You are on page 1of 6

Reviewer – Filipino

Pagpili ng tamang pang-ugnay na panimbang at pang-ugnay na pantulong. Pumili sa mga salita sa kahon.

Subalit at pati saka ngunit o ni kung nang

Dahil sapagkat kaya palibhasa kasi kapag o pag kung gayon

1. Sa panahon ng krisis, tumataas ang presyo ng mga bilihin _______ ang bayad sa kuryente.
2. Hindi ko na siya maantay _____________ ako ay magpapaalam na.
3. Magsasanay ako tuwing hapon ________ nais kong manalo sa timpalak.
4. Mahimbing pa rin ang tulog ni Juan ___________ napuyat siya kagabi.
5. Pagod na si Carlo ________ hindi siya makatulog.
6. Si Patrick ang tumitingin sa mapa ______ si Gary ang nagmamaneho.
7. Maaari tayong tumawid _______ berde na ang ilaw.
8. Alin dito ang dadalhin mo bukas, ang itim na pantalon ______ ang bagong maong?
9. Lapis, pambura, _____ pantasa lang ang kailangan kong dalhin sa pagsusulit.
10. Magaling siya maglaro ng basketbol ________ mas gusto niya ang paglalangoy.
11. Basa ang sahig ng pasilyo _______ nadulas ang bata.
12. Inalagaan at inaruga sila ________ nagawa pa nilang nakawan ang dalawang matanda.
13. Naglaro kami ng basketbol sa labas _______ tinawag kami ni Tatay.
14. Mayabang na siyangayon, __________ nakapag-asawa ng Kano.
15. Sasama ako sa inyo manood ng sine _______ papayagan ako ni Nanay.
16. Marami ang kakainin ko ________ ayaw kong magutom sa mahabang biyahe.
17. Pinagalitan ang mga mag-aaral _______ ang kanilang guro dahil sila ay maingay.

Panuto: Ikahon ang pangatnig sa bawat pangungusap at isulat ang uri ng pangatnig
1. Mabigat ang trapiko kaya nahuli ako sa klase.
2. Naglilinis siya ng silid habang nakikinig siya sa radyo.
3. Magbabasa ako ng aklat o manonood ako ng telebisyon.
4. Hindi kumikibo si Mario kapag malapit si Anna sa kanya.
5. Huwag mo siyang tularan sapagkat masama ang ginagawa niya.
6. Sasabay sana ako kay Maricar pauwi subalit nakaalis na pala siya.
7. Hindi pumasok sa paaralan si Nelia dahil sumakit ang kanyang ngipin.
8. Hindi siya matipid sa pagkain palibhasa marami ang perang baon niya.
9. Sa lahat ng ito, dapat nating isipin ang ikabubuti ng nakararami.
10. Naghintay si Nanay sa sala habang nagbibihis si Tatay.
11. Nagmadaling pumunta si Ted sa istasyon ngunit hindi niya naabutan ang tren.
12. Mag-aaral ako nang mabuti upang mataas ang makuha kong marka sa pagsusulit.
13. Kung saan mo kinuha ang gamit ay doo mo rin isasauli.
14. Si Tatay o si Kuya Martin ang susundo sa inyo sa paaralan mamayang hapon.
15. Dapat sabihin ko sa kanya ang katotohanan ngunit ayaw kong magalit siya sa akin.
16. Si Janice ang kakanta dahil siya ang pinakamagaling na mang-aawit sa klase natin.
17. Hindi niya makuha ang tamang sagot bagama’t nakinig siya sa sinabi ng guro.
18. Gusto nilang maglaro sa palaruan pero pinagbawalan silang lumabas ng bahay.
19. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.
20. Sumali sa paligsahan si Danilo kahit sinabi nila na wala siyang pag-asang manalo.
21. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan.
22. Nahuli diumano ang lider ng mga rebelde.
23. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger man ang piliing lider natin.
24. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling lumitaw ang buwan.
25. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang sa palengke ang kanyang ina.
26. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang paghuhusga.
27. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga kaibigang bomoto sa kalaban niya.
28. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong promosyon sa trabaho.
29. Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.
30. Kung ano ang mga nangyayari noon, siya ring mangyayari ngayon
31. Siya raw ang hari ng sablay.
33. Di umano, mahusay umawit si Blanca.
34. Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.
35. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya sa iyo
36. At sa wakas naibigay rin ang kanilang sahod.
37. Anupa't pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para makaahon sa kahirapan.
38. Hindi lahat ng lokal na produkto ay naipagbibili o nakukunsumo sa mga local na pamilihan. Samakatuwid,
ang ilan sa mga kalakal na local ng isang bansa ay ipinagbibili sa ibang bansa.
39. Bagamat nakahanda na ang budget na 38 bilyon ditto, marami pa rin sa ating mga kababayan ang hati ang
opinion ukol dito.
40. Sa kabilang dako, patuloy pa rin na pinag-uusapan ang paghahati ng lalawigan kung saan maging ang iba’t
ibang sector ng lipunan ay nahahati ang kanilang mga pananaw kung dapat nga bang magkaroon pa ng Quezon
del Sur at Quezon del Norte.
41. Dagdag pa nito, na nagbigay ng P50Milyong piso ang Comelec upang gamiting panggastos sa isasagawang
plebesito.
42. Gayunman, sa usaping ito ay nahahati rin ang mga pananaw ng mga taga Quezon, mayroong nalulungkot at
mayroon namang natutuwa.
43. Mayroon ding nagsasabi na baka isugal lamang ang gagawing pagkakaroon ng Quezon del Sur at del Norte
subalit mas magiging aba ang isa sa kanila.
44. Ang apo naman ni Quezon na si Manuel Roxas 111 ay hindi rin pumapayag na mahati ang Quezon sapagkat
aniya’y ang lalawigan ng Aurora at Marinduque ay dating sakop pa rin ng Quezon.
45. Bunga nito, dapat rin umanong mag-isip ang lahat kung dapat nga bang mahati ang Quezon o hindi at kung
anong naghihintay na kapalaran sa mga Quezonian.

Pagpili ng tamang pangatnig


Panuto: Salungguhitan ang tamang pangatnig sa loob ng panaklong.
1. Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw (ngunit, upang, dahil) maiwasan masira
ang mga ngipin.
2. (Dahil, Subalit, Kaya) hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para maglaro
ngayong umaga.
3. Inaantok ka pa (habang, bago, kasi) hatinggabi ka na natulog kagabi.
4. Kumakanta sila ng “Lupang Hinirang” (hanggang, habang, parang) itinataas ang watawat ng Pilipinas.
5. Magdasal muna tayo (bago, kaya, at) tayo kumain ng hapunan.
6. Matutuloy ang camping natin (at, subalit, kung) hindi masama ang panahon bukas.
7. Tumatahol ang mga aso (kapag, ngunit, hanggang) may taong kumakatok sa pinto.
8. Ano ang kulay ng sasakyan ninyo, pula (at, o, pero) puti?
9. Mahilig siya magbasa ng aklat (at, upang, sapagkat) magsulat ng maiikling kuwento.
10. Tumakbo nang tumakbo ang usa (hanggang, habang, samantalang) nakarating ito sa gitna ng gubat.
11. Naglalaro ang anak niya sa labas (pero, para, habang) may kinakausap siya sa telepono.
12. Tumigil ang pag-iyak ng bata (nang, bagama’t, subalit) bumalik ang kanyang ina.
13. Tumawag ako sa bahay ni Tess (upang, ngunit, kapag) hindi pa raw siya umuuwi galling eskuwelahan.
14. Tatawag muli si Alma (kasi, bago, para) makausap ka tungkol sa proyekto ninyo.
15. Gusto pa rin nilang maglaro ng basketbol (dahil, kahit, para) gumagabi na.
16. Alin ang mas gusto mong gawin, manoood ng sine (habang, o, kung) kumain sa labas?
17. (Sapagkat, Ngunit, Bagama’t) mahiyain siya, hindi siya sumagot sa tanong ng guro.
18. Matalinong bata si Jaime (subalit, upang, kaya) hindi mataas ang marka niya sa nakaraang pagsusulit.
19. Naghihirap magtrabaho ang mga magulang mo (kasi, hanggang, samantalang) inaaksaya mo lang ang perang
bigay nila sa iyo.
20. (Subalit, Bagama’t, Dahil) nais niyang mag-aral sa kolehiyo, naghanap siya ng trabaho upang makatulong sa
pamilya.
Paghahambing: Isulat ang uri ng paghahambing (Paghahambing na Magkatulad, Paghahambing na di-
magkatulad, Hambingang Palamang, Moderasyon/Katamtaman)

____ 1. Higit na maraming mag-aaral ang nakilahok sa paligsahan ngayon kaysa nakalipas na taon.
____ 2. Si Rene ay di-gasinong masipag na gaya ni Ramil.
____ 3. Si Chester ay kasinggaling ni Danilo sa pagsayaw.
____ 4. Ang nakita naming buwaya sa lawa ay kasinlaki ng bangka.
____ 5. Ang pagsusulit natin ay di-lubhang mahirap na tulad ng nakaraang pagsusulit.
____ 6. Kasimbata ng anak mo ang pamangkin ko.
____ 7. Ang ani ng mga magsasaka ay mas masagana ngayon kaysa nakaraang taon.
____ 8. Di-hamak na malawak ang lupain niya kaysa bukid ni Mang Dionisio.
____ 9. Ang magkaibigan ay magkasintangkad.
____ 10. Gabutil ang yelong umulan sa Iloilo.
____ 11. Ang koponan namin ay di-masyadong handa na gaya ng koponan ni Coach Alex.
____ 12. Pakiramdam ko ay sinlakas ko na si Herkules!
____ 13. Ang daloy ng trapiko ngayon sa NLEX ay di-gaanong mabigat na tulad ng daloy ng trapiko kahapon.
____ 14. Lalong mahirap ang pamumuhay namin dito kung ihahambing ito sa buhay namin sa probinsiya.
____ 15. Ang halik niya ay kasintamis ng tsokolate.
____ 16. Magkasinsaya ang pagdiriwang ng Sinulog ng Cebu at Dinagyang ng Iloilo.
____ 17. Di-totoong mahal ang binili niyang kompyuter.
____ 18. Hindi gaanong maganda ang dulang ipinalabas sa plasa.
____ 19. Lalong maunlad ang bayan nila kung ihambing sa karatig bayan nito.
____ 20. Kapuwa mahusay na magsayaw ang kambal.
____ 21. Higit na malayo ang probinsiya ng Aklan kaysa Samar.
____ 22. Di-hamak na mura ang mga bilihin sa probinsiya kaysa sa lungsod.
____ 23. Labis ang kasiyahan ni Alaric nang makapanood ng Sinulog.
____ 24. Medyo malakas ang tugtugan ng tambol sa plasa.
____ 25. May kalakihan ang probinsiya ng Cagayan.
____ 26. Labis ang pagmamahal niya sa kaniyang mga magulang.
____ 27. Di hamak na matatangkad ang mga Amerikano sa mga Pilipino.
____ 28. Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng baying ito.
____ 29. Magkamukha lamang ang kultura ng Sinagpore at India.
____ 30. Magkasingganda ang Batanes at Palawan.
____ 31. Mabuti-buti na ang aking pakiramdam.
____ 32. Medyo masama ang tabas ng dila mo.

____ 1. Ang panahon sa Mayo ay higit na mainit kaysa panahon sa Disyembre.


____ 2. Di-gaanong mahal ang bawang ngayon na tulad ng presyo nito noong isang buwan.
____ 3. Ang biyahe sa eroplano ay di-hamak na maikli kaysa biyahe sa barko.
____ 4. Ang pelikulang napanood ko ay mas nakatatakot sa pelikulang Insidious.
____ 5. Ang pagdiriwang ay di-masyadong masaya na gaya ng pagdiriwang kung saan ay buo ang pamilya.
____ 6. Di-gasinong mapagbigay si Lilia na tulad ni Rose.
____ 7. Ang pook na ito ay lubhang mapanganib kaysa bayan ng Sto. Tomas.
____ 8. Para kay Perry, di-gaanong mahirap ang asignaturang Filipino kung ihahambing ito sa Matematika.
____ 9. Mas marami ang kinakain ko sa ahagan kaysa hapunan.
____ 10. Ang dagat ay di-lubhang maalon ngayong umaga na tulad kagabi.

Lantay, Pahambing, pasukdol


1. Ang kanilang bahay ay magara.
2. Higi na masipag si kalabaw kaysa kay baka.
3. Napakayabang ng taong nasalubong ko.
4. Lubhang magaling ang batang yan.
5. Anong suwerte!
6. Malaki ang ipinagbago ng buhay nila.
7. Magkasintangkad ang magkapatid.
8. Siya ang pinakamasipag sa lahat ng mag-aaral.
9. Ubod ng daldal si Ryza Mae.
10. Totoong masipag si Camille sa klase.
11. Walang kasinghusay ang batang sumayaw ng Chacha.
12. Tahimik ang lungsod ng Tuguegarao.
13. Kapwa magagara ang natanggap nilang kotse.
14. Lalong makipot ang mga pook ng Villa Verde kaysa Villa Catalina.
15. Gabundok na labada ang nilabhan ni nanay.
16. Hari ng yabang ang aking kaklase.
17. Di gasinong nakapag-aral si Mila tulad ni Nilo.
18. Magaan-gaan na an gaming dalahin ngayon.
19. Kalakas-lakasan na ang pagbuhat ng dump bell.
20. Di totoong nakakapagod ang magsayaw kaysa maglaba ng damit.

Isulat ang antas ng wika batay sa pormalidad: (Pambansa o Pampanitikan)


1. Asawa
2. Pusod ng pagmamahalan
3. Tahanan
4. Bunga ng pag-ibig
5. Anak
6. Kahati ng buhay
7. Ilaw ng tahanan
8. Ina
9. Ama
10. Haligi ng pamilya
11. Baliw
12. Pulis
13. Pera
14. Maganda
15. Kotse
16. Bunga ng pag-ibig
17. Mga piping hinaing
18. Matinding dagok ng kasawian
19. Kuwarta
20. Kabiyak ng aking buhay

Antas ng Wika: (Lalawiganin, Kolokyal, Balbal)


1. Hinugugma
2. Epal
3. Tapsilog
4. Gurang
5. Adlaw
6. Meron
7. Futbol
8. Ube
9. OA
10. 548
11. Malaysia
12. Manyakis
13. Shonga
14. Munti
15. Sakin
16. Nakain ka na
17. Musta
18. Babaye
19. Tena
20. pikon

Isulat ang uri ng balbal:


1. barat
2. thunder
3. lagay
4. KSP
5. Paki
6. Werpa
7. Majoho
8. Magets
9. Na 123
10. Bagito
11. Tipar
12. NBSB
13. Kano
14. 14344
15. Shunga
16. Ube
17. Bayot
18. Erpat
19. Tisoy
20. dehins

Mga Aral Mula sa Mga Kuwento:

Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan


- Ang masunuring anak ay hindi napapahamak.
- Ang pagmamahal ng magulang sa anak ay walang hanggan.
- Ang katigasan ng ulo ay kalimitang nauuwi sa mga hindi kaaya-ayang pangyayari.
- Igalang at sundin an gating mga magulang.
- Ang paghihinagpis ng magulang sa pagkawala ng anak ay nakapanlulumo.

Epiko ng Hinilawod
- Kahit ano pa man ang nagawang pagkakamali, ang pamilya natin ay nakasuporta palagi.
- Ang pagdadamayan sa pamilya ay isang nakakapagpagaan sa anumang hinaharap na problema.
- Anag maling desisyon sa buhay ay nakapagdudulot ng paghihirap sa pamilya.
- Ang mga lolo at lola ay Malaki ang naitutulong sa pamilya.
- Ang pamilya ang unang tutulong at dadamay sa iyo anuman ang mangyari sa buhay mo.

Ang Kabataan
- Ang paglilihim sa katotohanan ay nakapagdudulot ng hindi pagkakaunawaan.
- Ang pagpapatawad ay nakapagpapagaan sa loob.
- Ang pagsuway sa bilin ng mga magulang ay nagpapakita ng kawalan ng respeto.
- Huwag magdesisyon habang mainit ang ulo sapagkat nakagagawa ng mga bagay-bagay na pagsisihan.
- Ang komunikasyon ay nakatutulong upang maayos ang anumang sigalot.

You might also like