You are on page 1of 22

10

Filipino
Ikaapat na Markahan
Sariling Linangin Kit 2:
El Filibusterismo: Si Kabesang
Tales
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikaapat na Markahan – Sariling Linangan Kit 2: El Filibusterismo: SI Kabesang Tales
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Sariling Linangan Kit
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Bumubuo sa Sariling Linangan Kit


Manunulat: Yvette Rosanna P. Escalera, Mary Jean L. Sarol, Helen P. Tacdoro
Editor:
Tagasuri: Rene P. Sultan, Lyn Vincent J. Balatero
Tagaguhit: Hareld Candari, Jemar D. Aliñabo
Tagalapat: Wedzmer B. Munjilul
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Department of Education – Davao City
Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
10

Filipino
Ikaapat na Markahan
Sariling Linangin Kit 2:
El Filibusterismo: Si Kabesang
Tales
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang SLK na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa SLK.

Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang
wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:

1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat
pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga
kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga
gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot
at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa
susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng
mga gawain.

Kung mayroon kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang


gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy.
Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa
pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan,
masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang
pampagkatuto. Kaya mo iyan!

ii
Alamin Natin
Magandang araw sa iyo.

Matutunghayan mo sa kabanatang iyong babasahin ang isang tauhan


na iyong makikilala na may pangarap sa buhay at sa kaniyang pamilya. Unti-
unti na sana niyang nakamit ang hangarin, ngunit sadyang ang tadhana’y
mailap sa kaniyang minimithing pangarap.

Mapag-aralan mo rin sa SLK na ito ang mga ginamit na


matatalinghagang pahayag at ang pagiging makatotohanan ng mga
pangyayari.

Pahalagahan mo ang modyul na ito upang lubos mong maunawaan ang


isa pang akdang pampanitikan. Sundin mo lang ang mga panuto para sa
madali mong pagkatuto.

Sa araling ito ikaw ay inaasahang:

1. nabibigyang- kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa


binasang kabanata ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay
halimbawa F10PT-IVb-c-83;
2. natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa
pamamagitan ng:
- pagtunton sa mga pangyayari
- pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
- pagtiyak sa tagpuan
- pagtukoy sa wakas F10PB-IVb-c-87;
3. naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang (*nabasa) buod
ng binasang akda batay sa:
- katangian ng mga tauhan
- pagkamakatotohanan ng mga pangyayari
- tunggalian sa bawat kabanata ng mga tauhan F10PS-IVb-c-86;
4. naisusulat ang buod ng binasang kabanata F10PU-IVb-c-86;
5. nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat (baybay,
bantas, at iba pa), gayundin ang wastong pag-uugnay ng mga
pangungusap/talata F10PU-IVb-c-86.

1
Subukin Natinv
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Titik lamang ng tamang sagot
ang isulat sa iyong sagutang papel.

1. Umasenso ang pamilya ni Tales dahil sa pagsisikap at sa dakila


niyang puso. Ano ang kahulugan ng pariralang may salungguhit?
A. masipag at mabait
B. kilalang-kilala
C. kahanga-hangang ugali

2. Ano ang naging ugat ng hidwaan ni Kabesang Tales at ng


Korporasyon ng mga prayle?
A. Pagbabayad ng buwis ng kaniyang nasasakupan.
B. Nais kamkamin ng mga prayle ang lupang pinagsakahan ni
Kabesang Tales.
C. Siya ang nahirang na Kabesa de Barangay.

3. Ano ang pinangarap ni Kab. Tales para sa kaniyang anak na si Juli?


A. Makapag-aral sa Maynila upang maging karapat-dapat sa
kaniyang kasintahang si Basilio.
B. Manilbihan sa isang mayamang Hermana.
C. Pumasok sa kumbento para maging madre.

4. Paano naging Kabesa si Kab. Tales?


A. Binoto siya ng kaniyang mga kanayon.
B. Siya ang pinili ng mga prayle na maging Kabesa sa kanilang nayon.
C. Siya ang maunlad sa kanilang bayan dahil sa kaniyang kasipagan.

5. “Sa alikabok tayo babalik, Tatang, at wala tayong saplot nang tayo ay
isilang.” Ano ang kahulugan ng matalinghagang pahayag na ito?
A. Gawa tayong mga tao sa alikabok.
B. Ginawa tayo ng Diyos mula sa alikabok, papanaw tayo at babalik
din sa alikabok.
C. Bumalik tayo sa alikabok na walang saplot.

2
Aralin Natin
Basahin ang buod ng Kabanata IV- Kabesang Tales
Kabesang Tales
Kabanata 4 ng El Filibusterismo

Buhay pa si Tandang Selo, ang matandang kumupkop sa maysakit na


batang si Basilio. Mabuti-buti na ang kaniyang buhay. Hindi na siya
nangangaso at nangangahoy. Gumagawa na lamang siya ng walis.
Ang kaniyang anak na si Telesforo o Tales kung tawagin, ay nakikisama
sa lupa ng isang mamumuhunan. Nang malaunan ay nagkaroon siya ng
dalawang kalabaw at ilang daang piso kaya bumukod na siya na katulong
ang ama, asawa, at tatlong anak. Nagkaingin sila sad ulo ng bayan sa
paniniwalang walang nagmamay-ari niyon sapagkat iyon ay ginugubat. Sa
paghahawan ng gubat na iyon, isa-isang nagkasakit ang mag-anak. Unang
namatay ang asawa ni Tales at sumunod ang panganay niyang anak na si
Lucia. Inakala nilang higanti iyon sa kanila ng mga engkantong nakatira sa
gubat.
Nang malapit na nilang anihin ang unang tanim, ang bukiring kanilang
hinawan, nilinang at tinamnan, ay inangkin ng isang korporasyon ng mga
prayle na may pag-aari sa malapit sa bayan. Naglagay ng mga pananda ang
ito at pinagbabayad sila ng dalawampu o tatlumpung piso taon-taon.
Palibhasa’y mabait, tahimik, at masunurin sa mga prayle, pumayag si
Tales. Unang-una, hindi siya marunong magsalita ng Espaňol. Wala rin
siyang ibabayad sa manananggol.
“Magtiis ka na,” ang payo ni Tata Selo. “Ipagpalagay mo na lamang na
natalo ka ng tatlumpung piso sa sugal o kaya’y kinain ng buwaya.”
Naging masagana ang ani ni Tales at marami siyang napagbilhan.
Nagbalak siyang magpatayo ng bahay na tabla sa nayon ng Sagpang sa
Bayan ng Tiani na katabi ng San Diego.
Masagana rin ang ani niya nang sumunod na taon. Ang upa sa lupa ay
naging limampung piso.
“Magtiis ka,” ang muling payo ni Tata Selo. “Ipalagay mo na lamang na
lumaki ang buwaya.”
Natupad ang balak ni Tales. Nanirahan sila sa bahay na tabla sa
Sagpang. Binalak ng mag-ama na papag-aralin sa Maynila si Tano at ang
kapatid nitong si Juliana o si Huli. Si Huli ang may angking kagandahan.
Nang makita ng bayan na malakas kumita ng salapi si Tales,
pinakamasipag sa kanilang nayon, at maunlad ang kabuhayan, ginawa
siyang Cabeza de Barangay. Noon, ang anak niyang si Tano ay labing-apat
na taong gulang lamang. Bilang Cabeza de Barangay, handa siyang
gumugol nang Malaki. Iniwasan niya ang pakikipakagalit sa kura at sa

3
pamahalaan. Binabayaran na rin niya ang buwis ng mga nakatalang
pangalan ng mga namatay na o lumipat na ng tirahan. Marami siyang
naaksayang panahon sa paniningil ng buwis. Gayundin sa pagpunta sa
ulong-bayan ng lalawigan.
“Magtiis ka. Ipalagay mong dumating ang mga kamag-anak ng buwaya.”
Ani Tata Selo.
Hindi na nakapag-aral sa Maynila si Huli gaya ng pag-aaliw ng ama dahil
naragdagan pa ang buwis sa lupa. Nang ang buwis sa lupa ay umabot na
sa dalawandaang piso, tumutol na si Kabesang Tales. Kapag hindi
makababayad ng buwis ay ipalilinang ang lupa sa isang utusan ng prayle.
Namutla ang kabesa at umugong ang kaniyang tainga. Sa mapulang ulap
na tumakip sa kaniyang mga mata ay parang nakikita niya ang kaniyang
asawa at anak na babae na payat na payat, namumutla at naghihingalo.
Nakikita niya ang masukal na gubat na naging masaganang bukirin; ang
kaniyang sariling nag-aararo sa gitna ng nakapapasong araw samantala
ang tagapangasiwang prayle ay namamasyal lulan ng kaniyang karuwahe
at ang utusang pagbibigyan ng lupa at susunod-sunod sa panginoon.
Ipinasya ni Kabesang Tales na huwag magbayad ng buwis at huwag ibigay
ang lupa.
Nang makita ni Tata Selo ang mukha ni Kabesang Tales, hindi na siya
bumanggit ng tungkol sa buwaya. Pinaalalahanan niya ito na nahuhubaran
ng damit ang nakikipag-usapin.
“Tayong lahat, Ama, ay uuwi sa alabok at isinilang tayong walang
damit,” ang sagot ni Kabesang Tales sa ama.
Hiningan ni Kabesang Tales ang mga prayle ng ano mang kasulatan ng
pagmamay-ari sa lupain. Walang maipakita ang mga prayle kaya nagkaroon
ng usapin. Naniniwala si KabesangTales na may mga taong maibigin sa
katarungan at gumagalang sa kautusan.
Ang usapin ni Kabesang Tales ay noon lamang nasaksihan sa Pilipinas.
Sa isang panig ay maralitang Indiyo, mangmang ngunit nagtitiwalang
magtatagumpay ang katarungan. Sa kabilang panig ay ang malakas na
korporasyon ng mga prayle, makapangyarihan at niyuyukuan. Mapilit
makipaglaban si Kabesang Tales. Tila siya langgam na kumakagat din kahit
alam niyang siya’y matitiris, tulad din ng isang langaw na tumatanaw s
kalawakan sa kabila ng salamin, tulad ng palayok na nakikipagbanggaan
sa kaldero at madudurog sa sanlibong bahagi. May itinuturo rin ang mga
ito; ang mataas na karangalan ng kawalang pag-asa.
Habang hindi pa nahahatulan ang usapin, si Kabesang Tales ay
naglilibot sa kaniyang bukirin. May dalang isang baril bilang pananggalang
sa gumagalang tulisan. Palibhasa asintadong bumaril ang kabesa, natakot
ang tagapangasiwang prayle na pumunta sa Sagpang na walang kasamang
tagapagtanggol. Ang utusang pagbibigyan ng lupa ay natakot din. Ayaw na
ring makialam sa pag-aari nito.

4
Ang mga hukom-pamayapa sa bayan at sa ulong-bayan ay hindi
naglakas loob na bigyan ng katuwiran si Kabesang Tales sa takot na
mawalan sila ng katungkulan. Pinayuhan ng mga hukom na magbayad na
ng hinihinging buwis. Subalit nanindigan si Tales lalo pa nga’t may
nababanaagang katuwiran.
Pinagsadya ang kabesa ng gobernador subalit nanatili sa kaniyang
pagmamatigas. Ipagkakaloob lamang niya ang lupaing iyon sa taong
makagagawa nang higit sa kaniyang dinanas.
Ang anak niyang si Tano ay napiling sundalo ngunit pinabayaan niya
itong lumakad nang walang kapalit. Pagkaraan ng anim na buwan,
nabalitang dinala ito sa Carolinas.
Pinag-ibayo ng kabesa ang pagbabantay sa kaniyang lupa na dala-dala
ang baril. Natakot ang prayleng tagapangasiwa sa bulong-bulungan. Di
nagtagal, nanaog ang utos ng Kapitan Heneral na nagbabawal sa paggamit
ng baril. Patuloy pa rin ang kabesa sa pagbabantay na dala-dala naman
niya’y gulok.
Inalisan siya ng gulok dahil napakahaba nito. Ang ipinalit niya ay isang
matandang palakol ng kaniyang ama. Subalit anong laban ng palakol sa
mga baril ng mga tulisan? Binihag ng mga tulisan si Kabesang Tales.
Humihingi ng limang daang piso ang mga ito bilang pantubos sa kabesa sa
loob ng dalawang araw. Maaaring pugutan ng ulo ang kabesa kapag di
makapagbigay ng kanilang hinihingi.
Halos mabaliw ang maglolong Selo at Huli sa nangyari. Si Huli ay may
dalawandaang piso lamang. Saan siya kukuha ng pampuno? Ang kanilang
kapitbahay, kamag-anak, at kaibigan ay mas mahirap pa sa kanila.
Ipinagbili ni Huli sa pinakamayamang kapitbahay ang kaniyang mga
alahas maliban sa relikaryong may Esmeralda at mga brilyante. Handog ito
sa kaniya ni Basilio. Ang hiyas na iyon ay bigay ni Maria Clarang anak ni
Kapitan Tiyago sa isang ketongin. Ibinigay ng ketongin ang agnos kay
Basilio sapagkat ginamot siya nito. Ang hawak na salapi ni Huli ay
naragdagan lamang ng limampung piso.
Binalak ni Huli na isanla ang kanilang bahay sa halagang dalawandaan
at limampung piso. Sinamahan siya ni Hermana Bali sa mayayaman sa
Tiyani, subalit walang nangyari. Ayon sa kanila, ang tumulong daw sa
kaaway ng mga prayle ay parang naghihintay sa paghihiganti ng mga ito.
Hanggang makatagpo nila si Hermana Penchang, na nagpahiram ng
salaping kailangan sa kasunduang maninilbihan si Huli sa kaniya bilang
utusan hanggang mabayaran ng utang.
Nang malaman ito ni Tata Selo, nanaghoy itong parang bata. Sinabi ng
matanda na kung aalis si Huli, siya’y tutungo sa gubat at di na babalik sa
bayan. Pinagpaliwanagan ni Huli ang kaniyang lolo na kailangang
makabalik ang kaniyang ama upang matubos siya sa pagkautusan kay
Hermana Penchang.

5
Naging malungkot ang gabi sa maglolo. Hindi nahiga si Tandang Selo…
magdamag siyang nakaupo. Si Huli naman ay dinalaw ng di-maulatang
kalungkutan. Iniisip niya ang kapalaran ng kaniyang ama at ang kanilang
kalagayan. Kinabukasan, araw ng Pasko, maninilbihan na siya kay
Hermana Penchang. Sa araw ding iyon karaniwang dumarating si Basilio
buhat sa Maynila at dumadalaw sa kaniya na may dalang pasalubong.
Kailangan limutin na niya ang binate sapagkat magiging manggagamot na
ang binata at siya’y hindi na karapat-dapat maging asawa nito.
Sinong nakakaalam? Nariyang baka biglang magmilagro na
madaragdagan ang kaniyang dalawandaang limampung piso na nasa ilalim
ng imahen ng birhen kapag ito’ kaniyang dinasalan.
Iba’t ibang kababalaghan ang sumasaisip ni Huli hanggang siya ay
nakatulog. Napanaginipan niya ang kaniyang kabataan sa pusod ng gubat.
Masaya silang naliligong magkapatid sa gitna ng batis. Nakita niya si Basilio
sa ilalim ng tubig. Nagmamasid sa kanila si Hermana Penchang.

Pinagkunan: Alab ng Lahi El Filibusterismo, 2014, pp. 18-21

Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat lamang ang titik ng


tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Paano umunlad ang buhay ni Kabesang Tales?


A. Nagbenta siya ng mga ginawa nilang walis at dalawang kalabaw.
B. Nilinang ang isang lupang walang nagmamay-ari, tinamnan at
nagkaroon ng masaganang ani.
C. Namuhunan siya sa isang kakilala at ito ay naging maunlad kaya
siya’y nakapagpundar ng lupa.

2. Ano ang naging paniniwala ng pamilyang Tales noong binawian ng


buhay ang kaniyang asawa’t anak?
A. Nagalit diumano at pinarusahan sila ng mga engkantong nakatira
sa gubat.
B. Pinagod nang husto ang mga sarili kaya nagkasakit sila nang
malubha.
C. Kailangang may mag-alay ng buhay upang maging sagana ang
aanihin.

6
3. Bakit si Tales ang napiling Cabeza de Barangay sa kanilang nayon?
A. May mataas siyang pinag-aralan kaya siya ang ginawang kabesa.
B. Malawak ang kaalaman niya sa pagiging kabesa ng isang nayon.
C. Siya ang may maunlad na buhay at pinakamasipag sa kanilang
nayon.

4. Ano ang nag-udyok kay Kabesang Tales na labanan sa usapin ang


mga prayleng naniningil ng buwis sa kaniyang lupain?
A. Alam niyang may karapatan siya sa lupang kaniyang sinasaka at
walang maipakitang dokumento ang korporasyon na sila ang
nagmamay-ari ng kaniyang lupa.
B. Sobrang pagtaas na ang siningil ng mga prayle at kayang-kaya
niyang bayaran sa kabila ng tungkulin niyang maningil ng buwis
sa kanilang nayon.
C. Kinampihan ang mga prayle ng mga taong nasa posisyon at siya’y
pinabayaan.

5. Bakit ayaw ibenta ni Huli ang relikaryong bigay sa kaniya ni Basilio?


A. Ito ay galing sa isang madre na anak ng mayamang si Kapitan
Tiyago.
B. Pinahahalagahan niya ito nang labis dahil pinakamamahal niya si
Basilio.
C. Pagagalitan siya ni Basilio kapag binenta niya ito.

Matatalinghagang Pahayag
Sa panitikang Filipino, tayo ay puno ng matatalinghagang salita. Ito ay
may malalim o hindi tiyak na kahulugan. Ang paggamit nito ay sinasalamin
ang kagandahan at pagiging makilhain ng mga Pilipino sa ating wika.

7
Gawin Natin
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng sumusunod na
matatalinghagang pahayag. Titik lamang ang isulat sa iyong
sagutang papel.

A. hindi sumusuko sa laban


B. naniniwala sa hustisya
C. mapangamkam
D. nabubunyag ang sikreto
E. mahirap na lumalaban sa makapangyarihan
F. handang tanggapin ang pagkatalo

____1. Buwayang ganid na maituturing ang mga prayleng nagnanais sa


lupang nilinang ni Kabesang Tales.
____2. Si Tales tila ay isang langgam na kumakagat kahit alam niyang siya’y
matitiris.
____3. Ang pakikipaglaban ni Tales sa mga prayle ay tulad ng isang palayok
na bumabangga sa isang kawali.
____4. Pinaalalahanan ni Tata Selo si Tales na nahuhubaran ng damit ang
nakikipag-usapin.
____5. Naniniwala si Tales na mayroon pa ring taong maibigin sa katarungan.

Sanayin Natin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Anong tunggaliang naganap sa pagitan ni Kabesang Tales at ng


korporasyon ng mga prayle?
A. Nagkasundo silang maghahati sa kikitain ng mga ani sa lupain ni
Kabesang Tales.
B. Maluwag sa kalooban ni Kabesang Tales sa pagbabayad ng buwis
sa mga prayle.
C. Mapupunta sa korporasyon ng mga prayle ang lupain ni Kabesang
Tales kapag natalo sa usapin.

8
Para sa bilang 2
May mga pagkakataong hindi siya nakatitikim ng pagkain at may
mga gabing hindi siya natutulog. Ang kaniyang laging sinasabi ay ang
mga hinaing, kasulatan, paghahabol, at lahat ng bumubuo sa batas.
Pinagkunan: Pinagyamang Pluma 10, Aklat 2, p. 504

2. Tukuyin kung anong tunggalian ang binasang pahayag.


A. lipunan B. sarili C. tao

Para sa bilang 3
Habang hindi pa nahahatulan ang usapin, si Kabesang Tales ay
naglilibot sa kaniyang bukirin. May dalang isang baril bilang
pananggalang sa gumagalang tulisan. Dahil kilalang asintado si Kab.
Tales ay natakot ang prayle na pumunta sa Sagpang nang walang
kasama.
Pinagkunan: Alab ng Lahi El Filibusterismo, p. 20

3. Ano ang inilalahad ng binasang talata?


A. May panganib na nagbabadya sa kanila.
B. Ligtas ang mapapadaan sa lugar.
C. Iniingatan ni Tales ang kaniyang lupa.

4. Saan nagsimula ang pakikipaglaban ni Tales sa mga prayle?


A. Kinuha siya ng mga tulisan at ipinagbabayad ng tubos.
B. Hindi niya kinolekta nang mahusay ang buwis ng kaniyang mga
kanayon.
C. Lumaki nang lumaki ang buwis na sinisingil sa lupang kaniyang
sinasakahan.

5. Ano ang pangamba ni Tata Selo sa sasapitin ni Huli kapag siya ay nasa
poder na ni Hermana Penchang?
A. Pipilitin siya ni Hermana Penchang na makapag-asawa sa isang
mayaman.
B. Mahihirapan si Huli sa kaniyang paninilbihan dahil hindi ito sanay
sa hirap ng gawaing-bahay.
C. Matututo nang husto si Huli sa pagnonobena, pananahi at samahan
si Hermana sa pagsisimba.

9
Tandaan Natin

Masalimuot ang pinagdaanang buhay ni Kabesang Tales at ng


pamilya nito. Ang isang gaya ni Tales ay nagpapakita lamang na ang isang
maliit na gaya niya ay naaapakan ng mga may kapangyarihan. Hindi
ganoon kadali para kay Kabesang Tales na banggain ang mga prayle.
Subalit nagawa lamang niya iyon dahil alam niyang siya’y nasa tama.
Siya ang nagpagod at nagsakripisyo upang malinang ang lupang nais
kamkamin ng mga prayle.
Ipinakikita lamang niya na sa kabila ng kaniyang kamangmangan ay
alam pa rin niya ang kaniyang karapatan sa lupang alam niyang ang may
pinakamalaking karapatang magmay-ari noon ay ang mga Pilipinong gaya
niya.
Sa kabuoan, napakahalaga ngayon na ang isang tao ay may pinag-
aralan. Upang hindi siya basta-basta na lamang aapihin ng mga nakatataas
na estado. Tayo’y nilikha ng Maykapal na pantay-pantay at may kani-
kaniyang lugar na dapat paglagakan.

Suriin Natin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong: Titik lamang ng tamang sagot


ang iyong isusulat sa sagutang papel.

1. Ano ang pinangarap ni Kab. Tales para sa kaniyang anak na si Juli?


A. Makapag-aral sa Maynila upang maging karapat-dapat sa
kaniyang kasintahang si Basilio.
B. Manilbihan sa isang mayamang Hermana.
C. Pumasok sa kumbento para maging madre.

2. Umasenso ang pamilya ni Tales dahil sa pagsisikap at sa dakila niyang


puso. Ano ang kahulugan ng pariralang may salungguhit?
A. masipag at mabait
B. kilalang-kilala
C. kahanga-hangang ugali

3. Paano naging Kabesa si Kab. Tales?


A. Binoto siya ng kaniyang mga kanayon.
B. Siya ang pinili ng mga prayle na maging Kabesa sa kanilang nayon.
C. Siya ang maunlad sa kanilang bayan dahil sa kaniyang kasipagan.

10
4. Ano ang naging ugat ng hidwaan ni Kabesang Tales at ng Korporasyon
ng mga prayle?
A. Pagbabayad ng buwis ng kaniyang nasasakupan.
B. Nais kamkamin ng mga prayle ang lupang pinagsakahan ni
Kabesang Tales.
C. Siya ang nahirang na Kabesa de Barangay.

5. “Sa alikabok tayo babalik, Tatang, at wala tayong saplot nang tayo ay
isilang.” Ano ang kahulugan ng matalinghagang pahayag na ito?
A. Gawa tayong mga tao sa alikabok.
B. Ginawa tayo ng Diyos mula sa alikabok, papanaw tayo at babalik
din sa alikabok.
C. Bumalik tayo sa gawang alikabok na nakahubad.

Para sa bilang 6-7


Ito ay labanang ngayon lamang nangyari sa Pilipinas: isang
dayuhang Indiyo, mangmang, at walang kaibigan subalit umaasa sa
kaniyang karapatan ay kadakilaan ng kaniyang ipinakikipaglaban,
lumalaban sa isang makapangyarihang korporasyon na
pinagyuyukuan ng ulo ng katarungan, kung saan pinabayaan ng
hukom na hindi magpantay ang timbangan.
Pinagkunan: Pinagyamang Pluma 10, Aklat 2, p. 504

6. Anong katotohanan ang ipinahihiwatig ng binasang pahayag?


A. Mahirap banggain ang nasa kapangyarihan ng isang mamamayang
itinuturing na nasa mababang katayuan sa lipunan.
B. Kahanga-hanga ang pakikipaglaban ni Kabesang Tales dahil siya
lang ang kayang gumawa nang ganoon.
C. Ang mga prayle ay maaaring labanan kahit sila ang nasa
kapangyarihan.

7. Ano ang ibig ipakahulugan ng kung saan pinabayaan ng hukom na hindi


magpantay ang timbangan?
A. Madaya ang timbangan ng mga hukom.
B. Pinapanigan ng mga hukom ang mga nasa kapangyarihan.
C. Patas ang pagpanig ng mga hukom sa mga naghahanap ng
katarungan.

Para sa bilang 8-9


Nang malaman ni Tata Selo na si Huli ay maninilbihan na kay
Hermana Penchang at siya’y maiiwang mag-isa ay nanaghoy itong
parang bata. Sinabi ng matanda na kung aalis si Huli, siya ay tutungo
na ng gubat at di na kailanman babalik sa bayan.
Pinagkunan: Alab ng Lahi El Filibusterismo p. 21

11
8. Ano ang ibig sabihin ng nanaghoy itong parang bata?
A. Nagsasalita na parang musmos.
B. Batang nagtatampo sa magulang.
C. Umiiyak na animo’y isang batang paslit.

9. Anong tunggalian ang binasang pahayag?


A. sarili B. lipunan C. sitwasyon

Para sa bilang 10
Kailangang limutin na niya si Basilio sapagkat magiging
manggagamot na ang binata at siya’y hindi na karapat-dapat maging
asawa nito.
Pinagkunan: Alab ng Lahi El Filibusterismo p. 21

10. Ang pahayag ay nagpapakita ng__


A. pagmamaliit sa sarili
B. kawalan ng tiwala sa binata
C. pagmamataas sa sarili

Payabungin Natin

Panuto: Sagutin nang mahusay ang sumusunod na tanong. Piliin ang letra
ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

Para sa mga bilang 1-2


“Isipin mo na lamang na natalo ang tatlumpung piso mo sa sugal,
o kaya’y nahulog sa ilog at kinain ng buwaya,” ani Tata Selo.
Pinagkunan: Pinagyamang Pluma 10, Aklat 2, p. 504

1. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?


A. Upang hindi na sumama ang loob sa halaga ng pera.
B. Hindi ganoon kalaking halaga ang tatlumpung piso.
C. Nanghihinayang sa pagkatalo sa sugal.

2. Ano ang kahulugan ng pariralang kinain ng buwaya?


A. Nagsasabing gutom kasi ang buwaya.
B. Nagsasaad ng pagiging korap.
C. Kumakain ang buwaya ng pera.

12
3. Dalawang araw na hindi lumabas ng bahay si Tales, nagkukubli sa
sumbat ng mga kapitbahay. Natatakot siyang matawag na berdugo ng
sariling anak.
Ano ang ipinahihiwatig ng salitang berdugo?
A. sikat na magsasaka
B. magaling sa pag-asinta sa baril
C. tagabitay, executioner

4. “Ibibigay ko lamang ang lupa sa taong dumilig sa alabok nito ng dugo


katumbas ng buhay ng aking asawa’t anak.”
Ano ang ibig ipaabot ni Kabesang Tales sa mga prayle na nais
kamkamin ang kaniyang lupa?
A. Tutumbasan din ng buhay ang buhay ng kaniyang asawa’t anak na
naisakripisyo habang nililinang ang kanilang lupang sinasaka.
B. Papalitan ng bagong may-ari ang lahat ng ginugol ni Kabesang Tales
sa kaniyang lupa.
C. Padidiligin niya ng dugo ang kaniyang lupain upang maging sagana
ang magiging ani nito.

5. Kahit anong pananakot at pagbabanta ay hindi makapagpapabago sa


isipan ni Tales. Kahit pinakiusapan na siya ng gobernador ng lalawigan
para pabaguhin ang kaniyang isipan.
Nagpapakita lamang na si Tales ay ___
A. Matigas ang ulo at ayaw makinig sa mga ipinapayo sa kaniya.
B. May paninindigan sa kaniyang ipinaglalaban.
C. Ayaw niyang mapahiya sa kaniyang ginawang pakikipaglaban sa
mga prayle.

6. Tinulungan si Huli ni Hermana Penchang nang ito ay nagpautang sa


dalaga upang matubos ang amang kinuha ng mga tulisan, kapalit ng
pagiging alila nito sa kaniya.
Ang tauhang si Hermana Penchang ay __
A. Mabait at may konsiderasyon kay Huli.
B. Matulungin at maawain sa kapwa.
C. Mapagsamantala sa kahinaan ng isang gaya ni Huli.

7. Nagdasal nang taimtim si Huli at inilagay pa sa ilalim ng imahen ng


Birhen ang perang nalikom sa paniniwalang madaragdagan ito.
Si Huli ay naniniwala sa ___
A. awa B. milagro C. tulong

13
8. Pilit na inaangkin ng korporasyon ang maunlad na lupa ni Kabesang
Tales. Ito ay naghahayag na __
A. Ang kasakiman ng tao sa materyal na kayamanan ang nagtutulak
upang makagawa ng kasamaan sa kaniyang kapwa.
B. Sila ang totoong nagmamay-ari ng lupang sinasaka ni Kabesang
Tales.
C. Kinaiinggitan nila ang pag-unlad ng buhay ni Kabesang Tales.

9. Ang kapangyarihan ng isang tao ay siyang nagiging instrumento upang


siya’y manggipit ng kaniyang kapwa.
Aling bahagi sa kabanata ang nagsasaad ng ganitong pangyayari?
A. Ang pangongolekta ni Kabesang Tales ng buwis sa kaniyang
kanayon at nag-aabono rin sa ilang lumipat na ng ibang lugar upang
wala ng gulo.
B. Mahigpit na binantayan ni Kabesang Tales ang kaniyang bukirin
upang hindi ito makukuha ng bagong tagapangasiwa.
C. Tinaasan nang tinaasan ng mga prayle ang buwis na babayaran ni
Tales at kapag hindi siya makapagbayad ay magkakaroon ng bagong
may-ari.

10. Ang pang-iipit ng mga prayle kay Kabesang Tales ay nagpapakita na __


A. Kaya nilang mapaniwala si Tales na ang lupang kaniyang nilinang
ay pagmamay-ari nila.
B. Pumapanig sa kanila ang katarungan.
C. Sinusubukan lamang nila ang katigasan ng loob ni Tales.

14
Pagnilayan Natin

Panuto: Isulat ang maikling buod ng binasa na pinamagatang Kabesang


Tales. Gamitin ang tamang mekaniks sa pagsulat. Siguruhin ang
paggamit ng wastong bantas at ang wastong baybay ng mga salita,
at pag-uugnay ng mga pangungusap/talata.

Pamagat

Panimula

Mga Pangyayari

Pagtatapos

Rubriks
Mga Pamantayan 10 8 5
Napakahusay Mahusay Katamtaman
Nagagamit nang wasto ang bantas,
baybay at pag-uugnay ng mga
pangungusap.
Nailalahad ang mga pangyayari sa
binasang kabanata.
Kabuoan

15
16
SURIIN NATIN GAWIN NATIN SUBUKIN NATIN
1. A 1. C 1. C
2. C 2. A 2. B
3. C 3. E 3. A
4. B 4. D 4. C
5. B 5. B 5. B
6. A
7. B ARALIN NATIN
SANAYIN NATIN
8. C
1. C PAG-UNAWA
9. A
2. B SA BINASA
10. A
3. A 1. B
PAYABUNGIN 4. C 2. A
NATIN 5. B 3. C
1. A 4. A
2. B 5. B
3. C
4. A
5. B
6. C
7. B
8. A
9. C
10. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Elvira R. Liwanag; Rebecca E. Aranzaso, Zenaida S. Badua, Alab ng Lahi El


Filibusterismo, Vibal Group Inc., 2014, 1253 Gregorio Araneta Ave.,
Quezon City Philippines.

Emily V. Marasigan, Alma M. Dayag, Pinagyamang Pluma 10 (Aklat 2) K to


12, Phoenix Publishing House, Inc. 2015, 927 Quezon Ave., Quezon
City.

Arturo S. Cabuhat, El Filibusterismo (Pampanitikang Talakay), Leo-Ross


Publications, 2001, Bromine St., Golden City, Imus, Cavite.

Maria Odullo de Guzman, Ang Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal, National


Bookstore, 2007.

https://www.tagaloglang.com/masukal/

https://brainly.ph/question/535274

https://brainly.ph/question/523508

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like