You are on page 1of 21

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 7
IKALAWANG MARKAHAN
ARALIN 2.4
Panitikan: Epiko
Teksto: Hinilawod: Ang Pakikipagsapalaran ni Labaw
Donggon Wika: Pang-ugnay sa Paglalahad at Pagsasalaysay
Bilang ng Araw: 7 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IIg-h-10)


 Natutukoy ang mahahalagang detalye sa napakinggang teksto
tungkol sa epiko sa Kabisayaan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-IIg-h-10)


 Nailalarawan ang mga natatanging aspektong pangkultura na
nagbibigay-hugis sa panitikan ng Kabisayaan (halimbawa:
heograpiya, uri ng pamumuhay, at iba pa).

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-IIg-h-10)


 Naipaliliwanag ang pinagmulan ng salita (etimolohiya)

PANONOOD (PD) (F7PD-IIg-h-10)


 Nasusuri ang isang indie film ng Kabisayaan batay sa mga elemento
nito.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-IIg-h-10)


 Naisasagawa ang isahan/ pangkatang pagsasalaysay ng isang
pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa mga pangyayari
sa epiko.

PAGSULAT (PU) (F7PU-IIg-h-10)


 Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga
ng mga taga-Bisaya sa kinagisnang kultura.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-IIg-h-10)


 Nagagamit nang maayos ang mga pang-ugnay sa paglalahad (una,
ikalawa, halimbawa, at iba pa).

Ikalawang Markahan | 1
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IIg-h-10)


 Natutukoy ang mahahalagang detalye sa napakinggang teksto tungkol sa
epiko sa Kabisayaan.

II. PAKSA

Panitikan: Mahalagang Detalye sa Epiko


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG

PAGKATUTO Gawaing

Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (WHO’S YOUR FAVORITE SUPERHERO)


Magpapanood ang guro ng isang video clip na nag-iisa-isa sa mga kilalang
superheroes ng bansa.

Gabay na Tanong:

MYang
a. Pamilyar ba sa inyo ALL-TIME FAVORITE
mga ipinakitang PINOY
superheroes? Ano-ano ang
SUPERHEROES
kanilang mga katangian? Magbigay ng ilang mga detalye tungkol sa
kanila. https://youtu.be/rI8TSg9aCPI
b. Paano ba nasasabi na ang isang tauhan ay isang superhero o bayani sa
pelikula man o sa mga akdang pampanitikan?

Pag-uugnay ng guro ng aktibidad na ginawa sa kasalukuyang aralin.

Ikalawang Markahan | 2
2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain. Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

3. Presentasyon
Ano-ano ang mga mahahalagang detalye sa akdang pampanitikang
epiko?
Mungkahing Estratehiya (EPIC SAMPLE)
Ang guro ay magpapapanood/ magpaparinig ng isang halimbawa ng epiko.
Maaaring ipabasa rin sa mga mag-aaral ang mga nakasulat sa bawat slides
ng video clip.

ANALISIS
EPIKO
1. Mula sa inyong napanood, paano mo masasabi na ito ay isang epiko?
https://youtu.be/
2. Batay sa mga pangyayari 3L6JxcLwafw
sa inyong napanood, paano ipinakita ang
kabayanihan ng tauhan?
3. Ano ang naging suliranin ng epiko na inyong napanood/ narinig/ nabasa?
Magbigay ng ilang detalye tungkol sa naging buhay ng pangunahing
tauhan.
4. Gaano kahalaga ang kultura at tradisyon sa isang lugar sa pagbibigay-
hugis sa panitikang Pilipino na tulad ng epiko?
5. Paano mo maiuugnay sa kasalukuyan ang mga aral na kapapanood
lamang na epiko?

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (CONNECT IT)


Batay sa mga naunang gawain, bumuo ng pangkalahatang konsepto ng
tinalakay sa pamamagitan ng pagdudugtong sa mga larawan. Dugtungan ang
pahayag sa ibaba.

Ikalawang Markahan | 3
EPIKO

https://goo.gl/images/N3utha

A P L I Ang
K A sa
S Yepiko
O N ay .

Mungkahing Estratehiya (REACT!)


Basahing mabuti ng guro ang talata. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong
nang may repleksyon sa kasalukuyang pangyayari.

MagbigaySingAngoy
mga detalye tungkol
Ginbitinan sa narinig
at Asu Mangga naay
teksto.
parehong anak ni Labaw
Donggon. Sa pakikipagsapalaran ng kanilang ama ay may nakatagpo na
REFLECT!
mandirigma na mas makapangyarihan kaysa kanyang ama.

IV. KASUNDUAN Lingid sa kanila, itinago ang kanyang ama sa loob ng isang lambat
Ikaw
sa may bilang isang anak,
pampang. anong mga
Gumawa katangianang
ng paraan ang dalawang
dapat monganak
taglayin
na
1. matagpuan maipagtanggol
ang ama.
Ano ang kaligirang lamang
Nakipaglaban
pangkasaysayan ang iyong
sila ng
sa likod pamilya?
sa epikong
makapangyarihang
Hinilawod? si
2. Saragnayan
Basahin ang at dalawa
natuklasan
sa nila
apatang
na paraan kung paano
mahahalagang nila matatalo
bahagi at
ng epikong
magiging
Hinilawod.mahina ang kalaban. Nagtagumpay ang dalawang anak at
natagpuan nila angnina
a. Ang Kuwento kanilang ama.at Datu Paubari
Alunsina
b. Ang Pakikipagsapalaran ni Labaw Donggon

Ikalawang Markahan | 4
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-IIg-h-10)


 Nailalarawan ang mga natatanging aspektong pangkultura na nagbibigay-
hugis sa panitikan ng Kabisayaan (halimbawa: heograpiya, uri ng
pamumuhay, at iba pa) .

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-IIg-h-10)


 Naipaliliwanag ang pinagmulan ng salita (etimolohiya).

PAGSASALITA (PS) (F7PS-IIg-h-10)


 Naisasagawa ang isahan/ pangkatang pagsasalaysay ng isang
pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa mga pangyayari sa
epiko.

II. PAKSA

Panitikan: Hinilawod (Epiko)


Ang Pakikipagsapalaran ni Labaw Donggon
Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG

PAGKATUTO Gawaing

Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (STORY BEHIND THE PICTURE)


May ipakikitang larawan ang guro. Hahayaan ang mga mag-aaral na bumuo
ng hinuha batay sa nakita. Maaaring gumawa sila ng isang maikling salaysay/
kuwento tungkol doon.

Ikalawang Markahan | 5
Gabay na Tanong:

a. Ano ang pangunahing pinapaksa ng larawan?


b. Nagaganap ba sa kasalukuyan ang mga pangyayari na nahinuha ninyo
buhat sa larawan?

Pag-uugnay ng guro ng aktibidad na ginawa sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Bakitngmaituturing
3. Paglinang na isang epiko ang akdang Hinilawod?
Talasalitaan

Mungkahing Estratehiya (ALAMIN ANG PINAGMULAN)


Susubuking ipaliwanag ng mga mag-aaral ang pinagmulan ng mga salita sa
ibaba sa pamamagitan ng pagsasagawa ng hinihingi sa bawat bilang.

a. Hinilawod ang pamagat ng epiko. Halawod kung saan ito nagmula.


Ipaliwanag kung saan nagmula ang salitang Hinalawod.

b. Ang salitang magkabiyak ay nangangahulugang mag-asawa. Saan kaya


nagmula ang salitang magkabiyak?

Ikalawang Markahan | 6
c. Binuksan ni Bungot-Banwa ang bintana at agad pumasok ang hangin
mula sa hilaga. Anong salitang-ugat at panlapi ang pinagsama upang
mabuo ang salitang binuksan? Ipaliwanag kung paano ito naging
“binuksan”.

d. Ang salitang interesado ay hiram natin sa ibang wika. Sa anong wika


kaya natin ito hiniram?

e. Bumalik si Labaw Donggon sa kanilang tahanan. Anong salitang-ugat at


panlapi ang pinagsama upang mabuo ang salitang bumalik?

4. Paghinuha sa Pamagat

Mungkahing Estratehiya (WHAT’S WITH THE WORD IN THE TITLE)


Mula sa pamagat na “Hinilawod: Ang Pakikipagsapalaran ni Labaw
Donggon”, mag-iisip ang mga mag-aaral ng mga salita na maaaring iugnay
sa salitang “Pakikipagsapalaran”.

PAKIKIPAGSAPALARAN

5. Pagpapabasa ng Akda

Mungkahing Estratehiya (READERS’ THEATER)


Babasahin ng mga mag-aaral ang epiko sa pamamagitan ng reader’s theater.

HINILAWOD:
ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NI LABAW DONGGON
(Epiko ng mga Bisaya)

Ikalawang Markahan | 7
Ang Pag-iibigan nina Diwatang Alunsina at Datu Paubari
Ipinag-utos ni Kaptan, ang hari ng mga diyos at diyosa na ang magandang
diwatang si Alunsina ay ikasal pagsapit niya sa edad ng pagdadalaga. Maraming
makikisig na diyosa sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang naghangad sa kanyang
kamay subalit silang lahat ay nabigo dahil si Alunsina ay umibig at nagpakasal sa
isang mortal na si Datu Paubari, ang pinuno ng Halawod.
Dahil dito’y nagalit ang mga manliligaw ni Alunsina at nagkaisa silang
gantihan ang bagong kasal. Binalak nilang sirain ang Halawod sa pamamagitan
ng isang malaking baha. Mabuti na lamang at nalaman ni Suklang Malayon,
kapatid ni Alunsina ang maitim na balak ng mga nabigong manliligaw kaya’t ang
magkabiyak ay nakatakas patungo sa isang mataas na lugar kaya’t sila’y
nakaligtas sa baha. Bumalik lang sila nang napawi na ang baha. Tahimik silang
nanirahan sa bukana ng Ilog Halawod.
Pagkalipas ng ilang buwan ay nagsilang ng tatlong malulusog na sanggol na
lalaki si Alunsina. Labis-labis ang kaligayahan ng mag-asawa sa pagdating ng
kanilang mumunting biyaya. Pinangalanan nilang Labaw Donggon, Humadapnon,
at Dumalapdap ang tatlong sanggol. Ipinatawag nila agad si Bungot-Banwa, ang
iginagalang na pari ng kanilang lahi upang isagawa ang ritwal na magdudulot ng
mabuting kalusugan sa tatlo. Nagsunog si Bungot-Banwa ng talbos ng halamang
alanghiran na sinamahan niya ng kamangyan at saka inialay sa isang altar.
Pagkatapos ay binuksan niya ang bintana at sa pagpasok ng malamig na hangin
mula sa hilaga, ang tatlong sanggol ay biglang naging malalakas at makikisig na
Sa tatlong magkakapatid, si Labaw Donggon ang nagpakita ng interes sa
magandang babae. Nang marinig niyang may isang magandang babaeng
nagngangalang Angoy Ginbitinan mula sa bayan ng Handug ay nagpaalam agad
siya sa ina upang hanapin ang dalaga. Pagkalipas ng ilang araw na paglalakbay
sa mga kapatagan, kabundukan, at mga lambak ay narating din niya ang
Handug. Kinausap niya ang ama ng dalaga upang hingin ang kamay ng anak.
Sinabi ng ama na papayag lamang siyang makasal ang anak na si Angoy
Ginbitinan kay Labaw Donggon kung mapapatay niya ang halimaw na si
Manalintad. Agad pinuntahan ni Labaw Donggon ang halimaw at nakipaglaban
siya rito. Napatay niya ang halimaw at ibinigay ang pinutol na buntot nito sa ama
ni Angoy Ginbitinan bilang patunay ng kanyang tagumpay. Ikinatuwa ito ng ama
kaya’t pumayag siyang ipakasal ang anak kay Labaw Donggon. Pagkatapos ng
kasal ay naglakbay ang dalawa pabalik sa tahanan nina Labaw Donggon.

Ang Pakikipagsapalaran ng Panganay na si Labaw Donggon


Sa kanilang paglalakbay ay may nakasalubong silang mga binata na nag-uusap-
usap tungkol sa isang napakagandang dalagang nagngangalang Abyang Durunuun
na nakatira sa Tarambang Burok. Narinig niya mula sa usapan ng mga binata na
sila’y papunta sa tirahan ng dalaga upang manligaw sa kanya. Naging interesado sa
narinig si Labaw Donggon kaya naman pagkalipas lang ng ilang linggong pagsasama
ay inihabilin niya ang bagong asawa sa inang si Alunsina at siya’y naglakbay na
patungo sa Tarambang Burok upang suyuin si Abyang Durunuun.

Ikalawang Markahan | 8
Subalit hindi pa roon nagtapos ang kanyang paghahanap ng
mapapangasawa sapagkat pagkalipas ng ilang panahon nabalitaan na naman
niyang may isa pang napakagandang babae, si Nagmalitong Yawa Sinagmaling
Diwata na asawa ni Burong Saragnayan, ang diyos ng kadiliman. Nais din niyang
mapangasawa ito. Sinabi ni Donggon ang kanyang balak sa dalawang asawa.
Ayaw man nila ay wala silang nagawa. Sumakay si Labaw Donggon sa isang
inagta o itim na bangka at naglayag sa malalawak na karagatan patungong
Gadlum. Naglakbay rin siya sa malalayong kalupaan at sa mga batuhan
hanggang sa marating niya ang Tulogmatian, ang tahanan ni Buyong
Saragnayan. Agad siyang hinarap ni Saragnayan at tinanong kung ano ang
kaniyang kailangan. Sinabi niyang gusto niyang mapangasawa si Nagmalitong
Yawa Sinagmaling Diwata. Pinagtawanan ng Diyos ng kadiliman si Labaw
Donggon at sinabing imposible ang hinahangad nito dahil asawa na niya ang
diwata.
Subalit hindi basta sumuko si Labaw Donggon. Hinamon niya sa isang
labanan si Saragnayan at sila’y naglaban sa loob ng maraming taon. Inilubog ni
Labaw Donggon ang ulo ni Saragnayan sa tubig sa loob nitong taon subalit hindi
pa rin niya napatay ang Diyos ng Kadiliman. Binayo niya ng binayo subalit hindi
rin niya ito nagapi. Sa pamamagitan ng pamlang o anting-anting ni Saragnayan
ay natalo niya ang noo’y nanghihina at pagod na pagod nang si Labaw Donggon.
Ibinilanggo niya si Labaw Donggon sa isang kulungan sa ilalim ng kanyang
tahanan. Samantala, kapwa nanganak ang dalawang asawa ni Labaw Donggon.
Parehong lalaki ang naging anak nila. Ang anak ni Angoy Ginbitinan ay tinawag
niyang Asu Mangga samantalang ang anak ni Abyang Durunuun ay
pinangalanang Abyang Banugon. Nakapagsalita at nakatindig agad ang mga
bata. Hinanap nila kapwa ang kanilang ama.
Sa kanilang paghahanap ay nagkasalubong ang magkapatid sa karagatan.
Naglalakad sa ibabaw ng tubig si Baranugon at lulan naman ng bangka si Asu
Mangga. Napag-alaman nilang kapwa nila hinahanap ang amang mahilig sa
magagandang babae. Naglakbay sila patungong Tulogmatian kung saan nila
nalaman ang ginawa ni Saragnayan sa kanilang ama. Sinabihan nila itong
pakawalan ang kanilang ama. Pinagtawanan lamang ni Saragnayan ang sinabi
ng mga anak ni Labaw Donggon kaya’t hinamon siya ng mga ito sa isang
labanan. Buong tapang na nakipaglaban ang magkapatid kay Saragnayan.
Ngunit napakahusay ni Saragnayan kaya’t hindi nila ito matalo-talo. Bumalik
si Baraugon sa kanilang lolang si Abyang Alunsina upang sumangguni. Dito niya
nalamang ang kapangyarihan pala ni Saragnayan ay nakatago sa isang baboy-
ramo. Mapapatay lamang daw si Saragnayan kapag napatay ang baboy-ramong
kinatataguan ng kanyang hininga. Sa tulong ng taglay nilang anting-anting ay
natagpuan at napatay ng magkapatid ang baboy-ramo. Sa pagkamatay ng
baboy- ramo ay nanghina si Saragnayan kaya’t madali na siyang napatay ng
palaso ni Baranugon. Gayunma’y hindi rin nila nakita ang ama sa bilangguan nito.
Maging ang mga tiyo nilang sina Humadapnon at Dumalapdap ay tumulong na
paghahanap, natagpuan din nila ang ama sa loob ng isang lambat na nasa may
pampang malapit sa bahay ng asawa ni Saragnayan.

Ikalawang Markahan | 9
Subalit wala na ang kakisigan at kagitingan ni Labaw Donggon. Nawala ito
dahil sa matagal na pagkakakulong nang labis na paghahangad sa magaganda,
kahit na may asawa nang babae. Naibalik ng magkapatid sa kanilang tahanan
si Donggon subalit hindi pa rin nawala ang pagnanais nitong makahanap pang
muli ng magandang mapapangasawa. Ikinagalit ito ng kanyang dalawang
asawa subalit ipinaliwanag niyang pantay-pantay ang gagawin niyang
pagmamahal sa kanyang mga asawa. Ipinagdasal ng dalawang babaeng
nagmamahal sa kanya na muling lumakas si Donggon. Hindi nga nagtagal ay
muling nagbalik ang kakisigan at lakas ni Labaw Donggon.

6. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya
Ang guro ay magpapanood ng video clip ng buod ng “Hinilawod: Ang
Pakikipagsapalaran ni Labaw Donggon”.

7. Pangkatang Gawain
LABAW DONGGON
Mungkahing Estratehiya (BIDA- BEST KA)
https://youtu.be/G1WNUAwMzM
Pipili ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin tungkol sa maikling
kuwentong binasa sa tulong ng mga mungkahing estratehiya.

Paksa: Ang Pag-iibigan nina Diwatang Alunsina at DatuPaksa:


Paubari
Ang Pakikipagsapalaran ni Labaw Donggon
Mungkahing Estratehiya: Pagsasadula

1
Mungkahing Estratehiya: Monologo
2
Sa pamamagitan ng pagsasadula, isalaysay ang pag-iibigan
Sa pamamagitan
nina Diwatang
ng monologo,
Alunsina
isalaysay
at Datu
ang
Paubari.
ginawang pakikipagsapalaran ni Labaw Do

Paksa: Aral na Nakapaloob


Paksa: Pag-uugnay
sa Akda sa Kasalukuyan Mungkahing Estratehiya: Talk Sho

3 4
Mungkahing Estratehiya: Jingle/Rap

Ilahad ang aral na natutuhan sa akda


Iugnay samga
ang pamamagitan
pangyayari ng isangsajingle/rap.
sa akda mga pangyayari sa totoong buhay gamit ang estratehiya

Ikalawang Markahan | 10
RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan


Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na nilalaman o kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais nais iparating kaisipan na iparating sa
Kaisipan iparating sa sa manonood nais iparating manonood (1)
o manonood (4) (3) sa manonood
Mensahe (2)
(4)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Istilo/ kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
Pagkama- kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
likhain pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng pangkat
(3) ginamit ng pangkat sa ginamit ng sa presentasyon
pangkat sa presentasyon pangkat sa (0)
presentasyon (3) (2) presentasyon(1)
Kaisahan Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng
ng Pangkat nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang
o pagkakaisa ang bawat pagkakaisa ang bawat miyembro
Kooperasyon bawat miyembro miyembro sa bawat miyembro sa kanilang
(3) sa kanilang kanilang gawain sa kanilang gawain (0)
gawain (3) (2) gawain (1)

8. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

9. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

10. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na
ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Ilarawan ang pangunahing tauhan sa maikling kuwento. Isa-isahin ang


kanyang katangian.
2. Ano ang naging kahinaan ni Labaw Donggon? Paano iyon nakaapekto
sa kanyang pamilya?
3. Kung ikaw ang isa sa mga asawa ni Labaw Donggon, ano ang gagawin
mo sa pagiging mahilig ng iyong asawa sa magagandang babae?
4. Paano nakatutulong ang aspektong pangkultura sa pagbibigay-hugis sa
panitikan ng Kabisayaan, halimbawa na sa epikong Hinilawod:
Pakikipagsapalaran ni Labaw Donggon?
5. Naipakita ni Baranugon at Asu Mangga ang pagdadamayan at
pagmamahalan. Sa inyong pamilya, paano naipakikita ang mga
pagpapahalagang nabanggit?

Ikalawang Markahan |
Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N-(FOR YOUR INFORMATION)


ABSTRAKSYON
Ang Ilog Jalaur o Jalaud sa Iloilo na may sinaunang pangalang
Mungkahing Estratehiya (RIVER OF CONCEPTS)
Halawod ay siyang pinagmulan o tagpuan ng kilalang epiko ng mga taga-
Maglalakbay ang mga mag-aaral sa Ilog Halawod upang mabuo ang
Panay na may pamagat na Hinilawod. Ang epikong Hinilawod na
pangkalahatang konsepto ng akdang tinalakay. Mangisda sa ilog ngunit piliin
nangangahulugang “Mga Kuwento Mula sa Bibig ng Ilog Halawod” ay
lamang ang mga isda na naglalaman ng mga susing salitang makatutulong
isang patulang epiko na isinulat ng mga sinaunang naninirahan sa lugar
sa pagbuo ng konsepto.
na tinawag na Sulod sa Panay. Ang epiko ay binubuo ng 28,000 berso
kaya naman itinuturing itong isa sa pinakamahabang epiko sa mundo.
Katunayan, kung bibigkasin ito sa orihinal na berso, aabot ng tatlong araw
ang pagtatanghal.

Natuklasan ng isang Pilipinong antropologo na si Felipe Landa


Jocano ang Hinilawod noong 1955.

Ang Hinilawod ay binubuo ng apat na mahahalagang bahagi: “Ang


KABABABALAGHAN
Kuwento nina Alunsina at Datu Paubari”, magulang ng tatlong magigiting
na bidang sina Labaw Donggon,
KABAYANIHAN
Humadapnon, at Dumalapdap; “Ang
Pakikipagsapalaran ni Labaw Donggon”; Ang Pakikipagsapalaran ni
ARAL
Humadapnon”; at ang Pakikipagsapalaran
PAIKIPAGSAPALARAN
ni Dumalapdap”.
PAG-IBIG
Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

Ikalawang Markahan | 12
Maituturing na epiko ang akdang Hinilawod sapagkat pumapaksa ito sa
pakikipagsapalaran at kabayanihan ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan
din ito ng aral na maaaring magamit sa pang-araw-araw na buhay.

https://goo.gl/images/CcmGPcHhttps://goo.gl/images/8qDMONhttps://goo.gl/images/hYidN0

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (A SONG FOR YOUR FAMILY)


Lumutang na aral sa akda ang pagmamahal at pagpapahalaga sa magulang.
Sa pamamagitan ng isang awit, paano mo ipararating sa kanila ang iyong
lubos na pagmamahal?

E B A L W A S YHalimbawa:
ON Salamat Sa’yo Ina ni Ronnie
Liang
Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

Salamat
1. Ang tagpuan ngsa ‘yo, ay
epiko aking
angina,
ilogSa tuwing nalulumbay
Halawod kapiling
sa Panay. Ano ang a
Salamat sa ‘yo, aking ina, Dalangin ko
mahihinuha mong hanapbuhay ng mga tao roon?sa Maykapal na pag-ingatan ka
Salamat sa ‘yo Ina
a. magsasaka c. mangingisda
b. mangangaso d. maghahabi ng tela

2. Hinilawod ang pamagat ng epiko. Saan nanggaling ang salitang Hinilawod?

a. Ang salitang Hinilawod ay mula sa salitang ugat na hinila.


b. Ang salitang Hinilawod ay mula sa salitang Halawod dahil ang tagpuan
ng epiko ay sa ilog ng Halawod.
c. May gitlaping –in ang salita.
d. Ang salitang Hinilawod ay mula sa salitang Griyego na halawos.

Ikalawang Markahan |
3. Isa sa mga tradisyong inilahad sa akda ay ang pagbebendisyon ng isang
iginagalang na pari sa mga bagong silang na sanggol. Ano raw ang
maidudulot ng ritwal na iyon sa sanggol?
a. malaking kayamanan c. matipuno at makisig na anyo
b. mabuting kalusugan d. magara at malaking palasyo

4. Madaling mahumaling si Labaw Donggon sa magagandang mga babae.


Nagkaroon na siya ng dalawang asawa ngunit nabalitaan niya ang
gandang taglay ni Nagmalitong Yawa Sinagmalang Diwata. Sa ikatlong
pagkakataon, ninais muli ni Labaw Donggon na mapangasawa ang
nasabing diwata subalit hindi siya nagtagumpay. Bakit?
a. ayaw sa kanya ng babae c. pinigilan sila ng magulang ng babae
b. may asawa na ang babae d. kuwento ng sikolohiya

5. Alin ang sitwasyong nagpapakita ng mensahe ng epikong tinalakay?


a. Iniwan ni Mang Bert ang kanyang mag-ina dahil sa iba. Pagkatapos ng
ilang taon, nagbalik siya sa kanyang pamilya at humingi ng tawad.
Muling siyang tinanggap ng kanyang asawa at anak.
b. Si Leslie ay mabuting kaibigan ngunit walang respeto sa kanyang mga
magulang.
c. Mas minabuti nina Grace na dalhin sa Home for the Aged ang inang
matanda na sapagkat abala sila sa trabaho.
d. Nagtatrabaho sa ibang bansa ang mga magulang ni Ria upang ibigay
ang kanyang mga pangangailangan. Lingid sa kaalaman ng mga
magulang, winawaldas lamang niya ang perang ipinadadala sa
kanyang mga luho.

Sagot:
C B B B A

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng iba pang epiko na bukod sa kabayanihan ay pumapaksa


rin pagbibigay-halaga sa pamilya. Basahin ito at ibuod ang mga
pangyayari.
2. Ano-ano ang mga pang-ugnay sa paglalahad (una, ikalawa, halimbawa,
at iba pa).
Ikalawang Markahan | 14
PAUNLARIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F7PD-IIg-h-10)


 Nasusuri ang isang indie film ng Kabisayaan batay sa mga elemento nito.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-IIg-h-10)


 Nagagamit nang maayos ang mga pang-ugnay a paglalahad (una,
ikalawa, halimbawa, at iba pa).

II. PAKSA

Wika: Mga Pang-ugnay sa Pagsasalaysay o


Paglalahad Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et.
al. Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG

PAGKATUTO Gawaing

Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (LET’S TAKE A QUICK GLANCE)


Magpapanood ang guro ng isang video clip na nagpapakita ng katangiang
pisikal at aspetong pangkultura ng Kabisayaan na maaaring magbigay-hugis
sa panitikan ng rehiyon.
Gabay na Tanong:
VISAYAN CULTURE
https://youtu.be/_xFpsLYaodo
a. Sa napanood ninyong video clip, ilahad sa pamamagitan ng paglalarawan
ang mayamang kultura ng mga Bisaya?
b. Paano mo ihahambing ang kultura ng Kabisayaan sa kultura sa Luzon?
c. Batay sa ginawang paglalahad ng kultura ng Bisaya at paghahambing nito
sa kultura ng Luzon, ano ang napansin ninyong mga salita na siya
ninyong ginamit upang maglarawan o maghambing?

Ikalawang Markahan |
Pag-uugnay ng guro ng aktibidad na ginawa sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain. Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

3. Presentasyon
Bakit mahalaga ang paggamit ng pang-ugnay sa pagsasalaysay o
paglalahad
Mungkahing Estratehiya tungkol sa isang paksa?
(SINE TIME!)
May ipapanood na trailer ng isang indie/ short film ang guro. Habang
nanonood ay magsusulat na ng mga detalye ang mga mag-aaral upang
magamit nila sa pagbuo ng mga pangungusap na naglalahad o
nagsasalaysay ng mga detalye tungkol sa kanilang napanood.

Pagkatapos manood, mag-uunahan na ang mga mag-aaral sa bawat pangkat


PALAD TA
na makabuo ng tatlong pangungusap ANG
na gumagamit ng mga pang-ugnay sa
paglalahad o pagsasalaysay. NAGBUOT
(Our Fate Decides)
https://youtu.be/

ANALISIS

1. Paano kayo nakabuo ng mga pangungusap na naglalahad ng mga


detalye sa napanood ninyong video clip?
2. Ano-anong mga salita ang nag-uugnay sa bawat detalye sa
pangungusap?
3. Paano ginagamit ang mga salitang ito sa pangungusap?
4. Gaano kahalaga ang mga salitang iyon sa pagbuo ng isang mabisang
pangungusap?
5. Ano ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa mga pangungusap?
Paano ito nakatutulong sa mga pahayag?

Ikalawang Markahan | 16
Pagbibigay ng Input ng Guro

DAGDAG KAALAMAN- (FOR YOUR INFORMATION)

PAGSASALAYSAY O PAGLALAHAD

Ang Pagsasalaysay o Paglalahad ay karaniwang paraang


ginagawa ng tao para maipaliwanag, mailarawan at makapagbigay
impormasyon tungkol sa kanyang mga karanasan, ideya o paninindigan
ukol sa isang paksa.

Mga Pahayag na Karaniwang Ginagamit sa Pagsasalaysay


o Paglalahad

 Sa Pagsasalaysay ng isang Kuwento - ginagamit ang pang-ugnay na:


isang araw, samantala at iba pa

 Sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari o Pagbibigay ng Hakbang


- ginagamit na pang-ugnay ang : una, ikalawa, ikatlo, kasunod,
panghuli

 Sa Paglalarawan - karaniwang gumagamit ng mga salitang: ang mga


katangian ay, ang itsura ay, ang ayon ay, ang kulay ay, ang lasa ay,
atbp.

 Sa Paghahambing- ginagamit ang mga salitang: pareho sa, magkaiba


sa, magkalayo ang katangian sa, sa kabilang banda

 Sa paglalahad ng Sanhi o Dahilan- ginagamit na pang-ugnay: dahil


sa, sapagkat, palibhasa

 Sa Paglalaad ng Suliranin at Solusyon - gumagamit ng: ang problema


ay, ang suliranin ay, ang diperensya ay, ang tanong ay, ang sagot
diyan ay, ang solusyon ay

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 ni Elma M Dayag et. al

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (ARRANGE THE JUMBLED WORDS)


Aayusin ng mga mag-aaral ang mga ginulong salita upang mabuo ang
pangkalahatang konsepto ng aralin.

Ikalawang Markahan |
mabisang ang mga pang-ugnay pagsasalaysay

nakatutulong ay paglalahad at

Sagot:

A P L IAng
K A mga
SYO N
pang-ugnay ay nakatutulong sa mabisang paglalahad at
pagsasalaysay.
Ginabayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (MAKE YOUR OWN RECIPE)
Isa sa mga maaaring kakitaan ng pang-ugnay ay ang iyong naglalahad ng
mga hakbang. Mag-isip ng resipe o hakbang sa pagbuo ng isang bagay.
Ilahad mo ito sa mga patlang sa ibaba sa tulong ng mga salitang ginagamit
sa paglalahad ng pagkakasunod-sunod tulad ng una, ikalawa, ikatlo,
kasunod, huli. Tiyaking kapag sinundan ang hakbang o prosesong inilahad
mo ay angkop o tama ang kahihinatnan.

Una

Ikalawa

Ikatlo

Kasunod

Panghuli

Malayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (Madali Lang ‘Yan)
Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Alamin kung ano ang pang-
ugnay na ginamit sa paglalahad.

1. Mahusay si Ana sa kanilang klase, palibhasa siya ay matiyagang mag-


aral.
2. Malawak ang lupain ni Mang Pedro sa bukid, ang problema, wala
siyang makuhang magsasaka.
3. Isang araw,naglalakad si Marlo, nakakita siya ng isang pulubi na labis
niyang kinaawaan.
4. Kasunod nito, kinakailangang ihain sa mesa nang mainit ang nilutong
sopas.

Ikalawang Markahan | 18
EBALWASYON

Panuto: Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Pagkatapos ay sagutin


ang tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Si Labaw Donggon ay mahilig sa magagandang babae, siya


ay isinilang na magandang lalaki. Alin ang tamang pang-ugnay sa
pangungusap?
a. sapagkat b. upang c. bunga d. hindi

2. Sumakay si Donggon sa isang maitim na bangka, may hangarin


siyang hanapin ang dalaga.
a. bagamat b. totoo c. palibhasa d. gayon

3. Isang araw, may narinig na balita si Labaw na nagsilang ng tatlong


malu[usog na sanggol si Alunsina. Alin ang pang-ugnay sa pangungusap?
a. isang araw b. nagsilang c. may narinig d. malulusog

4. Ang mga salitang “ una, ikalawa, panghuli ” ay mga pang-ugnay na


ginagamit sa :
a. paghahambing c. pagsusunod-sunod ng pangyayari
b. paglalarawan d. paglalahad ng sanhi

5. Nagtagumpay si Donggon na mapaibig ang napakagandang si Abyang


Durunuun., hindi pa roon nagtapos ang kanyang
paghahanap ng mapapangasawa. Ano ang salitang pang-ugnay ang
makabubuo sa pahayag?
a.samantala b. subalit c. kung kaya’t d. palibhasa
Sagot:
A C A C B

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Maghanap ng mga larawan na nagpapakita ng kultura at paniniwala ng


mga Bisaya.
2. Humanda sa pagsulat ng Awtput 2.4. Magdala ng mga materyales sa
paggawa nito.

Ikalawang Markahan |
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F7PU-IIg-h-10)


 Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng
mga taga-Bisaya sa kinagisnang kultura.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 2.4


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et.
al. Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG

PAGKATUTO Gawaing

Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya (LET’S WATCH AGAIN)


Isang video clip ang muling ipapapanood ng guro tungkol sa pagpapahalaga
ng mga Bisaya sa kanilang kultura.

Gabay na Tanong: VISAYAN CULTURE


a. Paano pinahahalagahan ng mga Bisaya ang kanilang mga magulang?
https://youtu.be/_xFpsLYaodo
b. Paano nila ipinakikita ang pagmamahal o paggalang sa kapamilya, may
pagkukulang man o wala?
c. Ano-anong ritwal o paniniwala mayroon ang kanilang kultura na
masasalamin sa kanilang panitikan?
d. Ano-anong tradisyon mayroon sila na nananatili noon hanggang ngayon?

Ikalawang Markahan | 20
2. Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS

GOAL: Naisusulatangisangtekstongnaglalahadtungkolsa pagpapahalaga ng mga taga-Bisay

ROLE: Bilang isang manunulat/blogger sa wordpress.com, inatasan kang sumulat at magla

AUDIENCE: Mga mag-aaral, mga mahilig magbasa o mananaliksik

SITUATION: Nais ng wordpress.com na mag-publish sa kanilang website ng mga artikulo na nagpa

PRODUCT: Sanaysay/ Lathalain

STANDARD: RUBRIKS NG AWTPUT


Lubos na nagpapakita Nagpakita ng Ang nilalaman ng
ORIHINALIDAD ng orihinalidad ang orihinalidad ang talata ay nagmula sa
AT NILALAMAN nilalaman ng sanaysay nilalaman ng mga naisulat nang
(4) (4) sanaysay mga sanaysay
(3) (2)
Napakahusay ng Mahusay ang naging Hindi gaanong
PAGGAMIT NG pagpili sa mga salitang pagpili sa mga mahusay ang naging
SALITA ginamit salitang ginamit pagpili ng mga
(3) (3) (2) salitang ginamit
(1)
Lubos na kinakitaan nang Kinakitaan nang maayos Hindi kinakitaan nang
PAGGAWA NG maayos at organisadong maayos at organisadong maayos at organisadong
TALATA talata ang naisulat na talata ang naisulat na talata ang naisulat na
(3) sanaysay sanaysay. sanaysay.
(3) (2) (1)
KABUUAN (10)

3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Ibuod ang epikong Hinalawod. Gumamit ng mga pang-ugnay sa bawat


pangungusap.
2. Basahin ang maikling kuwentong “Si Pinkaw”. Humanda sa talakayan.

Ikalawang Markahan |

You might also like