You are on page 1of 21

7

Filipino
Ikatlong Markahan
Sariling Linangan Kit 2:
Katangian at Elemento ng Mito,
Alamat at Kuwentong-Bayan
Filipino – Ikapitong Baitang
Ikatlong Markahan – Sariling Linangan Kit: 2 - Katangian at Elemento ng Mito,
Unang Edisyon, 2020 Alamat at Kuwentong-Bayan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Sariling Linangan Kit
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit


Manunulat: Phelma O. Camacho/Fardia C. Pawai/ Juliet O. Ano-os
Editor:
Tagasuri: Rene P. Sultan/ Yvette Rosanna P. Escalera
Tagaguhit: Hareld O. Candari
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon XI


Department of Education – Sangay ng Lungsod ng Davao
Office Address: Daang E. Quirino, Lungsod ng Davao
Telefax: (082) 2274726
E-mail Address: davaocitydivision@deped.gov.ph
7

Filipino
Ikatlong Markahan
Sariling Linangan Kit: 2
Katangian at Elemento ng Mito,
Alamat at Kuwentong-Bayan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan Kit
na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa SLK.
Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan kayo sa
pagsagot, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Sa SLK na ito matutuhan mo ang mga panitikang tuluyan tulad


ng mito, alamat at kuwentong-bayan. May pagkakatulad man sa kanilang
katangian at elemento ngunit may isang katangian na magpapakilala ng
kaibahan nila sa isa’t isa. Ang mga panitikang ito ay bahagi ng ating mga
pasalin-dilang mga panitikan na lumaganap sa ating kapuluan bago pa
dumating ang mga mananakop sa ating bansa.

Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo


ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:

1. Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito, alamat,


kuwentong-bayan at maikling kuwento mula sa Mindanao,
Kabisayaan at Luzon batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan
at mga aspetong pangkultura (halimbawa: heograpiya, uri ng
pamumuhay at iba pa. F7PB-IIId-e-15/F7PB-IIId-e-16

Subukin Natin
Panuto: Bago mo pag-aralan ang aralin sa SLK na ito, sagutin mo
muna ang sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ito ay tumatalakay sa kuwentong may kinalaman sa mga diyos,


diyosa, bathala, diwata, at mga kakaibang nilalang na may
kapangyarihan.
A. Alamat
B. Mito
C. Kuwentong-bayan

2. Isang kuwento tungkol sa isang tauhang naninirahan at nagtataglay


ng katangian, katutubong kulay o kultura sa isang partikular na
lugar o pangkat.
A. Mito
B. Alamat
C. Kuwentong-bayan

3. Isang kuwentong nagsasaad kung saan nanggaling o nagmula ang


mga bagay-bagay.
A. Mito
B. Alamat
C. Kuwentong-bayan

1
4. Ito ay ang maayos na pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa akda.
A. Tagpuan
B. Banghay
C. Tauhan

5. Dito nagaganap ang pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at suliraning


kahaharapin.
A. Papataas na Pangyayari
B. Panimulang Pangyayari
C. Kasukdulan

6. Pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing


tauhan ang kaniyang suliranin.
A. Resolusyon
B. Pababang Pangyayari
C. Kasukdulan

7. Ito ay ang pook, lugar at panahon kung saan nangyari ang kabuoan
ng alamat. Masasalamin ang kaangkupan ng paksa, banghay, at mga
tauhang nagsisiganap sa akda.
A. Banghay
B. Tauhan
C. Tagpuan

8. Sa kaniya umiikot ang kuwento mula sa simula hanggang wakas.


A. Pantulong na tauhan
B. Katunggaling tauhan
C. Pangunahing tauhan

9. Pangunahing tungkulin niya ang maging kapalagayang loob o


sumusuporta sa tauhan at siya ang karaniwang kasama ng
pangunahing tauhan.
A. Pantulong na tauhan
B. Pangunahing tauhan
C. Katunggaling tauhan

10. Bahagi ng kuwento na nagkakaroon ng isang makabuluhang wakas.


A. Pababang Pangyayari
B. Kasukdulan
C. Resolusyon

2
Aralin Natin

Handa ka na bang pag-aralan ang bagong aralin? Nalulugod ako dahil


nasagot mo ang mga tanong sa itaas. Batid kong handa ka na upang mag-
aral ng bagong aralin. Pag-aaralan mo ngayon ang katangian at elemento ng
mito, alamat at kuwentong-bayan. Huwag kang mag-alala! Narito ang mga
tekstong dapat mong basahin upang matamo mo ang ilang impormasyon
tungkol sa paksa.

Katangian ng Mito, Alamat at Kuwentong-Bayan

Isa sa makahulugang bahagi ng kulturang Pilipino ang mga


kuwentong-bayan, alamat at mito. Ito ay bahagi ng ating panitikang
salindila o lipat-dila (ibig sabihin ay naikukuwento lamang nang pasalita)
na lumaganap bago pa man dumating ang mga mananakop sa ating bansa.
Ang kuwentong-bayan, alamat at mito ay halos may kaugnayan sa
isa’t isa. Halos pareho lamang ang kanilang paksa na karaniwan ay
tumatalakay sa kalikasan, pamahiin, relihiyon, paniniwala at kultura ng
isang particular na pangkat o lugar. Nababanggit din sa mga akdang ito
ang heograpiya, uri ng hanapbuhay, at katangian ng mga mamamayan
kung saang lugar o pangkat ito nagmula. Halos lahat ng kuwentong ito ay
nilikha o isinalaysay upang makapagbigay ng gintong aral na magagamit
sa tunay na buhay.
Bagama’t halos magkatulad ay makikita pa rin ang pagiging
natatangi ng bawat pasalindilang panitikang ito. Ang kuwentong-bayan,
gaya ng “Pakikipagsapalaran ni Juan Tamad” ay isang maikling kuwento
tungkol sa isang tauhang naninirahan at nagtataglay ng katangian,
katutubong kulay, o kultura sa isang partikular na lugar o pangkat. Ang
alamat ay isang kuwentong nagsasaad kung saan nanggaling o nagmula
ang mga bagay-bagay gaya ng “Alamat ng Palendag” at “Alamat ng Isla ng
Pitong Makasalanan.” Samantalang ang mito o myth ay karaniwang
tumatalakay sa mga kuwentong may kinalaman sa mga diyos, diyosa,
bathala, diwata, at mga kakaibang nilalang na may kapangyarihan.
Ang akdang “Isang matandang Kuba sa Gabi ng Cañao,” ay
mapatutunayan ng kaugnayan ng tatlong pasalindilang panitikang
nabanggit. Masasabing isang kuwentong-bayan ang akdang ito dahil
naipakita rito ang isang natatanging kultura ng mga Iugao – ang
pagdiriwang ng Cañao. Gayunpaman, masasabing isa ring alamat ang
akdang ito dahil naipaliliwanag sa akda kung bakit ang ginto, bago
makuha, ay kailangan munang minahin o hukayin. Ang malaking naging

3
gampanin ng bathala o mga anito sa kuwento ay nagpapakita naman ng
katangian ng isang mito.
Pinagkunan: Pinagyamang Pluma 7 pahina 305- 306

Ang mito, alamat at kuwentong-bayan ay may mga katangian na


nagpapakilala sa kaibahan nito sa isa’t isa kahit na may mga bahagi nito na
sila ay magkatulad. Upang lubos mong maunawaan ang paksa pag-aaralan
mo ang mga elemento ng mga ito.

Mga Elemento ng Mito, Alamat at Kuwentong-Bayan

Tulad ng ibang akdang tuluyan, ang mito, alamat at kuwentong-


bayan ay binubuo ng mahahalagang elemento. Isa na rito ay ang banghay
kung saan makikita ang maayos na pagkasunod-sunod ng mga pangyayari
sa akda. Ito ay ang sumusunod:

1. Panimulang Pangyayari – Dito nagaganap ang pagpapakilala ng


tauhan, tagpuan at suliraning kahaharapin.
2. Papataas na pangyayari – Sa bahaging ito nagkakaroon ng
pagtatangkang malutas ang suliraning magpapasidhi sa interes o
kapanabikan.
3. Kasukdulan – Pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng
pangunahing tauhan ang kaniyang suliranin.
4. Pababang Pangyayari – Sa bahaging ito nalulutas ang suliranin at
natatamo ng pangunahing tauhan ang layunin.
5. Resolusyon – Sa bahagi namang ito nagkakaroon ang kuwento ng
isang makabuluhang wakas.

Isa pang mahalagang elemento ng mga ito ay ang tagpuan o pook,


lugar, at panahon kung saan nangyari ang kabuoan ng alamat. Mahalaga
ang elementong ito sapagkat dito masasalamin ang kaangkupan ng paksa,
banghay, at mga tauhang nagsiganap sa akda. Sa pamamagitan ng
tagpuan, mabibigyang-linaw ang ikinilos ng mga tauhan gayundin ang
kanilang mga hanapbuhay, paraan ng pag-iisip, at takbo ng mga
pangyayari.

Mahalaga ring elemento ng mito, alamat, kuwentong-bayan, at ng


anumang akdang tuluyan ang mga tauhan. Katunayan, nakasalalay sa
maaayos at makatotohanang pagkakahabi ng mga tauhan ang pagiging
epektibo ng isang akda. Ang uri, dami, o bilang ng mga tauhang
nagpapagalaw sa isang kuwento sapagkat ang pangangailangn lamang ang
siyang maaaring magtakda nito.

Ang mga karaniwang tauhang bumubuhay sa mito, alamat,


kuwentong-bayan at sa anumang akdang tuluyan ay ang pangunahing
tauhan na siyang pinakamahalagang tauhan sa akda. Sa kaniya umiikot
ang kuwento mula sa simula hanggang wakas. Ikalawa ay ang katunggaling
tauhan na siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan.

4
Mahalaga ang papel na kaniyang ginagampanan sapagkat sa mga
tunggaliang ito nabubuhay ang mga pangyayari sa akda. Ikatlo ay ang
pantulong na tauhan na gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, siya ay
karaniwang kasama ng pangunahing tauhan, Ang pangunahing tungkulin
niya sa akda ay ang maging kapalagayang loob o sumusuporta sa tauhan.
Ang huli ay ang may-akda. Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang
awtor ay lagi nang magkasama sa loob ng katha. Bagama’t ang naririnig
lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay
ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.

Pinagkunan: Pinagyamang Pluma 7 pahina 324-325

Gawin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang alamat ng Bulkang Mayon at


sagutin ang mga tanong.

ANG ALAMAT NG BULKANG MAYON


Noong unang panahon, may isang babaeng nagngangalang Daragang
Magayon. Maraming kalalakihan ang nanliligaw sa nasabing dalaga
sapagkat siya ay maganda at may makinis na kutis. Ayon sa ama ni
Magayon na si Rajah Makusog nasa tamang edad na ang dalaga upang
magpakasal kung kaya’t pinapayagan na niya ito kung sakaling magpasya
ang dalaga na makipag-isang dibdib. Ngunit si Magayon ay wala pang
napipili mula sa kanyang mga manliligaw. Magpapakasal lang daw siya sa
taong kaniyang iniirog.

5
Isang araw habang naliligo si Magayon sa ilog, bigla siyang nadulas
at nahulog sa malalim na parte nito. Hindi marunong lumangoy ang dalaga.
Mabuti na lamang at nakita siya ni Panganoron at iniligtas ang dalaga.
Si Panganoron ay ang matapang na anak ni Rajah Karilaya. Nangangaso
siya noong araw na iyon nang marinig niya ang iyak ni Magayon. Mabilis
na tumalon ang matapang na mandirigma upang iligtas ang dalaga.
Nabighani si Panganoron sa ganda ni Magayon kung kaya’t
niligawan niya ang dalaga. Gayundin si Magayon ay napaibig sa matapang
na lalaking nagligtas sa kaniya. Di kalaunan ay ipinahayag ang pag-iisang
dibdib ng dalawa sa buong kaharian.
Subalit, si Pagtuga, isang masugid na manliligaw ni Magayon, ay
naka-isip ng paraan upang hindi matuloy ang kasal. Binihag niya ang ama
ni Magayon na si Rajah Makusog at hindi raw niya ito pakakawalan kundi
papayag si Magayon na pakasal sa kaniya. Dahil mahal ni Magayon ang
kaniyang ama, wala siyang magawa kundi pumayag sa kondisyon ni
Pagtuga.
Nagpunta ang dalaga sa lugar ni Pagtuga upang ibigay ang sarili
upang pakawalan nito ang kaniyang ama. Napag-alaman ni Panganoron
ang ginawa ni Magayon. Tinipon nito ang kaniyang mga matatapang na
mandirigma upang iligtas ang mag-ama laban kay Pagtuga.
Isang malaking digmaan ang naganap sa pagitan ng dalawang
kampo. Nanaig si Panganoron laban kay Pagtuga at napatay niya ito. Noong
makita ni Magayon na napatay ng kaniyang kasintahan ang kalaban ay
dali-dali itong tumakbo patungo kay Panganoron. Ngunit bago pa man
magkalapit ang dalawa ay isang ligaw na sibat ang tumusok sa likod
ni Magayon. Habang bumagsak si Magayon ay tinaga naman sa likod si
Panganoron ng mandirigma ni Pagtuga. Nakita ni Rajah Makusog ang
nangyari. Sinundan nito ang taong pumatay kay Panganoron at pinaslang
ito.
Nang matapos ang digmaan, iniuwi ng Rajah ang walang buhay na
katawan nila Magayon at Panganoron. Humukay ito at inilibing na
magkasama ang magkasintahan.
Ilang araw ang lumipas ng mapansin ng mga taong bayan na ang
libingan ay tumaas. Lumaki ang libingan at ang lupa ay naghugis apa.
Tinawag ito ng mga taong bayan ng Mayon mula sa kanilang magandang
prinsesang si Magayon. Kung minsan maririnig ang Mayon na
dumadagundong at lumilindol, ayon sa mga tao ito ang patunay ng
pagmamahalan nila Magayon at Panganoron.

https://brainly.ph/question/1381247

6
Panuto: Tukuyin ang sumusunod na elemento sa halimbawa ng alamat na
iyong binasa.

1. Saan nangyari ang kuwento?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Sino-sino ang mga tauhan sa alamat?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Ilahad ang mga pangyayari sa alamat.

a. Panimulang Pangyayari
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

b. Pagtaas ng pangyayari
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

c. Kasukdulan
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
d. Pababang Pangyayari
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

e. Resolusyon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Mahalaga ba ang tauhan sa isang akda? Paano binibigyang-buhay ng
tauhan ang kuwento sa bawat akda?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

7
5. Paano inilarawan ang tagpuan sa akda?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
6. Ano kaya ang mangyayari sa isang akda kung mawawala o hindi
maayos ang pagkakalikha sa isa sa mga nasabing elemento?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Sanayin Natin

Panuto: Paghambingin ang katangian ng alamat, mito, at kuwentong-


bayan batay sa paksa at aspektong pangkultura (heograpiya: uri ng
pamumuhay at iba pa na nagpapakilala sa mga lugar na pinagmulan nito).

Akda Heograpiya Uri ng Lugar na


pamumuhay Pinagmulan
Alamat

Mito

Kuwentong-
Bayan

Isulat sa loob ng kahon ang pagkakatulad ng mga katangian ng alamat,


mito at kuwentong-bayan.

Tandaan Natin

Isa sa mahalagang bahagi kulturang Pilipino ang mga panitikang


salindila o palipat dila na lumaganap sa ating mga ninuno bago pa man
dumating ang mga kastila sa Pilipinas. Ang kuwentong-bayan, alamat at
mito ay halos magkapareho lamang sa paksa na tumatalakay sa kalikasan,

8
pamahiin, relihiyon, paniniwala at kultura ng isang partikular na pangkat
o lugar. Tinalakay din sa akdang ito ang heograpiya, uri ng hanapbuhay, at
katangian ng mamamayan kung saang lugar o pangkat ito nagmula. Ang
mga kuwentong ito ay nilikha o isinalaysay upang makapagbigay ng gintong
aral na magagamit sa tunay na buhay. Ngunit ang bawat panitikang ito ay
may natatanging katangian at elemento na nagpakilala sa kaibahan nito sa
iba.
Ang mga akdang tuluyan na ito ay binubuo ng mahalagang elemento;
una ay ang banghay ito ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
akda. Ikalawa ay ang tagpuan o ang pook, lugar, at panahon kung saan
nangyari ang kabuoan ng alamat. Pangatlo ay ang tauhan nakasalalay sa
maayos at makatotohanang pagkakahabi ng mga tauhan ang pagiging
epektibo ng isang akda. Panghuli ay ang may-akda, sinasabing ang
pangunahing tauhan at ang awtor ay lagi nang magkasama sa loob ng
katha. Bagamat ang naririnig lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa
likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.

Suriin Natin

I. Panuto: Sagutin ang sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa


sagutang papel.

1. Ito ay ang maayos na pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa akda.


A. Tagpuan
B. Banghay
C. Tauhan

2. Pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing


tauhan ang kaniyang suliranin.
A. Resolusyon
B. Pababang Pangyayari
C. Kasukdulan

3. Ito ay ang pook, lugar at panahon kung saan nangyari ang kabuoan
ng alamat. Masasalamin ang kaangkupan ng paksa, banghay, at mga
tauhang nagsisiganap sa akda.
A. Banghay
B. Tauhan
C. Tagpuan

9
4. Dito nagaganap ang pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at suliraning
kakaharapin.
A. Papataas na Pangyayari
B. Panimulang Pangyayari
C. Kasukdulan

5. Sa kaniya umiikot ang kuwento mula sa simula hanggang wakas.


A. Pantulong na tauhan
B. Katunggaling tauhan
C. Pangunahing tauhan

6. Isang kuwentong nagsasaad kung saan nanggaling o nagmula ang


mga bagay-bagay.
A. Mito
B. Alamat
C. Kuwentong-bayan

7. Pangunahing tungkulin niya ang maging kapalagayang loob o


sumusuporta sa tauhan at siya ang karaniwang kasama ng
pangunahing tauhan.
A. Pantulong na tauhan
B. Pangunahing tauhan
C. Katunggaling tauhan

8. Isang kuwento tungkol sa isang tauhang naninirahan at nagtataglay


ng katangian, katutubong kulay o kultura sa isang partikular na
lugar o pangkat.
A. Mito
B. Alamat
C. Kuwentong-bayan

9. Bahagi ng kuwento na nagkakaroon ng isang makabuluhang wakas.


A. Pababang Pangyayari
B. Kasukdulan
C. Resolusyon

10. Ito ay tumatalakay sa kuwentong may kinalaman sa mga diyos,


diyosa bathala, diwata, at mga kakaibang nilalang na may
kapangyarihan.
A. Alamat
B. Mito
C. Kuwentong-bayan

10
II. Panuto: Talakayin ang katanungan.

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga panitikang katulad ng mito,


alamat, at kuwentong-bayan?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Payabungin Natin

Panuto: Suriin ang “Alamat ng Pinya.”

Alamat ng Pinya

May isang balo na nagngangalang Aling Rosa, siya ay mayroong


sampung taong anak na si Pinang, mahal na mahal ni Rosa si Pinang na
nais niyang lumaking masanay sa gawaing bahay kaya nito tinuruan.
Ngunit ayaw ni Pinang at lagi niyang ikinakatuwiran na alam na
niyang gawin ang itinuro ng kaniyang ina kaya siya pinabayaan.

11
Nagkasakit isang araw si Aling Rosa. Napilitan si Pinang na gagawa
ng gawaing-bahay. Inutusan siyang magluto ng lugaw. Inutusan siya ng ina
niya na magluto siya ng lugaw. Kumuha si Pinang ng ilang dakot na bigas,
inilagay sa palayok at hinaluan ng tubig at saka pinabayaan para maglaro.
Dahil doon, dumikit sa palayok ngunit pinagpasensyahan siya ni Rosa dahil
kahit papaano ay pinagsilbihan siya.
Isang araw, nang maghanda ng pagluluto ay nagtanong si Pinang sa
kanyang ina kung nasaan ang sandok. Sa katatanong ni Pinang ay nasuya
si Aling Rosa kaya nasabi niya na:
“Naku, Pinang sana’y magkaroon ka ng maraming mata upang lahat
ng bagay ay makita mo at hindi ka tanong nang tanong!”
Umalis si Pinang upang hanapin ito. Kinagabihan, nag-alala si Rosa
na hindi pa bumabalik si Pinang.
Isang araw, habang nagwawalis si Pinang may nakita siyang isang
halaman na hindi pa niya nakita. Binunot niya ito at itinanim sa
halamanan.
Nang lumaki ito, nagulat si Aling Rosa na ito ay hugis ulo na
napalibutan ng maraming mata. Naalala ni Aling Rosa ang huling sinabi
niya sa nawawalang anak at noon nga ay napagtanto na tumalab kay
Pinang ang kaniyang sinabi. Tinawag niya itong Pinang at sa huli tinawag
itong Pinya.

https://philnews.ph/2019/10/14/alamat-ng-
pinya-buod-ng-kwento-na-tungkol-sa-
pinagmulan-ng-pinya/

Alamat ng Pinya

Mga tauhan

Tagpuan

Banghay

12
Panimulang Pangyayari

Papataas na Pangyari

Kasukdulan

Pababang Pangyayari

Resolusyon

Ano ang aral na nakuha mo sa alamat?

Pagnilayan Natin
Panuto: Isulat ang buod ng mito na may maayos na pagkakaugnay
ng mga pangyayari upang maipakita ang magandang mensahe at
aral nito.
Pamantayan:
Organisado at magkakaugnay sa paksa - 10
Malawak at malinaw - 10
Angkop ang pagpili ng mga salita - 10
Detalyado ang pagkakatalakay sa paksa - 10
Wastong gamit ng malaking titik at bantas - 10
Kabuoan - 50

13
Kabunyian
Mitolohiya ng Ifugao
Si Kabunyián, maaari ring tawaging Kabunyán, ay bahagi ng
katutubong pananampalataya sa rehiyon ng Cordillera sa Hilagang Luzon.
Siyá ang pinakadakilang bathala para sa mga Ifugaw, Kalinga, at Tinggian.
Para sa mga taga-Bakun, Benguet, si Kabunyian ay naninirahan sa bundok
na may gayunding pangalan samantalang para sa mga Ibaloi at Kalanguya,
siyá ay naninirahan sa bundok ng Pulag sa pagitan ng Benguet at Ifugao.
Sa isang bersiyon ng mitolohiyang Ifugaw, bumabâ si Kabunyian
mula sa langit at nagpakasal sa isang babaeng tagalupa na may pangalang
Bángan. Nagkaroon silá ng tatlong anak. Pagkapanganak sa kanilang
ikatlo, kinailangan nang bumalik ni Kabunyian sa langit dahil ang kaniyang
pagiging diyos ay hadlang sa kaniyang pananatili sa mundo.
Napagkasunduan nilá ni Bangan na paghatian ang kanilang mga anak. Si
Kabigat, ang panganay na lalaki, ay maninirahan sa lupa kasáma ang
kaniyang ina.
Si Daungen, ang anak na babae, ay maninirahan sa langit kasáma
ang kaniyang ama. Dahil hindi nilá maipasiya kung kanino mapupunta ang
pangatlong anak, hinati ni Kabunyian ang katawan ng bunso at ginawang
buo ang bawat kalahati. Napunta kay Bangan ang kalahating naging babae
at tinawag siyang Bugan. Kasáma ang kaniyang kapatid na si Kabigat, silá
ang nagparami sa lahi ng tao sa lupa. Napunta kay Kabunyian ang
kalahating naging lalaki at tinawag siyáng Lumawig. Sina Lumawig at
Daungen ay naging diyos at diyosa sa langit.
Minsang napagpapalit bilang pinakamataas na bathala sina
Kabunyian at Lumáwig. Para sa mga Bontok, si Lumáwig ang itinuturing
na pinakamataas na diyos.

https://www.facebook.com/permalink.php?id=103
118941093170&story_fbid=109163240488740

Binabati kita dahil maayos mong nagawa ang mga gawain sa SLK na
ito. Ipagpatuloy ang pagiging masigasig sa pag-aaral!

14
15
Suriin Natin Subukin Natin
1. B 1. B
2. C 2. C
3. C 3. B
4. B 4. B
5. C 5. B
6. B 6. C
7. A 7. C
8. C 8. C
9. C 9. A
10. B 10. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Dayag, Alma M. et.al. Pinagyamang Pluma 7. (2018). Quezon City: Phoenix


Publishing House
https://philnews.ph/2019/10/14/alamat-ng-pinya-buod-ng-kwento-na-
tungkol-sa-pinagmulan-ng-pinya/
https://brainly.ph/question/1381247

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like