You are on page 1of 7

THIRD PERIODICAL TEST IN FILIPINO 7

NAME: ____________________________ GR.& SEC._________ SCORE:________

MARAMIHANG PAGPILI (MULTIPLE CHOICE)


Directions: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba at tukuyin kung ano ang tinutukoy nila mula sa
mga ibinigay na pagpipilian sa ibaba ng bawat isa. Isulat ang titik ng iyong sagot nang direkta sa
patlang.

_____1. Ano ang tawag sa pagbibigay-diin o lakas sa pagbigkas ng salita?


A. pantig C. tono
B. diin D. antala
_____2. Ano ang tawag sa saglit na pagtigil sa pagsasalita upang maipabatid nang
malinaw ang kahulugan ng pahayag?
A. antala C. tono
B. diin D. pantig
_____3. Bukas luluhod ang mga tala. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
A. listahan C. burador
B. bituin D. papel
_____4. Ito ay tawag sa pagtaas-baba sa pagbigkas ng pantig sa iisang salita. Ito ay maaaring bigkasin
sa mataas at,karaniwan o sa mababang tono.
A. diin C. tono
B. antala D. ponema
_____5. Si Angela/Maria tawagin mo na. Ano ang kahulugan ng pahayag?
A. Ipinatatawag kay Maria si Angela.
B. Si Angela Maria ay ipinatatawag.
C. SI Maria ay tinawag ni Angela.
D. Ipinatatawag silang dalawa.
_____6. Ito ay pahulaan o patuturan.
A. Tulang Panudyo C. Tugmang de Gulong
B. Bugtong D. Palaisipan
_____7. Isa sa mga uri ng bugtong na ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika.
A. Talinghaga C. Palaisipan
B. Bugtong D. Tulang Panudyo
_____8. Ito ay mga simpleng paalala sa mga pasahero na maaari nating matatagpuan sa mga
pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, bus at tricycle.
A. Tugmang de Gulong C. Palaisipan
B. Bugtong D. Tulang Panudyo
_____9. Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang “PARA!” sa tabi tayo hihinto. Ano
ito?
A. Bugtong C. Tulang Panudyo
B. Palaisipan D. Tugmang de Gulong
_____10. Nagpakilala ito na ang ating mga ninuno ay may makukulay na kamusmusan.
A. Tugmang de Gulong C. Bugtong
B. Tulang Panudyo D. Palaisipan
_____11. Isang pangungusap o tanong n may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas.
A. Tugmang de Gulong C. Bugtong
B. Tulang Panudyo D. Palaisipan.
_____12. Ito ay isang suliranin na sinusubok ang katalinuhan ng paglutas nito.
A. Tugmang de Gulong C. Bugtong
B. Tulang Panudyo D. Palaisipan
_____13. Nilalaman din nito ang mga uri ng pasahero, katangian ng drayber at mga pang- araw-araw
na sitwasyon sa pagbibiyahe, pamamasada tulad ng ‘di pagbabayad ng pasahe.
A. Palaisipan C. Bugtong
B. Tulang Panudyo D. Tulang Panudyo
_____14. Ito ay nasa anyong tuluyan itoy gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang
kalutasan sa isang suliranin.
A. Palaisipan C. Bugtong
B. Tugmang de Gulong D. Tulang Panudyo
_____15.Isa sa mga katangian ng bugtong ay, ______________?
A. Sukat C. Palaisipan
B. Pahulaan D. Porma
_____16. Ito ay tumutukoy sa karaniwang kahulugan na mula sa diksyunaryo o salitang
ginagamit sa pinaka karaniwan at simpleng pahayag .
A. denotasyon C. kasingkahulugan
B. konotasyon D. konteksto
_____17. Ito ay pahiwatig at hindi tuwirang kahulugan na maaaring pansariling kahulugan
ng isang tao o pangkat ng iba .
A. denotasyon C. kasingkahulugan
B. konotasyon D. konteksto
_____18. Alin sa sumusunod na pangkat ng salita ang may angkop na mga miyembro?
A. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Jeepney driver, Ferdinand Marcos
B. itim, dilaw, mansanas, asul
C. aso, pusa, elepante, liyon
D. lapis, ballpen, kutsara, papel
_____19. Ang kanyang boses ay nagtataglay ng kapangyarihang bumabalani sa pandinig. Ano ang
kahulugan ng sinalungguhitang salita sa pangungusap na ito?
A. nakabibingi C. umuungol
B. nakalilito D. umaakit
_____20. Nagpatawing-tawing ang dahon habang nahuhulog ito mula sa sanga ng kahoy dahil sa
lakas ng hangin. Ano ang kahulugan ng sinalungguhitang salita ayon sa konteksto ng pangungusap
nito?
A. Nagpaanod-anod C. Nagpatangay-tangay
B. Lumilipad D. Sumasabay-sabay
_____21. Ito ay isang awitin na karaniwang may paksa ng pag-ibig, pangamba, pamimighati,
kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan na maaring ginawa upang maging panukso sa kapwa.
A. awitin/tulang panudyo C. korido
B. tugmang de Gulong D. tulang panukso
_____22. Ito ay mga paalala na maaaring makita sa mga pampublikong sasakyan tulad ng dyip, bus at
traysikel. Karaniwa’y nakabatay sa mga kasabihan o salawikain.
A. awitin/tulang panudyo C. tugmang de gulong
B. awiting bayan D. tulang panukso
_____23. Isang suliranin o uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito.
A. sawikain C. tugma
B. bugtong bayan D. palaisipan
_____24. Alin sa sumusunod na pangkat ng mga salita ang may angkop na miyembro?
A. mangga, malunggay, upo, atis
B. kamote, ubas, ube, gabi
C. talong, malunggay, okra, kalabasa
D. palay, mais, trigo, saging
_____25.Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tugmang de gulong?
A. ang de’ magbayad walang problema, sa karma palang bayad kana
B. isda ko sa Marivelis, nasa loob ang kaliskis
C. Palda, pantalon, jacket, at Pajama
D. bata batuta! isang perang muta!
_____26. Ito ay isang kuwentong nagpasalinsalin-dila mula sa katutubo hanggang sa kasalukuyan.
Karaniwang tinatalakay nito ang mga diyos at diyosa.
A. alamat C. mito
B. kuwentong-bayan D. maikling kuwento
_____27. Ito ay nagkukuwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
A. alamat C. mito
B. kuwentong-bayan D. maikling kuwento
_____28. Kuwentong bunga ng imahinasyon, kadalasan ang mga tauhan ay nakakaaliw
tulad ni Pilandok.
A. alamat C. mito
B. kuwentong-bayan D. maikling kuwento
_____29. Alin sa ibaba ang halimbawa ng alamat?
A. Ang Pilosopo C. Sinukuan
B. Pilandok D. Pinagmulan ng Pinya
_____30. Alin sa ibaba ang halimbawa ng mito?
A. Ang Pilosopo C. Pilandok
B. Ang Hukuman ni Sinukuan D. Pinagmulan ng Pinya
_____31. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng kuwentong-bayan?
A. Ang Pilosopo C. Juan tamad
B. Ang Pinagmulan ng Saging D. Si Pilandok
_____32. Ang mga gumaganap sa kuwento na nagtataglay ng iba’t ibang karakter.
A. kaisipan C. tagpuan
B. paksa D. tauhan
_____33. Ito ay tumutukoy sa lugar na ginaganapan ng mga pangyayari sa kuwento.
A. kaisipan C. tagpuan
B. paksa D. tauhan
_____34. Ito ay nagsasabi kung tungkol saan ang istorya ng kuwento.
A. kaisipan C. tagpuan
B. paksa D. tauhan
_____35.Ito ay nagpapahayag kung ano ang mensaheng napapaloob sa kuwento.
A. kaisipan C. tagpuan
B. paksa D. tauhan
_____36.Ang mga sumusunod ay bahagi ng kuwento maliban sa isa.
A. gitna C. tuktok
B. simula D. wakas
_____37.Ito ang katapusan ng kuwento kung saan na nag-iiwan sa iyo ng mensahe na maaaring
magbigay ng panibagong paniniwala o pagpapahalaga.
A. gitna C. tuktok
B. simula D. wakas
_____38.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang puwedeng gamitin na pagsisimula ng kuwento?
A. kasunod C. pagkatapos
B. noong unang panahon D. sa huli
_____39.Ito ay sentro o pangunahing tema sa talata na kadalasan ay makikita sa unang pangungusap.
A. detalye C. pansuportang kaisipan
B. pangunahing ideya D. wala sa nabanggit
_____40.Mga mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa paksang
pangungusap.
A. detalye C. pansuportang kaisipan
B. pangunahing ideya D. wala sa nabanggit
_____41. Ano ang dulang pantelebisyon?
A. Ang dulang pantelebisyon ay isang pampanitikang panggagaya na ginaganap sa isang
tanghalan.
B. Ang dulang pantelebisyon ay tumutukoy sa mga programang palabas sa telebisyon o mga
produksyong medya.
C. Ang dulang pantelebisyon ay tumutukoy sa mga programang karaniwang ipinapalabas sa
mga teatro.
D. Ang dulang pantelebisyon ay itinuturing na isa sa mga pinakamatandang panitikan sa
ating bansa.
_____42. Saan unang nagsimula ang dulang pantelebisyon?
A. United Kingdom C. Amerika
B. Japan D. China
_____43. Ano ang kauna-unahang itinayong istasyon ng telebisyon sa bansa?
A. ABS-CBN C. GMA
B. Bolinao Electronics Corporation D. TV 5
_____44. Sino ang tinaguriang -Ama ng Telebisyon sa Pilipinas?
A. Bob Stewart C. Fernando Lopez
B. Eugenio Lopez D. James Lidenberg
_____45. Ano-ano ang dalawang pangunahing kategorya sa ilalim ng dulang pantelebisyon?
A. Dulang Primetime at Dulang Pangtanghalian
B. Teleserye at Asyanovela
C. Dulang Seryeng-Pantelebisyon at Balita‘t Serbisyo-Publiko
D. Fantaserye at Reality TV show
_____46. Ano ang kohesyong pangramatika na nagpapatungkol?
A. Anaporik at Kataporik
B. Nominal at Berbal
C. Pangatnig na Pananhi at Temporal
D. Pangatnig na Pandagdag at Panalungat
_____47. Ano ang tawag sa mga salitang humahalili sa ngalan ng tao, bagay at lugar.
A. Anaporik C. Kataporik
B. Pangngalan D. Panghalip
_____48. Ito ay mga panghalip na ginagamit sa hulihan ng pangungusap bilang panimula sa
pinalitang pangngalan sa unahan.
A. Anaporik C. Kataporik
B. Pangngalan D. Panghalip
_____49. Ito ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop,
at pangyayari.
A. Anaporik C. Kataporik
B. Pangngalan D. Panghalip
_____50. Ito ay mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa
hulihan.
A. Anaporik C. Kataporik
B. Pangngalan D. Panghalip
_____51. Ang balita ay isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga pangyayaring
A. naganap na C. kasalukuyang nagaganap
B. magaganap pa D. lahat ng nabanggit
_____52. Ito ay mga katangian ng balita maliban sa isa:
A. Wasto C. maraming detalye
B. Matimbang D. totoo
_____53. Ito ay bahagi ng balita na naglalahad ng karagdagang detalye
A. pamatnubay C. kawastuan
B. kaiklian D. katawan ng balita
_____54.Ang bahagi na ito ay ang sumasagot sa tanong na sino, kailan, ano, bakit, at paano .
A. Katawan C. kawastuan
B. pamatnubay D. katimbangan
_____55. Isinusulat ang balita ayon sa pagkakasunod-sunod na pangyayari batay sa
A. pababang kahalagahan C. tamang kahalagahan
B. pataas na kahalagahan D. wastong kahalagahan
_____56. Ito ay tumalatakay sa buhay pag-ibig ng isang tao katulad ng mga artista kundi ang
pakikipagsapalaran.
A. Romansa at pakikipagsapalaran C. Pag-ibig
B. Tadhana D. Metolohiya
_____57. Ito ay sangkap ng balita na tumutukoy sa pagiging prominente o sa pagiging
kilala ng taong sangkot sa pangyayari.
A. Kabantugan C. Kabantugan
B. Tadhana D. Malalaya
_____58. Katangian ng balita na ang mga datos ay inilahad nang diretsahan, hindi maligoy.
A. Kaiklian C.Kaiklian
B. Makataong Kawilihan D.Kalapitan
_____59. Ito ay isang uri ng balita na tumatalakay sa mga nangyayari sa kumunidad.
A. balitang pambansa C. balitang lokal
B. balitang pambansa D. Balita
_____60. Isang sangkap ng balita na nagkaroon ng malakas na bagyo, lindol, pag-putok ng bulkan at
iba pa, karaniwang pinapaksa ng balita ang mga pinsalang dulot nito.
A. kapansanan C. tunggalian
B. Kalamidad D. Karikitan

You might also like