa ating mga paliwanag at
maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa mga tagapakinig. Dinadagdagan
natin ng mga datos at ebidensiya upang makapagpapatunay sa katotohanan ng
inilalahad.

Suriin Natin

A. Panuto: Kilalanin at isulat sa sagutang papel ang titik P kung ang pangungusap
ay nagbibigay ng patunay at DP naman kung ito ay hindi nagsasaad ng
patunay.
Ang mahigit anim na libong bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong
Yolanda ang magpapatunay sa lakas at bagsik ng bagyong
humambalos sa maraming lalawigan sa kabisayaan noong 2013.
Umaasa silang huwag na sanang magkaroon ng ganoon kalakas na
bagyo.

Huwag na sana tayong salantain uli ng malakas na bagyo.


Katunayan, sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang
pumapasok sa PAR o Philippine Area of Responsibility.
Malungkot makita ang ilan nating kababayang nawawalan ng mga
mahal sa buhay at ari-arian.

12
Panuto: Basahin ang maikling teksto tungkol sa Lanao Del Sur. Sagutin ang mga
tanong pagkatapos gamitin ang mga pahayag na nagpapatunay.

Ang Lanao Del Sur

Ang Lanao del Sur kung saan nagmula ang binasa nating kuwentong-
bayan ay isa sa limang lalawigang kabilang sa ARMM o Autonomous Region in
Muslim Mindanao. Ang Lanao del Sur ay binubuo ng 39 na bayan at isang
lungsod, ang Lungsod ng Marawi na siya ring kabisera ng lalawigan.
Ang pangalang Lanao ay nagmula sa salitang ranao na nangangahulugang
“lawa.” Matatagpuan kasi rito ang Lawa ng Lanao na siyang pinakamalaking lawa
sa Mindanao at siyang pangalawang pinakamalaki sa buong Pilipinas
(sumusunod ito sa Lawa ng Laguna). Apat na ilog ang bumubuhay sa lawa
habang ang ilog ng Agus lamang ang ilog na dumadaloy mula rito. Ang lawa ay
mahalagang bahagi ng buhay ng mga tao sa lugar na ito kaya naman, ang mga
Mȅranao na siyang tawag sa mga taong naninirahan dito ay tinatawag ding “mga
tao sa lawa.” Kapag araw ng palengke, makikitang ang buhay ng mga tao ay
nakasentro sa lawa ng Lanao na labis na abala sa dami ng mga bangkang
nagyayao’t dito sa pagdadala ng mga paninda. Ito rin ang isa sa mga
pangunahing paraan ng transportasyon sa mga bayan ng Lanao Del Sur.

Mȅranao rin ang tawag sa wikang sinasalita ng mga tao sa lalawigang ito.
Ang nakararaming mamamayan sa Lanao ay mga Muslim. Kilala ang mga
Mȅranao sa pagiging malikhain. Makikita sa kanilang kagamitang panseremonya
at iba pang mga kagamitan ang mga ukit na tinatawag nilang okir kung saan ang
pinakakilala ay ang sarimanok at makukulay na nagas o nakaukit na hugis ahas
na madalas makita sa hawakan o puluhan ng kanilang mga kapilan.

Mapalad ang mga Mȅranao sa pagkakaroon ng magandang panahon, hindi


masyadong mainit at lihis din sila sa daanan ng bagyo kaya hindi sila gaanong
nasasalanta ng mga bagyong dumaraan sa ating bansa.

Panuto: Sagutin ang mga tanong gamit ang mga pahayag na nagpapatunay.
1. Batay sa binasa, ano-ano ang magpapatunay na mahalaga ang Lawa ng
Lanao sa mga Mȅranao?
A. Ang lawa ng Lanao ay ang pangunahing turismo ng lugar.
B. Ang lawa ng Lanao ay mahalaga sa buhay ng mga mamamayan dahil
dito isinasagawa ang mga mahalagang ritwal at pang-araw-araw na
gawain ng mga tao.
C. Nagsisilbing daanan ng transportasyon at komunikasyon pag araw ng
palengke; dito rin dinadaan ang kanilang mga paninda.

13
2. Anong ebidensiya mula sa binasa ang magpapatunay na malikhain at may
katutubong sining ang mga Mȅranao?
A. Makikita ito sa kanilang mga makukulay nilang mga damit.
B. Makikita ito sa kanilang mga panseremonyang mga
kagamitan at iba pang mga iniukit na gamit tulad ng sarimanok.
C. Makikita ito sa disenyo ng kanilang mga bahay at palamuti.

3. Ano-ano ang mga patunay na maganda ang uri ng panahong umiiral sa


Lanao del Sur?
A. Lihis sila sa dinadaanan ng bagyo kaya maganda ang kanilang
panahon sa buong taong.
B. Masagana sila sa mga prutas at gulay.
C. Pagsasaka ang kanilang pangunahing hanapbuhay kaya mainam ang
klima sa anumang uri ng mga pananim.

Payabungin Natin

Panuto: Pumili ng isa sa mga kuwentong-bayan na nakatala sa ibaba at


sundin ang mga panuto.

Mariang Makiling Si Manik Buangsi


Si Malakas at si Maganda Si Monki, si Makil, at ang
Mga Kuwento ni Juan Tamad mga Unggoy
Ang Bundok Kanlaon Si Usman, Ang Alipin
Ang Batik ng Buwan

1. Magsaliksik sa internet ng sipi o kopya ng kuwentong-bayan na


iyong napili.
2. Basahin at unawain mong mabuti.
3. Mula sa iyong binasa magbigay ka ng mga patunay na ang
kuwentong-bayan ay sumasalamin sa mga tradisyon o kaugalian
ng lugar na pinagmulan nito. Isulat sa loob ng kahon ang iyong
sagot.

14
Pagnilayan Natin

Ang kuwentong-bayan ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula


bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ito ay lumaganap sa buong kapuluan sa
pamamagitan ng pagsasalin-salin nito sa iba’t ibang henerasyon. Masasalamin sa
mga kuwentong-bayan ang mga kaugalian, pananampalataya, kultura at mga
suliraning panlipunan sa panahon kung kailan ito naisulat. May mga tampok mang
kuwentong-bayan ang bawat rehiyon sa Pilipinas at nagkaroon man ito ng iba’t ibang
bersyon ngunit iisa lang ang diwa na nais niyang ipaabot, ito ay ang ipakilala ang
pagkakilanlan ng mga Pilipino mula Luzon, Visayas at Mindanao. Kaya mahalagang
pahalagahan natin at tangkilikin ang mga kuwentong–bayan na sumasalamin sa
lahing Pilipino

15
Susi sa Pagwawasto

(Makipag-ugnayan sa inyong guro)

16
Sanggunian

Dayag, Alma M. et.al. (2018). Pinagyamang Pluma 7. Quezon City: Phoenix


Publishing House.
Santiago, Alfonso O. et. al. (2003). Makabagong Balarilang Pilipino. Manila City:
Rex Book Store Inc.

Web site
The Agamaniyog Folktales. Mindanao Art and Culture, Number One, 1979.
Marawi City: University Research Center, Mindanao State University

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Division of Davao City
E. Quirino, Avenue, Davao City
Telephone: (082) 227-4726
18

You might also like