You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII, SOCCSKSARGEN
Division of Sultan Kudarat
Antong Integrated School
Antong, Municipality of Lutayan

Third Quarter Summative Test


FILIPINO 7

PANGALAN: _______________________________________YEAR & SECTION: ____________________ ISKOR: ____________

PANUTO: ISULAT ANG TITIK NG TAMANG SAGOT SA PATLANG KATABI NG BILANG.

______1. Ito ay tumutukoy sa makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat.
Sa halip, sinisimbolo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng pagbigkas.
A. Ponemang suprasegmental
B. Ponemang segmental
C. Ponema
D. Morpema

______2. Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag.
A. Antala
B. Diin
C. Haba
D. Tono

______3. Ang pagpapantig ay tumutukoy sa bilang ng bigkas ng salita, kung gayun ilang pantig ang bumubuo sa salitang
MAYAMAN?
A. 1
B. 2
C. 3
D. 4

______4. Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita na maaaring maghudyat ng kahulugan ng
pahayag.
A. Antala
B. Diin
C. Haba
D. Tono

______5. Kung ang /ba.kah/ ay nangangahulugang cow, ano naman ang kahulugan ng /bakah/?
A. Cow
B. Maybe
C. Always
D. Horse

______6. Palaging napagsasabihan ang mga batang nakagawa ng mga kamalian. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang
may salungguhit.
A. Napapalo
B. Nakukulong
C. Nasisigawan
D. Napaaalalahanan
______7. Dapat mong tanggapin ang katotohanan na ikaw ay wala pang alam. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit.
A. Realidad
B. Kamalian
C. Kasiyahan
D. Kasamaan

______8. Naumid ang dila ng bata at pagkatapos ng ilang sandali’y nagwika, “Inay, igagalang ko ang gusto mo.” Ibigay ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
A. Di-nakaimik
B. Di-nakapagsalita
C. Di-nagulat
D. Di-nabahala

______9. Lingid sa kaalaman ng marami, may kapangyarihan ang binatang makipag-usap sa mga hayop at insekto. Ibigay
ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
A. Hindi alam ng lahat
B. Inilihim sa tao
C. Alam na alam ng lahat
D. Ipinagsabi sa tao

______20. Mahigpit na ipinatupad ng reyna ang batas at kung sinumang lumabag ay pinarurusahan. Ibigay ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
A. Mabagsik
B. Malupit
C. Mapusok
D. Masungit

______21. Masayang nagtatawanan ang mga mumunting-bata. Ibigay ang kasalungat ng salitang may salungguhit.
A. Paslit
B. Sanggol
C. Maliit
D. Matanda

______22. Makinig tayo sa payo ng ating mga magulang. Ibigay ang kasalungat ng salitang may salungguhit.
A. Magbigay-atensiyon
B. Magsawalang-bahala
C. Pahalagahan
D. Isaisip

______23. Ano ang pinakamatandang sining ng tula sa kulturang Pilipino?


A. Tula
B. Alamat
C. Dula
D. Kuwentong-bayan

______24. May layuning pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon, anong uri ng panitikan ito?
A. Bugtong
B. Palaisipan
C. Awiting panudyo
D. Tugmang de-gulong

______25. Ano itong kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, bus at traysikel?
A. Bugtong
B. Palaisipan
C. Awiting panudyo
D. Tugmang de-gulong
______26. Anong uri ng akdang patula ang kadalasang layunin ay manlibak, manukso o mang-uyam?
A. Bugtong
B. Palaisipan
C. Awiting panudyo
D. Tugmang de-gulong

______27. Isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Anong uri ng kaalamang bayan ito?
A. Bugtong
B. Palaisipa
C. Awiting panudyo
D. Tugmang de-gulong

______28. Alin sa sumusunod ang katangian ng bugtong?


A. Kalimitang may himig nagbibiro
B. Isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan
C. Makikita sa mga pampublikong sasakyan
D. Isang paalala o babala na kadalasang makikita sa mga pampublikong Sasakyan.

______29. Ano ang tamang sagot sa bugtong na “Gumagapang pa ang ina, umuupo na ang anak”?
A. Talong
B. Kasoy
C. Isda
D. Kalabasa

______ 30“Ang di magbayad mula sa kaniyang pinanggalingan ay di makakababa sa paroroonan”. Ang pahayag ay isang
halimbawa ng _________?
A. Bugtong
B. Palaisipan
C. Tugmang de -gulong
D. Awiting panudyo

______31. Ang mga sumusunod na pahayag ay katangian ng tugmang de-gulong maliban sa:
A. Nasa anyong salawikain, kasabihan o maikling tula.
B. Mga simpleng paalala sa mga pasahero na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan
C. Malayang naipararating ang mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero.
D. Ang layunin ay manlibak, manukso at mang –uyam sa mga pasahero.

______32. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tugmang de-gulong?


A. Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang “para ˝sa tabi ay hihinto.
B. Pedro penduko matakaw ng tuyo, nang ayaw maligo punukpok ng tabo.
C. Bata batuta! Isang perang muta!
D. Dito ko itinanim, doon tumubo.

______33. Binanggit sa akda na nagsilbing Mendiola kay Abegail at ng mga katulad niyang kabataan.
A. laptop
B. Facebook
C. Internet
D. YouTube

______34. Tinutukoy na naging dahilan kung bakit niya naging Mendiola ang internet?
A. Tatay
B. Ate
C. Mama
D. Kuya

______35. Paulit-ulit na diyalogo sa ng kanyang Mama sa tuwing nalalaman niyang hindi na naman siya nagsalita upang
ipagtanggol ang kanyang sarili.
A. “Ang lahat naman ay magagawan ng paraan”.
B. “Hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa pagsasalita.”
C. “Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para makapagsalita at utak para makapag isip”.
D. “Ang internet ang nagsisilbing Mendiola ko at naming mga kabataan ngayon”.
______36. Motto ng Mama ni Abegail.
A. “Ang lahat naman ay magagawan ng paraan”.
B. “Hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa pagsasalita.”
C. “Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para makapagsalita at utak para makapag- isip”.
D. “Ang internet ang nagsisilbing Mendiola ko at naming mga kabataan ngayon”.

______37. Pangunahing kaisipan ng talatang Napag-isip-isip ko na kahit sa lipunan ay makatutulong kaming mga kabataan
sa pamamagitan ng internet, hindi ba’t kami rin naman ang sinasabing kinabukasan ng ating bayan?
A. Sa lipunan mas nakakatulong ang mga kabataan sa pamamagitan ng internet.
B. Sa lipunan ay maaring makatulong ang mga kabataan sa pagbahagi ng saloobin sa tulong ng tamang paggamit
ng internet.
C. Sa lipunan ay nakakatulong ang kabataan gamit ang internet dahil sila ang kinabukasan ng bayan.
D. Sa lipunan ang kabataan ang kinabukasan ng bayan.

______38. Naitutulong ng paggamit ng mga pangunahin at pantulong na kaisipan.


A. Upang maging maganda ang talata.
B. Upang madaling matukoy ang pangunahin at pantulong ng kaisipan.
C. Upang lubos na maunawaan ang nais iparating sa mga mambabasa.
D. Upang maging kawili-wili ito sa mga mambabasa.

______39. Ang _________ay ang kaisipan o ideya na binibigyang diin sa talata.


A. Diwa
B. Mensahe
C. Konsepto
D. Kaisipan

______40. Ano ang tawag sa isang sulatin na kadalasang naglalaman ng pananaw ng may katha, pagpuna, opinyon,
impormasyon, obserbasyon, kuro-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, alaala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang
tao?
A. Maikling kuwento
B. Sanaysay
C. Talambuhay
D. Talumpati

______41. Ano ang tawag sa uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing
pag-aaral at malalim na pag-unawa?
A. Pormal
B. Ganap
C. Di-pormal
D. Di-ganap

______42. Ano naman ang tawag sa uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-
araw at maaring personal?
A. Pormal
B. Ganap
C.di-pormal
D. Di-ganap

______43. Ito ay pinakamahalagang bahagi ng sanaysay sapagkat una itong tinitignan ng mambabasa at dapat may
nakapupukaw na atensyon.
A. Katawan
B. Pamagat
C. Panimula
D. Wakas

______44. Ito ay bahagi ng sanaysay kung saan makikita ang pagtalakay sa mahahalagang punto ukol sa tema at
nilalaman.
A. Katawan
B. Pamagat
C. Panimula
D. Wakas
______45. Ito naman ang bahagi ng sanaysay na nagbubuod sa talakayang naganap.
A. Katawan
B. Pamagat
C. Panimula
D. Wakas

______46. Ito ang elemento ng sanaysay na tumutukoy sa paksang tatalakayin.


A. Anyo at istruktura
B. Kaisipan
C. Tema at nilalaman
D. Wika at istilo

______47. Ito ang elemento ng sanaysay na naglalahad ng mga ideyang tinatalakay at karaniwang magkakaugnay.
A. Anyo at istruktura
B. Kaisipan
C. Tema at nilalaman
D. Wika at istilo

______48. Ito ang elemento ng sanaysay na naglalahad nang maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari.
A. Anyo at istruktura
B. Kaisipan
C. Tema at nilalaman
D. Wika at istilo

______49. Ito ang elemento ng sanaysay na naglalahad na dapat gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.
A. Anyo at istruktura
B. Kaisipan
C. Tema at nilalaman
D. Wika at istilo

______50. Anong teoryang pampanitikan ang masasalamin sa sanaysay na “Ang Ningning at Liwanag”?
A. Feminism
B. Sikolohikal
C. Naturalismo
D. Sosyolohikal

You might also like